Share

Chapter 28

“I’m sorry about that.” Detective France cleared his throat. “I forgot to formally introduce myself to your beautiful lady, Damien.”

Bumalik ang paningin ko kay Detective France nang magsalita ulit siya.

“I’m Detective France Heres, at your service.” Tumayo pa siya at bahagyang yumuko at saka inilahad ang kamay niya sa akin.

Tumingin muna ako sa mukha niya at nakangiti naman iyon sa akin. Pamilyar talaga ang mukha niya. Bahagya akong ngumiti at dahan-dahang tumayo bago inabot ang kamay niyang nakalahad.

“Anveshika Ferolinoz,” I uttered.

“Nice to meet you.”

“Likewise,” I timidly replied.

Naupo kami nang tahimik. Bumalik na naman ang seryosong paligid sa mga oras na ito.

“You were saying that your lead was a middle 40’s man, right?” simula ni Damien sa usapan.

“Yes. Like I said, I conducted an investigation myself. Sa una ay napansin kong sa gabi nangyayari ang lahat ng krimen,” seryosong sambit ni Detective France at pinakatitigan niya kami isa-isa.

Napaisip ako sa sinabi niya. Inalala ko ang mga balitang napanood at narinig ko tungkol sa Heart Forest Crime at mapapansin ngang sa oras ng gabi nangyari ang lahat ng iyon kaya kinaumagahan na nababalita.

“I concluded two possible reasons for this. First, in daylight, he was just a normal citizen. Second, he was working and he’s working hours were possibly ending after dawn,” he explained.

Napatango naman ako sa sinabi niya dahil naintindihan ko agad iyon. Pero sa tingin ko ay mas may malaking posibilidad ang pangalawang sinabi niya. Paano niya naman magagawa ang krimen kung wala siyang trabaho? Kumbaga, saan niya nakuha ang mga gamit niya, ‘di ba?

Literal na kakailanganin niya ng pera para sa mga iyon, pero paano naman pala kung mayaman ang suspek? Paano kung hindi naman niya kailangang magtrabaho?

“What if he has the money? Like what you’ve said, money can be an answer to problems. Paano kung ma-pera ang suspek at hindi naman niya kailangan magtrabaho? Paano kung ginagamit na niya ang pera niya para mapatahimik ang awtororidad at hindi siya mahuli?” sunod-sunod na tanong ko.

Napangisi naman si Detective France dahil sa mga itinanong ko. Sumandal siya sa couch na kinauupuan niya at nagpan-de-kwatrong upo habang nakatuon sa akin ang paningin.

“I have the same questions before, Anveshika. Kahit ilegal na imbestigasyon ay nagawa ko dahil sa katanungan na ‘yan,” sagot niya.

Napakunot naman ang noo ko sa tinuran niya.

“What do you mean?” tanong ni Dearil, naunahan ako.

“There’s no money involved. Pa-sikreto kong pina-trace ang bank accounts ni Chief pero walang kahina-hinalang transaksyon, gano’n na rin sa ibang kasama sa kaso,” paliwanag niya.

Money was not involved that’s why he came with just two possible reasons of having the Heart Forest Crime was only executed during night time.

“I see,” tanging sagot ko.

“But it’s not enough for me. Napaisip ako, bukod sa pera ay maaaring may iba pang dahilan para hindi mahuli ang suspek.” He smirked.

“They were threatened,” saad ni Damien.

Napalingon naman ako sa kaniya pero mariin lang siyang nakatitig kay Detective France at hinihintay ang sagot nito sa kaniya.

“Bingo!” Pinatunog niya pa ang kaniyang daliri. “I am still impressed with you, Damien. Nahuhulaan mo talaga ang mga nasa isip ko.”

“Hindi ‘yon hula, stupid,” asik ni Damien.

Napailing na lang si Detective France.

“Yes, I think, they were threatened by the suspect himself. Minanmanan ko rin ang bawat pamilya ng may hawak sa kaso at napansin ko ang biglaang pagkakaroon ng mahigpit na seguridad sa mga ito, that’s why I concluded that,” mahabang sabi niya.

Posible nga ang mga sinabi niya. Kung walang naganap na pagbabanta ay marahil, matagal nang nahuli ang suspek na iyon at hindi na dumami pa ang mga biktima niya. Kaya rin malaya nakakagalaw ang suspek dahil kampante siya na hindi siya mahuhuli ng awtoridad.

Sino ba naman kasi ang hindi mababahala kapag mahal mo na sa buhay ang idadamay, ‘di ba?

Kaya kahit alam mong mali ang ipinapagawa sa ‘yo ay gagawin mo pa rin para lang sa kapakanan ng mga minamahal mo.

