Lumipas ang tatlong taon, masaya at tahimik naman nang namumuhay si Monique sa England, madalas naman siyang dalawin ng Kuya niya, mga magulang niya at ang mga kupal niyang pinsan.
“Come here little Sandejas,” nandito na naman ang lahat ng mga pinsan ni Monique at nilalaro nila ang dalawang taon niyang anak. Kahit papaano ay nakakalimutan na ni Monique si Aidan, ang mga taong nanakit sa kaniya. Bihira na lang maalala ni Monique si Aidan at si Isabella.Masaya rin naman ang anak niya dahil marami siyang maituturing na ama. Si Anthony ang tinatawag ng anak niyang Dada. Hinahayaan naman nila dahil si Anthony naman ang tumayong ama sa kaniya. Noong una ay itinatama ni Monique ang anak niya na Tito ang itawag niya kay Anthony pero kahit anong gawin niya Dada pa rin ang tawag niya kay Anthony kaya hinayaan na lang nila.“You’re still lucky huh? You are still our princess dahil lalaki ang anak mo. Kapag naging babae’to, good bye our princess.” Pagbibiro na namang saad ni Arjel. Iniirapan na lang siya ni Monique.“Kuya, ako na talaga ang princess niyo forever. Nasa lahi natin ang puro lalaki ang mga anak kaya puro mga lalaki rin ang magiging anak niyo. Isinilang ako para maging princess ng mga Sandejas.”“Na—ahh,” umiiling anas ni Warren.“Our future girlfriend will be our princess.” Nang-aasar pa rin niyang saad. Ngumisi naman si Monique dahil hindi siya nagpapatalo sa tuwing inaasar siya ng mga pinsan niya.“Well, you’re wrong baby,” aniya na ikinatingin ng mga pinsan niyang lalaki. “Kahit si Kuya, ako pa rin ako magiging princess ng mga Sandejas, you wanna know why?” nakataas ang kilay niyang saad at confident na confident pa siya.“Why?” kuryosong tanong ni Nigel.“They will be a Sandejas because of marriage but not with blood. Papayag lang ako na magkakaroon na kayo ng kapalit ko as a princess of Sandejas kung nagkaroon kayo ng mga anak na babae.” Kindat niyang aniya na ikinailing na lang ng mga pinsan niya. Kahit kailan talaga nakakahanap siya ng dahilan.“Okay, fine, fine, we lose. You are our princess forever,” natatawa na lang na wika ni Warren. Hinawi naman ni Monique ang buhok niya dahil hindi siya magpapatalo sa mga pinsan niya.“Dada, milk,” anas ni Brylle kay Anthony habang dala-dala ni Brylle ang dede-an niya.“Oh Dada Anthony, itimplahan mo na raw ng gatas ang mahal na prinsipe.” Saad ni Warren, napapailing na lang si Anthony dahil bakit ba siya ang paborito ng pamangkin niya na magtimple ng gatas niya? Kinuha ni Anthony ang milk bottle ni Brylle saka siya nagtungo ng kusina para magtimpla.Lumipas ang mga araw, naiwan ang anak ni Monique sa pangangalaga ng mga pinsan niya. Kailangan niyang pumasok sa trabaho dahil kahit na sinusupurtahan siya ng Kuya niya at ng mga magulang niya, ayaw pa rin niyang iasa ang lahat ng pangangailan nilang mag-ina.Abala siyang nakatingin sa ipad niya, nirereview ang presentation niya ngayon. May mga negosyo sila pero wala siyang branch sa England kaya nagtatrabaho siya ngayon sa ibang kompanya na hindi sakop ng negosyo nila.Nabitiwan na lang ni Monique ang ipad niya at tumama ang ulo niya sa likod ng isang upuan nang may bigla na lang bumangga sa sasakyan nila. Hindi niya naramdaman ang sakit dahil sa gulat. Iniangat niya kaagad ang ulo niya tingnan kung anong nangyari.“What happened?” tanong ni Monique sa driver niya.“Someone hit us Ma’am,” sagot naman nito. Tiningnan ni Monique ang bumangga sa kanila pero napalunok na lang siya nang makita niyang may lalaking lumabas sa kotse at kitang-kita niya ang hawak nitong baril.