Share

Chapter 8

Author: Sariyah
last update Huling Na-update: 2021-05-25 09:15:29

"Kuya! Pahatid naman sa CCAM."

Napalingon sina kuya at Llianne sa akin. Kakapasok ko pa lang sa sasakyan. Galing pa ako sa Auditorium. Nag-polish pa ako ng sayaw namin.

Ngayon mag-uumpisa ang practice ng pamangkin ni ma'am. 'Di ko tinanggap ang offer nila na may free transportation kaya magpapahatid ako ngayon.

"Bakit? Anong gagawin mo sa CCAM?" nagdududang tanong ni kuya

"Akala ko mag ce-celebrate tayo ngayon ate? Naka 98 pa naman ako sa presentation," nakangusong tanong ni Llianne sa akin

Oo nga pala. Kanina ang presentation nila kaya mag cecelebrate talaga sana kami ngayon. Ang problema, nakalimutan ko'ng ngayon pala ako mag-uumpisa sa pagturo sa pamangkin ni ma'am.

"Kuya, may tuturuan ako do'n. At Llianne, babawi si ate sa susunod okay? Nakalimutan ko kasi na ngayon na mag-uumpisa."

'Di na ako pinansin ni Llianne. Nagtampo na siguro. Si kuya naman, sinabihan na si Kuya Alex na ihatid ako sa CCAM.

It was 7:15PM when we arrived at CCAM. Ang mga ilaw na lang sa mga building ng school ang makikita. Hinanap ko ang gate 1 nila.

Sobrang laki naman kasi. Ibinaba pa ako nina kuya sa gitnang parte kaya naglakad pa ako papuntang left side kung saan ang gate 1.

Bago pa ako makarating sa mismong gate, may nakita akong tarpaulin.

Congratulation SHS Graduates!

BATCH 2018-2019

Ganyan ang nakalagay sa taas tapos pictures naman ng mga graduates ang nasa ibaba with names. Sobrang dami.

Naglikot pa ang mata ko at namataan ang picture ng familiar na lalaki sa taas.

Gomez, Ismael Karl P.

With Highest Honor

Science, Technology, Engineering and Mathematics

Napatagal ang titig ko sa bahaging iyon. With highest? Grabe ang talino. Kung graduate na siya ng SHS last year, that means, 1st year college na siya ngayon.

Bumaba ang tingin ko sa picture ng babaeng nasa ilalim lang ng picture niya.

Valderama, Chytzy Riel G.

With Highest Honor

Science, Technology, Engineering and Mathematics

Di ko maipagkakailang maganda talaga siya. Tapos matalino pa. So, magkabatch lang pala sila ni Ismael?

Relationship goals.

Alam ba nito na hinatid ako ng boyfriend niya noong isang araw? Ewan, nagmumukha akong kabit. Masyadong makapal ang mukha ko ngayon.

Ilang minuto din ang nasayang ko kakatingin sa tarpaulin na 'yon. Dumiretso na ako sa gate 1. Pinapasok naman ako ng guard dahil may letter na palang iniwan ang parents ng tuturuan ko.

Ang problema lang, 'di ko alam kung saan ang auditorium nila. Nakalimutan kong magtanong sa guard. Malawak ang SEU pero mas malawak 'to. Nakakalula pa ang mga building ng bawat department.

May mga nadadaanan pa akong mga estudyante sa hallway. Parang tanga ako habang naglalakad. 'Di ko alam kung saan pupunta. May mga napapatingin din sa 'kin. Kahit 'di ako naka uniform ng SEU, naka I.D naman kasi ako.

Nakarating na ako sa pwestong wala masyadong estudyante. Bawat building na nadadaanan ko, binabasa ko ang label.

Nasaan na ba ang Auditorium nila? Sana pala nagpasundo na lang ako kahit sa labas man lang.

Reklamo na ako ng reklamo nang marinig ko ang phone kong tumunog. Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa pangalan ng taong nagchat.

