Share

Kabanata 7.1

“Good morning, sir!” agad kong bati kay Axel nang makita ko siyang pababa sa hagdan. He looked at me suspiciously. Inayos niya ang necktie niya saka tumingin sa relo niya. Tumingin siya sa akin na parang may naalala. He walked towards me. Nagulat ako nang iangat niya ang kamay niya like he’s going to hit me, so I screamed my lungs out and covered my head and face.

“No! Please, don’t hit me! I’m wrong, I know! Sorry! Sorry na.”  

Naramdaman ko ang paghawak niya sa hood ng suot kong hoodie. Hinila niya ito pataas.

“Hindi na nga mauulit.”

“Who’s going to hit you?”

“You.”

“Tss. What are you wearing? Can you be more formal?”

Tiningnan ko ang suot ko. Okay naman ah. Presentable kaya siya.

“What’s wrong with it? I’m more comfortable with my clothes.”

He let go of my hood.

“You’re early, huh?”

“Of course. I have a work. Right, sir? So, as your secretary, it is my responsibility to wake up earlier than you.” I smiled at him. “You won’t hit me, will you?”

“You’re weird.” You are the weird one. 

“I’m not.”

“You’re not, but you’re crazy.”

Alam mo, wala nang magandang salita ang lumalabas diyan sa bibig mo.

He was about to go out when I stopped him.

“What now?”

“Ang aga-aga, ganyan ang mukha mo, ha. Can you just smile? Like this.” Pinakitaan ko siya ng malawak na ngiti.

“Get lost.”

Psh. 

“Hey, wait! I just want to say; your breakfast is ready.” Isinara ko ang pinto. Itinulak ko siya sa kusina at pinaupo.

“Breakfast is the most important meal, don’t you know? Kain ka na.”

Tinitigan niya lang ang inihanda kong toasted bread at gatas sa harapan niya. 

“Eat it,” utos niya.

“Ha? I have mine. Tsk. Don’t worry, okay? Wala akong inilagay r’yan. Masyado kang judgmental.”

“That’s what you said last night.” Tumayo siya.

“Pfft!”

“Are you laughing?”

“Uh, no!” Ininom ko ang gatas ko.

“Wala talaga. I made your breakfast out of, uhm, care and as an apology. Look.” Kinagatan ko ang bread niya at uminom sa gatas niya.

“Hmm. See? Walang sili. Wala ring suka.” Wala naman talaga akong inilagay rito. Tama na ‘yung kagabi, baka sapakin na talaga niya ako.

Muli siyang naupo.

Wushu, kakain ka naman pala, e.

“Gawan mo ‘ko ulit.” 

“Eh? Ang arte mo. Kainin mo na lang din ‘yan. Hindi ko naman nilawayan, e.”

“Pero kinagatan mo. Go, make another one.”

“Wow. Fine, if you don’t want to eat, it’s not my problem. Akin na nga ‘yan.” I grabbed his glass of milk, but he snatched it away.

“You kissed me though.”

“Y-You…”

“What?”

“Wala. Wait nga. Why are you bringing that out? Ahh, first kiss mo ako, ‘no?”

Tumigil siya sa pagkagat sa tinapay.

“Ohh. Really? First kiss mo ako? HAHAHAHA. Wait, so, the renowned Axel Min Morelli is still a virgin? Pfft! Wow.”

The side of his lips curled up.

“Are you sure with that?”

“Sure, with what? With the fact that I’m your first kiss, or you are a virgin?”

He grabbed my arm and pulled me close to him.

“You considered that a kiss?”

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

“I-I… Well, y-yes! Yes…” Kiss naman talaga ‘yon ah. Alangan naming sapak.

“That’s not how you do it, woman. Should I teach you how?”

Napalunok ako. Itinulak ko siya.

“Alam mo, mali-late ka na. Tu-Tumayo ka na r’yan.” I sipped the last drop of my milk at nauna na sa labas.

Tch. Ako na naman ang talo.

“I’ll drive! Ako na.” Inunahan ko siyang sumakay sa driver’s seat.

“Give me your key.” Dude, I don’t want to take a taxi, again. Kailangan ko pang maghintay ng ilang oras para lang makasakay.

“Out.”

“Eyy, don’t be like that—”

“Walk yourself out, or I’ll drag you?”

“Tch.” I unbuckle my seatbelt and went out. Sumakay naman siya at isinara ang pinto ng sasakyan niya.

“Sakay.”

“Ha?”

“Are you deaf?”

