Share

Chapter 24

Author: NewAuthor
last update Last Updated: 2025-04-15 01:32:48

Raina

"Evo? Bakit nakaupo ka sa wheelchair?" Halos hindi lumabas sa bibig ko ang katanungang iyon. Hindi na ba siya nakakalakad?

"Bakit nandito ka pa sa bahay ko?" malamig ang boses na tanong niya sa akin.

"A-Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong. Pinapalayas na ba niya ako dahil naniwala siya sa mga sinabi sa kanya ng kanyang ina? Naniwala siya na niloko ko siya?

"Gusto kong lumayas ka sa pamamahay ko ngayon din," mariing wika nito.

Seryoso ang mukha nito at para bang malaki ang ipinagbago ng ugali nito. Ramdam ko rin ang galit na tinitimpi niya para sa akin.

"Magpapaliwanag ako, Evo. Hindi totoo ang mga sinabi ng Mom mo sa'yo. Hindi kita niloko," nangingilid ang luha na wika ko sa kanya.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Evo? Umalis ka na sa bahay niya. Ayaw na niyang makita pa ang pagmumukha mo," pagtataboy naman sa akin ni Rina.

Nang itinulak ni Rina papasok ng bahay si Evo ay agad akong sumunod ngunit mahigpit akong pinigilan ni Pit.

"Pati ba naman sa bahay namin ay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 62

    Raina Hindi ko inaasahan na magiging bisita ko ngayong araw si Evo. Nagulat na lamang ako pagbukas ko sa pintuan ay nakita kong siya pala ang kumakatok. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at nais ko siyang yakapin. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon dahil baka maging katawa-tawa lamang ako. Pinapasok ko si Evo at pinaupo sa sofa. Hindi ko ipinahalata sa kanya na natutuwa akong makita siya. "Anong sadya mo sa akin? Bakit ka naparito?" tanong ko matapos maupo sa katapat nitong upuan. Sa halip na sagutin ako ay tinitigan lamang niya ang mukha ko. Nakaramdam tuloy ako ng pamumula ng pisngi dahil sa kanyang mga titig. Pakiramdam ko kasi para akong matutunaw. "May kailangan ka ba sa akin o wala? Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo dahil marami pa akong gagawin." Tila naman nahimasmasan si Evo nang marinig ang huling sinabi ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi. Napapitlag ako sa ginawa niya at agad na binawi mula sa kanya ang aking kam

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 61

    Raina Mala-demonyo ang pagkakangisi ng pinuno ng mga rebeldeng NPA habang nakatitig sa akin. Nakasuot pa ako ng damit ngunit parang hubad na ako sa kanyang paningin. Inihanda ko ang aking sarili sa posibleng gawin niya sa akin. Kahit anong mangyari ay hindi ako papayag na magtagumpay siya sa masama niyang binabalak gawin sa akin. Mamamatay muna ako bago niya magawa ang gusto niya. "Halika, Sweetheart. Lumapit sa akin. Paligayahin mo ako ngayong gabi. At kapag nasiyahan ako ay palalayain ko ang isa sa dalawang nurse na bihag namin," nakangising pangungumbinsi nito sa akin. Akala yata nito ay kaya niyang paikutin ang ulo ko."Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa mga sinabi mo? Ang isang katulad mong demonyo at halang ang kaluluwa ay walang isang salita," mariing sagot ko sa kanya. Pasimpleng inikot ko ang mga mata ko sa paligid para maghanap ng kahit anong bagay na puwede kong ipanlaban sa kanya sakaling ipilit niya sa akin ang sarili niya."Well, tama ka. Wala nga akong isang salita.

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 60

    Raina "Huwag mong isipin na porke't gusto kita at balak gawing asawa ko ay hindi kita kayang patayin," mariing wika sa akin ng pinuno. Muling hinawakan nito ng mariin ang mukha ko at ibinaling paharap sa kanya. "Gaya ng sinabi ko sa'yo, kung gusto mong mabuhay ay kailangan mong sumunod sa lahat ng mga sasabihin ko sa'yo." Mahapdi ang mga labi ko at nalalasahan ko ang maalat na dugo sa bibig ko ngunit hindi ako nagpakita ng takot sa pinuno. Gawin man niya akong asawa ay natitiyak kong papatayin pa rin niya ako kapag nagsawa siya sa katawan ko. Kaya bakit ako susunod sa mga sasabihin niya sa akin? "Kill me if you have balls," nakakuyom ang mga kamao sagot ko sa pinuno. Pabiglang binitiwan ng pinuno ng mga NPA ang mukha ko bago nilapitan ang isang miyembro nito at kinuha mula sa tagiliran nito ang isang matulis na patalim. Inisip ko na papatayin na ako ng pinuno kaya ipinikit ko ang mga mata ko para tanggapin ang ajing katapusan. Ngunit wala akong naramdaman na tumusok sa katawan

