Share

CHAPTER 19

THIRD PERSON POV.

Bumaba ang isang babaeng maganda, maikli ang buhok, singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis ang labi at matangkad.

Inilibot niya ang paningin sa labas ng bahay nila. Matagal rin niyang hindi nakita ang bahay na ito at nakaramdam siya nag pagka sabik na tumira ulit dito kasama ang kaniyang pamilya.

Napangiti siya ng makita ang isang babae na lumabas ng gate.

Hindi parin nag babago ang mukha ng kaniyang ina. Maganda parin ito at mukha parin bata parang walang anak kong tingnan. 

"Janiel anak!" Agad siyang niyakap ng kaniyang ina. "Welcome back, I miss you so much." 

"I miss you too mommy." Matagal niya rin hindi nayakap ang ina dahil pagkatapos ng aksidenteng nangyari ay doon na siya pinaaral ng kaniyang ama sa Paris. 

Kumalas siya sa yakap ng kaniyang ina at ngumiti sa mommy niya.

"Nasaan si Kuya? Ang sabi niya susunduin niya ako sa airport pero hindi ko siya nakita kanina." 

Malalim na bumuntong hininga ang kaniyang ina. "He no longer lives here."

"What? Why?" gulat na tanong ni Jalien sa ina.

"Hayaan mo siya at huwag ng isipin. Pumasok na tayo. I cooked a dinner for you," excited na sabi ng kaniyang ina at hinila siya papasok sa loob ng bahay.

Walang nagawa si Janiel kong hindi ang magpahila sa 'kaniyang ina. Binati naman ka agad siya ng mga katulong at ningitian niya lang ito bilang ganti. 

Hindi niya maiwasan hindi malungkot habang kumakain kasama ang mommy niya. Hindi mawala sa isip niya ang kaniyang Kuya kong nasaan ba ito at kong okay lang ba ito. Sa tagal niyang nawala dito sa Pilipinas alam niyang marami na ang nangyari na hindi niya alam.

"Janiel anak?"

"Po?" bahagya nagulat si Jenial ng tinawag siya ng kaniyang ina.

“Okay ka lang ba?”

“O-Opo. Sorry po, ano po ba ‘yon?”

Bumuntong hininga ang mommy niya. “Ang sabi ko kong nagustohan mo ba ang pagkain o hindi.”

Ngumiti si Janiel ng pilit sa ina at tumango. "Opo, gusto ko po. Thank you po dito."

Ningitian lang siya pabalik ng kaniyang ina sa sinenyasan na kumain nalang ulit.

Nang matapos kumain dumeretso si Janiel sa kwarto niya.

Pagkapasok niya doon napangiti ka agad siya ng makita ang mga gamit niyang nakaayos. Gano'n parin naman ang kwarto niya simula noong umalis siya. Wala parin panibago at nandito parin ang mga mahalagang gamit niya.

Napatingin siya sa picture frame na may litrato nila ng pamilya niya. Nandito ang daddy niya, mommy niya at ang kuya niya. Kumpleto sila dito at masaya. 

"Mababalik pa kaya ulit 'to?" malungkot na tanong niya.

Matagal naring hindi sila ganito. Hiwalay na ang mommy at daddy niya at may bago ng kinakasama ang daddy niya tulad ng mommy niya. Namimiss niya ang mga araw na masaya sila at buo. Hindi niya akalain na masisira pala sila ng gano'n lang.

Ibinalik niya ang picture frame kong saan ito nakalagay at umupo sa kama niya. Inilabas niya ang cellphone niya at tinawagan ang kuya niya. Nakailang tawag siya pero hindi parin sinasagot ng kuya niya ang tawag niya.

Ibababa na sana niya ang tawag ng biglang sinagot ng kuya niya ang tawag niya. 

Nabuhayan siya at napangiti. "Hello Kuya?" masayang sabi niya.

"Janiel? Sorry hindi ko na sagot ka agad ang tawag mo. May ginagawa kasi ako," sabi ng Kuya niya sa kabilang linya.

