Share

06

[Chapter 6]

"Pick it up..." I whispered to myself.

Nakahiga lang ako sa higaan, iniisip ko pa rin ang ginawa ko kanina sa kaniya. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko siyang sigawan.

And there it goes, ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko sa kaniya. I can't help myself thinking about him, alam ko sa sarili ko na talagang galit siya sa akin. Storms of thoughts forming already inside my mind, hindi ko rin mapigilan ang hindi pag-iyak, dahil ako mismo ay nasasaktan para sa kaniya.

I should think before then, sana inisip ko ang mga ginawa ko kanina at hindi ako nagpadala sa galit ko.

"I'm s-sorry..." I said, I cried silently, while holding my phone, nagbabakasakaling tawagan niya ako pabalik para makausap.

Hindi ko na namalayan, na nakatulog na lang ako dahil sa kakaiyak.

I woke up because of the alarm, medyo may kasakitan din ang mata ko, siguro ay dahil sa kakaiyak kagabi.

I go to the bathroom and wash my face, nakita ko ang sarili ko sa salamin at namamaga ang mga mata ko, dapat ay hindi ko ito ipakita kay Manang Kristy, siguradong pagagalitan na naman niya ako kapag hindi ko sinabi ang totoong dahilan.

Napagdesisyunan ko na lang na maligo, at pumasok na sa school. Wala akong ganang kumain ng almusal ngayon, kaya papasok na lang ako kaagad sa school mamaya.

I'm wearing a white polo shirt with the school logo on the left side, it was Friday, required kaming suotin ito dahil ito ang nagmimistulang P.E uniform namin. Mom jeans, white sneakers, and a tote bag. I brush my hair gently, humahaba na pala ito, the hair was on my shoulder already. Bumuntong-hininga lang ako ng makita kong medyo lumiit na ang pamamaga ng mata ko pero, halatado pa rin.

Bumaba na ako at mabilis na lumabas sa pintuan, buti na lamang ay hindi nila ako napansin, hindi ko na rin nagawa pang magpaalam kay Lia dahil ayoko talagang makikita ako ni Manang Kristy na ganito ang sitwasyon, baka may lalo pa akong maiyak sa harapan niya.

Nakarating na ako sa school, it was 6:30 a.m. already, maaga pa para pumasok ako sa classroom. Napagdesisyonan kong pumasok muna sa clubroom para makapag-isip muna bago sumabak sa mahabang klase.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko kaagad si Camille na inaayos ang mga box, she smiled at me, napaiwas ako ng tingin pero ngumiti pa rin ako sa kaniya pabalik. Napaupo ako sa upuan na malapit sa bintana at sumandal sa sandalan ng upuan.

"Good morning." she said, at hinawakan sa braso bago lagpasan.

"Good morning." sagot po pabalik, hindi ko maiwasang mapatulala.

"Hey, Alva, is there a problem? Ang aga mo naman ngayon," ani niya at narinig ko pa siyang natawa ng marahan. "Oops, I'm sorry, talagang maaga ka nga pala." dugtong pa niya.

"Uh, nothing... Sadyang, hindi ko lang..." hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil alam kong sa susunod na minuto ay iiyak na ako.

"A-alva, are you... Okay?" tanong niya, and here I am, bursting into tears.

I heard her walking towards me, hinawakan niya ang braso ko, at luminga-linga, kinuha niya ang tissue box sa kabilang lamesa at inilagay sa harapan ko. Hinagod niya ang likuran ko at niyakap pa.

"Hey, what's the problem? I'm here." she said, at hinaplos pa ang buhok ko.

"C-camille..." I said, hindi pa rin ako maawat sa pag-iyak. "W-what would you do i-if, you get mad at someone? P-pero, hindi mo sinasadya?" I asked, kahit mismo si Harison ay hindi ko makausap tungkol diyan, I was scared about judgements.

There is a short silence between us, tumingin ako sa kaniya at nakita ko naman siyang napangiti ng bahagya.