Ismael Karl Gomez sent you message

Click here to open

Taga CCAM siya diba? Baka nandito pa siya.

I opened the message and it made my heart beat faster again.

Ismael Karl: where are you?

Bakit feeling ko crush ko na 'to? Kinakabahan ako always sa kanya eh.

Me: nasa CCAM ako.

Kakasend ko pa lang ng reply ko sa kaniya at 'di naabutan ng ilang minuto, nakapag-reply na ulit siya.

Ismael Karl: what? Why are you here?

HERE? so talagang nandito pa siya?. Naalala ko na pamangkin din siya ni ma'am. Pinsan niya ba ang tuturuan ko? Bakit 'di ko agad naisip 'yon? Napakabobo mo talaga Kara.

Magrereply na sana ulit ako kaso nagmessage siya ulit.

Ismael Karl: nasaan ka banda? I'll go there.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Shocks! Feeling ko talaga crush ko na siya!

Wag magpakatanga Kara, may girlfriend 'yong tao.

Tiningnan ko ang paligid. Wala na talagang estudyante maliban sa akin. Kanina pa naghihintay ang tuturuan ko.

Me: nasa tapat ako ng engineering building niyo. 'Di ko alam ang daan papuntang Auditorium.

Naghintay pa ako ng ilang minuto sa reply niya pero wala na akong natanggap. Baka maghintay ako sa wala.

Nag-umpisa ulit akong maglakad. Mukhang 'di rin sya darating. Namataan ko ang isang building malapit lang sa kinaroroonan ko. May naririnig akong music doon. Siguro 'yon na ang auditorium.

Nang makarating ay sumilip pa ako para makasigurado. Nakita ko ang isang babae na sumasayaw. Ang cute. Pinapanood siya ng may kaedarang babae pero maganda pa rin. Sa pananamit pa lang at alahas, halata ng mayaman. 'Yon na siguro ang mommy niya. Magkasing-edad siguro si Llianne at ang tuturuan ko.

Nahihiya pa akong pumasok. May kumalabit sa likod ko kaya napatingin ako sa kaniya dahil sa gulat.

"Siguro naligaw ka 'no? Sana kasi nagpasundo ka na lan," tanong ni Andrei sa akin.

So, nandito rin pala siya?

"Ah, oo 'di ko kasi kabisado ang school na 'to buti na lang nahanap ko pa ang auditorium," nahihiyang sagot ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin. 'Yong ngiti na nakakasilaw. Noong unang beses kami nagkita, seryoso lang naman siya kaya 'di ko alam na may angkin din siyang bait.

"Sana pala isinabay na lang kita kanina. By the way, hali ka na. Kanina ka pa hinihintay nina tita."

Hinila niya ako palapit sa dalawa.

"Tita, this is Arabella. 'Yong sinasabi ni Tita Michelle na tuturo kay Jandrice."

Napatingin ako kay Andrei. Wala masyadong tumatawag sa akin na Arabella. Mostly, Kara talaga. Nakakapanibago.

"Hello Ija, ako nga pala si Cindy. Just call me Tita Cindy and this is Jandrice, my daughter," mabait na turing ni Tita Cindy.

"Hello po, Kara na lang po, Tita," nahihiya ko pang sabi sa kanya.

"Oh sige, Kara. Jandice, say hi to ate Kara. She will help you with your dance steps," kausap niya sa anak.

"Hi, ate Kara, you're so beautiful. Tita Michelle told me that you're very good at dancing," puri pa sa akin ni Jandrice.

"Hala, thank you. Sorry nga po pala naghintay kayo sa akin. Naligaw ako eh," nahihiya kong sabi sa kanila.

Ngumiti lang sa akin si Tita Cindy. Sobrang bait naman nila.

"Walang problema, Ija. Ayaw mo raw magpahatid dito sabi ni Andrei eh," sabay turo niya kay Andrei.

