Share

Chapter 7

"Ate, paturo ako ng sayaw."

Nagulat ako nang marinig ko si Llianne sa likod ko. Nakatambay kami ngayon nina Jay dito sa canteen.

"Para saan? At bakit ka nandito? Magkaiba ang canteen ng SHS sa JHS ah." 

Medyo ma layo-layo kasi ang building nila kaya may sarili silang canteen. 

"Ate, ayoko bumagsak sa P.E. Sabi ni ma'am may individual dance presentation daw sa Friday. Wednesday na ngayon! Ate help me," naiiyak na turan ni Llianne

"Pwede namang sa bahay niyo yan pag-usapan. Pumunta ka pa talaga dito sa kabilang building ah," natatawang sabi ni Alise. 

Napatawa na rin sina Ely at Jay. 

"By the way, Ate Alise, sabi nga pala ni kuya replyan mo na daw siya," seryosong sabi ni Llianne. 

Muntik ng maibuga ni Alise ang kalamansi juice na kakainom niya lang. Napatingin kaming lahat sa kanya.

Well, alam kong ibinigay ko na kay kuya ang number niya noong nakaraan pero 'di niya talaga nireplyan? 

"What the hell besh, yung bebe Kaizer namin nakayanan mong e-ignore?" malakas na bulyaw ni Jay sa kanya. 

"Tumahimik ka nga Jay! Madami ng nakatingin oh. Nakakahiya," suway ni Alise habang tinatakpan ng kanyang mga palad ang kaniyang mukha. 

"Hoy Alise ha, 'di mo alam kung ano ang paghihirap na dinanas ni kuya para lang makuha ang number mo sa akin."

Na-bankrupt pa nga siya eh. Nako naman. Haba ng hair ni beshy. 

"Tumahimik na kayo. At ikaw Llianne pagsabihan mo yang kuya mo na huwag ka idamay." 

Natawa ako sa reaksiyon ni Alise. 

"Bye ate Alise, sasabihin ko kay kuya na super crush mo siya. Love you." 

Tumakbo na si Llianne matapos sabihin 'yon. Tingnan mo nga naman. Kani-kanina lang, 'yong dance presentation pa niya ang topic. Ngayon si Alise na. 

"Aba! Kara! Magkapatid nga kayo. Lakas makapang-asar," naiinis na sabi ni Alise

"Malamang Alise, iisang dugo ang nananalaytay sa amin. Tapos 'yong kuya ko,  super jackpot ka na dahil ikaw lang tinitext no'n maliban sa amin. Ikaw na nga 'tong kina-crush back, arte pa!"

Proud kong pagkasabi sa kanya. 

Nagtawanan kaming lahat maliban kay Alise na inis na inis. 

Sorry girl, na hot seat ka tuloy.  

"Girl, pansinin mo na. Minsan lang mangyari ang pa-crush back crush back na 'yan. Grab na," dagdag pa ni Ely. 

"Hoy Alise ha! Replyan mo na! Sasabunutan kita," nananakot na sabi pa ni Jay. 

"Oo na, tumahimik na kayo.  Maraming nakakarinig," naiiyak na sabi ni Alise

"Hay nako. Naiistress ako. Kung ako ang tinext niyan, wala pang isang minuto  naka reply na ako. Walang hiya. Blessings 'yan!" dagdag pa ni Jay. 

Natawa ulit kaming lahat maliban sa kawawang si Alise. 'Di pa siya tinantanan ni Jay hanggang sa makabalik kami sa room namin.

Nasa kalagitnaan na kami ng discussion sa Philo nang may umistorbo sa labas. 

"Excuse me Ma'am, may I talk to Ms.  Sandoval?"

Napalingon ako sa taong naghahanap sa akin sa labas. Sino 'to? Anong kailang nito sa akin? 

"Shit! Girl, hinahanap ka ni Andrei!" bulong ni Alise sa akin na may dala pang kurot. 

Napakunot ang noo ko. Sino nga ulit 'yong Andrei? 

"Oh my gosh. Si Andrei my loves nakarating sa room," rinig ko pang sabi ni Justice. 

Wait, Andrei? 'Yong team captain ba na ka-batch namin?  