“Let’s go,” saad niya sa driver niya. “Faster, let’s go! Someone trying to kill us!” nagpapanik niya ng wika. Mabilis namang sinunod ng driver ang utos ni Monique kahit na nahihilo pa siya dahil tumama sa manubela ang ulo niya.Napasigaw na lang s Monique nang sundan sila ng mga lalaki at sunod-sunod na pinaputukan ang kotse nila. Mabilis niyang kinuha ang cell phone niya at tumawag ng pulis. Hindi simpleng aksidente lang ang nangyari sa kanila kanina dahil plano talaga nilang patayin si Monique.Matapos niyang tawagan ang mga pulis ay tinawagan na rin niya ang Kuya niya.“Kuya please help us, someone is trying to kill us! Tinatahak pa rin namin ang daan papuntang office—aaahhh!” malakas na sigaw ni Monique nang tamaan siya sa braso.“Monique!” nag-aalalang sigaw ni Anthony. Rinig niya sa kabilang linya ang sunod-sunod na paputok ng mga baril.“Damn it!” aniya saka mabilis na kinuha ang coat niya at lumabas ng bahay.“Huy, san ka pupunta?!” tanong ni Warren pero hindi na siya sinagot ni Anthony sa kakamadali niya.“Ma’am, are you okay?” nag-aalala na ring tanong ng driver niya. Hawak-hawak ni Monique ang braso niyang may tama ng baril. Hindi niya alam kung hanggang kailan nila matatakbuhan ang mga lalaking humahabol sa kanila.“Oh God, please help us.” Aniya na, natatakot na sa pwedeng mangyari sa kanila ng driver niya. Wala naman siyang nakakaaway, tahimik naman na ang buhay niya sa nakalipas na tatlong taon pero bakit nangyayari ito sa kaniya? Bakit may taong gusto siyang patayin? She don’t understand. Ano bang ginawa niya para gawin ito sa kaniya?Wala siyang tinatapakang ibang tao, wala siyang maalala na may nagawa siyang kasalanan. Nablangko na si Monique nang tamaan ng bala ang gulong ng sasakyan nila. Tumigil na ang sasakyan nila.“Ma’am you need to escape now, just leave me here.” saad ng driver niya pero tila ba wala ng naririnig si Monique. Nakatulala na lang siyang nakatingin sa lalaking papunta na sa kanila at dala-dala ang baril na gagamitin para patayin siya.“Ma’am please run now!” sigaw ng driver niya pero tila ba naparalyzed na ang katawan ni Monique, hindi na siya makagalaw. Naghihintay na lang ng kamatayan niya, iniisip niya ang anak niya pero kahit na gusto niyang tumakbo hindi niya maigalaw ang katawan niya.Hindi na kumukurap ang mga mata niyang nakatingin sa lalaking papunta sa kanila. Nakatulala na lang siya. Ang akala niya ay magiging katapusan niya na ng may mga pulis nang dumating at sunod-sunod na pinaputukan ang lalaking papunta sa kaniya.Napayuko na lang si Monique sa takot niyang tamaan siya.“Monique!” sigaw ni Anthony nang makarating siya. Mabilis niyang binuksan ang pintuan kung nasaan si Monique. Inalalayan niyang bumaba ang kapatid niya at napamura na lang siya nang makita niya ang dugo sa braso niya.“Excuse me Sir but we need to take her in the hospital.” Saad ng babaeng nasa medic team.“Kuya,” nanginginig pa rin ang tinig ni Monique. Sumama naman si Anthony sa ambulansya para bantayan ang kapatid niya at masigurong maihahatid ito ng ligtas sa hospital. Hindi niya alam kung bakit ito nangyayari sa kapatid niya. May tao bang gustong mawala sa mundo ang nag-iisang babae sa Sandejas?Pinatigil na muna ng mga medic ang pagdurugo ng braso ni Monique.“What happened? Why someone is after you?” tanong ni Anthony sa kapatid.