Share

Chapter 17

Hindi mabura ang ngiti sa mga labi ko habang nagmamaneho pabalik sa village.

Grabe ang epekto ni Damien sa sistema ko!

Ano’ng ginawa mo sa ‘kin?

Natatawang napailing na lang ako sa isip ko. I just met him yesterday, right? Tapos ganito na agad ang nangyari sa amin.

Damn! That was so aggressive of me!

Never ako nagka-boyfriend at wala akong experience. Ah, yeah, Sir Vanmer was my first kiss. I don’t want to tell the story how that happened. Just thanks to my beloved friends.

Nang makarating sa village, ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni manong guard. Siya na ulit ang bantay.

“Good morning, manong!” bati ko sa kaniya.

“Magandang umaga, hija. Hindi ka umuwi kahapon?” tanong niya.

I nodded. “Opo, e. I stayed at my bo— I mean new friend’s house.”

That was close!

Muntik ko pa masabi na nandoon ako sa boss ko!

“Gano’n ba? Akala ko ay kung ano nang nangyari sa ‘yo,” nag-aalalang wika niya.

I laughed. “Don’t worry, manong. ‘Di ba po ay may contact ako sa inyo? I will call you if that happens,” saad ko.

“Nag-alala lang ako kasi baguhan ka sa lugar na ito. Narinig mo na rin naman yata na may panibago na namang biktima?” tanong niya pa.

Tumango ako bilang sagot dahil alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Huminga ako nang malalim nang maalala na naman iyon.

“Opo, manong. Mag-iingat po ako,” magalang na wika ko.

“Mabuti kung gano’n,” aniya.

“Pero manong...” I trailed off. Mariin akong nakatitig sa kaniya habang siya naman ay nanatili na nakadungaw sa maliit na bintana ng kaniyang silid.

“Ano ‘yon, hija?” malumanay na tanong niya, naghihintay sa tanong ko.

“May kapalitan po pala kayo sa pagbantay rito?” tanong ko.

Napakamot siya sa kaniyang kilay bago sumagot. “Oo, hija. Si Berno. Nakilala mo na siya?”

“Opo, manong. Kagabi po noong lumabas ako para bumili ng gamot,” sagot ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya. “Lumabas ka? Naku! Dapat hindi ka na lumalabas kapag gabi na! Baka madatnan ka ng mamamatay tao na ‘yon!”

I smiled to assure him. I appreciate his concerns towards me.

“Ayos naman po ako, manong. Maayos akong nakauwi kagabi kaya huwag na po kayo mag-alala,” malumanay na sabi ko.

Huminga naman siya nang malalim na tila pinapakalma ang sarili.

“Pasensya na, nag-aalala lang ako para sa kaligtasan mo. Mag-isa ka lang kasi,” malungkot na sabi niya.

“Don’t worry, manong, kaya ko po ang sarili ko. Mag-iingat pa po ako,” I said.

Natahimik kami ng ilang segundo. Magpapaalam na sana ako para makauwi nang may maalala akong itatanong ko sa kaniya.

“Manong... hindi ko pa pala alam ang pangalan n’yo—“ Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko.

“Liher ang pangalan ko, hija,” nakangiting sagot niya.

“Sige po, Manong Liher. Mauna na po ako,” paalam ko.

Tumango naman siya sa akin. “Sige, hija. Magandang umaga ulit.”

Nakangiti ako habang nagmamaneho papasok ng village hanggang sa marating ko ang bahay.

I sighed.

Nang makalabas ng sasakyan ay sumulyap ako sa kabuuan ng bahay.

It’s so quiet. Boring.

But I used to live alone, right?

Why are you sulking right now, Anveshika?

Inilibot ko rin ang paningin ko sa mga katabing bahay. Tahimik din ang mga ito, para bang napakalaking kasalanan kung may gumawa man ng ingay sa lugar na ito.

I just shrugged.

Nang makapasok sa bahay ay ganoon pa rin naman ang ayos ng lahat. Malungkot akong ngumiti. Mag-isa lang talaga ako sa laban na ‘to.

Naalala ko pa noon, minsan ay maaabutan ko ang mga kaibigan ko na hinihintay ako sa loob ng condo unit ko. They have a spare key of my unit, that’s why they can barge in anytime.

I really miss them. Na-mi-miss ko na ang lahat ng harutan namin. Si Athena na bihirang magsalita. Si Shaira na medyo mahiyain at matatakutin. Si Shanaya na medyo mataray. Si Lacheska na may pagkamahinhin pero lutang din minsan. Si Gareth na palaasar sa grupo. Si Laszle at Nabi na napakaharot.

I sighed.

Kumusta na kayo?

Gustong-gusto ko na kayong makita at makausap.

