Share

Trouble After Trouble

Enola's POV

Its been a week since I gave him my final goodbye. Sa huling pagkakataon, tinignan ko ang butas sa ulo ni tandang Adonis.

He was murdered and worse the killer didn't leave any trace. He was a professional assassin, I'm certain.

"I'll surely keep my words." I whispered as I hold a small picture of me and him. Ikalabing walong kaarawan ko nito. I remember him taking me to a shooting site. It was the first time I hold a real gun on my hand. 

It was a great experience which is currently helping me in different way. 

I started drinking my coffee and breath out heavily. It was so peaceful when you peak outside this cafe but I still feel so tired. 

My body was so heavy na parang gusto ko nalang humimlay buong araw, ang problema ay ayaw din namang pumikit ng mga mata ko.

Sa mga ganitong pagkakataon, napapaisip nalang talaga ko kung ano kayang buhay ko kung ibang trabaho ang kinuha ko? 

Mas maligaya kaya ako? Hindi ba ko masasaktan? Hindi kaya ko mawawalan? 

I don't think so but I'm sure it will be a lot easier or better, I guess. Not to mention my parents who also got killed before. What if they are still alive? 

My life would be better if they didn't died, maybe I will be on the medical field or accountancy.

Why does living need to be this hard anyway?

My attention immediately diverted to a girl on the floor. I was cut with my thoughts because of the loud scream from the table next to me. 

"Wow trouble is knocking at my door again." I uttered as I plainly looked at the people surrounding a body. It was dead.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at handa ng rumesponde sa nangyayari. 

May hobby na talaga ko na kahit ayaw ng katawan kong gumawa ng kahit ano? Yung utak ko pakikilusin pa din ako basta krimen.

I was on my way to the body lying on the floor, my eyes are fixed on the victim's body. I have to examine her even in this position so I can assure that I have saw the whole picture. 

I'm almost there ng biglang isang lalaki ang nagpaurong sa mga taong nakapaligid sa isang katawan na nasa sahig.

He was just a little bit taller than me though he is currently on his knees, I can say that he is about 5'7.  He was wearing gloves similar to us detectives but I'm certain he is an employee here because of his apron.

The girl was unconscious on the floor and base on her body position and status, I'm certain that she was killed but with a small weapon.

Both of her arms are bended a little bit backward, parang may humila kanina at malamang na iyon ay para mapatay siya.

There is actually no blood flowing out of her body. I need to examine this. 

I was about to walk towards the victims body when that man started examining the body.

"Where is it?" I heard him whispered as I closed the distance between us. 

What is he looking for?

"Got it."

Hm? Is that a niddle? 

I focused my gaze to what is on his hand and confirmed, it is a needle. But how did he knew where to find it?

"But what if I'm wrong?" I heard him say.

Seriously? This is clearly a crime why is he disregarding his observation?

"Maybe this is just an accident and this niddle is a coincidence."

"No, its not." I finally butted in or else the criminal who did this will probably disappear in no time. "Close all the door and please go back to your original seats."

The people around looked at me as if I was some kind of alien. I really hate this kind of sceanrio where people will look at me like I know nothing about this thing like what the f*ck? I'm a detective since forever.

I immediately took out my license which made them move the way I told them.

"Finally." I bended near the victim's body and wear my gloves which I always have on my left pocket. 

Its because crime can happen anywhere and anytime so I'd better be ready now or never.

"Ah, I see. So the criminal targeted her nape. The person who killed her pulled her arms backward so she cannot fight nor make an alarming noise." I whispered. "Kung di ako nagkakamali dyan siya nakaupo kanina." Pagturo ko sa upuang hindi kalayuan mula sa nakahandusay na katawan ng babae.

"Kung gano'n mayroon lamang tatlong suspek sa pagkamatay ng babaeng ito. Mas mabuti kung isuko mo nalang ang sarili mo kilala na din naman kita." 

Bakas ang pamumutla sa mukha ng tatlong tao na malapit sa mesa. 

Ang isa ay may maikling buhok na maihahalintulad kay dora. May kaliitan at nakasuot ng bilog na salamin sa mata. Base sa pisikal na itsura nito malamang nasa mid-30s na siya.