"Well, I apologize..." she said. "Minsan, hindi rin naman natin maiwasang magalit ng hindi natin sinasadya, dahil nagpapadala tayo rito. Hindi mo rin naman kasalanan siguro na sigawan siya, dahil nga gusto mo lang ilabas ang galit na nararamdaman mo sa kaniya." ani pa niya.

"It's not your fault if you get mad at someone, gusto mo lang ispeak-out 'yong nararamdaman mo, pero sa sobrang gulo ng isip mo, hindi mo na minsan alam ang ginagawa mo, saka mo lang marerealize na, nagkamali ka pala." she smiled bitterly.

"Alva, you should apologize for it, ipaliwanag mo sa kaniya na hindi naging malinaw ang gusto mong iparating," dugtong pa niya. "You should think about your actions first, dahil minsan, kung paiiralin natin ang pride, mas lalong masisira ang mga bagay na nabuo at pinagsamahan niyo, at alam kong si Joaquin 'yan." sabi niya para lang mapatingin ako at mas lalong maiyak.

Kumuha ako ng tissue ang ipinahid iyon sa mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.

"Dahil sa'kin, nagkagulo kami," what if he doesn't accept my apology? What would I do?" I asked, at kumuha na naman ng tissue para mabahingan.

"Umm, siguro subukan mo muna, bago mo isipin na hindi niya tatanggapin ang apology mo." sagot niya pa at hinawakan ang balikat ko. "You can do this, okay?"

I smiled, pinahid ko ang mga natirang luha na bumagsak sa pisngi ko, saka sumandal sa balikat niya.

"Thank you." I said.

After many minutes, narinig kong tumunog ang bell, indicating that the classes should start soon. Naunang lumabas si Camille sa akin dahil sinabi niyang strikto sa oras ang professor niya.

Inayos ko muna ang mga gamit sa clubroom, saka napagpasyahan ko na lang na pumasok na rin sa klase. Sa pagbukas ko pa lang ng pinto, natanaw kaagad ng mga mata ko si Joaquin na nakayukong naglalakad. Nag-angat siya ng tingin, at nakita kong kaagad na dumilim ang mukha niya, it's now or never, I should apologize for what I have done.

"J-joaquin—"

Salvador! Sasabay ka ba?" sigaw ng kung sino sa likod para lang mapatigil ako sa paghakbang.

"Y-yeah bro, wait for me." ani niya at nilagpasan lang ako.

Parang isang hangin lang ako na mabilis na dumaan sa kaniya, napahawak ako ng mahigpit sa bag ko, at nagsimula ng lumakad papalayo. Hindi ko na nagawa pag lumingon dahil alam kong sa mga oras na lumingon ako ay maiiyak na naman ako, dahil naaalala ko ang sitwasyon namin.

Pumasok ako sa classroom ng nakayuko, not giving attention to my other classmates, masaya lang silang nagkwekwentuhan, pinahid ko ang mga matang nagbabadya na naman sa lumuha. Umupo ako sa upuan ko at sakto, wala pa si Marvin sa tabi ko.

"Nice, hindi late." tawa ng isa kong kaklase, pumasok si Marvin sa classroom at kumaway-kaway pa na parang kandidato, dahil first time lang niyang pumasok ng hindi naaabutan ang professor namin tuwing first period.

"Mahal ako ni Lord ngayon, pare." sabi niya sa maangas na tono at naglakad na papalapit sa upuan namin.

"Aga mo naman, Alva." ani niya pero hindi magawang lumingon sa kaniya.

"Palagi naman akong maaga," sagot ko at napayuko na lang sa arm rest ng upuan ko. "Hindi ka pa ba nasanay?" tawa ko ng marahan, narinig ko rin naman siyang natawa.

"Sabagay, teka, inaantok ka ba?" tanong pa niya at nakita ko siyang sinusulyapan ang mukha ko.

"Oo, wala pa naman si Sir." sagot ko at iniwas ang mukha ko.

"Kalabitin na lang kita kapag nandiyan na." sagot naman niya pabalik sa akin.

Buong oras ay nakatingin lang ako sa bintana, buti ay natatakpan ng bangs ko ang kalahati ng mata ko para hindi nila mahalatang namamaga ito. Hindi ko rin maiwasan na tumingin sa pintuan, dahil alam ko sa mga oras na ito ay nag-aabang na si Joaquin sa labas, para sabay na kaming mag-lunch, pero kahit anino ni Joaquin ay wala.