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 59

    Raina Pang-apat na araw na ngayon sa araw na taning na ibinibigay ng pinuno para makapagbigay ng ramsom money ang aming mga pamilya. Tiyak na natawagan na nila ang mga number na isinulat ng bawat isa maliban sa akin. Dahil gaya ng sinabi ko ay wala naman silang tatawagan dahil ulila na ako ng lubos. "Sa tingin mo ay magbibigay ng twenty million si Sir Evo para sa ransom money nating dalawa?" Sa labis na pag-aalala ay hindi na nakatiis si Irene na mag-usisa kay Nissi. Ilang araw na lamang ay deadline na kaya naman masyadong anxious na hindi lamang si Irene kundi kaming lahat. "Don't worry, Irene. I believe Evo. Naniniwala ako na hindi niya ako pababayaan," buo ang loob na sagot ni Nissi kay Irene. Matibay siguro ang relasyon nina Nissi at Evo kaya ganoon na lamang kalaki ang tiwala nito sa boyfriend nito. "Hindi ko alam kung makakagawa ng paraan ang pamilya ko na makahanap ng sampung milyon. Masyadong malaki ang hinihinging pera ng mga NPA at natitiyak akong hirap na hirap na ngayo

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 58

    RainaPasalamat ako na hindi ako pinatay ng mga NPA pagkatapos kong lumabas sa aking pinagtataguan. Ngunit hindi man nila ako pinatay ay nakatikim naman ako ng malakas na sampal nang hindi ko sinagot ang tanong nila kung nasaan ang kasama kong volunteer. Ang tinutukoy nilang kasama kong volunteer ay si Alexa.Ikinulong kami ng mga NPA sa loob ng isans silid sa bahay ng baranggay captain. Lihim kong ipinagdarasal na sana ay magawang makatakas ni Alexa para makahingi siya ng tulong sa mga pulis."Ano ang gagawin natin ngayon? Tiyak papatayin nila tayo," umiiyak na tanong ng nurse na si Irene."Ang mga taong iyan ay halang ang mga kaluluwa. Hindi sila natatakot na pumatay ng tao. Kaya ihanda na lang natin ang mga sarili natin dahil tiyak na hindi nila tayo pakakawalan ng buhay," napapailing na komento ni Dr. Salazar. Alam kong takot din siya ngunit hindi niya ipinapakita sa amin ang takot na nararamdaman niya. Buo ang loob nito nang magtungo sa mapanganib na lugar na ito kaya tinanggap

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 57

    Evo"What? Nag-volunteer si Raina para magtungo sa lugar kung saan nangyari anv lanslide?" Bigla akong napatayo nang marinig ko ang hatid na balita ni Pit. Palihim na pinabantayan ko sa kanila si Raina. Hindi ko kasi maintindihan ngunit masama ang kutob ko kay Mike. Maliban sa malayo ang probinsiya na pinuntahan nina Raina ay delikado rin ang lugar na iyon. Mga brutal ang mga NPA na naninirahan doon at wala silang pakialam kahit sino pa ang taong pinapatay nila. Nire-recruit nila ang mga taong takas mula sa bilangguan at mga taong pinaghahahanap ng batas. Hindi kasi madaling puntahan ang kanilang kuta dahil sa mahirap na lokasyon at terrain kaya perfect na pagtaguan ng mga kriminal."Hindi lang si Raina ng nag-volunteer, Sir Evo. Nakita namin na kasama rin si Nurse Nissi at dalawa pang doktor mula sa hospital ng pamilya mo," dagdag pagbabalita ni Pit."Shit! Kailangan kong magpunta sa lugar na iyon para ibalik sila ng ligtas sa siyudad." Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari kah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status