Share

Chapter 23

They brought me here in Damien’s penthouse. This isn’t the first time that I went here but I can’t help to still adore this place.

“Are you hungry?” tanong sa akin ni Damien.

“A bit,” I answered. Lumapit naman siya sa akin. Agad naman na bumilis ang pagtibok ng puso ko. Calm down, my heart!

Inilagay niya ang ilang takas ng buhok ko sa likod ng tainga ko. Halos hindi na ako humihinga sa harap niya.

He smiled. “I’ll just cook. What do you want?” he softly asked.

I smiled back. “Anything would do.”

“Alright. Just stay here or you can look around. Just don’t go outside, okay?” paalala niya.

“Mmm,” I mumbled as I nodded.

“Ehem!” Dearil faked a cough.

“Problema mo?” asik sa kaniya ni Damien.

“Wala! Mag-sa-sana all lang, e!” nakangising pang-aasar niya.

“Fucker!”

“Hear that, Anveshika? Same vibes talaga kayo!” Sabay halakhak niya.

Kumunot naman ang noo ko. Alin naman doon ang same vibes? Maging si Damien ay nakakunot ang noo at naiinis na nakatitig sa kambal niya. Nang mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin ay natawa rin ako.

“Why are you laughing?” tanong naman sa akin ni Damien.

“He’s right. We got the same vibes calling him fucker,” natatawang sabi ko.

He shook his head. “He really is a fucker, Anveshika. Kaya hanggang ngayon ay walang girlfriend.”

“Kuya! Ano’ng wala? Ang dami-dami ko kayang babae!” pagmamalaki niya pa.

Lumapit naman ako sa kaniya para batukan siya.

“Aray! Para sa’n naman ‘yon!” Hinimas-himas ang ulo niya.

“Stop playing with girls, fucker. Having tons of girls for flings won’t make you a man.” I smirked. Napakamot naman siya sa batok niya. “H’wag kang puro landi, Dearil! Babalik sa ‘yo ‘yang karma mo, tingnan mo lang,” sabi ko pa.

“I’ll try,” mahinang sagot niya.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Damien pero hindi namin siya pinansin. Na kay Dearil pa rin ang atensiyon ko.

“Don’t just try, Dearil. Do it! Alam mo ba ang nararamdaman nila sa tuwing iiwan mo na lang sila sa ere matapos mong pakinabangan? It will leave a scar on them. But yeah, it’s still your life. Who am I to meddle with it. I just gave you an advice.”

He sighed as he nodded.

“Bagong buhay is waving to fucker,” pang-aasar naman ni Damien. Masama ko naman siyang tiningnan.

“Ikaw?” Dinuro ko siya. “You said, you’ll cook?” taas kilay kong tanong. He swallowed hard. I want to laugh at his reaction.

“Y-Yeah, right! I’ll cook!” Dali-dali naman siyang pumunta sa kusina. Narinig ko naman ang pagtawa ni Dearil.

“He’s smitten,” komento niya.

I rolled my eyes on him.

“Kilig ka?” pang-aasar niya pa.

“Shut up!” I hissed and I felt my cheeks betrayed me.

Umalingawngaw naman ang halakhak ni Dearil sa buong sala. Para talaga siyang sira kapag tumatawa.

“Denial king and queen. Same vibes talaga kayo,” pang-aasar niya pa.

“Gago!”

Nanood muna ako ng palabas habang naghihintay na maluto ang pagkain. Nawala na rin si Dearil sa sala, hindi ko alam kung saan pumunta. I just shrugged.

Nang matapos magluto si Damien ay agad naman kaming kumain. Mas lalo akong ginutom nang makita ang putaheng niluto niya. Pork sinigang and adobo, my favorite dishes.

“How was it?” tanong ni Damien nang matikman ko ang luto niya.

I savored the food wholehartedly. It was really good! Papasok siya bilang chef ng isang restaurant. I chuckled mentally.

“It’s good! Ang sarap!” nakangiting puri ko at mas kumain pa. Natawa naman siya at kumain na rin.

“Sana all,” singit ni Dearil.

Hindi nawala ang ingay ng hapag dahil kay Dearil. Lagi niya kasing inaalaska ang Kuya niya kapag nagiging sweet sa akin.

Napag-alaman ko rin na mas unang lumabas si Damien kaysa kay Dearil kaya Kuya ang tawag niya rito. Kahit ayaw man ni Damien na tawagin siyang Kuya ay wala naman siyang nagawa dahil mapilit si Dearil.

“Ask everything you want to ask, baby,” Damien started.

Nandito kami ngayon sa malawak na sala ng penthouse niya. Magkatabi kami ni Damien sa isang mahabang couch habang si Dearil naman ay nasa single couch sa harap namin.

“I don’t know where to start.” I sighed.

Damien cupped my hand then he gently squeezed it. I looked at him and our eyes locked. His eyes were telling me to do so, so I asked.

“How did you find me?” mahinang tanong ko. Mas humigpit ang paghawak ni Damien sa kamay ko kaya nanatili roon ang mga titig ko. Hinigpitan ko rin ang paghawak ko roon.

“We saw you in the forest,” panimula ni Damien.

“F-Forest?” gulat kong tanong at sinalubong ang mga mata niya.

“Yes,” he breathed.

“What happened to me?” tanong ko ulit.

Nalaman ko pa lang na nakita nila ako sa kagubatan, ay para nang tinatambol ang d****b ko sa sobrang kaba. What happened to me that time? Did the killer saw me?

He sighed. “We actually don’t know what happened to you. We just found you there, lying unconsciously. Akala namin ay panibagong biktima na naman but then my guts were telling me that we should come to you and we did.”

“I thought you were dead, Anveshika.” Bumaling naman ang paningin ko kay Dearil na seryoso ang mukha. ”But I checked your pulse and you weren’t dead. Natagpuan ka naming madungis at may punit ang suot mo noong araw na ‘yon,” dugtong niya pa.

I nodded. Naalala ko pa ang suot kong black tank top at leather skirt na madumi at may punit sa iba’t ibang bahagi nang magising ako sa isang bahay sa El Kanjar Village.

“Kuya insisted to help you that’s why we got you. We bought that house in El Kanjar Village. Kuya shopped for your clothes and other essentials while you were asleep,” dugtong niya.

Naramdaman kong nilalaro ni Damien ang mga daliri ko. Nag-uumapaw sa tuwa ang puso ko dahil sa mga nalaman kong ginawa nila para sa akin. Nakakahiya dahil noong unang beses ay galit ako sa kanila dahil sa pag-aakalang sila ang may kagagawan ng nangyari sa akin pati sa mga kaibigan ko.

“Thank you...” I sincerely uttered.

I can feel my tears pooling in the corner of my eyes. I owe them my life. Kung hindi dahil sa kanila, marahil ay isa na ako sa mga ibinalitang walang buhay na natagpuan sa kagubatan na iyon.

“Thank you so much...” I sobbed.

Agad naman akong niyakap ni Damien nang magsimula akong umiyak sa harap nila. Hindi ko alam kung paano ko sila mapapasalamatan sa lahat ng ginawa nila para sa akin.

They helped me despite of being a stranger in this place. Despite of being lost, I felt like I’m home because of them.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status