Natapos ang klase sa umaga, lunchbreak na at nag-aayos na lang ako ng mga gamit ko. Buti ay hindi nila nahalatang namamaga ang mata ko sa kakaiyak.

"Alva, may naghahanap sa'yo." sigaw ng kaklase ko para mabilis akong mapalingon sa kanila.

I thought first, it was Joaquin, but I was wrong, it was Harison displaying a bittersweet smile at me, mabilis kong kinuha ang gamit ko at pinipigilan ko lang ang pagluha ng mga mata ko, dahil sa itsura niya pa lang ay alam kong kakawala na ang mga luha ko.

"Are you okay?" tanong niya ngmakalapit ako, parang may kuhg anong nakabara sa lalamunan ko dahil nagawa ko pa ring tumango sa kaniya at ngumiti.

Sabay kaming naglunch, si Asher lang ang kasama namin dahil sinabi niyang hindi niya alam kung nasaan si Joaquin. Tahimik lang akong kumakain habang panay naman ang usapan ni Harison at Asher sa isa't-isa.

"Alva, okay ka lang ba?" tanong ni Asher at ibinaba ang kutsara niya. "Kanina ka pa tahimik diyan, nakakapanibago ka." dugtong pa niya at hinawakan ang noo ko.

"Gaga, wala naman siyang lagnat." suway ni Harison sabay hampas sa kamay ni Asher.

"Bakit? Bawal ba siya icheck man lang?" bwelta ni Asher sabay kain na ulit.

"Bawal, madumi kamay mo." sagot ni Harison at natawa.

Masaya lang silang nagtatawanan hanggang sa matapos ang lunchbreak, sinabi ko sa kanila na papasok na ako kahit nag-aaya pa si Asher na tumambay sa may Narra tree.

Hindi na ako pumayag dahil mas gugustuhin ko na lang muna na mag-isa, pero, kaagad akong hinatak ni Harison kahit iba naman ang daan namin sa classroom namin.

"Let's ditch the class, you need someone this time." he said, at hinawakan ang kamay ko papunta sa garden ng school, pinipigilan ko ang mga luhang gusto ng bumagsak, pero gusto ko pa ring ipakita kay Harison na malakas ako at hindi na nakakaapekto sa akin si Jaoquin.

"May major ka ba ngayong oras?" tanong ni Harison ng makaupo kami sa may bench na nakaharap sa fountain ng school.

"Wala..." sagot ko, nakatulala lang. "Mamaya pa." dugtong ko pa at bumuntong-hininga.

"How was your day?" he asked, and looked at me.

"It's fine, really," sagot ko at napalunok. "Wala namang iba."

Napansin kong napatitig na lang din siya sa fountain, maraming estudyante ang palisawlisaw ngayon dahil friday naman, maraming courses ang mahaba ang vacant time. Hindi ko maiwasang laruin ang mga daliri ko, nagulat ako ng hawakan iyon ni Harison at pisilin ng mahina.

"Alva..." he said, he looked at me with a pitiful eyes, "You can talk to me."

Sa salita pa lang niyang iyon ay hindi ko na maiwasan pa na maiyak, kaagad kong pinahid ang mga luhang mabilis na kumawala sa mga mata ko, kaagad naman niya akong niyakap saka hinagod ang likod ko.

"Iiyak mo lang 'yan," he said, "Kailangan mong ilabas 'yan." dugtong pa niya.

"I-I don't know what to do, Harison... My guilt was killing me." I said, at napayakap pa ng mahigpit kay Harison.

"Alva, hindi mo kasalanan na mapagtaasan mo siya ng boses, it's not your fault darling, Joaquin deserved it." ani niya para lang mag-angat ako ng tingin at tumingin sa kaniya.

"H-he doesn't deserved it, Harison, I was wrong." sagot ko at pinahid ang mga mata ko.