“I don’t know Kuya, nasa byahe pa lang kami nang may bigla na lang bumangga sa kotse and when I saw that one of the man have a gun umalis na kami pero hinabol kami at sunod-sunod na pinaputukan ng baril kaya ako tinamaan sa braso. Mabuti na lang at dumating kaagad ang mga pulis dahil kung hindi baka maabutan niyo na lang kaming wala ng buhay sa loob ng kotse.” Pagkwekwento niya.Sa sobrang pag-aalala ni Anthony ay niyakap niya ang kapatid niya. Lumayo sila sa Pilipinas, ilang taon ng hindi umuuwi ang kapatid niya pero bakit parang hindi ligtas ang kapatid niya sa bansang ito?Naidala nila sa hospital si Monique at tinanggal ang bala sa loob ng braso niya. Hindi naman nagtagal ang operasyon dahil hindi naman masyadong malalim ang tama niya. Inilipat siya kaagad sa recovery room at nandun na rin kaagad ang mga pinsan niya. Naiwan si Nigel para bantayan ang pamangkin nila.“Are you okay now? Hindi ka ba nahihilo?” nag-aalalang tanong ni Warren nang magising na si Monique mula sa operasyon.“Don’t worry Kuya, I’m okay. Kumusta yung mga taong sinusubukan akong patayin? Nahuli ba sila?” unang tanong ni Monique.“Oo, hawak na sila ng mga pulis ngayon. Pupuntahan namin sila mamaya.” Sagot ni Anthony.“Sasama ako Kuya,” kung wala lang dinaramdam na sakit ang kapatid ni Anthony baka sabay-sabay na nila itong binatukan.“Pwede ba Monique, tingnan mo naman ang nangyari sayo. You need to stay here para magpagaling.” Anas ni Arjel.“I’m okay, Kuya this is a serious and I need to know why they want to kill me. Buhay ko ang pinag-uusapan dito. I understand na gusto niyo lang naman akong protektahan but I’m not a kid anymore para iasa sa inyo ang lahat at maghintay na lang ng balita mula sa inyo.” seryoso niyang saad sa mga Kuya niya.Nagkatinginan naman silang lahat sa isa’t isa at napabuntong hininga na lang si Anthony.“Let her,” suko niyang saad. Alam ni Anthony na hindi na bata ang kapatid niya na palagi na lang nagtatago sa kanila sa tuwing natatakot siya. Nang araw na yun ay lumabas din ng hospital si Monique, may personal doctor naman sila para puntahan siya sa bahay nila.Dumiretsi silang lahat sa prisinto at una nilang tinanong ang tungkol sa mga lalaking gustong pumatay kay Monique.“I’m sorry to say this Sir but they are all dead. They took the medicines that ended their lives. This is what we got from their things.” Saad ng isang pulis at ibinigay sa kanila ang mga gamit na nakuha sa mga killer ni Monique.AIDAN’S POV Sa nakalipas na mga taon napakarami naming pinagdaanan. Simula nang umalis si Monique at wala na akong balita kung saang bansa na siya nananatili, pakiramdam ko pati ang mundo ko ay bumagsak but I need to endure all the pain that I am feeling dahil ang ginawa kong pananakit sa kaniya ay para rin sa kaniya. Alam naman naming hindi kami bibigyan ng basbas ng mga pamilya namin para sa relasyon naming dalawa. Alam kong willing si Monique na iwan niya ang pamilya niya para sa akin pero ayaw kong gawin niya yun, ayaw kong iwan niya ang magandang buhay na nakasanayan niya. Wala siyang pakialam kahit na anong maging buhay naming dalawa pero ayaw kong danasin niya ang hirap. Kinailangan kong magsinungaling sa kaniya that I cheated on her para siya na ang kusang lumayo sa akin dahil kung pipiliin niyang sumama sa akin hindi ko maibibigay sa kaniya ang magandang buhay dahil nakaasa pa rin ako sa mga magulang ko, wala pa akong kakayahan na buhayin siya sa isang marangyang buhay. Gu
Nang matapos ang audition ay lumabas na silang lahat. Buhat-buhat ni Aidan ang anak niya because they both miss each other.“I'm glad you came here po. I have two daddies,” tuwang-tuwang saad ni Brylle sa kaniyang ama. Nilapitan naman ni Monique si Zamir.“Sumama ka muna sa amin sa shop. Nagpaluto ako ng makakain sa mga staff. Kay Kuya na nga pala ako sasabay na pumunta dun. Si Brylle naman ay gustong sumakay kay Aidan. Is it okay for you?” natawa lang si Zamir saka niya tiningnan si Monique. Ginulo pa niya ang buhok ni Monique na ikinanguso naman nito.“Nag-aalala ka ba dahil baka masaktan ako? Monique, I already accept it and it’s okay for me kung saan ka sasabay at si Brylle. Huwag mo akong isipin dahil okay lang ako, I’m perfectly okay, okay?” aniya dahil hindi naman talaga kailangang mag-alala ni Monique sa kaniya. He’s okay at tanggap niya na kung hanggang saan lang siya sa buhay ni Monique at ni Brylle.Mas gusto pa rin niyang makitang masaya si Monique at Brylle kesa sa masasa
