Share

CHAPTER 20

JELTROD POV.

Tulala lang ako habang nakikinig sa class ni Miss Chong. Iniisip ko ngayon ang gusto sabihin sa ‘kin makailan ni Kate. Hinei kasi natuloy dahil dumating bigla si mama.

“Kaya sasabihin ko na sa ‘yo ang totoo,” seryosong sabi ni Kate sa ‘kin.

“Anong totoo?” tanong ko.

Magsasalita sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Sabay kaming napatingin ni Kate kay mama na naglakad papalapit sa ‘min. Blanko ang mukha niya ng tumingin sa ‘kin at kay Kate.

Huminto siya sa harap namin. “Sige, ituloy mo,” sabi ni mama.

Tiningnan ko ulit si Kate. Bakas sa mukha niya ang gulat at takot. Hindi ko maintindihan kong bakit ganiyan ang reaction niya. Dahan-dahan niya ulit ako tiningnan at napalunok.

“J-Jel,” nauutal na sambit niya sa pangalan ko. Tiningnan ko siya ng nagtatanong na tingin. “I‘m sorry!” Iyon lang ang sinabi niya at kumaripas ng takbo papalayo sa ‘min at dali-daling bumaba ng rooftop.

Hahabulin ko sana siya ng pinigilan ako ni mama. Umiling si mama sa ‘kin at bumuntong hininga. “H‘wag mo na siyang sundan. Hindi importante ang sasabihin niya,” sabi niya.

Hindi ako nakapagsalita at tumingin ulit sa kong saan dumaan si Kate pababa ng rooftop.

Napatingin ako sa upuan niya nakatabi ko lang. Absent siya dahil may sakit daw siya. Iyon ang sabi sa pinadala niyang excuse letter kay Kyle. Hindi ko tuloy maiwasan hindi mag-alala sa ‘kaniya.

Gusto ko siyang puntahan at kamustahin sa bahay nila. Paano kong puntahan ko siya mamaya sa bahay nila o ngayon na kaya? Pero may klase pa at bawal na hindi ako pumasok dahil panigurado akong hahanapin ako ni mama.

“Bakit ganiyan ang mukha mo? Parang pasan mo ang langit at impyerno ah,” bulong ni Scart sa ‘kin.

Sinamaan ko siya ng tingin at mukhang nakuha niya naman ang tingin na iyon kaya natigil siya sa pagtawa at ngumuso. Iniwas ko ulit ang tingin sa ‘kaniya at tumingin sa labas ng bintana ng room namin.

Maya-maya lang may pasimple siyang ibinigay sa ‘kin na chocolate. Hugis puso ito at maganda ang balot. Taka ko siyang tiningnan. Hindi naman Valentines Day para bigyan niya ako ng ganito.

“Kunin mo,” madiin na bulong niya habang ang paningin kay ma‘am.

“Bakit mo binibigay sa ‘kin ‘to?” tanong ko.

“Hindi ko kasi gusto ang mukha mo ngayon ang pangit at may nakapagsabi sa ‘kin na nakakaganda daw ng mukha ang pagkain ng chocolate.”

Mahina akong tumawa. “Sinong baliw ang nagsabi sa ‘yo niyan?”

“So sinasabihan mong baliw ang sarili mo?”

“Ano—”

“Kunin mo na kasi.”

“Teka, ibig sabihin ba nito ay binibigay mo ang puso mo sa ‘kin?” Ngumisi ako at tiningnan siya ng nakakaasar na tingin.

Natigilan siya at nanlaki ang matang binaling sa ‘kin ang tingin. “H-Ha? Hoy maldita! Anong sinasabi mo?!” Malakas na tanong niya kaya napatingin sa ‘min ang mga kaklase namin at si Miss Chong.

Tinaasan ng kilay ni Miss Chong si Scart. Nag peace sign lang si Scart at pabulong na nag sorry. Pagkatapos niya mag sorry. Masama niya ako tiningnan at kinain nalang ang chocolate na ibibigay sana sa ‘kin.