"Well, Alva, you need to be vocal about your thoughts, hindi ka pwedeng manahimik lang sa isang bagay na alam mong mali, what you did was right. See? Napapansin ko rin na hindi maganda ang attitude niya towards kay Rhys, and that's wrong. You don't need to blame yourself, it was his fault kaya ka nagalit ng ganiyan." mahabang litana niya sa akin habang ang mga mata niya ay blangko lang.

"Ano ba ang sinabi ko noon? Sinasaktan mo lang ang sarili mo patungkol kay Joaquin. Hindi lagi o araw-araw si Joaquin ang laman ng isip mo, minsan, kailangan mong kampihan ang sarili mo bago ang iba, he is just a friend Alva, hindi ka na pwedeng lumagpas doon dahil alam mo naman ang mga sakit na dala niya 'di ba? Just once Alva, makinig ka sa'kin!" he said, habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

"I know Harison—"

"Pero paulit-ulit pa ring ginagawa!" bwelta niya at mas mahigpit pa akong hinawakan sa magkabilang braso ko.

"I was dumb, Hars! Alam ko 'yon... P-pero 'di ba? Mas maganda kapag naghihintay? I know, it would take time about his feelings towards me... Alam ko 'yon." sagot ko at inalis ang mga kamay niya sa braso ko.

"I should apologize to him."

"He should apologize to you!" Harison interrupted me, at nakita ko sa mga mata niya ang galit na alam kong gusto na niyang ilabas.

I've know Harison forever, kahit hindi niya pinapakitang nagagalit siya, ay alam ko sa mata niya na gustong-gusto niya na itong ilabas, he avoided to be mad at me because his my best friend. Napapikit ako ng mariin dahil ito ang unang pagkakataon na tutuligsain ko ang sasabihin niya.

"I should apologize." ani ko at tumayo na. "It's my fault that he get mad at me like that."

"Alva—"

"I know Harison, you're mad at me right now, pero hindi mo lang ipinapahalata." titig ko sa kaniya habang pinunasan ko ang isang luhang kumawala. "You're my friend, so Joaquin did. Pareho kayong mahalaga sa'kin." sagot ko at bigla na lang umalis sa school garden.

Lumingon pa ako sandali at nakita ko si Harison na nakatulala lang sa kawalan, habang ako ay mabilis na naglalakad para pumasok sa klase.

It was Saturday, tumatagos na ang liwanag sa bintana ng kwarto ko, at hindi pa rin ako bumabangon dahil pakiramdam ko, ang bigat-bigat ng katawan ko dahil sa mga pangyayari kahapon sa school. I heard someone was opening the door, umalog ang higaan ko at nakita kong niyakap ako ni Lia.

"Ate, are you sick?" tanong niya sabay hipo sa noo ko at leeg.

"No, ate's not sick." sagot ko at natawa ng marahan, sinenyasan ko naman siyang babangon ako at bumaba naman siya, umupo ako at nakita niyang gulo-gulo ang buhok ko para lang mapatawa siya.

"Ate, you're like Princess Anna, from Frozen." she giggled, napatingin ako sa salamin ko at nakita kong kamukha ko nga si Princess Anna, but with a shorter hair.

"And you would be Olaf..." pang-aasar ko, she pouted.

"At least I'm cute." sagot niya at nagpuppy-eyes pa sa harapan ko.

"And you are cute, Arcelia." ani ko at napatawa na rin.

There is sudden silence between us, itinagilid niya pa ang ulo niya at tumitig sa akin, para lang maguluhan ako.

"What? Is there something on my face?" tanong ko at sinuri na rin ang mukha ko.

"You're eyes are puffy ate, what happened? Did you and kuya Harison fight? Or kuya Joaquin?" tanong niya para lang magulat ako, napaupo pa siya sa tabi ko at hinawakan ako sa braso.

"Ate, you can talk to me, I'm your sweetest and cute little sister..." she said. "And I can keep a secret too." she whispered, para lang mapatawa ako ng marahan.

"Pero ate, pwede mo naman akong kausapin kung may problema ka, 'di ba sinabi mo noon? Na tayong dalawa lang ang magdadamayan?" ani niya pa para lang mapangiti ako.

