Share

Chapter 6.2

Nagising ako dahil sa katok na narinig ko mula sa pinto ko.

Tumingin ako sa alarm clock ko. It's already 6 o'clock in the evening. Nakaidlip pala ako dahil siguro sa pagod.

"Open the door." It's Axel.

Naalala ko ang ginawa ko sa sasakyan niya. Maniningil ba siya?

"Pwede ba? Bukas ka na lang manermon? I'm not in the mood!" Ipinagpatuloy ko ang pagtulog ko.

Nilakasan niya ang pagkatok.

"Go away!"

Mayamaya ay tumigil na siya sa pagkatok.

Psh. Titigil ka rin naman pala, bakit kailangan mo pang mambulabog ng iba? 

"Get up or I'll throw you out?"

Napabalikwas ako sa narinig ko.

"Y-You—! What are you doing here in my room?! How did you even get in?!"

Nakasuot na siya ng pambahay. Anong oras siya nakauwi? Bakit hindi ko narinig ang pagdating ng kotse niya? Gano'n na ba ako kapagod at napasarap ang tulog ko?

He looks pale, and he's quite sweating.

Nakita kong nakabukas ang pinto ng balcony ko. So, he walked through there?!

"Sira ka ba?! Naglakad ka r'yan?! Paano kung nahulog ka ro'n?! How will I explain it to your mother, huh?!"

Connected ang balcony namin pero hindi madaling makatawid mula ro'n sa kanya hanggang sa balkonahe ko. Isa pa, isang maling galaw mo lang, basag ang bungo mo.

"Worried?" Naupo siya sa sofa ko.

"Ha! Don't fancy yourself! Ayoko lang mapagkamalang mamamatay-tao. Worried, my foot."

Nahiga ulit ako at nagtalukbong.

"Go out. Kahit ngayong gabi lang, bigyan mo naman ako ng kapayapaan. See yourself out. P'wede ka nang dumaan sa pinto ko."

"I'm hungry."

Hindi siya narito para maningil? O baka hindi niya alam na ako ang bumasag sa salamin ng sasakyan niya? Pero nakita ako ng guard. Pero pwede rin na hindi niya ako namukhaan.

"So? Pake ko? Order something. Parang wala kang pera ah."

Ako nga umorder lang, e.

"Cook for me." 

Inis akong naupo sa kama ko.

"Urgh! Magluto ka mag-isa mo!"

"I can't. Besides, we have no groceries."

Oo nga, 'no?

Ayaa, no, forget it. You can't make me, kahit anong excuse pa ang sabihin mo.

"Work hour is done, President Morelli. Now, if you're hungry, it's very convenient for you to order your own food because I'm no longer your secretary nor your janitor! This is our house and not your company. Got it?"

"Oh."

"What do you mean by that 'oh'?"

May inilabas siyang papel mula sa bulsa ng pantalon niya.

"Go and buy all these things. Be back after 30 minutes." He handed me the list.

Tiningnan ko ito.

Mga gulay at prutas ang nakasulat. May karne rin at tinapay.

"Excuse me? Why me? Why didn't you buy it on your way home? May sasakyan ka naman ah.”

"I sent my car in a vulcanizing shop. Someone broke its window."

"Ahh. E, paano ka nakauwi? Pfft, don't tell me, sumakay ka ng taxi?"

"That's none of your business."

"Then, you, being hungry is not my business as well. So, go and buy all your needs!" Isinauli ko sa kanya ang listahan.

Bakit kasi hindi ka kumuha ng kasambahay, e. Sa yaman mong 'yan, wala kahit ni isa? Maaari naman natin siyang pakiusapan na itago ang relasyon na ito.

"You won't go?"

"No. I'm not your maid here, just in case you're not aware."

P'wede naman kasi siyang mag-grocery, bakit ako pa ang uutusan niya?

"Damn, Fane. Go or I will make you?" 

"Damn, Axel. Go and buy it yourself." 

Nangunot ang noo niya. 

"Ano? The door is right there. Goodnight."

Nahiga ulit ako at tinalikuran siya. But then, he grabbed my blanket.

"I said, I'm hungry."

"I said, just order!" Masasakal na talaga kita! "Give me back my blanket!"

Sa halip na isauli niya ang kumot ko ay ang listahan ang ibinigay niya. Pinunit ko ito nang pino.

He smirked. "Fine. I'll teach you a lesson." 

Inilabas niya ang phone niya at nag-dial.

"Who's that? What are you going to do?"

[A rare call from President Morelli, eh? What is it?]

Rare? E, bakit ako, halos minu-minuto na lang tumatawag?

"Who's that?" tanong ko but he ignored me.

"Announce exactly at 10 pm about my marriage. Make sure the news will reach even in Mars."

[Whoa! Hey, are you serious? Payag ba si Shanelle?]

"Just do—" Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay inagaw ko sa kanya ang phone.

