Share

Unravel Me(FILIPINO)
Unravel Me(FILIPINO)
Author: Babz07aziole

PROLOGUE

MATAMAN na nakatanaw mula sa labas si Varun, kung saan tanaw na tanaw niya ang lawak ng siyudad. Kita niya ang mga nagkukumpulan at nagliliitang sasakiyan mula sa ibaba na paroo't parito.

Mga nagtatayugang building na kalapit din ng konkreto na kanyang kinaroroonan. Kasalukuyan siyang nasa ikadalawampu't limang palapag ng kumpanyang pag-aari niya mismo.

Sa mga nakalipas na araw ay naging busy siya sa mga business meeting, proposal niya sa iba't-ibang panig ng Bansa. 

Ngayon lang siya nakapagmuni-muni.

Nasa kasarapan na siya sa pagmamasid ng may isang katok ang umagaw sa kanyang atensyon.

Hindi na niya pinagkaabalahang usisain kung sino ito, dahil nakatitiyak niyang si Mrs. Francia lang naman na kanyang personal secretary ang inaasahan niya sa mga oras na iyon.

Nakatitiyak niyang bit-bit na nito ang mga ipinaasikaso niyang dokumento.

"Come in,"bigkas niya. Lumukob ang baritonong boses ng binata sa bawat sulok ng silid na kanyang kinaroroonan.

Nadinig niya ang marahang pagbukas ng pintuan, kasabay niyon ang pag sarado at pag-lock. 

Agad nitong pinaikot ang swivel chair na kanyang kinauupuan, ang ngisi na nakapaskil sa labi niya'y tuluyang naglaho. Napalitan iyon ng kalamigan.

Habang ang kaharap naman niya ay kababakasan ng tensyon, hindi makapagsisinungaling ang nakikita niya sa kanyang harap. 

Batid niyang nagtatapang-tapangan lang ito.

Para sa binata'y lalong nagbigay ng kakaibang dating ang simpleng ganda nito sa kanya.

Tumikhim muna siya, bago tuluyang nag-salita.

"Why did you brought your self here in my office Ms. Juan?Alam mong oras na ng uwian. At nakakasiguro ako, sa ganitong oras ay alam mong may mahalaga akong inaasikaso.

Naipaliwanag na iyan ng nag-orient sa inyo, bago kayo makapasok sa aking kumpanya."malamig niyang paliwanag sa dalaga, nanatili lamang itong nakatitig sa kanya ng mga sandaling iyon.

Nagtagis ang kanyang mga ngipin, kasabay ng pagkuyom ng kanyang mga kamao. Marahas siyang napabuntong-hininga pagkatapos. 

Para kahit paano'y mailabas niya ang tensyon sa katawan na pilit niyang ipinagwawalang-bahala sa mga nakalipas na Buwan.

"Kailangan natin mag-usap Varun, please. Hayaan mo naman akong magpaliwanag."masuyong bigkas ni Pamela. Tila maiiyak ang itsura nito, kitang-kita niya ang pagkagat ng labi ng babae. Tila nagpipigil lamang itong mapabulalas ng iyak.

Agad niyang iniiwas ang pansin sa mga labi nito, ang labi nitong namumula na lalong nagbigay sensual sa mukha nitong kaakit-akit. Para sa kanya'y lalo lamang nagbibigay iyon ng init sa kanyang katawan. 

Bagamat simple ang ganda nito'y hindi iyon naging hadlang para 'di siya maakit sa angkin nitong kagandahan.

Napalunok si Varun ng mag-umpisang lumapit ito mula sa kanyang kinaroroonan. Ramdam niya ang masuyong pagdampi ng malambot nitong palad sa nakalihis niyang suot na suit. Pakiramdam niya'y tumaas ang temperatura sa loob ng kanyang opisina sa mga sandaling iyon.

Tila may kuryenting gumapang mula roon papunta sa kanyang kaibuturan.