Natatawa akong nag-iwas ng tingin sa ‘kaniya at nakinig kay ma‘am sa discussion.

***

Pagkatapos ko bumili ng inomin bumalik na ako sa pwesto namin ng mga kaibigan ko dito sa canteen. Bubuksan ko na sana ang baon ko nang bigla akong natigilan dahil mag-isa lang ako sa dito sa pwesto namin.

Tanging ako lang dito ang walang kasama sa pagkain. Hindi ko maiwasan hindi mainggit sa mga tao dito sa canteen na kasama nilang mag lunch ang mga kaibigan nila.

Nakakamiss rin pala ang dalawang ‘yon lalo na ang mga asaran at tawanan namin.

“O? Bakit mag-isa ka lang?”

Napatingin ako sa nag salita at si Scart lang pala. Umupo siya sa tabi ko at nilabas ang mga baon niya.

“Bakit ka nandito?” tanong ko.

“Malamang kakain ako dito,” sarkistong sagot niya.

Sumingkit ang mga mata ko. “Ibig kong sabihin ay bakit ka dito umupo? Maraming pwede upuan bakit dito pa?”

Inilabas niya ang kutsara at tinidor niya tapos kinuha ang tupperware ko na may lamang ulam. Binuksan niya ‘yon at kumuha ng isang meatballs at sinubo.

“Sarap nito ah. Ikaw nagluto?” tanong niya at kumuha pa. Hindi niya manlang sinagot ang tanong ko.

Inagaw ko ang ulam ko sa ‘kaniya at inilayo. “Uubusin mo pa yata to, e.”

Nakatatlong kuha siya ng meatballs at anim lang ang nilagay ni papa na meatballs sa baon ko at halos tomato sauce na lahat kaya tatlo nalang ang natira sa ulam ko.

“Damot mo naman,” sabi niya.

Wow ha? Okay lang naman sa ‘kin kumuha siya pero h‘wag naman sana na parang uubusin niya na. Wala na akong ulam, e. Ang dami niya ngang pagkain na baon at masasarap pa tapos iyong pagkain ko ang papakyawin niya. Ang hanep niya naman.

“Hindi ako madamot ‘no. Sobra na kasi iyong kinain mo. Wala na nga akong pagkain tapos uubusin mo pa.” Iniwas ko ang tingin ko sa ‘kaniya at kumain nalang.

Natigil ako sa pag nguya ng nilagyan niya ng steak ang kanin ko. Tiningnan ko siya at sinenyasan niya lang ako ng no problem at kumain nalang daw. Napatingin ulit ako sa steak na binigay niya at ang laki nito kesa sa steak na tinira niya para sa ‘kaniya.

Nilunok niya mo na ang kinakain bago nagsalita. “H‘wag mo ‘ko intindihin diet ako.” Ngumiti siya at bumalik ulit sa pagkain.

“Okay salamat,” sabi ko at kumain nalang.

“Jel may tanong lang ako,” bigla siyang nagsalita habang kumakain ako. Sinenyasan ko lang siya na magtanong. “Ayaw mo parin ba pansinin ang mga kaibigan mo?”

Malalim akong bumuntong hininga bago nagsalita. “Bakit naman ganiyan ang tanong mo?”

“Sagotin mo nalang kasi.”

“Bahala ka nga diyan.”

“Jel alam mo kong ako ikaw. Makikipagbati na ako at papasinin na sila. Hindi ko alam kong ano ang pinag-awayan niyo pero sana mag kaayos kayo.”

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya at hindi nagpahalatang nakikinig. Nagpanggap ako na parang wala lang pakielam habang kumakain.

“Bahala ka baka magsisi ka sa huli kong bakit hindi ka nakipagbati sa ‘kanila.”

Dahil sa sinabi niyang ‘yon natigilan ako at tumingin ulit sa ‘kaniya na ngayon kumakain na ulit.

Ewan pero iba ang impact sa ‘kin noong sinabi niya ‘yon. Paano kong tama siya? Baka nga magsisi ako kong bakit hindi ako nakipagbati. Gusto ng puso ko makipagbati sa ‘kanila pero ayaw naman ng utak ko.

