Share

Chapter 35

Nang mag-ikot-ikot si Detective France sa loob ng kwarto ay kumalas na ako sa pagkakayakap kay Damien. Hindi rin nawala ang tunog ng camera ng cellphone ni Detective France na kinukuhaan ang bawat gamit na nandito sa kwartong ito.

Habang naglilibot ng paningin ay hindi ko maiwasan na mag-isip.

Kung sina Damien at Dearil ay may kamukha na kilala ko, si Detective France na ganoon din, hindi kaya itong taong hinahanap namin ay konektado rin sa akin?

Kasi katulad nila Damien, hindi ko sila makakasalamuha rito kung hindi sila konektado sa akin.

Si Dearil at Damien na kamukha ni Sir Vanmer na siyang boss ko noon. Si Detective France na kamukha ng kaibigan ni Sir Vanmer na si Sir Demitri na minsan ko na ring nakasalamuha dahil sa trabaho noon.

May kinalaman din kaya sa akin ang suspek ng Heart Forest Crime?

Is he a criminal also? But who?

Wala naman akong matandaan na nakasalamuha ako ng gano’ng tao noon. Kung si Kuya pa ang tatanungin, ay makakasagot iyon ng oo dahil isa rin siyang detective.

Kung may koneksyon nga sa akin ang tao sa likod ng Heart Forest Crime, ibig sabihin ay may papel din ito sa pananatili ko rito sa El Kanjar.

Pero anong papel ang gagampanan niya?May kinalaman ba iyon sa pag-alis ko rito sa El Kanjar?

Katulad na lang kina Dearil at Damien na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano rin talaga ang papel nila sa akin.

Such a mystery...

I still can’t find any clues about this fucking situation.

Napunta ang tingin ko sa isang bakanteng pintuan, tanging kurtina lang na nakatali sa magkabilang gilid ng pinto. Tahimik akong nagtungo roon at iniwan ang tatlong kalalakihan na nag-uusap-usap.

Mahigpit kong hinawakan ang hawak kong baril at dahan-dahan ang ginawa kong paglakad. Nang makarating ako sa bukana ng pinto ay madilim ang loob. Kinapa ko ang pader sa gilid ng pinto, may switch doon kaya pinindot ko iyon at nagliwanag ang buong kwarto.

“Shit!” sigaw ko nang makita kung ano ang nasa harapan ko.

“Anveshika!” I heard Damien’s voice.

Ang sunod ko na narinig ay ang mga yabag nila papunta sa kinaroroonan ko. Lahat sila ay napasinghap dahil sa nakita.

Isang puting kabaong ang nasa harap namin. May malaking picture ng isang babae sa ibabaw roon.

“She’s somehow familiar,” komento ni Dearil nang makabawi sa pagkakagulat.

Tinitigan ko ang picture ng babae. Hindi kaputian ang balat niya, maamo ang mukha niya at nakangiti siya sa larawan. Napakainosente ng mukha niya.

Ano’ng nangyari sa kaniya?

Sa pangunguna ni Detective France ay nagtungo siya sa harap ng kabaong. Dinungaw niya ang nasa loob ng kabaong at tumingin din siya sa malaking larawan na para bang pinagkukumpara niya pa kung may pinagkaiba ba iyon.

“It’s her,” tanging sabi ni Detective France.

“What happened?” tanong pa ni Dearil.

Detective France shrugged his shoulders. Sunod naman kaming dumungaw sa loob ng kabaong at doon ko nakita ang inosente niyang mukha na nakahimlay. Sa ibabaw rin ng salamin ay may nakita akong tatlong hairclip na katulad ng napulot ko tapat ng bahay.

“The hairclips.” Itinuro ko ang tatlong hairclip na katabi ng malaking picture ng babae.

“This explains about the hairclips...” Detective France trailed off. “She’s connected to the suspect.”

“Probably, his daughter,” Damien concluded.

“That’s a hundred percent sure,” Dearil assured.

“But the real question is... what happened to her?” tanong ni Detective France.

“Heart Forest Crime...” panimula ko kaya natuon sa akin ang lahat ng atensyon nila. “It was dedicated to her,” madiing sabi ko.

Hindi ako nagkakamali. Lahat ng ginagawa ng suspek ay dahil sa kaniya. Pero ang tanong ay bakit? Bakit niya ginagawa iyon? Hindi makatarungan ang mga ginagawa niya.

“Mukhang may pinanghuhugutan ito,” komento pa ni Detective France at kinuhaan na rin ng litrato ang loob ng kwartong.

Napatitig ulit ako sa picture ng babae dahil may kahawig siya. Hindi ko lang sigurado kaya ayokong magbitiw ng salita sa kanila, baka magkamali pa kami.

Nang makuntento si Detective France sa pagkuha niya ng litrato sa lahat ng makakatulong na ebidensiya sa bahay na ito ay lumabas na rin kami.

Hindi pa rin ako makapaniwala na may taong kayang gumawa ng ganitong krimen, kaya hindi ko na rin napagdudahan ang trabaho at pagkamatay ni Kuya. Namatay siya at hanggang ngayon ay hindi ako kumbinsido na suicide ang lumabas sa imbestigasyon ng pagkamatay niya.

“The girl was really familiar.” Ilang beses na itong sinambit ni Dearil ngayong nagpapahinga kami hindi kalayuan sa bahay.

“Baka isa sa mga naging babae mo, gago ka!” mura sa kaniya ni Detective France.

“Hell no! She looked so innocent! You know what my type is!” depensa ni Dearil.

“Like Anveshika, right?” mapanuyang wika pa ni Detective France.

“Gago!” asik agad ni Dearil sa kaniya at kabadong tumingin sa Kuya niya. Napailing na lang ako sa kanila.

“We need to know that happened to the girl, it’s his motive to do the crime, malakas na laban iyon sa kaniya,” seryosong sabi ni Detective France na sinang-ayunan naman ni Dearil.

Napatingin naman ako kay Damien na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko at mukhang malalim ang iniisip. Kukunin ko na sana ang atensyon niya nang magsalita siya, mukhang wala pa sa sarili.

“Was she our employee, Samien?” tulalang tanong ni Damien.

Kumunot naman ang noo ni Dearil dahil sa tanong sa kaniya ni Damien. Ako naman ay biglang kinabahan dahil doon.

“What?” naguguluhang tanong ni Dearil pero napahinto siya nang mukhang may maalala siya. “Fuck!”

“What about it?” singit na ni Detective France.

“I think I saw her in the company,” dagdag pa ni Damien at tiningnan na niya ang kapatid.

“Naalala ko na...” mahinang sabi ni Dearil.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa kahahantungan ng usaping ito. Ano’ng kinalaman nila sa babae?

“Isn’t she the one who was accused with the scandal on the company?” Damien asked.

Napasinghap naman kami ni Detective France dahil doon. Scandal?

“Naalala ko na, siya ‘yong babaeng sinasabi nila na nagwala sa HR Department,” bunyag ni Dearil.

“Wait. Wait. What do you mean about the scandal?” tanong ni Detective France.

“Naging balita ‘yon sa company. She was accused that she harrased our HR Head, si Maniro,” sagot ni Dearil.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status