Ano ba ang nangyari sa atin?

Nasa maayos ba kayo?

Katulad ko rin ba ang sitwasyon n’yo ngayon?

Kung hindi tayo pumunta sa party na iyon... mangyayari kaya ito?

Wala akong ibang hangad kung ‘di ang kaligtasan nila. I admit that I’m somehow at my advantage dahil may tumulong sa akin, kung totoo ngang walang masamang intensyon ang lalaking tumatawag sa akin at kahit papaano ay may tao na akong nakilala rito.

Sila kaya?

Ano kaya ang pinagdadaanan nila ngayon?

Sana ay hindi kayo nahihirapan sa sitwasyon n’yo...

Nang makarating ako sa kwarto ko ay napahinto ako sa pintuan. Malungkot akong tumitig sa kama nang unti-unti kong nakita ang mga imahe naming magkakaibigan.

“What the hell?” tanong ko nang makapasok sa kwarto ng condo unit ko.

Kunot na kunot ang noo ko nang makita ang magulong bedsheet ng kama ko at nandoon ang mga kaibigan ko na hinihintay ang pagdating ko.

“Veshie!” tili ni Laszle.

Magsasalita sana ako nang may tumamag unan sa mukha ko.

What the fuck!

“Oops! Sorry, Anve!” Sabay peace sign ni Gareth.

Sinamaan ko naman siya ng tingin pero nagtago siya sa likod ni Athena na tahimik lang na nakaupo sa dulo ng kama.

“Athena, oh!” sigaw niya pa at itinuro ako na para bang ako pa ang nag-away sa kaniya.

Napairap naman sa kawalan si Athena.

“Back off, Gareth,” malamig na sambit ni Athena.

“Sungit!” nakangusong wika ni Gareth at umalis sa likod ni Athena.

Nagtawanan naman kami dahil sa hitsura ni Gareth.

“Ayos lang ‘yan, Gareth!” natatawang sambit ni Lacheska at tinapik-tapik pa ang balikat ni Gareth.

Hindi naman lingid sa kaalaman namin na may pagtingin si Gareth kay Athena pero wala namang awkward atmosphere na nagaganap sa dalawa.

“Bakit kayo nandito?” tanong ko.

“Ano bang tanong ‘yan, Vesh! Parang ayaw mo naman yata na nandito kami?” asik ni Nabi.

Napailing na lang ako. Inilagay ko muna ang bag ko sa loob ng walk-in closet.

“Girl! Alam mo bang nagyayaya na naman ‘tong si Nabi at Laszle na mag-club?” asik ni Shanaya.

“Ano naman? I want papi eggplant, bitch!” Sabay irap ni Laszle kay Shanaya.

“Dito muna tayo, tahimik,” singit ni Shaira.

“Ano pa nga ba, Shaira? Dapat talaga ay sa sementeryo ka tumira kung gusto mo ng tahimik na buhay, e!” pang-aasar sa kaniya ni Shanaya.

Napailing na lang ako. Si Shaira talaga ‘yong tipong gustong tahimik ang paligid.

“You’re so mean!” Hinampas naman ni Shaira ang braso ni Shanaya.

“Ang sakit, girl!” reklamo sa kaniya ni Shanaya.

“You’re too loud,” natatawang sabi ko at umiling-iling na lang sa kanila dahil nagpatuloy lang sila sa pag-aasaran.

I was taken aback from my reverie when I felt my cheeks were wet from my overflowing tears.

Napatakip na lang ako ng palad ko sa mukha at mas umiyak. Nanghihina rin akong sumalampak sa sahig at parang batang umiyak nang umiyak.

Bakit nagkaganito?

Nasaan na kayo?

Ayoko na ulit mag-isa...

Kayo na lang ang pamilya ko...

Wala nang bumubungad sa kwarto ko kapag gusto n’yong pumunta sa condo. Wala nang ingay at tawanan n’yo. Ang mga harutan natin...

Gustong-gusto ko na ibalik ang lahat sa dati pero paano?

Nasa ganitong sitwasyon din ba kayo?

Lumalaban din ba kayo kahit hindi n’yo alam kung ano talaga ang nangyayari?

Gusto ko nang matapos ito...

Sino ba ang may gawa nito sa amin?

When my family left me, I thought that I was really bound to live all by myself. I was at my edge, like I was hanging on a cliff whether if I’ll just end my life too or I will continue...

But they came... my friends rescued me when I am at my greatest downfall. They cheered me up and they didn’t let me feel that I was all alone... they made me feel that I still have them.

Hindi ko alam kung nabubuhay pa ba ako ngayon kung hindi dahil sa mga kaibigan ko.

Pero ngayon?

Isa lang ang hiling ko ngayon...

Sana ay lahat kami ay ligtas...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status