"Oo nga po tita, sana isinabay ko na lang siya kanina," sagot pa ni Andrei.

"Okay lang po. Inihatid din po ako dito kanina. 'Di ko lang po talaga kabisado ang CCAM," nahihiyang sagot ko ulit.

Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto bago kami nagdesisyon ni Jandrice na mag-umpisa na sa pag practice.

Ilang steps na din ang naituturo ko kay Jandrice nang may narinig akong pamilyar na boses sa likod banda.

Napatigil sa pagpractice si Jandrice at yumakap sa dumating.

"Oh, Ismael, akala ko nakauwi ka na. Sabi ni Andrei kanina 'di daw kayo magsasabay ngayon eh."

Napalingon ako sa banda nila. Ismael the great is here. Nangunot ang noo ko dahil magkakilala sila. 'Di ko na alintana ang pawis ko dahil na rin sa pagka curious sa mga nangyayari.

"Hi po tita!" masiglang bati pa ng babaeng nakasunod kay Ismael.

Muntik na akong mapairap dahil napagtanto ko, na kaya pala 'di siya dumating kanina dahil inuna niya ang girlfriend.

Paasang manok!!

"May pupuntahan po sana ako kanina, tita," sagot niya habang nakatingin sa akin.

Ang abnormal kong puso ay tumibok na naman ng sobrang bilis. 'Di na maganda ang epekto nito sa puso ko. Huwag kang magpapadala diyan Kara, sinungaling yan.

"Nandito ka rin pala, Chytzy. Bakit kayo nandito?" takang tanong sa kanila ni tita Cindy.

Bago pa sila makasagot ay dumating na si Andrei na may dalang tatlong bottled water. Dumiretso siya sa akin at ibinigay ang isa. Binuksan ko rin naman iyon agad at uminom na. Lumingon ulit siya sa pwesto nina Ismael.

"Oh, kuya akala ko 'di ka sasabay sa akin ngayon?" Rinig kong tanong ni Andrei. Hindi na rin niya pinansin ang presensya ni Chytzy.

Buti nga!

"Ang sabi niya may importante daw siyang dadaanan dito," nakangusong sagot ni Chytzy.

Naibuga ko ang nainom kong tubig. Umubo pa ako ng sunod-sunod. Mabilis na nakalapit si Ismael sa akin. Kinuha niya ang tubig na hawak ko at inalo ako sa likod.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

Nang mahimasmasan ay tumango ako sa kanya. Ano daw? May importanteng dadaanan dito?

"Sinabihan ko na si daddy na 'di ka sasabay kuya. Bakit mo pa ako pinuntahan, susunduin din ako ng driver," sagot pa ni Andrei

Sobrang bobo ko para 'di ma realize na magkapatid silang dalawa. Ang alam ko lang naman kasi ay pamangkin ni ma'am Gardose si Ismael. Tapos, bakit ko nakalimutan na parehong Gomez sina Andrei at Ismael?

Wait, pwede rin na magpinsan sila di'ba?

"Magkapatid kayo?" tanong ko pa sa kanya

"Oo, bakit?" sagot ni Ismael sa akin. Di pa rin naaalis ang palad niya sa likod ko kaya medyo lumayo ako sa kaniya.

Ang awkward masyado.

"Magkakilala ba kayo Ismael?" tanong ni tita Cindy sa amin.

"Opo tita," diretsong sagot ni Ismael.

"Oh," reaksyon ni Tita Cindy na may halong malisya. Ngumisi pa siya pagkatapos.

Asang-asa pa ako na ako ang tinutukoy niyang importante dito! Kapatid niya pala.

"Ate, malapit na pala mag 10:30!" malakas na pagkakasabi ni Jandrice habang nakatingin sa relo niya.

Shit. Siguradong papagalitan na ako nina Mommy.

Dali-dali kong kinuha ang phone ko sa bag.

27 missed calls from Daddy!