"Hello? Sorry for the disturbance. Axel is out of his mind. Don't take his words seriously. Don't you dare announce it! Thank you. Have a good night." Ibinaba ko ang tawag. He took his phone.

Nakakainis! 

"Sabi ko nga pupunta na ako, 'di ba? Ikaw naman, 'di na mabiro. It's a prank! Yey, prank?"

Dali-dali akong nagtsinelas at lumabas ng kwarto. 

"15 minutes! Hintayin mo ako!" 

Wait.

Umakyat ulit ako sa taas at naabutan ko siyang papasok sa kwarto niya.

“Teka!”

“What?”

“Pahiram ng sasakyan mo.”

“Nakasabit do’n sa garahe,” sabi niya bago niya isarado ang pinto.

Heh! Gabi na tapos ako talaga ang uutusan mong mag-grocery?! Wala na talagang mas tatalo pa sa ugali mo!

----------

JIN's POV

"Pffft! HAHAHAHA." 

"Tumahimik ka r'yan kung ayaw mong kaladkarin kita palabas ng bahay ko," banta ni Hendrix

"Awww, that's so rude of you. Pfttt! HAHAHAHA, walanjo! Ang tanga tanga naman, HAHAHA—langya! What's your problem, Hendrix Clifford?!" Bigla kasing nambabato ng aklat, e. 

"You're so annoying. Get lost, Jin Zeke Mendeleev. May t.v. ka naman, bakit narito ka na naman? Are you not busy? Where are your girls? Go home, will you?" 

"My girls? Tsk, I sacrificed my date just to visit you but you're chasing me out? You're so heartless. Kaya wala kang jowa, eh. Magpatali ka na r'yan sa mga dokumento mo. Bagay kayo."

"Tss." 

"Get a life, man. Yours is too boring."

"Fix your life, too. Yours is so complicated. One day, you're really going to end your single life."

"I'm being safe. What the condoms are for?"

"Gross. Why don't you go and buy these stuffs if you have nothing to do?" Ibinato niya ang lukot-lukot na papel sa akin.

"Tangina! Pwede namang iabot nang maayos. Saka, wow, ang gandang papel. Ang ayos niya, grabe."

"Talk to my hand." 

"Pasalamat ka wala akong ibang gagawin."

-------

SHAN's POV

Pinunit ko nga pala ‘yong listahan. Buti na lang natatandaan ko pa ang mga bagay na nakasulat sa papel na 'yon. 

Pagkatapos kong kunin ang huling bagay na nasa listahan, itinulak ko na ang cart papunta sa cashier para magbayad. Guess what I saw. Ang haba ng pila, mga men! Ang active naman ata nila kahit gabi na.

After 10 minutes of waiting, it’s now my turn.

"2,265 pesos po lahat, ma’am."

“Oh.” Kinapa ko ang bulsa ko. Oh no. I forgot to ask for the payment. Sa kamamadali ko kaninang umalis, wala akong dinala kundi ang sasakyan sa labas.

Axel, wala pala akong dalang pera! How could you tell me to by your things when you don’t even give me the money?! 

"Ma’am?" tanong ng kahera. 

"Ah, kasi ano, teka lang, ha. Pwede bang saka ko na lang balikan?"

Kumunot ang noo ng babae.

"Ma’am, don't mess around. Akin na po ang bayad mo. Naibalot na po ang mga pinamili mo oh."

"Ano kasi, wala akong dala. Nakalimutan ko. Babalikan ko, promise. Kukuha lang ako ng pambayad." 

"What?! Look ma’am, we have no time for your pranks. Marami ka ng oras na sinayang, tingnan mo, maraming nakapila at naghihintay. Kaya akin na po ang bayad at makakaalis ka na po. Magsasara na po kami in five minutes."

Lumingon ako. Marami na ngang nakapila at ilan sa kanila ay bugnot na bugnot na sa kakahintay. Pinagtitinginan na naman ako!

“You're wasting our time, ma’am.” Tumahimik ka ate kung ayaw mong supalpalin ko iyang bibig mo. 

Kung uuwi akong walang dala, baka kainin ako ng buhay.

Lord, bigyan mo po ako ng savior ngayon. Pramis, magpapakabait ako sa mga susunod na araw kapag may dumating. 

"Uhm, pwede bang pambayad ‘yong sasakyan—"

"Guard!!"

"Wait—"

“Guard!!”

"Ako na magbabayad. / I'll pay for it," sabay na sabi ng dalawang lalaki habang iniaabot ang kanilang mga ATM card. 

"Back off. I should be the one paying for her groceries."

"Tss, why should you? Miss, heto na. Ako ang magbabayad. Isama mo na itong mga binili ko."

Nagkatitigan silang dalawa. 

"Why? Suntukan?"

“Childish.”

"What an arrogant ass."

"Wait! Hey, stop. Mas lalo tayong pinagtitinginan sa ginagawa niyo oh. Aren’t you aware?" bulong ko sa kanila. 

