Share

Chapter 16

Kinabukasan ay magaan ang pakiramdam ko nang magising ako. Nag-unat-unat pa ako ng aking mga braso pero wala pa akong balak na bumangon. Pikit mata akong yumakap sa katabi kong unan.

Pero sandali...

Bakit ang init ng unan na ‘to?

Bakit may katigasan?

Iginalaw ko pa ang kamay ko sa unan na iyon. Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko at pinapakiramdam ang unan na katabi ko.

Naglakbay ang mga kamay ko pababa. Napakunot pa lalo ang noo ko nang maramdaman na mayroong mga bukol doon. Kinapa ko pa iyon at binilang.

What the hell?

Ano ‘tong anim na bukol?

Wala sa sariling idinilat ko ang mga mata ko.

Shit!

My eyes widened. Parang napapaso na inalis ko ang kamay sa katawan ni Damien.

Wait...

Damien?

So, I am not wet dreaming about my boss?

Nangyari ang lahat ng ‘yon?!

“Fuck!” Sa gulat ko ay hindi ko na namalayan na bumagsak na ako mula sa kama. Wala na pala akong naurungan!

Aww! My butt hurts!

“Anveshika!” Rinig kong pagtawag ni Damien na marahil ay nagising dahil sa pagkalampag ko sa sahig.

“S-Sir...” kinakabahang sambit ko.

Bakit ba ako kinakabahan?

I gasped. Napasapo pa ako sa aking bibig at nanlalaking mga mata na nakatitig kay Damien. He was only wearing his boxer shorts!

It really did happen... I can feel my cheeks burning right now.

“Are you okay?” he asked, worried. Binuhat niya ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig at pinaupo sa may kama.

“Y-Yes, thank you...” mahinang sambit ko.

“What happened?” tanong niya pa.

Nanatili akong nakayuko dahil hindi ko yata kakayanin na salubungin ang mga titig niya na parang tatagos na sa kaluluwa ko.

“I fell. Masyado akong nawili kauurong kaya ayun...” nakanguso kong sambit.

He cupped my chin then he gently guided my head to look at him. I gulped as his eyes locked with mine.

“Bakit ka ba kasi umuurong? You can even move closer to me, baby.” He smirked.

Bigla naman akong sininok sa sinabi niya.

Fuck!

Napasapo ulit ako sa bibig ko at tulalang nakatitig kay Damien. Sininok ulit ako kaya tinawanan niya ako.

“Come on, we’ll get you water and I’ll prepare our breakfast,” malumanay na sambit niya.

Nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig ko at patuloy na sinisinok. Napailing naman siya pero namamanghang nakatingin sa akin.

“Can you walk?” tanong niya pa.

“Y-Yes,” sagot at sininok ulit.

He tousled my chair. Tinulungan niya naman akong makatayo ay at inalalayan sa paglakad.

Napatingin ako sa suot ko. I was wearing a white shirt. Amoy na amoy ko ang pabango ni Damien sa damit kaya paniguradong sa kaniya ‘to. Naramdaman ko rin nakasuot na ang lacy panty ko.

“Kumusta pala ang pakiramdam mo?” tanong niya habang naglalakad kami.

His hand was surrounding my waist while the other was holding my hand as he guided me to walk.

Para naman akong may sakit nito!

But yeah, I like his warmth on me...

“I’m already fine. Thank you for taking care of me,” sagot ko at sininok ulit.

He chuckled. “Bakit ka ba nagkasakit?” pang-uusisa niya pa.

I sighed.

Nakarating na kami sa may kitchen area. Pinaupo niya ako sa isang stool chair at binigyan agad ng isang basong tubig para mawala ang sinok ko.

Should I tell him?

“Noong nakaraang gabi, pagkauwi ko galing trabaho ay sumama bigla ang pakiramdam ko,” I started.

He leaned on the kitchen’s counter. Nakaharap siya sa akin kaya ang gilid ng baywang niya ang nakasandal sa may counter. Nakakrus din ang kaniyang mga braso at naghihintay ng susunod kong sasabihin.

“Walang gamot sa bahay, kaya umalis ako para bumili—“

“What? You went out that night?” asik niya.

His jaw clenched and his brows almost formed a straight line as he was staring at me.

“Yes, but I got home safe,” sagot ko agad. Tumango naman siya sa akin at naghihintay pa ng sasabihin ko. “Then, yesterday morning, a crime was reported, right? That Heart Forest Crime?” tanong ko sa kaniya.

“What about it?” madilim niyang tanong.

I sighed. “That night when I bought medicine, I’ve encountered the victim.”

“What do you mean?” naguguluhang tanong niya.

“Not that I have a conversation with her...” I trailed and he nodded again. “Habang papunta ako sa drug store, nag-u turn ang sasakyan niya tapos huminto iyon sa bungad ng gubat. Tapos nang pauwi na rin ako ay nandoon pa rin ang sasakyan na iyon. I was just shocked about the news, nakilala ko kasi ang sasakyan. Tapos, sumama ulit ang pakiramdam ko and I forgot to take my medicine. Hindi rin ako nakakain bago pumasok.”

He sighed. “That’s why you collapsed.”

I nodded.

“Next time, please, don’t go out when it’s already at night. You can text or call me if you need anything. You have my contact, right?” mahabang paalala niya.

Tumango ulit ako bilang sagot. Ibinigay kasi lahat sa akin ni Gian ang contacts ni Sir Dearil, I mean Damien.