***

Pgkatapos ng class namin dali-dali akong nag-ayos ng upuan namin dahil isa ako sa mga cleaners at tumakbo palabas para habulin si Kyle.

Sabi nga nila sundin ang sinasabi ng puso mo. Ayo ko magsisi sa huli na hindi ako nakipagbati. Mukhang tama naman si Scart na makipagbati ako sa dalawa at miss ko narin silang dalawa.

“Kyle sandali!” tawag ko sa ‘kaniya.

Napahinto siya sa paglalakad at napalingon sa ‘kin ng gulat. Mukhang hindi niya inaasahan na tatawagin ko siya.

Napangiti ako at lumapit sa ‘kaniya. Pinagkrus ko ang mga braso ko bago nagsalita. “Hoy! Bakit ganiyan ang mukha mo? Mukha ba akong multo para magulat ka ng ganiyan?” biro ko.

Nagulat ako ng hawakan niya ang noo ko. Sumingkit ang mata ko at tinabig ang kamay niya.

“May sakit ka ba? Ano nakain mo?” naguguluhang tanong niya.

“Ang OA naman nito.” Hindi siya nakapagsalita. Malalim akong bumuntong hininga bago nagsalita. “Kyle sorry ha,” sinserong sabi ko.

Bigla niya akong inakbayan at ginulo ang buhok ko. “Kailan kapa natuto mag sorry sa ‘kin ha? Ikaw ba talaga si Jeltrod?” natatawang sabi niya.

“Ano ba lumayo ka nga!” sigaw ko pero hindi niya parin ako pinakawalan.

Naramdaman kong napatingin sa ‘min ang mga estudiyante na dumadaan. Nakakahiya tuloy dahil mukha kaming tanga dalawa dito. Hindi na kami bata para ganitohin niya ako.

“Isa Kyle! Sasapakin kita!” banta ko.

Agad niya ako binitawan at napalayo. Masama ko siyang tiningnan at hinubad ang isa kong sapatos. Bago ko pa man siya hampasin tumakbo na siya papalayo kaya hinabol ko siya sa labas ng isa lang ang sapatos na suot.

***

Nandito kami ngayon sa Milk Tea Shop dito sa tapat ng school namin. Ni libre ko siya ng Milk Tea bilang peace offering. Alam ko kasing favorite niya ‘to.

“Ayan may kasama na ‘yang burger ha,” sabi ko at umupo.

“Ang bait naman ng Jeltrod ngayon. Salamat,” nakangiting sabi niya at kinain ang burger.

Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang kumain.

Ang gaan na ngayon ng pakiramdam ko at masaya dahil nakakausap ko na ngayon ang isa sa mga kaibigan ko. Na miss ko rin ang nang-aasar niyang tono kong magsalita dahil noong mga nakaraang araw kasi ang seryoso niya parang hindi siya.

“Kyle, kamusta na pala siya?” Tukoy ko kay Kate.

Natigil siya sa pagkain at nilunok mo na ang kinakain bago sumagot. “Hindi siya okay,” malungkot na sagot niya.

“Mabuti na ba ang pakiramdam niya?”

Umiling siya. “Ang totoo niyan Jel…wala naman talaga siyang sakit. Sinabi niya lang ‘yon dahil ayaw niya ng pumasok ng school.”

“Ano? Bakit?”

Bakit ayaw ni Kate pumasok? May nambubully ba ulit sa ‘kaniya dito? Pero imposibleng may mambully sa ‘kaniya lalo na‘t alam ng mga nambubully sa ‘kaniya na ako ang makakalaban nila. Kaya lang naman siya binubully noon dahil wala siyang kakampi at kaibigan.

Dito kasi sa school binubully ka lang kapag wala kang kaibigan o kasali ka sa mga outcast.

“Hindi ko rin alam kong bakit. Ayaw niya kasing sabihin, e. Kahapon nga pinuntahan ko siya sa bahay nila pero iyong mama niya lang ang nagpakita sa ‘kin dahil ayaw niya daw lumabas ng kwarto niya,” sabi ni Kyle.

