Share

Chapter 34

“Fuckers,” sabi sa kanila ni Damien at pinakawalan ako mula sa pagkakayakap niya. Natatawang napailing na lang ako.

“From a kitten turned into a tiger,” natatawang sabi ni Dearil.

“Shut up!” asik ni Damien sa kaniya.

“So, let’s go?” singit ko.

“Yeah, let’s go,” sagot ni Detective France.

Nanguna na ulit si Detective France lumabas ng opisina na sinundan naman ni Dearil. Hinawakan muna ni Damien ang kamay ko at saka kami sabay na lumabas. Nandito pa si Gian sa desk niya at tanging tango lang ang ibinilin sa kaniya ni Damien na sinuklian naman ni Gian ng bahagyang pagyuko.

Napagdesisyunan na rin na sasabay na lang si Dearil kay Detective France para hindi na maging tatlo ang sasakyan. Pansin kong iyong sasakyan na gamit na naman ngayon ni Damien ay iyong madalas niyang gamitin.

“Ibang sasakyan ang gamit mo kahapon, ‘di ba?” tanong ko sa kaniya.

Hindi agad siya nakasagot sa tanong ko pero nagmamaneho pa rin siya at nakatuon sa daan ang atensyon niya. Kita ko pa ang paggalaw ng adam’s apple niya dahil sa paglunok niya.

“Ah, yeah... I just tried that car, it’s new,” sagot niya.

Bakit mukha siyang kabado sa tanong ko? Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at itinuon ko na lang ulit ang paningin ko sa kalsada. Nasa unahan namin sina Detective France at Dearil. Hindi rin nagtagal ay narating na rin namin ang kagubatan. Doon pa rin kami pumarada sa unang pinaradahan namin kahapon.

“Adventure time!” Dearil yelled.

I just rolled my eyes. Hindi kami pumunta rito nang hindi handa. May kaniya-kaniya kaming baril na nakatago sa aming mga tagiliran para kung sakali mang may mangyari na hindi inaasahan. Nagdala na rin kami ng face mask dahil sa masangsang na amoy na sumalubong sa amin kahapon sa bahay na iyon. Nagsuot na rin kami ng itim na gloves. Buti na lang din ay black leather jeans ang suot ko at simpleng shirt lang kaya hindi ako mahihirapan na gumalaw.

“Ready?” tanong ni Detective France na isinuksok ang baril niya sa kaniyang tagiliran.

“Let’s go,” ani Damien.

Tumango naman si Detective France at nag-umpisa na rin maglakad papasok sa kagubatan at kung saan kami dumaan kahapon. Ilang oras pa ang lalakarin namin para makarating sa bahay na iyon.

Habang naglalakad ay nakita kong inakbayan ni Dearil si Detective France at nakita ko pang nag-aasaran silang dalawa dahil sa mga halakhak nila.

Napakunot ang noo ko nang mas lalong maging pamilyar ang ginagawa nila at napahinto ako sa paglakad nang mapagtanto ko na kung sino ang kamukha ni Detective France. Pa-simple akong suminghap para hindi mahalata ang pagkagulat sa naalala.

“You okay?” nag-aalalang tanong ni Damien.

“Ah, oo.” Sunod-sunod akong tumago sa kaniya. Marahan niya pang pinisil ang kamay ko bago kami naglakad ulit.

I remember him!  Kamukha niya iyong kaibigan ni Sir Vanmer! Kamukha niya si Sir Demitri!

He’s Blizzaree Storm Demitri! Kaibigan ni Sir Vanmer!

Naalala ko na, minsan ay pumupunta siya sa Casiope Empire para dalawin si Sir Vanmer. I don’t know much about him aside from he’s a friend of my boss. Wala na akong nalalaman sa kaniya dahil wala naman akong pakialam sa paligid ko noon.

Pero bakit? Bakit ganito? Bakit nandidito ang mga mukha nila?

Una si Sir Vanmer na kamukha ng magkambal, tapos ngayon ay si Sir Demitri na kamukha naman ni Detective France?

Is it a coincidence too? Baka sa susunod ay pamilyar na mukha naman ang makita ko rito? Pero wala naman akong dapat ikabahala sa kanila, ‘di ba?

They’re different from the real person that I’ve known. Sa personality pa lang ay malaki na ang pinagkakaiba nila, pati na rin ang mga pangalan, kaya wala akong dapat na ikabahala.

Matapos ng ilang oras na paglalakad ay narating na rin namin ang bahay. Pinakiramdaman muna namin ang paligid kung may kakaiba ba pero ganoon pa rin iyon tulad ng pagkakakita namin kahapon.

“Fuck that smell!” reklamo agad ni Dearil nang umalingasaw ang masangsang na amoy na nagmumula sa bahay na iyon.

Isinuot na rin namin ang mga face mask namin pero hindi naman tuluyang nawala ang amoy. Kahit napakabaho ng amoy habang papalapit kami sa bahay na iyon ay pinilit kong hindi masuka. Nang mas lalo kaming makalapit sa bahay ay mas dumoble pa ang pagkasangsang ng amoy.

“I think I’m gonna vomit,” usal ni Dearil.

“Fucking weakling,” pang-aasar sa kaniya ni Detective France.

“Wait! I can’t take this anymore!” Sunod na narinig namin ay ang sunod-sunod na pagsuka niya.