11 from kuya

3 from Llianne

And 1 text message from Mommy

Oh shit. Nanginginig kong binasa ang message ni mommy.

Mommy: I will seriously give you some punishment Kristier Arabella!

Bago pa ako makapag reply ay tumawag na ulit si kuya.

"Hello, kuya," Natatakot kong sagot. I excused myself para magka-privacy.

"WHAT THE HELL KARA! GABING-GABI NA. PAPUNTA NA KAMI NI KUYA ALEX DIYAN. SI MOMMY DITO KANINA PA GALIT. SI DADDY 'DI PA NAGSASALITA PERO SOBRANG SERYOSO NA ANG MUKHA! SIGURADUHIN MONG PAGDATING NAMIN, NASA LABAS KA NA," galit na turan ni kuya.

'Di na niya hinintay ang sagot ko at pinatay na niya agad ang tawag.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. 'Di ko naman kasi namalayan ang oras.

Bumalik na ako sa pwesto ko kanina malapit sa kanila.

"Pasensya na iha, ihahatid ka na namin baka napagalitan ka na. 'Di ko rin namalayan ang oras eh," paghihingi ng paumanhin ni tita.

"Okay lang po tita. Walang problema," pag-aalo ko sa kaniya. Baka mamaya sisihin pa niya ang sarili niya.

"Ako na ang maghahatid sa kaniya tita," sabi pa ni Ismael

"What? How about me Ismael?" nagpapadyak pang sabi ni Chytzy.

Edi wow! Walang forever!

"Okay lang susunduin din ako ni kuya," ngumiti pa ako kina tita.

'Di ko na pinansin si Ismael at Chytzy

"Bukas ulit ate," nakangiting saad ni Jandrice

"Ingat ka Ija. Alam mo na ba ang daan palabas ng campus?" nag-aalala pa ring tanong ni tita.

Tumango na lang ako kay tita. 'Di ko pa rin naman nakalimutan ang daan.

"Ihahatid ko na lang siya sa labas tita," pagpapa pansin pa ni Ismael

"I told you Mael, ihahatid mo 'ko di'ba? Bakit mo pa siya ihahatid sa labas? At tsaka sabi niya alam na niya ang daan," pag-iinarte pa ni Chytzy

"Ako na ang maghahatid sa labas kuya. Hali ka na, Ara."

Hinila na ako ni Andrei palabas. 'Di na ako nakalingon dahil sobrang bilis niya maglakad.

Nang malapit na kami sa gate, namataan ko na ang sasakyan namin at nakasandal na si kuya Alex sa labas.

"Di mo sinabing magkakilala pala kayo ng kuya ko," natatawang sabi ni Andrei

'Di ko nga rin alam na magkapatid kayo. Umirap pa ako kahit 'di niya kita.

"Hindi naman kami gano'n ka close," plastic kong sagot sa kanya

'Di na siya naka-sagot dahil nasa tapat na kami ng kotse. Pinagbuksan na ako ni kuya Alex. Bago pa isara ang pinto ng sasakyan ay kumaway na ako kay Andrei. Kumaway din siya pabalik.

"Ang lakas ng loob mo'ng magpa-gabi ng ganito," seryosong saad ni kuya.

Sasagot na sana ako nang marinig ko ang phone ko'ng tumunog.

Binuksan ko agad ang message at muntik ko ng makalimutan na kinakabahan ako kina kuya ngayon.

Ismael Karl: You shouldn't ignore me like that, Kara. I'll see you tomorrow. Take care.