Hindi ako nakapagsalita. Malakas ang kutob na may nanyayari ng hindi maganda. Lalo na‘t may gusto siyang sabihin sa ‘kin makailan pero hindi niya masabi-sabi. Siguro isa iyon sa mga dahilan kong bakit natatakot siyang pumasok ng school.

“Kyle pwede bang puntahan natin siya? Gusto ko siyang kamustahin at kausapin. May mga bagay na gusto kong itanong sa ‘kaniya dahil alam kong siya lang ang makakasagot nito,” seryosong sabi ko.

Tumango siya. “Sige, pupuntahin natin siya.”

Pagkalabas namin ng Milk Tea Shop nahagip ng mata ko si Justin kasama ang mga kaibigan niya na nakatambay sa labas ng eskwelahan namin.

Si Scart at kuya Ken nandoon rin at nakikipagtawanan sa dalawa pa nilang kaibigan na si Peter at Druce. Habang si Justin parang may inaantay at panay ang palinga-linga.

Hindi kaya ako ang hinihintay niyang lumabas? Ang assuming ko naman. Baka iba.

Naalala ko naman bigla ang sinabi niya sa ‘kin na gusto niya ako.

“Hoy! Jeltrod!”

“Ha?” Wala sa sarili akong napalingon kay Kyle.

Napatawa siya at tiningnan ang tinitingnan ko kanina bago niya ako tawagin. Napahawak siya sa panga niya na parang nag oobserba. “Diba si Scart ‘yon? Bakit mo siya tinitingnan? May gusto ka sa ‘kaniya ‘no?” nakangising tanong niya.

Hinampas ko siya ng malakas sa braso niya kaya na pa daing siya sa sakit.

Masama ko siya tiningnan. “Sira! Tara na nga!”

Baliw talaga ‘to kahit kailan. Bakit niya naman nasabi na si Scart ang tinitingnan ko at wala akong gusto kay Scart ‘no. Kahit kailan hindi ko magugustuhan si Scart hindi ko type ang singkit.

“Scart, gusto ka ni Jeltrod!”

Nanlaki ang mata ako nilingon si Kyle na kumakaway kay Scart. Napatingin ako kay Scart na ang paningin ay sa amin at gulat. Kong siya nagulat sa sinabi ni Kyle ako mas lalong nagulat dahil hindi naman ‘yon totoo.

Napapikit ako sa inis at binatokan si Kyle. Nakanguso niya akong tiningnan at maya-maya lang ngumisi at tiningnan ako ng nanunuksong tingin.

Hinubad ko ang isang sapatos ko dahilan na mapalayo siya ng kaunti sa ‘kin at tumakbo papasok ng sasakyan niya. Sumunod ako sa ‘kaniya at bubuksan ko na sana ang pinto para sunod na pumasok ng na ka lock na iyon.

“Isa! Buksan mo ‘to! Kapag hindi mo ito binuksan babasagin ko ang salamin nito!” banta ko.

Binuksan niya ang bintana ng kotse niya. “Basta isuot mo na ‘yang sapatos mo dahil nakakatakot ‘yan.”

Isinuot ko ang sapatos ko at nang tumayo ako nanlaki ang mata ko sa gulat ng nasa harap ko na pala si Justin. Hindi ko mapinta ang mukha niya dahil sobrang napaka seryoso. Unang beses na hindi niya man lang ako ningitian.

Inismiran ko siya at papasok na sana sa kotse ni Kyle ng nagsalita siya. “Jeltrod sino siya?” tanong niya at tinuro si Kyle.

“Ah, hi ako pala si Kyle best friend niya ako,” si Kyle na sumagot ng tanong ni Justin.

Napatango si Justin at ngumiti ng pilit kay Kyle. “Saan kayo pupunta?”

Bakit naging interesado siya bigla kong saan ako pupunta? Hindi kaya nag seselos siya kaya hindi mapinta ang mukha niya? May gusto siya sa ‘kin kaya posibleng nagseselos siya. Ganito rin kasi si Kyle pag may kasamang iba si Kate na hindi niya kilala lalo na kapag lalaki. Kahit babae nga pinag seselosan niya, e.

