Share

Kabanata 3.2

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2023-07-17 22:41:26

Marami na ang nagtatakbuhan palabas ng building. Tiningnan ni Monique kung saan nanggagaling ang apoy.

“No, please.” Anas niya nang makita niyang malapit sa nursery ang sunog.

“Ang baby ko,” aniya at dahan-dahan na naglakad papunta sa nursery dahil dun nanggagaling ang sunod.

“Ma’am, we need to get out in the hospital now!” saad ng nurse sa kaniya pero inalis ni Monique ang pagkakahawak sa kaniya ng nurse.

“I need my son, I need to get him out here!” saad niya at pinilit na puntahan ang anak niyang nasa nursery.

“Excuse me, where’s exactly the fire?” tanong niya sa isang babaeng nagmamadali ring lumabas.

“In the nursery room,” mabilis niyang sagot saka muling tumakbo. Halos manghina si Monique sa narinig. Wala siyang ibang iniisip kundi ang anak niya.

“My baby,” para bang nanlamig ang buong katawan niya thinking that she can’t save her son. Masakit man ang tahi niya at unti-unti na rin yung bumubuka wala siyang pakialam dahil mas mahalaga sa kaniya ang buhay at kaligtasan ng anak niya.

Ramdam na ni Monique ang init kahit na hindi pa siya nakakarating dahil talagang malaki na ang apoy. Nakikipagsiksikan naman si Anthony sa mga nagsisilabasan ng mga pasyente at mga bantay nila.

“Monique!” malakas na tawag ni Anthony sa kapatid niya pero hindi siya nito naririnig dahil tila ba nabingi na si Monique. Wala siyang gusto kundi ang makuha ang anak niya.

“What do you think you’re doing?!” galit na galit na saad ni Anthony.

“I need my son Kuya! My son is in there! The nursery is on fire, damn it!” umiiyak niya ng saad. Tiningnan ni Anthony ang daan papuntang nursery pero hindi niya alam kung may maabutan pa ba siyang buhay sa nursery room.

Nanginginig na rin si Anthony, nag-aalala para sa pamangkin niya pero kung pipilitin nilang pumasok baka pati sila ay mamatay na.

“I’m sorry Monique but I need you to get out here first,” saad niya saka niya hinila pabalik si Monique pero ayaw ni Monique kaya para silang naglalaro ng tug of war.

“No Kuya! Hindi ako lalabas hangga’t hindi ko kasama ang anak ko!” umiiyak niyang saad. “I need my son!”

“I know but we need you too Monique, wala na tayong maabutang buhay sa nursery room at kung pipilitin mo pang pumasok hindi ka na makakalabas baka magkaroon pa ng explosion!”

“Then I don’t care, kung mamamatay ang anak ko mamamatay din ako!” pagpupumilit niya pero hindi hahayaan ni Anthony na may mangyayari rin sa kapatid niya. Buong lakas na binuhat ni Anthony ang kapatid niya na tila ba isang bride dahil alam niyang may tahi si Monique sa tiyan niya.

“Kuya, put me down please! I’m begging you, I need my son!” sigaw niya habang hinahampas sa dibdib ang Kuya niya pero blangko at seryoso lang ang mukha ni Anthony. Iniisip niya ang kalagayan ng pamangkin niya pero alam niyang wala na silang aabutan sa nursery.

“Brylle!” malakas na sigaw ni Monique habang papalayo na sila sa nursery room. Wala na silang kasama sa loob ng floor na yun dahil lahat sila ay nakalabas na.

“Kuya yung anak ko!” sigaw pa rin ni Monique. Nanlalabo na ang paningin niya.

“Here, come here!” napalingon si Anthony sa tumawag sa kanila sa bandang bintana. Nakita ni Anthony ang dalawang lalaking nakasakay sa cherry picker. Mabilis siyang tumakbo dun at tinulungan na siya ng dalawang rescuer na isakay si Monique sa cherry picker. Kung gagamitin pa nila ang hagdan baka hindi pa sila makalabas ng floor dahil hindi malabong magkaroon ng explosion.

Saktong pagsampa ni Anthony sa cherry picker ay siyang malakas na pagsabog. Napayuko silang lahat.