"Uh, excuse me, sino po ang magbabayad?" pabebeng tanong ng kahera. Tch, sarap talaga sabunutan nito. Kanina kung makasigaw akala mo hindi na babayaran ang mga pinamili ko. Bilhin ko itong buong grocery store makita mo! 

"Ako," sabay ulit nilang sabi. 

Napapikit ako sa pinaggagagawa ng dalawang 'to. Bakit ba kasi dalawa? Okay na po ako kung isa lang ang pinadala mong magbabayad, Lord.

I know that two is better than one, but I guess this quote not applicable this time. 

“Hati na lang po sila sa bayad, ate.”

Umismid sila pareho. Ay wow. Kaloka. 

Mahabagin, sana walang mangyaring suntukan kundi ako na manununtok sa kanilang dalawa. Swear!

“Ihahatid na kita,” sabi ni West habang naglalakad kami palabas ng grocery store. Bitbit niya ang ilan sa mga pinamili ko.

“Bakit mo siya ihahatid? Kilala ka ba niya? Shannie, sa akin ka na sumabay,” singit ni Jin. Pumagitna pa siya sa amin ni West.

“Stop it, guys. May dala akong sasakyan kaya hindi ako sasabay kahit kanino sa inyo.”

Inilagay ni West ang mga pinamili ko sa likuran.

“Thank you.”

“Magkakilala kayo?”

“State the obvious.”

“Hoy, Kaden Weston! Hindi ikaw ang tinatanong ko kaya huwag kang sumabat!”

“I heard no name.”

“Enough! Gosh, mas nakakastress kayong kasama kaysa kay Axel. Oo, Jin. Magkakilala kami. He’s my childhood friend.”

  

“Alam ba ito ni Axel?” bulong niya sa akin.

“Hindi, pero kailangan ba niyang malaman?”

“Lumayo ka sa kanya.” Itinulak ni West si Jin palayo sa akin.

Ambang susuntukin ni Jin si West nang pigilan ko ito.

“Hindi mo siya pagmamay-ari. She’s Axel’s. So, it’s you who should stay away from her.”

Gaahh! This night is so frustrating! Kasalanan ito ni Axel, e!

“Okay.” Umalis ako sa gitna nila. “Go. Magsuntukan kayo.”

They just stared each other.

These men, seriously. Para silang mga bata.

“Tutal may kanya-kanya tayong sasakyan, let’s just part ways here. Babayaran ko na lang ang utang ko sa inyo bukas.” I opened the door. “Ano na? Magtititigan na lang ba kayo r’yan buong gabi? O baka naman hinihintay niyo talaga akong makaalis saka kayo magsusuntukan?”

“Pasalamat ka may bitbit ako.”

“Tch.”

“Shannie, mauna na ako. Goodnight. At ikaw, don’t take advantage of her pagkaalis ko.” Naglakad sa kabilang direksiyon si Jin.

“West.”

“Goodnight, Elle. Drive safely.”

“Hmm. You, too.” Sumakay na ako at nagmaneho paalis.

Humanda ka, Axel.

“Ang tagal mo,” reklamo ni Axel. 

Kasalanan mo.

“Salamat sa magandang bungad. Tulungan mo kaya ako rito.” Inilabas ko mula sa sasakyan ang mga gulay at prutas. Kinuha niya ang mga ito at pumasok sa bahay. Sumunod ako sa kanya.

“You’re hungry, aren’t you? Hintayin mo ako, ipagluluto kita.”

“Did you hit your head somewhere?”

“Psh. Basta maupo ka na lang do’n. Sinisipag ako ngayon, e.”

I can see hesitation in his eyes, but still, he left me.

I will let you taste something hot tonight.

Matapos kong magluto ay inaya ko siya.

“I expected too much from you.”

“Ang sabi ko ipagluluto kita. Hindi ko naman kasi sinabing bibigyan kita ng magarang dinner. Now, eat.”

“What’s this? Pakakainin mo ako ng noodles lang?” 

“Anong noodles lang, kaysa naman sa wala, ‘di ba? Kain na.”

Tinitigan niya ako.

“Why? You’re doubting me? Sus, kahit anong sama mo, hindi pa rin kita lalasunin, ‘no. Wala akong inilagay r’yan bukod sa seasonings, okay?”

He took the fork and started to eat.

“What the hell?!” 

Humagalpak ako sa tawa nang namula ang mukha niya. Iniluwa niya pa ang kinakain niya at nagmadaling maghanap ng tubig.

Nilagyan ko lang naman ng maraming sili ang kinakain niya.

“Here.” 

Kinuha niya ang iniabot ko sa kanyang baso at uminom rito pero ibinuga niya ito.

“HAHAHAHAHAHA. Sorry, mali… HAHAHAHA—I took the wrong glass.”

“Shanelle Fane Krousei!! Do you want to die?!” 

I run away from him when he angrily shouted my name.

“That’s for giving me such a hard time tonight!”

Ha! Akala mo, okay na ah. Pfft! There’s no way I will let you bully me. I will take my revenge on every little evil thing you did to me.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status