“Pupuntahan lang namin ang kaibigan namin. Sige una na kami—”

“Sandali lang,” pigil niya sa ‘kin. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at ibinigay sa ‘kin. Tiningnan ko siya ng nag tatanong na tingin. “Gusto ko hingin ang number mo,” ngumiti siya.

Napatingin ako kay Kyle na bigla akong tinukso. Inambahan ko siya ng hampas gamit ang bag ko. Ibinaling ko ulit ang tingin sa cellphone ni Justin at kinuha. Inilagay ko ang number ko at pinangalanan narin.

“Nailagay ko na,” sabi ko at ibinigay sa ‘kaniya ang cellphone niya.

Malawak ang ngiti niyang kinuha ang cellphone niya. Napangiti nalang ako dahil nakakahawa talaga ang ngiti niya sa ‘kin.

“Sige, una na ako,” paalam ko.

Tumango siya. “Bye, ingat ka.”

“Ikaw rin.” Ningitian ko siya bago pumasok sa sasakyan ni Kyle.

***

“Hindi ka nag sasabi na may nanliligaw na pala sa ‘yo,” sabi ni Kyle habang nag dri-drive.

Kanina niya pa ako tinutukso kay Justin simula noong umalis kami. Nakakairita na tuloy dahil ang lakas niya mang-asar at manukso sa ‘kin.

“Anong sinasabi mo? Hindi ko siya manliligaw ‘no.” Inikotan ko siya ng mata.

“Hindi mo siya manliligaw dahil…kayo na?”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at naramdaman kong biglang nag-init ang mukha ko. “Hoy! Kyle hindi ‘no! Hindi niya ako nililigawan at mas lalong hindi kami. Hindi ko siya type…” binulong ko ang huli.

“Talaga? Halata ngang may pagtingin ka rin sa ‘kaniya. Lalo na kakaiba ang ngiti mo kanina.” Tinaas-taas niya ang mga kilay niya habang nakangisi.

Hindi na ako nakasagot at tumingin nalang sa labas ng bintana. Napaisip ako kong gusto ko rin ba si Justin. Paano ba malaman kong gusto ko rin siya? Nag ka crush rin naman ako noon pero ang mga crush ko mga anime na lalaki o di kaya mga lalaking fictional character. Never pa ako nag ka crush o nag ka gusto sa totoong tao dahil masiyado mataas ang standards ko at dahil ‘yon sa kanonood at kababasa ng mga libro.

Mga kalahating oras ng makarating kami sa bahay ni Kate. Matagal narin noong pumunta ako dito. Siguro mga last year pa ‘yon. Gumawa kasi kami dito ng project at dito rin ako natulog. Naalala ko tuloy ang mama niya dahil sobrang bait no‘n at maalaga. Iyong papa naman ni Kate hindi na umuuwi sa ‘kanila dahil may iba ng pamilya. Iyon ang sabi sa ‘kin ni Kate.

“Tao po!” sabi namin ni Kyle.

Nakailang tao po na kami ni Kyle pero wala parin lumalabas. Mukhang walang tao sa bahay nila.

“Parang wala naman tao dito,” sabi ko at tiningnan si Kyle.

“Sandali tatawagan ko lang siya,” sabi niya at kinuha ang phone niyang nasa bulsa niya. “Hello nandito kami—” Bigla siyang natigilan at hindi naituloy ang sasabihin.

Taka ko siyang tiningnan pero naistatwa siya sa kinatatayuan niya. Napalunok siya at dahan-dahan na ibinaba ang cellphone niya. Bigla tuloy akong kinabahan sa inaasta niya ngayon.

“Hoy! Okay ka lang? Ano sabi niya? Nasaan daw siya at bakit walang tao—”

“Nasa hospital siya at nag-aagaw buhay,” pagputol niya sa sasabihin ko at kasabay no‘n ang pagbagsak ng mga luha niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status