I said that to Lia when she turned 6, lalo na't noong hindi pumunta sina Mommy and Daddy noong birthday niya. And it was incredible that she remembered that. Hindi na ko na babalakin pa na sabihin ang totoong nangyari, napaisip na lang ako kung ano ang pwedeng sabihin sa kaniya.

"Lia..." I said. "But first, ate doesn't have any problems with kuya Harison... and Joaquin." ani ko pa at inakbayan siya.

"Is it true? na wala kang problema?" tanong pa niya at hinawakan ang isa kong kamay.

"Yes..." sagot ko sa kaniya. "Lia, what is forgiveness to you?" tanong ko sa kaniya para lang mapatingin siya sa akin.

"Forgiveness?" ulit pa niya, napahawak pa siya sa baba niya na animo'y nag-iisip.

"I think ate, isa 'yon sa pinakamahalagang magagawa ng isang tao..." she said, para lang medyo manlaki ang mata ko dahil sa sagot niya.

"And then?" dugtong ko.

"Forgiveness can be given to other people, pero siguro 'yong deserve lang, but, Manang Kristy said, forgiveness can be given to everyone, pero sabi niya rin na hindi ibig sabihin na pinatawad mo ang isang tao, ibig daw ay magkakaroon pa rin kayo ng koneksyon sa isa't-isa..." mahabang litana niya para lang mapanganga ako sa pagkamangha.

"Hey... you're good at it ha!" tawa ko ng marahan saka siya niyakap.

"Tinanong ko kay Manang Kristy 'yan ate, dahil kung sakaling bumalik sila Mommy at Daddy, mapapatawad ko pa rin sila kapag nag-sorry sila sa mga bagay na hindi nila nagawa, o kaya kapag sinabi nilang nagkulang sila sa ating dalawa." ani niya para lang mawala ang ngiti ko, nakita kong nabubuo na ang mga luha sa mga mata niya.

"Awe, Arcelia, come here..." ani ko at niyakap ulit siya, and then she burst into tears, Lia's 7 years old already, panigurado ay nalalaman na niya kung ano ang mga nangyayari sa paligid niya.

"I said that you can say your problems to me e', pero ako naman 'tong umiiyak..." ani niya para lang mapangiti ako.

"Ate's always here for you no matter what, you're ate's little princess..." sagot ko sa kaniya at hinagod ang likod niya. "Don't worry, Mommy and Daddy will be having some time for us, in the future maybe..." dugtong ko at pinahid din ang mga luhang hindi naman kumawala pero nabuo sa mata ko.

I looked at my phone, may tumatawag rito, mabilis kong kinuha iyon at nagulat ako ng makita ko ang pangalan niya sa screen.

"H-hello?" nauutal kong sagot sa cellphone ko, napatayo pa ako dahil sa kaba.

[Um... Alva...] Joaquin said on the other line, narinig ko pa ang malalim niyang paghinga.

"Look, I'm sorry for what happened last time..." inunahan ko na siya at napakagat ako sa daliri ko.

[Uh, Alva... I wanted to say... Pwede ka bang sumama sa akin?] tanong niya, gulat naman akong napatayo sa gilid ng kama.

"Huh? Uh... Where?" tanong ko at hinawi ang buhok ko.

[To Villa Mariposa...] ani niya at narinig ko pang humina ang boses niya. Nagulat ako ng maalala ang Villa Mariposa ay isang garden kung saan punong-puno ito ng butterflies!

"F-for what? V-villa Mariposa?" tanong ko sa kaniya at napaupo ulit ako sa tabi ni Lia.

[I just wanted to make it up to you...] sabi niya para lang mapangiti ako sa kilig.

"O-okay... When?"

[Maybe later? I'll fetch you at 11 o' clock... See you.] ani niya at pinatay na ang tawag, hindi naman ako maawat sa pagngiti ngayon.

"Ate, who's that?" tanong ni Lia para lang mapahiga ako sa higaan.

"That's kuya Joaquin..." sagot ko para lang mapahiga rin siya sa higaan ko.

"Why?" tanong niya at nilaro ang mahaba at tuwid niyang buhok.