Ibinaba na ng operator ng truck ang boom ng cherry picker kung saan nakasakay si Anthony at Monique. Humihikbi pa rin si Monique dahil ang anak niyang nasa nursery room ay maaaring wala na. Bumagsak na lang si Monique sa bisig ng Kuya niya. Hindi niya kaya, hindi niya alam kung paano niya tatanggapin.

Tahimik lang si Anthony habang yakap-yakap ang kapatid niya. Alam niya kung anong nararamdaman nito lalo na at kapapanganak pa lamang niya.

Inalalayan na ng mga rescuer na bumaba si Anthony at si Monique. Marami na ring mga ina ang umiiyak habang tinatawag ang pangalan ng mga anak nilang nasa nursery. Natulala na lang si Monique, wala ng luha ang lumalabas sa mga mata niya.

“Nooooo! My baby is in there!” humahagulgol na wika ng isang ina habang nakatingin sa nursery room na sunog na sunog na. Pinapatay naman na ng mga fireman ang apoy pero makapal pa rin ang usok.

“Kuya, ang baby ko.” mahinang saad ni Monique. Walang magawa si Anthony kundi ang yakapin lang ang kapatid niya. Ilang araw pa lang ang mga sanggol na nasa nursery pero binawian na kaagad ng buhay ang mga ito dahil sa sunog.

“Anthony,” tawag kay Anthony. Tiningala ni Anthony kung sino ang tumawag sa kaniya at nagulat siya nang makita niya si Warren.

“Ang baby ko,” masiglang saad ni Monique nang makita niyang buhat-buhat ng pinsan niya ang baby niya. Umiiyak na kinuha ni Monique ang anak niya.

“Oh my God, thank you so much Kuya, thank you.” umiiyak niyang saad habang hinahalikan ang anak niya nang paulit-ulit. Nagtataka namang nakatingin si Anthony sa pinsan niya.

“How did you—“ naguguluhang saad ni Anthony, halos hindi pa niya mahanap ang sasabihin niya kay Warren.

“Kararating ko lang kanina, dumiretso ako sa nursery because I want to see our niece. Nagpaalam ako sa nurse na kung pwede ko bang kunin si Brylle para mailabas ko siya at masikatan ng araw, pumayag naman kaya lumabas kami.” saad niya na gulat na gulat din sa nangyaring sunog. Para bang napapatulala rin si Warren dahil tila ba hulog siya ng langit para iligtas ang pamangkin nila.

“Thank you so much, Kuya, thank you Kuya Warren.” Pagpapasalamat pa rin ni Monique. Ang akala niya ay hindi niya na makikita ang anak niya, ang akala niya ay wala na siyang maaabutang katawan ng anak niya sa nursery.

Nakahinga ng maluwag si Anthony, tinapik niya ang balikat ni Warren at nagpasalamat. Hindi na nila alam ang gagawin nila kay Monique kapag nawala pa sa kaniya ang anak niya.

“You’re just on time,” anas ni Anthony kay Warren. Tiningnan ni Warren ang floor kung nasaan ang nursery room. Ang balak niya talaga ay bukas pa ang luwas niya pero ang nakuhang ticket ng Mommy niya ay ngayong araw kaya wala siyang nagawa kundi ang lumipad na patungong England.

Kating-kati rin siyang dumiretso sa nursery room para makita ang pamangkin nila. Nang marinig ni Warren ang malakas na pagsabog kanina halos manigas siya nang makita niyang nagmumula yun sa floor kung nasaan si Monique at ang anak niya.

“Doc, we are going home. I want their safety, they are not safe here.” saad ni Anthony sa doctor ni Monique. Nakahiga sa isang kama si Monique dahil tinitingnan ng mga doctor ang tahi niya. Muli nilang tinahi yun dahil bumuka nang pinilit niyang tumakbo.

Karga-karga naman ni Warren ang bata.

“But she’s not fully heal, we still need to monitor her.” wika ng doctor pero umiling si Anthony. Desidido na siyang iuwi ang kapatid at pamangkin niya dahil hindi siya mapapanatag lalo na sa nangyari.

“No, I can pay you triple but I need to take them home. Don’t worry doc, we will pay you just name your price. Visit her in our house,” seryosong saad ni Anthony. Wala namang nagawa ang doctor kundi ang payagan na ilabas na si Monique.