“The suspect executed his crime very well. Walang traces na naiiwan na magagamit para maging ebidensya. Pulido ang pagkakagawa niya ng krimen, pero it’s still not a perfect crime. Walang perpekto kaya makakahanap tayo ng butas, at iyon ang aalamin natin. Hindi lang basta-basta ang krimen na ‘to, may dahilan kung bakit ang mga taong nagtutungo sa kagubatan ang mga nabibiktima,” mahabang eksplenasyon ni Detective France.

“I agree. Hindi lang dahil sa napag-trip-an niya na sa gubat gawin ang krimen, dahil ang totoo ay may malalim siyang dahilan pero kung ano man ang dahilan na ‘yon ay hindi pa rin makatarungan ang ginawa niya. He took hundreds of lives already. Mga inosenteng buhay ang nawala...” Kumuyom ang palad ko at ramdam ko ang panginginig no’n.

Ramdam ko naman ang paghawak ni Damien sa dalawang kamay ko para mapakalma ako.

“Mukhang malalim ang pinanggagalingan nito,” komento ni Detective France habang nakatingin sa akin.

I smiled weakly. “My older brother was once a detective like you. He died because of his work, it’s complicated, right?”

He nodded.

“Ginawa ni Kuya ang lahat para sa trabaho niya at para na rin sa ‘kin dahil wala na kaming mga magulang, pero dahil sa trabaho niya ay hindi maitatanggi na nakataya ang buhay niya rito. Dapat pagbayaran nang taong ‘to ang hindi katanggap-tanggap na kasalanan niya. He will rot in jail, bahala na ang batas sa kaniya.”

“Calm down, baby...” pagpapakalma sa akin ni Damien at pinipisil-pisil ang mga kamay ko na hawak niya.

“I’m sorry...” saad ko nang mahimasmasan.

“It’s okay, I understand your sentiments,” Detective France replied. “About the case, I will inform you if I have another lead. I’m glad that you trusted me with this case too.”

“Thank you and welcome, France!” nakangiting saad ni Dearil.

“Pangit mo, tangina mo!” asik niya rito.

Napanganga na naman ako dahil sa pagmumura niya. Totoo bang detective ang isang ‘to?

“Ang lutong pa rin! Pero pangit ka rin! Mana ka lang sa ‘kin, e!” pang-aasar naman ni Dearil kay Detective France.

Napuno ng asaran ng dalawa ang opisina ni Damien. Hindi ko lang talaga maiwasan na may matandaan sa mukha ni Detective France.

May kamukha talaga siya!

Hindi ko matandaan kung sino!

Napakapamilyar ng mukha niya sa akin!

Argh!

“Are you okay?” malumanay na tanong sa akin ni Damien.

Natuon ang mga paningin ko kay Damien at binigyan siya ng isang malumanay na ngiti.

“I’m fine. I’m sorry about earlier,” I apologized.

His brows furrowed. “Wala ka namang kasalanan, huwag ka mag-sorry!”

I chuckled as I wrapped my arms on his waist then I rest my head on his chest.

“Thank you... for everything,” bulong ko.

Inumpisahan naman niyang haplusin ang buhok ko at ang isa niyang kamay ay nasa likod ko na nakayakap din sa akin.

Sana lagi na lang ganito. Sana dito na lang ako. Sana ikaw na lang, Damien. Sana nasa tabi pa rin kita kapag umalis na ako rito. Sana marinig ko pa rin ang boses mo.

Hanggang sana na lang ba ang lahat?

Alam kong malabo na magpatuloy ang kung anong mayroon kami ngayon dahil ang lahat ng ito ay hanggang dito lang. Iiwan ko rin siya kapag dumating na ang panahong kailangan ko nang bumalik sa kung saan talaga ako nararapat, at hindi rito ang lugar na iyon.

“Don’t leave me, please...” he whispered.

Gustong maiyak sa sinabi niya. Hindi ko alam, Damien. Hindi ko maipapangako na hindi kita iiwan dahil sigurado akong sa huli ay iiwan pa rin kita sa lugar na ito. Ang lahat ng nangyayari rito ay tanging dito lang ang hangganan at masakit isipin iyon.

Kung pwede lang na manatili rito ay gagawin ko pero hindi...

May kailangan pa ako, kaming tapusin na laban. Hindi ko gusto ang ideyang maiiwan kita rito, Damien pero ito ang magiging tadhana nating dalawa.

“I won’t...” sagot ko kahit alam kong imposible na mangyari iyon.

I’m sorry, my love...

ASHTRIZONE

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status