"Umm... Where going to Villa Mariposa, the garden of butterflies." paliwanag ko para lang kuminang ang mga mata niya.

"Can I come with you?" tanong niya para lang mapangiti ako.

"Umm, maybe some time... Is that okay to you?" tanong ko, napansimangot naman siya pero kalaunan ay tumango na lang siya.

"Okay, pero sa susunod na lakad niyo, sasama na ako ha!" paalala niya at niyakap ako habang nakahiga kami.

"Fine... Isasama kita next time." sagot ko sa kaniya.

Lumabas na si Lia sa kwarto ko, it was already 7:00 a.m. at napagdesisyunan kong humanap na ng susuotin ko para sa lakad namin ni Joaquin. Pumunta ako sa closet at nagkalkal ng magandang susuotin, I saw this puffsleeves dress with floral prints on it, I get some white sandals na isang inch lang ang taas ng takong, bagay ito sa dress dahil hanggang ilalim ang tuhod ang haba ng palda nito.

Bumaba muna ako para mag-almusal dahil kanina pa pala kumakatok si Lia, at kanina ko pa rin pala tinitignan ang sarili ko sa salamin.

"Ate, are you dead na ba? Hindi ka kasi sumasagot e'..." paalala niya sa akin.

"I'm sorry, ate's just getting ready about—"

"About your lakad ate... I know... Manang Kristy said that we should have our breakfast! Bawal siyang magalit!" paalala ni Lia saka ngumiti sa akin.

"Okay, let's eat!" sagot ko at hinatak ko siya pababa ng hagdan.

Ng makarating kami at nakapamewang na si ate Arianne na nasa lamesa, napatawa naman kami ni Lia dahil para na siyang Nanay sa pustura niya.

"Akala ko ay wala kang balak na kumain..." biro niya sa akin, kanina pa pala nandito si Lia at ipinatawag siya ni ate Arianne para tawagin ako sa kwarto ko.

"I told you... Hindi pwedeng magalit si Manang Kristy..." bulong ni Lia sa akin habang nakahawak pa ang kamay sa kamay ko.

"I know... I know, kumain na tayo." dugtong ko at pumasok na sa kusina.

Sa pag-upo ko sa upuan na kabilang sa lamesa, kaagad naman akong nginitian ni Manang Kristy at inihain ang almusal namin.

"Manang—"

"Oo, Alora, alam ko na, pwede kayong umalis ni Joaquin, pero 'wag kang magpapagabi ha." sabi niya para lang mapangiti ako, napatingin ako kay Lia, nakita ko siyang nag-thumbs up sa akin.

"Sinabi ni Lia na may lakad daw kayo ni Joaquin, kaya kita pinababa kaagad dahil alam kong mag-aayos ka pa at magpapaganda..." sumilay ang nakakalokong ngiti ni ate Arianne sa akin.

"Ate, what's behind your smile? Joaquin is just a friend... Walang malisya." depensa ko pa, at nakita kong nagtawanan sina Manang Kristy.

"Oo na Alva, magkaibigan kayo." dugtong pa ni ate Arianne habang umiiling-iling pa.

Hindi ako nakaligtas sa mga pang-aasar nila ngayong umaga, kahit si Lia ay hindi mapigilang hindi mang-asar. Natapos na namin ang almusal, pinaligo ko muna si Lia bago ako, dahil gusto kong mabawasan ang gawain nila Manang Kristy at ate Arianne.

Isinuot ko na ang dress at sandals, I was putting some light make-up, some concealer, lipgloss, light eyeshadow, and some masscara. I even put some blush and a highlighter on my cheeks, sinuklay ko ang buhok ko at inilagay ang isang maliit na hairpin sa kaliwang bahagi ng buhok ko.

Ng matapos na ako ay ginamit ko ang isang white sling bag. I looked myself at the mirror, at sakto, bumukas ang pinto at nakita kong si Lia ang dumungaw dito. It was already 11:00 o' clock, alam kong si Joaquin na ang sasabihin niya.

"Kuya Joaquin is here." she said, pasimple akong napangiti sa kaniya, at nauna ng bumaba sa kaniya, ng maalala ko si Lia ay binalikan ko siya at hinawakan ang kamay para bumaba sa hagdan.