"Okay lang Kuya pero ang promise mo hindi mo tinupad. Ang sabi mo susunduin mo ako kanina sa airport pero hindi mo 'ko sinundo. Nasaan ka ba? Ang sabi ni mommy hindi ka na nakatira dito."

Narinig niya ang malalim na buntong hininga ng kuya niya at matagal bago nagsalita ulit. "Bukas ko nalang ikwekwento sa 'yo. Good night."

"Kuya-" Nagulat siya ng binabaan bigla siya ng kuya niya ng tawag. Ito ang unang beses na binabaan siya ng Kuya niya ng tawag.

Ano nangyari do'n? Tanong niya sa 'kaniyang isipan. 

Nilapag niya nalang ang hawak na cellphone sa tabi ng lamp at tumayo. Naglakad siya papunta sa closet niya at naghanap ng pangtulog. Nahinto ang paningin niya sa isang kahon.

Wala siyang maalala na may gamit siya na ganito o may gamit na nilagay siya dito.

Akma niya na itong bubuksan ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at iniluwal ito ang kaniyang ama.

"D-Dad…kanina kapa?" nauutal na tanong niya at dali-daling tinago ang kahon pero huli na at nakita ng kaniyang ama. Lumapit ang kaniyang ama sa 'kaniya at kinuha ang kahon. 

"Kailan kapa nakauwi? Bakit hindi ka man lang nagsabi sa 'kin? Ano bang binabalak mo?" madiin na mahinang tanong ng daddy niya sa 'kaniya.

Hindi niya alam kong bakit ibang-iba na ang daddy niya ngayon. Kong dati lagi siyang na mimiss nito ngayon parang ayaw na siya nitong makita pa. Hindi niya alam kong bakit o anong dahilan.

"Dad, umuwi ako dahil na mimiss ko kayo nila mommy. At ayo ko na tumira ng Paris ang boring do'n at mag-isa lang ako do'n," sagot ni Janiel sa ama. 

"Bababalik ka sa Paris bukas na bukas sa ayaw at sa gusto mo."

Tinalikuran siya ng daddy niya dala ang kahon at padabog na isinara ang pinto pagkalabas. 

Kumuyom ang kamao niya at napaupo nalang sa kama niya. "Hindi ako aalis dito sa ayaw at sa gusto niyo rin," madiin na sabi ni Janiel.

***

Pagkagising niya kinabukasan. Nakita niyang nakaimpake na ulit ang mga gamit niya. Dali-dali siyang bumangon at lumabas ng kwarto niya.

Hindi pa man siya nakakababa ng tuluyan nakita niya ka agad mula dito sa taas ang mommy at daddy niya na nagtatalo at nagsisigawan.

"Ano ba talagang ang problema mo ha?! Bakit ayaw mo panatilihin si Janiel dito?" tanong ng mommy niya sa daddy niya. 

"Because I want to protect our daughter!" malakas na sagot ng daddy niya.

"Talaga? You want to protect our daughter or do you just really want to cover up the bad things you did? I haven't been with our daughter for two years because you took her to Paris without even telling me. At ngayong nandito na siya pababalikin mo ka agad siya sa Paris?!" naiinis na tanong ng mommy ni Janiel sa daddy niya.

"Kailangan niyang bumalik sa Paris at alam mo kong bakit! Kapag hindi siya bumalik sa Paris—”

"Paano kong ayaw ko?" Pagputol ni Janiel sa sasabihin ng kaniyang ama. 

Nabaling ang tingin nila kay Janiel ng magsalita ito. Nagsalubong ka agad ang dalawang kilay ng kaniyang ama sa narinig. Bago pa man magsalita ulit ang kaniyang ama ay bumalik ulit siya sa 'kaniya kuwarto at inalabas ang maleta nakaimpake na.

Binuksan niya ang maleta at pinaghahagis ang ang laman nito sa kong saan-saan. 

"Janiel!" malakas at galit na sambit ng kaniyang ama sa pangalan niya.

Imbis na tumigil dahil sa galit na boses ng kaniyang ama ay mas lalo niyang pinag hahagis ang mga damit niya at iba pang laman ng maleta sa kong saan-saang parte ng mga bahay.