“Hindi. Narinig ko.” Nagmadali akong sumakay sa likuran bago magbago ang isip niya. Pwede naman niyang sabihin na, ‘Ako na ang magmamaneho.’ kaysa sa ‘Out.’ Hindi naman pala talaga masama ang ugali niya, hindi niya lang alam kung paano ito ipakita.

Pagkasara ko ng pinto, lumingon siya sa akin at binigyan ako ng masamang titig.

“Why?”

He just scoffed at me.

Ano na namang problema nito?

“What did you do to make that Blackmore go with you instead of Weston?” he asked while driving.

“I just said I’m El Real’s representative. Why? Isn’t he supposed to go with me, since he’s one of your investors? Matagal naman siyang investor ng El Real, bakit siya sasama sa iba?”

“He’s neutral. He’s also an investor of Zyxterrion. But I heard, Zyxterrion’s new project was delayed because of that.”

“Ahh. Baka… baka nagandahan sa akin. Hehe. Bakit mo naman ako tinatanong kung anong ginawa ko? Hindi ka ba masaya na maunang matatapos ang project ng El Real? Pasalamat ka nga sa El Real siya unang nag-invest, e.” Kaden Weston, is that the reason why you are there at the airport? Urgh, as El Real’s employee, it is my job to persuade its investors, right? Pero, kakilala ako ni West kaya siguro siya nag-give way. Ihh, why did he even do that? He has no enough reason to be so nice to me. Besides, El Real is Zyxterrion’s competitor. 

“Are you sure you have nothing to do with Weston? As far as I know, he doesn’t want to delay this project.”

“Ano ba namang tanong ‘yan? Parang sinasabi mong may something sa amin kaya hindi siya nag-atubiling ibigay si President Blackmore sa akin ah. Hoy, lalaki ka. Sinasabi ko sa ‘yo, I have my own principles. I won’t entertain any other man since I’m married to some jackass like you.”

He stepped on the brake, kaya muntik na akong mauntog sa upuan.

“Sinasadya mo talaga, ‘no!”

“Red light.”

“Psh. You and your reasons.”

Malapit na kami sa El Real nang may maalala ako.

“Stop! Stop the car!”

Hindi niya ako pinakinggan at patuloy lang siya sa pagmamaneho. Mas bibilisan pa nga niya ito. 

“Stop or I'll jump off?”

“Then jump.”

“Wow. I can't believe you. Hindi ka talaga matino. I even praised you. Ngayon, binabawi ko na.”

“Pardon me?”

“Ang sabi ko ihinto mo ang sasakyan at magpalit tayo ng pwesto. Hindi magandang tingnan na ipinagdadrive ng isang boss ang secretary.”

“Who told you to sit there?”

“Kaya nga ihinto mo. Ako na ang magmamaneho.”

“No. What will your grandfather tell me if he knows this thing? He even put a spy in my company.”

“At ano naman ang sasabihin sa akin ng mga empleyado mo kung makita nila akong ipinagmamaneho mo?”

“Just tell them we're married.”

“Ha! No!”

“Then be it.”

“Do you like me?”

“Are you on drugs?”

Ikaw ang nakadrugs sa atin. Mukha ka kasing adik.

“Then why are you provoking me to say that we're married?”

“Why are you hiding our marriage?” sa halip ay tanong niya.

“Because... Well, I don't want any special treatment just because I'm your wife. I want to achieve something on my own. You see, even being your relative has advantages. What more if they know that I'm your wife?”

“What kind of excuse is that? You think they will treat you better because you have my surname?”

“Why not? Tsk. Huwag mo ngang iwala ang tanong ko. So, Mister Axel Min Morelli, do you like me?” 

“What answer do you want to hear from me?”

“Bakit ba sinasagot mo ako ng isa pang tanong? Huwag mo na nga lang sagutin!”

Ipinarada niya ang sasakyan sa entrance. Namukhaan ata ng guard ang sasakyan kaya lumapit siya. Siya ‘yong guard na nakakita sa akin kahapon.

Binuksan ni Axel ang pinto at lumabas. Binati siya ng guard. 

“Hindi ka ba bababa o kailangan pa kitang buhatin?” 

“Bababa na. Umalis ka r’yan. D’yan ako bababa.”

Tinaasan niya ako ng kilay. “You’re nuts.”

“No, you are.”

“Open the door at the backseat,” utos niya sa guard saka niya isinara ang pinto ng driver’s seat at pumasok na.