Shit, Ismael. Anong ginagawa mo sa 'kin?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Unseen Passion   Epilogue

    I've been into a lot of struggles just to be with her. Everytime I see her, my heart will beat faster. Hindi ko inakalang darating ang araw na mamahalin ko siya ng lubusan.It all started that day."Pre, susunduin mo na naman ang kapatid mo sa SEU?" I heard Alden's voice from behind.I was busy aiming for the target board when he came. Nasa practice room ako ngayon ng archery. I focused again on the board until I hit the center spot."Sana all, sharpshooter." I heard him again."Susunduin ko, malamang," sagot ko sa kanya habang inaayos ang bow at arrow."Ang tanda na ni Andrei, sinusundo pa." He hissed and crossed his arms.I raised a brow and let him rant. Sanay na ako sa kanya. Kapag nagkaroon ka ba naman ng kaibigan na baliw, magtataka ka pa?Sabay kaming lumabas ng CCAM. Naghiwalay lang kami ng landas nang nasa parking lot na. Nagpaala

  • Unseen Passion   Chapter 40

    "Saan mo gustong pumunta ngayong umaga?"I sat beside him. He's currently watching some cartoons. Mas nauna siyang nagising sa akin kaya nauna din siyang bumaba. Kinusot ko ang mata ko, halatang inaantok pa."Let's visit my friends, please," I asked him with my puppy eyes.Ginulo niya ang buhok ko at tumawa ng mahina. I pouted and crossed my arms trying to act like I'm mad."Kung saan mo gusto," he said softly.I excitedly went back to my room, nagmamadaling mag-ayos. I badly missed my friends. I'll surprise them this time.After a quick shower, I blow dried my hair and wore a white, pintuck mini dress paired with my black Roadster heeled boots. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok. Naglagay lang ako ng clip sa left side, just to pin my baby hairs.When I went downstairs, I saw Ismael comfortably sitting on the sofa, still watching another cartoon

  • Unseen Passion   Chapter 39

    " Sunbae, nasa labas po si Dr. Santiago."I urgently faced Erika when she said those words. She smiled awkwardly at me when she noticed that I was totally shocked. After we talked last time, we never had the chance to talk again. I rarely saw him these days. I don't know if he's just avoiding me or he's really busy.Despite of the awkwardness, I chose to go out and face him. I sighed heavily when I saw him leaning on the wall, just behind the door of the laboratory. His hands were on the pockets of his white coat, slightly bowing his head."Eikel," I called him.He swiftly moved and looked at me with his tired eyes. He faked a smile and came closer."Can we talk?" he suddenly asked.I seriously don't have enough reasons to turn down his request so I nodded and followed him.After a few minutes, I found myself sitting in front of him. We're on a café

  • Unseen Passion   Chapter 38

    "Nagbibiro ka ba?"I asked Ismael after he said those words about marrying me. I can't deny that my heart pounded after he said those words. I'm open enough to understand marriage pero di ko inisip na sasabihin niya nga."I'm not. I'm always serious when it comes to you, Kara. I want to marry you," he seriously said."Baka naman naiinggit ka lang sa kapatid mo." I mocked him.He smirked and leaned closer. Parang balewala ata ang lamesang humaharang sa pagitan namin."Why would I?I have the best girl in the world. In short, I have you," he said and chuckled.My face heated upon hearing that. Gosh, I'm not a teenager anymore but his words can really bring butterflies to my stomach. Umiwas ako ng tingin sa kanya kaya mas lalo kong narinig ang mahihina niyang tawa. Bumalik na din siya sa pwesto niya kaya ibinalik ko ang tingin sa pagkain ko."Kumain ka na. Bak

  • Unseen Passion   Chapter 37

    "Pose ka rin dito, Kara!"Nasa dalampasigan kami at trip ni Alise mag pictorial kaya nakisabay na rin kami ni Taine. Ilang beses na niya akong pinipilit mag-pose ng kung ano-ano. Some tourist were actually looking and that made me felt awkward.We're wearing a two piece. Napilitan akong hubarin ang ipinatong ko dito kanina dahil sa kakulitan ni Alise. I was about to walk away when she pulled me."I don't want this, Alise. Marami na ang nakatingin," I awkwardly told her."Natural! Maganda tayo at sexy!" she said and rolled her eyes.Sa huli, wala rin akong nagawa dahil mapilit siya. Si Taine nga ay ginawa niya pang model. Nakikisakay naman ang isa kaya natutuwa si Alise. Kahit kailan talaga, pahamak siya.I was already enjoying while watching them when someone sat beside me. It was a couple of seconds when I realized that it was Ismael. He looked so grumpy and pissed off.