"Miss Sandoval, hinahanap ka ni Mr. Gomez," tawag pa sa akin ni ma'am.

Tumayo na ako at pumunta sa pinto. 

"Yieeeeehhh," rinig kong tili ng mga kaklase ko. Anong problema ng mga 'to? 

Naglakad si Andrei papuntang second floor.  Dumiretso siya sa Faculty room. 'Di manlang ako kinausap. Aba, sinundo ako pero 'di kinausap.

"Miss Sandoval, buti naman at nahanap ka ni Andrei." 

Napatingin ako sa nagsalita. Medyo nagulat pa ako nang malaman kong si Ma'am Gardose ito. 

"Good morning po ma'am. Ano po'ng meron?" takang tanong ko sa kanya. 

"Alam kong busy ka pa para sa paparating na presentation niyo for Valentine's Day pero pwede ba kitang mapakiusapan?" seryoso at nakikiusap na sabi sa akin ni ma'am.

"Kung makakaya ko lang naman ma'am, wala pong problema," nakangiti kong sagot sa kanya. 

"Ang isa ko kasing pamangkin, nangangailangan ng dance trainor para sa presentation niya sa school nila. Alam kong magaling ka sumayaw kaya kung pwede sana ay ikaw ang magturo sa kanya," nahihiya pa si ma'am habang sinasabi iyon saakin

"Don't worry, her mom will provide everything including the transportation," sabi ni Andrei sa gilid. Akala ko di na magsasalita eh. 

"Okay lang naman po sa akin ma'am. Kailan po ba ang presentation?" 

"On February 18. Kung okay lang saiyo Kara. Baka kasi may iba ka pang pinagkakaabalahan," dagdag pa ni ma'am. 

Ramdam ko ang tingin ni Andrei sa gilid pero 'di ko na alintana iyon. Naka focus lang ako kay ma'am. 

"Okay na okay po. Polishing na lang rin naman kami. Nagpapaturo din 'yong kapatid ko pero pwede naman sa bahay na lang 'yon. Sa Friday na rin naman 'yong sa kaniya kaya after no'n wala na akong gagawin," mahabang litanya ko

Napangiti si ma'am. 

"Sige Kara, maraming salamat. Kaso sa CCAM ang practice place nya. Doon din kasi siya nag-aaral. Okay lang ba? Every after class lang naman. Pwede ring mag adjust sila ng place for practice. Kung saan ka komportable. Ikaw lang kasi ang naisip ko'ng hindi nalalayo ang edad sa kaniya. Besides, your skill in dancing is fantastic. Ilang beses na kitang nakita sumayaw," dagdag pa ni ma'am.

Pinuri pa talaga ako ni ma'am. Well, namana ko ang pagiging dancer kay mommy. 

Napaisip ako, CCAM? Whenever I hear that school, si Ismael ang naaalala ko. 'Di ko naman siguro siya makikita doon. Ang laki naman ng school nila.  

"Wala pong problema ma'am. Magpapasundo na lang po ako always sa driver namin."

I smiled to assure her that I'm fine with her proposal. 

"Maraming salamat Kara. Pwede ka nang bumalik sa klase mo. Andrei will accompany you," nakangiting sabi ni ma'am 

"Hala. Okay lang po ma'am nasa kabilang floor lang naman ang class ko." 

Baka naaabala ko na tong si Andrei. 

"Ihahatid kita. Ako ang nagsundo kaya ako din ang magbabalik sayo."

Seryosong pagkakasabi niya kaya hinayaan ko na lang. Pagkatapos ng klase sa buong araw ay inayos ko na ang mga gamit ko para makadiretso na sa Auditorium.

"Pres, may practice tayo ngayon?"

Ibang bag ang dala ko ngayon kaya hindi ko mailagay lahat ng libro ko sa loob. Kakatapos lang ng last period namin. Napatingin ako kay Mary Joy dahil sa tanong niya.  

"Oo, nag-announce ako kahapon ah," sabi ko sa kaniya. Inulit-ulit ko pa 'yon kahapon para 'di nila makalimutan. 

"Sorry pres, lutang ako kahapon." 