“Yes, sir.”

Napa-face palm na lang ako. Okay, siya na ang masusunod.

“T-Thank you.” 

“Walang anuman, ma’am.”

Pabagsak kong isinara ang pinto. Kung masira, edi welcome to the junkshop. 

“Hindi mo na po ako kailangang tawaging ma’am. Sekretarya ako ni sir. Nagtatrabaho rin ako rito.”

Nagtataka siyang tumingin sa akin.

“Pero bakit ka nakasakay rito sa likuran? Teka, pamilyar ka.”

“Who is she? Bakit siya bumaba sa sasakyan ni sir?” Narinig kong sabi ng isang babaeng empleyado na papasok pa lang sa gusali.

“Ewan, hindi naman siya mukhang kliyente ng El Real. Baka kakilala ni sir o kaya ay isa ro’n sa mga babaeng nais lang makuha ang atensiyon ni sir kaya nagmakaawang makisakay,” sabi ng kasama niya.

Sinadya talaga nilang iparinig sa akin ang usapan nila.

Tumawa ako. “Ako ang bagong sekretarya niya. Hindi niyo pa ba kilala si sir? Sobra kasi ang pagka-gentleman niya kaya naman hinayaan niya akong sumakay sa likuran. Hindi kung sino lang na nakisakay,” malakas na sabi ko.

Pareho silang umismid sa akin.

“Sige, kuya.”

Lumapit ako ro’n sa dalawang babae sa may entrance “Good morning, ladies. Why don’t you keep your mouths shut and do your work instead of talking nonsense things?” Yumuko sila. Wala pala kayong binatbat, e.

Nilampasan ko sila. Kung makapag-usap akala mo naman alam nila ang totoo.

I saw Axel in front of the elevator.

“Seeking for trouble early this morning?” he asked as I approached him.

“Huwag mo akong kausapin. Kasalanan mo ito.”

“Blaming me for everything, I see.”

Nagbukas ang pinto ng elevator. Pumasok siya. When I took my first step forward, he pushed my forehead.

“Take the next one.”

“Ano? The space is too much for just a single person. Huwag ka ngang gahaman!” Tinanggal ko ang kamay niya sa noo ko at nagpumilit pumasok.

Ang lakas ng gago. Itinulak niya ako palabas saka pinindot ang button. Pero dahil hindi ako papatalo, I stopped the door from closing using my foot.

“Let’s share!” Pumasok ako. Kwinelyuhan ko siya at itinulak sa corner. Gamit ang isa kong kamay, pinindot ko ang button. Tuluyan nang nagsara ang pinto.

“Kailan mo bibitawan ang kwelyo ko?” kalmadong tanong niya.

“Kapag nangako kang tatayo ka lang d’yan without making a move.”

“Don't you think what you're doing is awkward?”

Nakapamulsa siyang nakasandal sa elevator habang hawak ko ang kwelyo niya. Sa tangkad niya, hanggang kili-kili niya lang ako kaya masakit sa leeg kapag sampung minuto ko siyang titingalain. Kung tutuusin, kayang-kaya niyang baliktarin ang sitwasyon.

“Let me tell you—”

“That you are good at knocking people down?” pagpapatuloy niya sa sinabi ko.

How did he know what I'm going to say?

“Ok. Let me see your skills,” hamon niya.

“Hinahamon mo ako? Okay. Hindi talaga ako magtitimpi.” Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya at ambang susuntukin siya nang magbukas ang pinto ng elevator at bumungad ang mga empleyado na sa tingin ko'y naghihintay ring makasakay.

 

Gulat silang nakatingin sa amin.

“A-Ah, hahahaha... You got it wrong, guys.” Tinanggal ko ang hawak ko sa kwelyo ni Axel. “I'm just fixing his necktie... Mali ang pagkaka-ayos mo ng necktie, sir. Hm, ayan.” Inayos ko ang damit niya.

“I thought you're going to knock me down?”

“Tumahimik ka. Gagawin ko talaga 'yan sa susunod.”

“Uhm, sasakay ba kayo?” I asked them. 

Sabay silang umiling.

“Aah. Okay. Then, sir, dito na ako. I'll catch up. May nakalimutan pa pala akong gawin.” Lumabas ako sa elevator bago ito magsara. Baka kapag naiwan pa ako sa loob kasama siya ay ako naman ang kwekwelyuhan niya.

Sayang. My chance to hit him slipped away. Next time, sisiguraduhin kong matitikman niya ang kamao ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status