  • Unseen Passion   Chapter 36

    "Nasa'n na ang maleta mo?"Parang tanga ako habang wala sa sariling naglalakad papalapit kina Alise at Taine. They looked at me with confusion. Tinanong agad ako ni Alise nang nasa harapan na nila ako."Kay Ismael," I said.They both laughed and giggled. Eikel turned his gaze to our spot. Maybe he's wondering why did Alise and Taine laugh out of the blue. I sighed heavily and tried to forget about what happened in the bus."Come back na ba?" nakangising tanong ulit ni Alise."Hoy! 'Yong kuya ko pa!" mabilis na sagot ni Taine.Parang kanina lang halos ipagtulakan niya rin ako kay Ismael tapos ngayon, ipapaalala na naman niya sa akin na nandiyan pa ang kuya niya. I was about to say something nang dumating si Ismael habang bitbit ang maleta ko. Nakasunod na rin si Alden sa kanya na nakatingin sa akin ng nakakaloko."Maleta mo," Ismael said and gave me my lugg

  • Unseen Passion   Chapter 35

    "Sasama ka ba sa outing?"Alise asked me while I'm busy sorting the results of the five CT scans I performed two hours ago. The director asked all of us to have an outing this coming friday. Three days din 'yon kaya nag-aalinlangan ako.We're too busy actually but he assured us that the second team including the second shifters will be left here. Kumbaga, mauuna kami sa outing this weekend and pagkatapos namin, sila naman. Salitan lang."Ewan." I shrugged and continued my work."Ano ba naman 'yan! Dapat sasama ka! Bawal kang maiwan." She rolled her eyes and left."Nagtanong ka pa kung ikaw din naman ang masusunod," I whispered to myself.

  • Unseen Passion   Chapter 34

    "Bakit tulala ka,sunbae?"I unconsciously looked at Erika who's now confused with my sudden change of attitude. I'm still thinking about what happened the other day with Ismael. Hindi ko yata ma absorb lahat."Wala, nabigay mo na ba kay Dr. Gonzaludo ang result ng X-ray ni Mrs. Lusioni?" pag-iiba ko ng usapan."Yes,sunbae." She smiled.Buong araw yata akong tulala at wala sa sarili. No'ng mag lunch ay di rin ako sumabay kina Alise. Parang tanga ako habang wala sa sariling kumikilos. Buti na lang at nandito si Erika."Hey, are you okay?" Eikel asked when he noticed that I'm silent the whole time.Nasa office kami ngayon. It's 8 PM and wala masyadong nagpapa-scan kaya nagpahinga na muna ako. Erika will call me if anyone will come."Yes, sorry." I smiled at him and apologized."Okay lang. Pahinga ka na," sabay tu

  • Unseen Passion   Chapter 33

    "Okay ka na ba?"I made a face and looked at my brother who's still looking worried. It's been a week since the accident. Nakawala daw ang baliw na 'yon sa ward nina Ismael. Maybe it's not a good thing na iisang floor lang kaming lahat.The director was very worried because his niece got attacked and one of his employees got hurt that's why he decided to move the Psychiatry Department to the 5th floor. They will occupy the whole floor para wala wala ng manyari na ganito sa susunod.After Ismael's last visit, di na rin siya nagpakita. I sighed heavily when I remembered him. Eikel never said a word so I guess he's trying to weigh things first."Magpapahinga naman ako sa bahay, kuya," I finally said and stand up.Medyo okay na rin ang sugat ko kaso di pa ako nakakagalaw ng maayos. Nasa business meeting din si mommy sa Iloilo kaya si kuya ang nagsundo sa akin. Llianne was also busy with her st

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status