Nakahawak naman ang isa pang babae sa kaliwang braso nito. Kapansin-pansin ang hawak nitong puting manika sa kaliwang kamay niya. Nasa 20s na ito pero kung titignan mo mapapaisip kang may sakit ito sa utak. Sa pananamit, sa paraan ng pagtingin sa paligid, kung paano siya humawak sa manikang iyon at siyempre ang napakalaking ID na nakakabit sa leeg nito. Rosey Peñaflor.

Ikahuli, ang lalaking may katangkaran. Nakasuot ito ng itim na coat habang mahigpit na hawak sa dalawang kamay niya ang isang case. Malamang na sa kaniya din ang business card na nasa lapag malapit sa katawan ng biktima. Gerald Montecillo, insurance agent.

"A-anong problema sa kaniya? Bakit nakahiga lang siya dyan? Patay na ba siya?" Nanginginig na tanong ni Gerald.

"Malamang na dahil yan sa pamimilit mo sa kaniyang ibenta ang pinaghirapan niyang bahay! Sakim ka kasi alam mo ng may sakit siya sa puso pero ipinilit mo pa din ang gusto mo!" Malakas na sigaw ng babaeng may kaliitan. 

"A-ano pong problema bakit po kayo nag-aaway, mama Sonia? Laro nalang po tayo." Ngumingising sabat ni Rosey. 

"Nasisiraan ka na ba? Marahan kaming nag-uusap kanina. Plano na talaga niyang ibenta ang bahay na yon kaya sigurado kong hindi dahil do'n kaya siya inatake sa puso!" Depensa ni Gerald na mahigpit pa din ang hawak sa case niya.

"Pwede ko bang makita ang nasa loob ng case na 'yan?" Tumingin lang siya sa 'kin saka bumuntong hininga. Dahan-dahan at nanginginig na inabot nito sa akin ang itim na case na tila nag-aalinlangan pa din kung dapat nga ba niya itong ibigay.

Agad kong binuksan ang case matapos ko itong makuha. 

"Sabi ko na eh. Matibay na ebidensya nalang ang kulang."

"Baka makatulong." Napalingon ako ng bahagya sa lalaking nasa aking likuran. Siya yung kanina na may hinahanap sa katawan ng biktima. Grabe, muntik na siyang mawala sa isip ko.

"A needle, right." Agad kong kinuha ang karayom na may kahabaan at masusing pinagmasdan ito. 

"Tingin ko pinatay ang biktima gamit 'yang karayom kaya walang dugo sa paligid. Base sa posisyon ng katawan niya malamang hinawakan yung kamay niya palikod ng upuan para di siya makapanlaban. Yung inuupuan nila medyo nandito sa sulok kaya siguradong walang masyadong makakapansin."

Good observation.

"Kung may makapansin man siguradong di nila pagdududahan yung gumawa." Pagpapatuloy niya.

"At?"

"At-- pasensya na hindi ako sigurado." What f*ck? He is getting there already, ano bang problema nito. "Eh kasi maraming ibang anggulo na pwedeng nangyari sa kaniya kaya nalilito ko." Napakamot nalang ako sa batok at bumuntong hininga.

"Hindi ka nalilito, hindi mo lang pinagkakatiwalaan ang deductions mo." I butted in. "Tama ka. Kung may makapansin man sa killer iisipin lang nila na nakikipaglaro lang yung biktima dito, sino nga naman ang maghihinala sa isip bata, hindi ba Rosey?"

Kapansin-pansin ang agad na pamumutla at pagbago ng ekspresyon ng mukha nito. Agad niyang sinubukan ibalik ang composture niya at ngumiti sa akin.

"Po?"

She's getting into my nerves. She is just making this harder for her.

"Ano bang sinasabi mo? Oo, wala siya tamang pag-iisip pero hindi niya naman yan gagawin, sobrang lapit niya kay tita Marion niya. Isa 'yang kasinungalingan." Sigaw ni Sonia.

"Sigurado ka dyan?"

"Ano? Siyempre! Ako na ang nag-aalaga sa kaniya mula ng mamatay ang mga totoo niyang magulang eh. Mabait ang batang 'to at hindi marunong sumuway kahit may problema siya sa pag-iisip."