I already saw Joaquin wearing a cream-colored polo short, khaki pants, and brown shoes. He took off his shades at nakita ko kaagad ang magaganda niyang mata. Nasa tabi niya si Manang Kristy at halatang may pinag-uusapan sila.

"Arcelia, halika rito." ani ni Manang Kristy at tinawag si Lia. Kaagad naman lumapit ito sa kaniya. "Joaquin, 'wag kayong magpapagabi ni Alva ha... Naku! Malilintikan ka sa akin." biro ni Manang Kristy para lang mapatawa kaming lahat.

"Yes po Manang... Hindi po kami magpapagabi." sagot ni Joaquin at ngumiti, nakita ko kaagad ang mapuputi at pantay niyang ngipin.

Nagpaalam na kami sa kanilang lahat, ng makasakay kami pareho sa kotse ay mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa, hanggang sa umandar ang kotse at magpatakbo si Joaquin.

"Hey..." pareho kaming banggit sa isa't-isa, napatawa naman kami pareho.

"I'm sorry about my attitude towards you and about kay Rhys..." sagot ko at napatingin sa bintana.

"I'm sorry Alva... I didn't mean for you to get mad at me..." ani niya at nakita ko ang paglunok niya. "I was wrong about Rhys, he's a good guy." sagot pa niya para lang mapangiti ako at tumingin sa kaniya.

"Did you say sorry to him?" tanong ko para lang tumaas ang isang kilay niya.

"Yes... At 'yon na ang huling gagawin ko." tawa niya ng marahan.

"You're making friends na ha, alam ko lang dati malantod ka." tawa ko para lang magreklamo siya.

"Hey! Matagal ko ng tinanggal ang pagiging malandi ha!" dipensa niya at pailing-iling pa.

"Grabe naman friend! Kaya pala ang dami mong naging jowa nung highschool at ngayong college!" biro ko pa.

"Pero ngayon, I was waiting for a girl..." sabi niya para lang mapatigil ako sa pagtawa at tumingin sa kaniya. "And I don't know what would be her reaction if I ever confess to her..." sagot pa niya para lang bumagsak ang mga balikat ko.

"W-who's the lucky girl?" tanong ko kahit labag sa loob ko.

"It's a secret, mamaya ko na lang sasabihin." ngiti niya sa akin.

Tumango-tango lang ako at tumingin na ulit sa labas ng bintana, marami pa lang pusong nadudurog sa maling akala.

Nakarating na kami sa Villa Mariposa, it's designs was wonderful, parang iisipin mo na isa kang prinsesa at binisita mo ang royal garden niyo. I already saw some butterflies flying around, and the scenery was very calming at this moment.

I saw some staffs wearing a butterfly brooch on the left side of the uniform, Villa Mariposa was a garden of butterflies, but it was also a cafe.

"Good morning, Ma'am, Sir," sabi ng staff na babae at ngumiti sa amin. "Welcome to Villa Mariposa." saad niya.

"Good morning..." sabay naming banggit ni Joaquin.

"A couple?" tanong ng staff para lang mapatingin ako kay Joaquin.

"Bestfriend, butterflies are her favorite..." ani ni Joaquin para lang mapangiti rin ako.

"Akala ko ay magkasintahan po kayo, bagay po kayo... Enjoy niyo po ang pagbisita!" ani pa niya at nagpatuloy na kami ni Joaquin sa paglalakad.

Mayroong daanan ang garden na ito, it was kind of rocks, na para ka talagang nasa isang garden at makikita mo ang iba't-ibang klaseng bulaklak. I saw the gazeebo in the center of the garden, kaagad kong inaya si Joaquin doon. Sa paglalakad namin ay maraming species ng butterflies ang nakikita namin, iba't-ibang kulay at iba't-ibang laki. I saw a Mariposa, and it was kind of big, nakadapo ito sa isang sunflower, I can't help myself but to take pictures of it.

Nagpresinta pa si Joaquin na kuhanan akong litrato at hindi ko maiwasang hindi matawa dahil parang hirap na hirap siya. Nakakuha naman siya at alam kong may skills siya sa pagkuha ng mga litrato.