Lihim siyang napamura ng sunod-sunod mula sa isip lamang. Maski ang mabining samyo ng katawan nito na hinahanap-hanap niya kapag umaalis siya ng Bansa ay nagbibigay tuliro sa kanya tuwina.

Ipinagpapasalamat niyang may mga negosyo rin siya sa ibang bansa kaya kahit paano'y makatakas siya sa presensiya at damdamin na lumulukob sa kanya sa tuwing nagkakalapit sila ni Pamela.

Mayamaya'y muling napadako ang pansin niya rito sa sunod nitong sinabi.

"Believe me or not, matagal na kitang hinahanap... A-and I-I'm glad that I finally found you Varun."puno ng kasiyahan saad nito sa binata.

Ikakatuwa sana niya iyon, ngunit bigla rin nawala ang sayang nadarama niya ng muli niyang maalala ang nangyare kahapon sa cafeteria sa mismong company niya.

Kung 'di pa dumating si Camella ay tuluyan na siyang nautong muli sa katulad nitong Eba!

Hinding-hindi na niya muling hahayaan ang sarili na mapaikot at mapasunod ng isang katulad nito, lalo't nanggaling din ito sa pamilyang umalipusta sa kanya. 

Ang pang-aalipusta ng pamilya at Ate nito ang siyang naging dahilan niya upang magpursige at makamit niya ang kinaroroonan niya ngayon... 

"Stop that nonsense argument Pamela, you can go out in my office now."Gigil niyang sabi.

"But Varun, I-I really need you badly right now..."patuloy na pagsusumamo ni Pamela sa kanya.

Ngunit nanatili lamang siyang tahimik sa mga sumunod na sandali.

Nagulantang siya sa sumunodna ginawa nito, dahil agad itong nag-alis ng mga kasuutan; wala itong itinira na kahit ano. Maski ang panloob nito'y hinayaan nitong mahulog ng tuluyan sa lapag.

Mabilis niyang iniiwas ang tingin, biglang naggitawan ang butil ng pawis sa noo niya, maski ang mga palad niya'y bigla ang pamamawis.

"What are you doing P-Pamela, A- ayusin mong sarili mo at kung baka may makakita pa sa'yo!"natetensyon na utos ni Varun sa babae. Nilangkapan niya ang boses ng galit.

"R-Remember, your still in our office primises and I'm your boss!"Dagdag pa niya.

Palihim siyang sumulyap rito, nakita pa niya ang kakaibang ngiti nito patungkol sa kanya. 

Tila siya nalulunod sa sariling hangin na kanyang nilalanghap sa mga sandaling iyon. Tuluyan na siyang nanigas, maski ang pahinga niya'y nahigit niya ng mag-umpisa itong umupo sa kanyang kandungan. Ramdam niya ang kalambutan ng katawan ni Pamela ang kabanguhan nito.

Marahang inilapit ng dalaga ang mukha, ramdam niya ang mainit nitong hininga mula sa gilid ng kanyang tenga. Mga kamay nitong malayang humahaplos sa kanyang dibdib. 

"Sa ayaw at sa gusto mo'y magiging akin ka..."anas nito na nagbigay ng matinding pagnanasa sa binata.

Lalaki lang siya, kaya kahit anong pagpipigil at babala mula sa isip niya ay tuluyang naglaho. Muli ay nagkatagpo ang mga mata nilang nangungusap.

Hindi aakalain na hihigit pa sa pagtinging kapatid ang magiging tingin ni Varun kay Pamela.

Hindi niya inakala na maniniwala ito sa ipinangako niya noong mga sampung taon gulang pa lamang ito. 

Na titimo sa musmos at inosenti nitong isip ang sinabi niya na pakakasalan niya ito kapag umedad ito ng dalawampu.

Ang dating sa pangarap lamang niya maangkin ito ay tuluyan na niyang makakamtan, dahil ito na rin mismo ang lumapit at naghain ng sarili sa kanya.

Sa tuluyan pagdampi ng labi nila'y ang unti-unting pagkatibag ng yelong ibinalot niya sa puso ng nagdaang sampung taon...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status