Nakakahiya lang na makaistorbo pa ako sa oras na iyon kaya naisipan ko na ako na lang ang lumabas. Malapit lang din naman ang drug store na pinagbilhan ko.

“I’m sorry...” bulong ko.

I don’t know... I just have this suddenly feeling that I should apologize to him.

Am I really screwed?

He caressed my hair. Napaangat naman ang tingin ko sa kaniya at sinalubong niya ako ng isang malumanay na ngiti.

“Don’t be. But, you know what to do next time, okay?” malambing na tanong niya.

“Yes.” I smiled.

“What do you want for breakfast?” tanong niya sa akin.

Nagningning naman ang mga mata ko bago sumagot.

“My favorite! Bacon, eggs, and fried rice!” I happily exclaimed.

He chuckled. He kissed my forehead that made me swallowed hard.

“I’ll do it, then. Wait here, okay, baby?” malambing na tanong niya.

“Okay,” tanging sagot ko at alam kong namumula na ang mga pisngi.

Ngayong nasa tamang huwisyo ako ay hindi ko maiwasan ang mag-isip.

Ano’ng nangyari?

I mean, may nangyari sa aming dalawa! Though it was not to the extent.

Naalala ko pa na nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa pagkagutom. Hindi ko naman akalain na buong maghapon ako makakatulog kahapon matapos iyong nangyari sa pagitan namin.

My cheeks burned with the thought. He’s my boss and I’m his secretary. Pakiramdam ko ay may nalabag ako kapag naiisip ko ito.

But why?

Gusto niya ba ako?

Am I some kind of his past time?

Para namang pinipiga ang puso ko sa kaisipang iyon.

Bakit hindi ko matanggap na pampalipas oras niya lang ako?

“I’ll go home after this. Sa bahay na ako magpapahinga, bukas na lang ako papasok ulit,” paalam ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

He nodded as he swallowed the food in his mouth before he spoke.

“Alright. Ihahatid kita,” sagot niya na agad kong tinutulan.

“No. Nasa Ravides pa ang sasakyan ko, ‘di ba?” tanong ko.

Tumango naman siya bilang sagot.

“Then, doon mo na lang ako ihatid. Ako na ang uuwi mag-isa. Baka marami kang trabaho sa opisina,” nakangiting suhestiyon ko.

He heaved a deep sigh. “Are you sure?” paninigurado niya at mariing nakatitig sa akin.

“Yes, Damien.”

At saka baka may makakita pa na magkasama kami. Mahirap na. Baka makita ko na lang ang mukha ko sa mga telebisyon at dyaryo kung sakali.

Hindi rin kasi biro ang pagkasikat ng kompanya nila. Talagang Ravides Holdings ang nangunguna sa mga kompanya na matayog dito sa El Kanjar.

Nang matapos kami kumain ay pinagamit niya ako ng banyo niya. Nagtaka pa ako dahil may damit na nakahanda para sa akin pagkalabas ko ng banyo.

“Saan galing ‘to?” Turo ko sa isang dress na nasa kama ni Damien.

“Pinabili ko kay Gian,” tipid na sagot niya.

“Salamat,” sagot ko naman at kinuha ang isang itim ng dress at isang pares ng underwear. Agad namang namula ang mga pisngi ko dahil doon.

Damn!

Nang maisuot ko pa iyon ay saktong-sakto ang sukat sa akin. Maging ang underwear na suot ko ngayon ay saktong-sakto. Napailing na lang ako.

Pagkalabas ko ng walk-in closet niya ay nakasuot na siya ng isang puting dress shirt at itim na slacks. He’s also wearing a black leather shoes. Inaayos niya rin ang pagsuot niya ng necktie. Ngumiti ako at lumapit sa pwesto niya.

“Let me,” paalam ko nang nasa harap ko na siya.

“Ha?” nalilito niyang tanong.

I chuckled. Kinuha ko mula sa pagkakahawak niya ang necktie at ako na ang nagkabit nito sa kaniya.

In my peripheral view, I saw him looking at me intently. Nanatili naman ang paningin ko sa necktie at napangiti ako nang makita ang paggalaw ng adam’s apple niya.

“There...” Nakangiting binitawan ko ang necktie niya at sinalubong ang mga tingin niya.

I was shocked when he gave me soft kiss on my lips.

“Thank you, baby...” bulong niya.

Agad naman na namula ang mukha ko at iniwas sa kaniya ang paningin ko. Tumawa naman siya sa ginawa ko.

Shit!

Gaya ng sabi ko sa kaniya ay sumabay ako kay Damien papuntang Ravides para kunin ang sasakyan ko.

“Are you really sure about this?” tanong niya pa ulit nang nasa tapat na kami ng sasakyan ko.

“Yes. I’m fine, Damien. Don’t worry,” I assured him.

He sighed before he embraced me for a hug. Awtomatiko naman na yumakap pabalik ang mga braso ko sa kaniya.

“Take care, okay? Text me when you got home,” paalala niya.

I nodded. “Mmm.”

“Now, go. I’ll watch you first here. Ayokong ako ang unang aalis sa ating dalawa,” sabi niya pa.

I chuckled. “Take care, too.”

“I will,” he answered.

I kissed his cheek before I went inside my car. I beeped once before I left him there. I let out a sigh to calm the fast beating of my heart.

I’m into him already...

Is this good?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status