"You're beautiful here..." ani niya at itinuro ang picture, pero sa pag-angat ko ng tingin ay nakita ko siyang nakatitig sa akin, I feel my cheeks heated! Panigurado ay mukha na naman akong kamatis nito!

Nag-aya na akong maglakad papunta sa gitna ng garden, kung saan nakalagay ang gazeebo, I can't help myself to feel like a princess at this moment, para akong nasa isang fairytale story. Nakarating kami sa gazeebo, it is covered with vines, and there are some flowers the blooms. walang tao rito kaya mas lalo kong nagustuhan ang katahimikan.

"Alva..." tawag sa akin ni Joaquin.

"Yes?" ani ko at humarap sa kaniya, nakita kong inilabas niya ang isang box, binuksan niya ito at nakita ko ang kwintas na sunflower na nakita namin noon sa mall.

"T-that's—"

"This is what you wanted, I know you like sunflowers... And butterflies too..." sagot niya sa akin at ngumiti.

Hindi ko rin maiwasang mapangiti dahil naaalala pa niya ang mga ganoong bagay tungkol sa akin. Kinuha niya ang kwintas, sinabi niyang siya na raw ang magsusuot sa akin nito.

"There... Bagay sa'yo." sabi niya sabay tingin sa akin.

"It's beautiful, thank you..." sagot ko at hinawakan ang pendant ng kwintas.

"Alva..." ani niya at nakita kong napalunok pa siya. "Matagal ko ng itinatago 'to... At alam kong ito ang tamang oras para sabihin ko sa'yo ang matagal ko ng nararamdaman." dugtong niya para lang magulat ako ng bahagya.

"From the day that you teach me about our English subject in highschool, I know you are the right girl for me..." sagot niya. "Noong una ay naguguluhan din ako sa nararamdaman ko, dahil alam ko sa sarili kong kaibigan lang ang turing mo sa'kin. I memorized every detail about you, about the things you loved... I remember the stories you told about yourself, dahil alam kong 'yon lang ang tanging magagawa ko noong mga araw na magkaibigan tayo..."

"I dated other girls, kasi gusto kong mawala ang nararamdaman ko para sa'yo, but, I was wrong, habang tumatagal tayong magkasama ay lalo akong nahuhulog sa'yo... Your laugh, your smile, everything is like a drug, nakakaadik..." biro niya para lang mapatawa kami pareho. "I felt relieved whenever I saw you... Nagiging pahinga kita sa mahabang araw."

"I'm sorry about the mistakes that I had done to you... For the time that I make you cry, i'm sorry... And after all these years, walang makakapantay sa galing at ganda ni Alora Valine... I still loved you all these years... Hinding-hindi ka mapapalitan sa puso ko..." sabi niya para lang mabuo ang mga luha sa mata ko.

"Alora Valine Villareal... Will you be my girlfriend?" tanong niya at hinawakan ako sa mga kamay ko.

Hindi ko na mapigilan pang maiyak sa harapan niya, after all these years, ako pala ang tinitibok ng puso niya, after all these years, ako pala ang nilalaman ng puso niya, and after all these years, ako pala ang mahal niya. I was afraid about my feelings for him, dahil alam kong wala itong patutunguhan kundi ang pagiging magkaibigan lang namin.

I was wrong, he feel the same way as I am...

"You know, Joaquin, I feel the same way, we're both afraid about our feelings... And by the time that I learned the every inch of you, I know that I fall for Joaquin Castriel Salvador..." sabi ko at pinahid ang mga luhang kumawala. "And yes, my answer is yes." sagot ko para lang yakapin niya ako ng mahigpit.

Kumalas siya at tinitigan ako sa mga mata.

"Hinding-hindi kita sasaktan." sabi niya, para lang mapatango ako at matawa. "I will loved you, until our last breath, until the last beat of our hearts." he said.

"And I will loved you too, until the last string of my heart." I said, and smiled.

He touch my cheeks, nararamdaman kong inilalapit niya ang mukha niya sa akin, he sealed those promises with a kiss.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status