Pinilit kong hindi tumingin sa gawi niya dahil baka makaramdam din ako ng pagsusuka kahit pigilan ko man iyon. Talagang masama sa pang-amoy ang kabuuhan ng bahay. Amoy nabubulok na hindi na maipaliwanag.

“You okay now?” tanong ni Damien sa kapatid.

Tumayo naman ng maayos si Dearil at pinunasan ang bibig niya. “I think so,” mahinang sagot niya.

“We’ll go inside now,” singit ni Detective France. “Kaya mo pa?” tanong niya pa kay Dearil.

“Sige na.” Nagsuot na ulit ng face mask si Dearil.

“Can you handle, baby?” tanong naman sa akin ni Damien.

I nodded. “Yes, don’t mind me.”

Tumango naman si Damien kay Detective France. Inilabas na ni Detective France ang baril niya kaya inilabas na rin namin ang sa amin. Dahan-dahang naglakad si Detective France papunta sa pintuan.

Mahigpit ang dalawang kamay ko na nakahawak sa baril. Nasa tabi ko si Damien na ang kaliwang kamay niya ang may hawak ng kaniyang baril habang ang kanang kamay niya ay nakaalalay sa akin.

Nang marating ni Detective France ang pinto ay pinakiramdaman niya muna ang loob kung may tao ba o wala. Umiling siya sa amin kaya lumapit na rin kami sa kaniya at tahimik na binuksan niya ang pintuan ng bahay.

Nang mabuksan niya ang pintuan ay kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin kaya mas kumalat sa paligid ang masangsang na amoy na nagmumula sa loob ng bahay.

“Fuck!” mura ni Dearil.

“Tanginang amoy ‘to!” reklamo rin ni Detective France na itinakip pa ang isa niyang kamay sa kaniyang ilong kahit naka-face mask na.

Napakabaho ng amoy. Paano pa kaya sa loob?

Kahit hindi maipaliwanag ang amoy ay unti-unti kaming naglakad papasok ng bahay. Mas lalo lang tumitindi ang mabahong amoy habang papasok kami ng bahay kaya mas tinibayan ko ang sikmura na huwag magsuka.

Nang makapasok kami ay sumalubong sa amin ang maliit na sala. Tatlong kulay abo na single couch ang naroon at isang maliit na center table sa gitna nito. Mayroon din isang maliit na flatscreen TV sa tapat ng sala.

Napatingin ako sa sahig ng bahay dahil may mga bakas doon ng mga natuyong dugo. Napatingin ako sa mga kasama ko at nasa sahig na rin ang paningin nila.

“This is really his hideout,” komento ni Detective France at inilibot ang paningin sa loob ng bahay.

Nag-umpisa siyang maglakad patungo sa nag-iisang pintuan na mistulang isang kwarto. Inangat niya ang kaniyang kanang braso kung saan hawak-hawak niya ang kaniyang baril. He held the door handle as he looked at our direction, specifically mine. I gave him a nod as he nodded also at me.

Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto at ganoon na lang ang pagtakip ko sa ilong ko na natatakpan ng face mask nang sandaling mabuksan ang pinto. Mas umalingasaw ang masangsang na amoy na nagmumula sa kwartong iyon.

Napahawak ako sa sikmura ko dahil parang bumaligtad iyon pero pinilit ko na hindi masuka. Agad naman umalalay sa katawan ko ang mga braso ni Damien.

“Fuck this place!” asik ni Damien.

“Mamamatay ako sa amoy rito!” reklamo naman ni Dearil at mukhang masusuka na naman pero pinipigilan niya.

“A-Ano’ng mayro’n sa loob?” tanong ko at pinipilit ang sarili na hindi mabuwal sa kinatatayuan ko.

Lahat kami ay nakatingin kay Detective France na madilim na nakatitig sa kung ano mang nasaksihan niya sa loob ng kwarto.

“France?” pagtawag sa kaniya ni Dearil pero mukhang hindi siya narinig ni Detective France.

Nakita ko pa ang pagkuyom ng isang kamao niya at humigpit ang paghawak niya sa baril. Wala kaming nagawa kung hindi ang lumapit na rin sa kinaroroonan niya kahit nakamamatay ang amoy na sasalubong sa amin.

Nagimbal ako sa nakita ko mula sa kwarto na iyon. Natulos ako sa kinatatayuan ko. Nanlamig ang buong sistema ko.

Ang laman ng kwarto ay hindi mabilang na transparent jars na may lamang mga puso na may tama ng baril. Mga dugo na natuyo mula sa transparent jars at maging sa sahig ng kwarto kaya may mga langaw na nagsisiliparan.

Kusang kumuyom ang isang kamao ko nang dahil dito. Hindi ko akalain na ganito na karami ang nabiktima niya. Wala siyang puso. Mas masahol pa siya sa hayop!

I felt a tear escaped my eye. I can’t stand seeing those jars with the hearts of innocent people. Wala silang kasalanan pero ganito pa ang inabot nila.

I turned my back as I wiped my right eye. Ramdam ko naman ang paghapit sa akin ni Damien para mayakap niya ako. Agad naman akong yumakap sa kaniya at isinandal ang ulo ko sa d****b niya.

Bakit? Bakit niya ginagawa ‘to?Napakawalang hiya niya! Wala siyang puso!

Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko. You will pay for this...

“Wala siyang puso...” galit na bulong ko.

ASHTRIZONE

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status