"Pero sigurado kong siya ang pumatay. Sige subukan mo kong kumbinsihin na hindi nga siya ang pumatay sa biktima."

"Wala naman po kayong ebidensya." Sabat ni Rosey. Malamang na napansin niyang nahihirapan sa pagsagot si Sonia. Sigurado kong hindi mataas ang naabot na antas sa pag-aaral ni Sonia, base sa pananamit at pagsasalita nito. 

Huli ka na.

"Tama siya! Wala kang--"

Hindi ko na 'to patatagalin dahil mayroon pa kong kailangang gawin. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko saka muling nagsalita.

"Kung may problema talaga siya sa pag-iisip paano niya mac-construct yung ganoong klase ng tanong?"

Napansin ko ang agad na kilabot na bumalot sa mukha ni Sonia. Marahan niyang ibinitaw ang pagkakapit ni Rosey sa kaniyang braso at tinignan ito.

Nakayuko lang si Rosey at tahimik na nakatingin sa manikang hawak niya.

"Paano mo nalaman?" 

"R-rosey? Ikaw nga ba?"

"Dahil sa manika mo. Kung titignan mo yung kanang kamay ng biktima mayroong manipis na puting balahibo sa kuko niya. Sigurado kong napunta yon do'n nung mga oras na pinapatay mo siya." 

"Mukhang ayaw talaga ng mga magulang ko na mabuhay ako sa kasinungalingan. Ang manikang 'to galing sa kanila noong buhay pa sila. Alam mo ba Ms. Detective gusto kong maging doctor noon at kaya naman namin kasi mayaman ang magulang ko. Everything was fine until that lady interfere with our life. She was a lawyer and use her knowledge and skills to get our money, our properties, everything. My parents were frustrated with a sudden bankrupt in our company. Many employee have suffered and they all put the blame on my parents." Naupo ito at muling hinaplos ang manikang hawak niya. "My mom suicide after a month of having a stressful life. My dad was killed on the road by one of our employees. I suffered from mental health issue and if it weren't for her direct confession of her crimes to me I wouldn't be normal right now. Nagising ako sa katotohanan at piniling panagutin siya sa ginawa niya. I'm a murderer pero ganoon din naman siya. My life was ruined and it all started because of that woman's greed. I just wanna know why didn't you consider the agent as responsible for this?" 

"Dahil magkasabwat sila sa maraming krimen at malaki ang makukuha niya kapag natuloy ang pagbenta sa mansion na pagmamay-ari mo naman talaga." Sagot ko habang nakaturo sa case na naglalaman ng mga ebidensya ng kanilang krimen.

"Tama, magkasabwat sila, akin ang bahay na yon. Sa amin iyon, nakuha na niyo na ang lahat ng pera at ibang ari-arian namin pero di pa kayo nakuntento, pasalamat ka nga at hindi kita isinama sa hukay ng babaeng iyan, kung hindi lang dahil sa unica hija mo." May talim sa tingin niya subalit makikitaan mo ito ng sinseredad. "Kinuha niya din ang buhay ng parents ko na kamag-anak niya. Hindi ako makapaniwalang balak niya kong pabayaan lang sa isang orphanage at ibenta ang bahay na pinaghirapan ng parents ko. Isa siyang manloloko at walang konsensyang tao, sinira niya ang buhay ko kaya dapat lang yan sa kaniya. Tama lang ang ginawa ko."

Ang mga salita niya... hindi nagtutugma sa kilos niya. Sigurado kong labag sa loob niya ang ginawa niya subalit wala na siyang pagpipilian sa ngayon dahil hinayaan niyang lamunin siya ng galit.

Ilang minuto pa ay nagsimula ng dumating ang mga pulis. Naaresto si Gerald ganoon din si Rosey habang naaawang tinanaw na lamang siya ni Sonia habang kinukuha ng kapulisan. Marahil napapaisip siya kung bakit ang isang mabuting dalagang tulad ni Rosey ay kailangang lasunin ng mga sakim na matatanda.

Kasakiman? 

Tama ito ang isa sa lason ng lipunan. Gaano na nga ba karami ang kinuha nitong buhay?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status