Nang maubos ihagis ang laman ng maleta at binuhat niya ang maleta at hinagis sa harap ng kaniyang ama.

"Wala karin pinagkaiba sa kapatid mo!" sigaw ng kaniyang ama. "Pareho kayong matigas ang ulo at pasaway!"

"Nagmana lang po sa inyo."

Ningitian niya muna ang ama ng peke. Bago tinalikuran ito at bumalik sa loob ng kaniyang kwarto. 

Nang maisara ang pinto ng kwarto niya ay sumandal siya sa pinto at nagsisigaw sa inis. Gusto niyang ihagis lahat na mamahaling flower vase dito sa kuwarto niya para mailabas ang inis at galit nararamdaman niya ngayon. 

"Kailangan niya bumalik sa Paris at alam mo kong bakit."

Muli niyang narinig ang sinabi ng daddy niya kanina. Kinuyom niya ang kamao niya dahil naalala niya nanaman ang nagawa niya dalawang taon na ang nakalipas na sobra niyang pinagsisihan. 

Nakainom siya kasi noong mga araw na ‘yon kong kaya‘t hindi niya napigilan ang sarili gumawa ng masama.

Napatingin siya sa pinto ng may kumakatok at narinig ang boses ng mommy niya. Pinunasan niya ang mga luha na pumatak galing sa mata niya bago binuksan ang pinto. 

Bumungad sa 'kaniya ang nag-alalang mukha ng kaniyang mommy.

"Hayaan mo na ang daddy mo. Nababaliw na siya and no one can stop him and his evil plans. Hindi ko nga alam kong bakit minahal ko siya."

Puno ng pagsisi ang boses ng mommy niya noong sinabi ang huli.  

Malalim na bumuntong hininga ang mommy niya at kumuha ng papel at may sinulat doon. Pagkatapos magsulat dali-daling nilagay ng mommy niya ang papel na sinulatan sa kamay niya.

“Address ‘to ng Kuya mo. Puntahan mo siya at magtago ka kasama niya,” pabulong na sabi ng mommy niya.

"Pero ang sabi niyo…"

Hinawakan ng mommy ni Janiel ang kamay niya at huminga ng malalim bago nagsalita. "I am just pretending. Sinadiya kong magalit siya sa 'kin at lumayo para hindi siya mapahamak dahil kilala mo ang daddy mo. Darating ‘din ang araw na maging iba ang daddy mo sa kuya mo."

Napalunok si Janiel ng marinig ang mga sinabi ng mommy niya. Magagawa kaya iyon ng daddy niya na saktan ang kuya niya? Pero bakit? Mahal na mahal ng daddy niya ang kuya niya kaya imposibleng pati ang kuya niya ay madamay sa mga pinagagawa ng daddy niya. 

"Dahil ba…" Bago pa man maituloy ni Janiel ang sasabihin tumango na ang mommy niya.

Hindi na siya magtataka kong bakit gano'n nalang ka desperado ang kaniyang ama na pabalikin siya sa Paris. Pero wala ba siyang tiwala sa anak niya? Hindi niya magagawang hilahin pababa at pagtaksilan ang kaniyang ama. 

Napabuntong hininga si Janiel at tumango. "Sige, pupuntahan ko si kuya. Pero siguro po ba kayo na hindi malalaman ni daddy kong saan nakatira ngayon si kuya? Mommy…you know him. He has a lot of connections. Paano kong isang araw—”

"Sigurado ako dahil ang lugar na iyon ay kami lang ang nakakaalam ng kuya mo. Kaya magmadali kana. Dahil mamaya babalik ulit ang daddy mo dito."

Malalim na bumuntong hininga si Janiel bago tumango sa mommy niya. “Okay.”

Niyakap ni Janiel ng mahigpit ang mommy niya at dali-daling nagdala ng gamit. Hindi niya dinamihan at dinala niya lang ang mga gamit na mahalaga at kailangan niya. 

Ibinigay na rin sa ‘kaniya ng mommy niya ang susi ng kotseng nakatago sa likod ng bahay nila para gamitin sa pagtakas.

Handa na siya sa gagawin dahil sanay na sanay siyang tumakas.