Nag peace sign pa si Mary Joy nang sagutin niya ang tanong ko. Napailing na lang ako.  Palagi naman siya'ng lutang. 

Nauna na ang iba kong mga kaklase sa auditorium. Pinauna ko na rin sina Alise doon. 

Mag-isa akong naglalakad papunting auditorium. Halos wala ng makitang SHS sa paligid. Nagsiuwian na siguro agad. 'Yong ibang college students na lang ang makikita.  

Yakap ko ang iba kong libro nang may naramdaman akong sumabay sa akin. 

"Let me carry that."

Upon hearing that voice, kahit 'di na ako lumingon, alam ko na kung sino.  

"Anong ginagawa mo dito, Ismael?" tanong ko sa kaniya habang 'di pa rin nakatingin. Hindi ko pinansin ang una niyang sinabi. 

"Sinusundo ang kapatid ko. Nasa practice pa kaya nag-ikot muna ako then, nakita kita."

Plain pa ang pagkasagot niya. 'Di niya alam kinakabahan ako sa presensya niya. 

"Ah. Okay."

Tinipid ko na ang sagot ko at mas binilisan ang lakad ko. I don't want to start a long conversation with him. Baka lalo pa akong kabahan. 

"Tulungan na kita."

'Di man lang niya hinintay ang sagot ko.  Kinuha na niya ang librong hawak ko. Hinayaan ko na lang. Advantage pa para sakin 'yon medyo mabigat din kasi. 

"So, bakit 'di mo ko nireplyan?"

Mas lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ko. I chose not to reply because I can't find the right words to say. Besides, kuya is not my boyfriend. Kaso baka magmukha akong defensive. 

"Wala lang," pigil hininga kong sagot sa kanya. 

Kinakabahan talaga ako! Baka kung ano ang masabi ko. Kapag nalaman niyang naapektuhan ako sa kaniya, baka pagtawanan niya ako. 

"Oo nga pala, baka magalit ang boyfriend mo."

Puno ng pagkabitter ang boses niya. Ako lang ba ang nakakaramdam ng gano'n o talagang may kakaiba sa tono niya?

"Hindi siya magagalit." 

Kasi 'di ko naman siya boyfriend.

Nagtagal ng ilang minuto ang katahimikan. 'Di na siya sumagot agad. Ewan ko kung bakit 'di ko agad sinabi sa kaniya na 'di ko boyfriend si kuya. May parte sa akin na gusto na lang itagong lihim iyon para malaman ang reaksiyon niya. 

Sobrang bagal ng pag galaw ng oras. Feeling ko ang layo ng auditorium kahit ang totoo, sobrang lapit nito. 

"Ah. Buti naman 'di possessive."

Sagot niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. Balak niya ba akong ihatid sa Auditorium? 

Nang malapit na kami, hinarap ko na siya at kinuha ang libro ko. 

"Thank you," seryosong sabi ko sa kaniya

"Sige. Alis na 'ko," walang emosyon niyang sagot at tumalikod na. 

Bakit ba paiba-iba siya ng mood? 'Di ko tuloy siya maintindihan. 

"Sandali," tawag ko sa kanya. 

Muntik ko ng kurutin ang sarili ko dahil sa ginawa ko. 

Ano na girl? Bakit mo tinawag?

Napalingon ulit siya sa gawi ko. Same expression. 

"Ah. Uuwi ka na?" nag-aalangan kong sagot. 

Ang bobo mo Kara! Dapat hinayaan mo na e. 

"Oo, ano pa bang gagawin ko dito?"

Walang emosyon pa rin. Oo nga, ano pa ang gagawin niya dito?

"Ah, sige ingat." 

Ngumiti pa ako ng mapakla. Hala nakakabobo siya kausap.

Tatalikod na sana ulit siya at nag-umpisang maglakad. 

"Hindi ko 'yon boyfriend. Kuya ko 'yon," sigaw ko para sana marinig niya. 

Tumalikod na ako at papasok na sana sa auditorium pero nagsalita pa siya ulit kaya napalingon ako. Nakangiti na siya ngayon. 

"I'll wait for you. Let me take you home."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status