Inihatid ng ambulance si Monique sa bahay nila. Gustong masiguro ni Anthony na ligtas ang kapatid at pamangkin niya, na walang mangyayari sa kanilang dalawa.

Tulalang nanunuod sa TV si Warren tungkol sa balitang nagkaroon ng sunog sa hospital.

“Ibig bang sabihin na sa nursery room talaga nagsimula ang sunog?” nagtatakang tanong ni Warren.

“Maybe,” sagot naman ni Anthony.

Hindi nila alam kung sunog ba talaga o kung sinadya ba ang sunog.

Napabuntong hininga na lang sila nang malaman nila kung ilang mga sanggol ang namatay sa sunog at ilan lang ang mga nakaligtas. Ang mga nakaligtas lang ay ang mga sanggol na inilabas ng mga magulang nila. May mga nurse ding nadamay at dahil sa malakas ang apoy, walang nakalabas na mga nurse na nasa nursery room.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Hay kinabahan ako dun ah,buti nalang at inilabas n warren ung baby!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge   EPILOGUE

    AIDAN’S POV Sa nakalipas na mga taon napakarami naming pinagdaanan. Simula nang umalis si Monique at wala na akong balita kung saang bansa na siya nananatili, pakiramdam ko pati ang mundo ko ay bumagsak but I need to endure all the pain that I am feeling dahil ang ginawa kong pananakit sa kaniya ay para rin sa kaniya. Alam naman naming hindi kami bibigyan ng basbas ng mga pamilya namin para sa relasyon naming dalawa. Alam kong willing si Monique na iwan niya ang pamilya niya para sa akin pero ayaw kong gawin niya yun, ayaw kong iwan niya ang magandang buhay na nakasanayan niya. Wala siyang pakialam kahit na anong maging buhay naming dalawa pero ayaw kong danasin niya ang hirap. Kinailangan kong magsinungaling sa kaniya that I cheated on her para siya na ang kusang lumayo sa akin dahil kung pipiliin niyang sumama sa akin hindi ko maibibigay sa kaniya ang magandang buhay dahil nakaasa pa rin ako sa mga magulang ko, wala pa akong kakayahan na buhayin siya sa isang marangyang buhay. Gu

  • Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge   Kabanata 49.2

    Nang matapos ang audition ay lumabas na silang lahat. Buhat-buhat ni Aidan ang anak niya because they both miss each other.“I'm glad you came here po. I have two daddies,” tuwang-tuwang saad ni Brylle sa kaniyang ama. Nilapitan naman ni Monique si Zamir.“Sumama ka muna sa amin sa shop. Nagpaluto ako ng makakain sa mga staff. Kay Kuya na nga pala ako sasabay na pumunta dun. Si Brylle naman ay gustong sumakay kay Aidan. Is it okay for you?” natawa lang si Zamir saka niya tiningnan si Monique. Ginulo pa niya ang buhok ni Monique na ikinanguso naman nito.“Nag-aalala ka ba dahil baka masaktan ako? Monique, I already accept it and it’s okay for me kung saan ka sasabay at si Brylle. Huwag mo akong isipin dahil okay lang ako, I’m perfectly okay, okay?” aniya dahil hindi naman talaga kailangang mag-alala ni Monique sa kaniya. He’s okay at tanggap niya na kung hanggang saan lang siya sa buhay ni Monique at ni Brylle.Mas gusto pa rin niyang makitang masaya si Monique at Brylle kesa sa masasa

  • Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge   Kabanata 49.1

    Dumating ang araw ng audition ni Brylle. Nakipagsiksikan si Aidan sa harap para makita niya ng malapitan ang anak niya. Nasa likod naman ng stage si Zamir at Monique para may kasama si Brylle habang hindi pa siya ang pumapasok sa stage.Inayos ni Monique ang kwelyo ni Brylle saka niya sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri niya.“Huwag ka lang kakabahan baby okay? Isipin mo lang na nasa practice ka lang. Is your finger okay?” tiningnan ni Monique ang mga daliri ni Brylle para macheck kung wala ba itong sugat. Piano ang gagamiting instrument ni Brylle habang kumakanta.May organist naman para sa kanila na mag-o-audition pero mas gusto ni Brylle na siya ang tutogtog ng piano para sa auditon niya.“I’m okay Mom, don’t worry po.” Sagot ni Brylle saka niya tiningnan ang Daddy Zamir niya. Tipid niya itong nginitian. Ang mga ngiti niyang hindi man lang umabot sa tenga niya, para bang may gusto siyang makita, para bang may iba siyang hinihintay pero hindi na siya umaasa na makikita pa n

  • Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge   Kabanata 48.2

    Naging tahimik na silang dalawa at naging seryoso na sa mga ginagawa nila. Mabilis din ang bawat kilos ni Aidan na para bang master na master niya na ang pagbebake. Hindi maiwasan ni Monique na hindi lingunin ang ginagawa ni Aidan.Talaga bang nag-aral siya sa pagbebake? Base pa lang naman sa bilis nang kilos niya mukha namang marunong nga talaga siya.“Nangongopya ka ba?” si Aidan naman ang nagtanong nun kaya inirapan siya ni Monique.“Hindi ko kailangang mangopya. Gusto ko lang makasiguro na tama nga ang ginagawa mo at hindi ka lang nagsasayang ng mga ingredients.” Saad niya naman. Ilang oras silang nakatayo para makagawa ng maraming baked Alaska at para may maidisplay na rin sila sa shop nila.Dahil mag-isa lang lang ni Monique na gumagawa ng baked Alaska ay hindi nagtatagal ang stock nila.Makalipas ang ilang oras ay nakatapos din silang dalawa. Napangiti na lang si Monique dahil marami-rami na rin ang nagawa nilang dalawa pero hindi pa rin nila naaabot ang pieces na order sa kani

  • Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge   Kabanata 48.1

    Simula ng magpakita si Aidan kay Monique ay palagi na rin itong pumupunta sa shop niya.“Three lemon-blueberry mini cheesecake cupcakes and one hot chocolate, please.” Hindi pa man tinitingnan ni Monique kung sino ang customer niya ngayon alam niya na kung sino dahil sa boses pa lang nito.Inis niyang tiningnan si Aidan na nasa harapan niya, matamis pa itong nakangiti at may dala-dala na naman siyang isang pirasong rosas. Sa araw-araw na pagbisita niya sa shop ni Monique ay mapupuno na ng mga rosas ang vase na pinaglalagyan niya.“Kailan ka pa naging mahilig sa sweets? Araw-araw kang kumakain dito, hindi ba sumasakit ngipin mo?” inis na wika ni Monique saka niya inasikaso ang order ni Aidan. Nakangiti lang naman si Aidan na tinititigan ang naiinis na mukha ni Monique.“You’re beautiful as always. Araw-araw naman na kitang nakikita pero bakit mas lalo kang gumaganda? Ginagayuma mo ba ako?” hilaw na natawa si Monique. Namumula na rin ang pisngi niya dahil sa pagpupuri ni Aidan sa kaniy

  • Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge   Kabanata 47.2

    Aalis ba si Zamir? Iiwan niya na ba silang mag-ina? Nasasaktan niya na ba si Zamir at gusto niya ng lumayo? Sa iniisip ni Monique ay nasasaktan siya. Nasanay na rin siya na nandyan palagi si Zamir para sa kanilang mag-ina pero alam niyang hindi habang buhay ay mananatili si Zamir sa kanila lalo na at kailangan niya rin magkaroon ng sariling pamilya.“Why are you saying this?” mahinang tanong ni Monique. Oo, hindi niya magawang mahalin pabalik si Zamir pero masasaktan siya kapag iniwan niya na silang mag-ina. Tumingin na lang sa ibang direksyon si Monique dahil bakit nga ba niya pipigilan si Zamir para umalis sa buhay nilang dalawa ni Brylle?Zamir deserves to be happy.“I am not saying this to say goodbye. Mananatili pa rin ako sa tabi niyo ni Brylle dahil siya ang naging panganay ko, ipinaramdam niya sa akin kung paano maging ama. Mananatili pa rin akong kaibigan mo Monique at hindi dahil susuko na ako sa pagmamahal ko sayo ay lalayuan ko na kayo. Ayaw ko lang na makita kang nasasakt

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status