Kaya pati kasalanan niya natakasan niya ng walang kahirap-hirap.

Palabas na sana siya ng kuwarto niya ng makita ang mga tauhan ng daddy niya sa paakyat ng hagdan.

Mukhang pupunta na ang mga ito sa kuwarto niya.

Agad niyang sinara ang pinto at ni lock ng mabuti. 

Nilibot niya ang paningin sa kuwarto niya at naghanap ng pwedeng labasan. Nahinto ang paningin niya sa terasang nasa kuwarto niya. Dali-dali siyang nagtungo doon at tiningnan ang baba kong may tao ba o wala. Laking pasasalamat niya at walang mga tauhan ng daddy niya ang nandoon. 

Kinuha niya ang kumot sa higaan niya at tinali ito ng mabuti at siniguradong hindi ito bibigay sa bigat niya.

Napatingin siya sa pinto ng kuwarto niya ng marinig ang sunod-sunod na katok ng daddy niya at ng mommy niya.  

“Janiel! Lumabas ka ngayon ‘din!” sigaw ng daddy niya. 

“Anak open the door. Si mommy ‘to.” Nagpapanggap lang ang mommy niya na kampi ito sa daddy niya. 

Dalian mo anak. Tumakas kana. Ikamusta mo na lang ako sa kapatid mo. Sabi ng kaniyang ina sa isipan nito at pasimpleng sinulyapan ang dating asawa na galit na galit. 

"Jason sirain mo bilis!" utos ng dati niyang asawa sa kanang kamay nito. Agad naman siya nito sinunod.

Dali-dali tinuon ni Janiel ang kumot sa ibaba na para magsilbing lubid para makababa siya mula dito sa kuwarto niya.

Marahan at maingat siyang bumaba. Laking pasasalamat niya ng nakababa siya ng ligtas at walang kahirap-hirap.

Agad siya dumeretso sa kotse ng mommy niya at pumasok.

Pinaandar niya ito kaya naagaw niya ang atensiyon ng mga tauhan ng daddy niya.

"Bye mga b*bo!" Kinawayan niya pa mula sa bintana ang mga tauhan ng daddy niya at mabilis na pinaandar ang kotse papalayo sa bahay nila.

Buti nalang at bukas ang gate kaya hindi niya na kailangan sirain o sagasaan pa para lang makatakas.

Nakita niya sa side mirror na hinahabol siya ng mga tauhan ng daddy niya kaya mas lalo niya pa binilisan ang pagpatakbo ng kotse at iniliko ito sa kong saan-saan. 

Itinabi niya ang kotse sa kakulay ng kotse niya para malito ang tauhan ng kaniyang ama. Alam niya naman na minsan walang utak ang tauhan ng daddy niya at hindi tumitingin sa plaka ng kotse.

Sa dinami-dami ng nilikuan niya nakatakas rin siya sa tauhan ng daddy niya. Ang tanging gawin niya nalang ngayon ay puntahan ang address kong saan nakatira ang Kuya niya ngayon.

***

Nang makarating siya doon sa address na ibinigay ng mommy niya, dahan-dahan niyang inihinto ang kotse niya sa harap ng bahay ng Kuya niya. Inilibot niya ang paningin at simple lang ang bahay na ito at hindi malaki hindi rin maliit. Sakto lang. 

Bumaba siya ng kotse niya at napatingin sa mga batang naglalaro at nagtatawanan. 

Napangiwi siya dahil hindi niya gusto ang lugar na ito. Marami ngang mga bulaklak na magaganda pero amoy hipon ng paligid at hindi niya 'yon gusto. 

"J-Janiel?" 

Napalingon siya sa tumawag sa 'kaniya at nanlaki ang mata niya ng makita kong sino. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Iba-iba na ito sa dati at ang suot nito ay ibang-iba rin sa suot nito dati nakasanayan niya tingnan. Punong-puno ng pintura ang damit nito ay may mga hawak itong pintura.  

"Kuya Ken." Ngumiti si Janiel at iniyakap ang tinawag niyang kuya Ken.

***

CyLili

New character alert! Sorry medyo sabaw ang update natin ngayon.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status