Dumating ang araw ng audition ni Brylle. Nakipagsiksikan si Aidan sa harap para makita niya ng malapitan ang anak niya. Nasa likod naman ng stage si Zamir at Monique para may kasama si Brylle habang hindi pa siya ang pumapasok sa stage.Inayos ni Monique ang kwelyo ni Brylle saka niya sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri niya.“Huwag ka lang kakabahan baby okay? Isipin mo lang na nasa practice ka lang. Is your finger okay?” tiningnan ni Monique ang mga daliri ni Brylle para macheck kung wala ba itong sugat. Piano ang gagamiting instrument ni Brylle habang kumakanta.May organist naman para sa kanila na mag-o-audition pero mas gusto ni Brylle na siya ang tutogtog ng piano para sa auditon niya.“I’m okay Mom, don’t worry po.” Sagot ni Brylle saka niya tiningnan ang Daddy Zamir niya. Tipid niya itong nginitian. Ang mga ngiti niyang hindi man lang umabot sa tenga niya, para bang may gusto siyang makita, para bang may iba siyang hinihintay pero hindi na siya umaasa na makikita pa n
Naging tahimik na silang dalawa at naging seryoso na sa mga ginagawa nila. Mabilis din ang bawat kilos ni Aidan na para bang master na master niya na ang pagbebake. Hindi maiwasan ni Monique na hindi lingunin ang ginagawa ni Aidan.Talaga bang nag-aral siya sa pagbebake? Base pa lang naman sa bilis nang kilos niya mukha namang marunong nga talaga siya.“Nangongopya ka ba?” si Aidan naman ang nagtanong nun kaya inirapan siya ni Monique.“Hindi ko kailangang mangopya. Gusto ko lang makasiguro na tama nga ang ginagawa mo at hindi ka lang nagsasayang ng mga ingredients.” Saad niya naman. Ilang oras silang nakatayo para makagawa ng maraming baked Alaska at para may maidisplay na rin sila sa shop nila.Dahil mag-isa lang lang ni Monique na gumagawa ng baked Alaska ay hindi nagtatagal ang stock nila.Makalipas ang ilang oras ay nakatapos din silang dalawa. Napangiti na lang si Monique dahil marami-rami na rin ang nagawa nilang dalawa pero hindi pa rin nila naaabot ang pieces na order sa kani
Simula ng magpakita si Aidan kay Monique ay palagi na rin itong pumupunta sa shop niya.“Three lemon-blueberry mini cheesecake cupcakes and one hot chocolate, please.” Hindi pa man tinitingnan ni Monique kung sino ang customer niya ngayon alam niya na kung sino dahil sa boses pa lang nito.Inis niyang tiningnan si Aidan na nasa harapan niya, matamis pa itong nakangiti at may dala-dala na naman siyang isang pirasong rosas. Sa araw-araw na pagbisita niya sa shop ni Monique ay mapupuno na ng mga rosas ang vase na pinaglalagyan niya.“Kailan ka pa naging mahilig sa sweets? Araw-araw kang kumakain dito, hindi ba sumasakit ngipin mo?” inis na wika ni Monique saka niya inasikaso ang order ni Aidan. Nakangiti lang naman si Aidan na tinititigan ang naiinis na mukha ni Monique.“You’re beautiful as always. Araw-araw naman na kitang nakikita pero bakit mas lalo kang gumaganda? Ginagayuma mo ba ako?” hilaw na natawa si Monique. Namumula na rin ang pisngi niya dahil sa pagpupuri ni Aidan sa kaniy
Aalis ba si Zamir? Iiwan niya na ba silang mag-ina? Nasasaktan niya na ba si Zamir at gusto niya ng lumayo? Sa iniisip ni Monique ay nasasaktan siya. Nasanay na rin siya na nandyan palagi si Zamir para sa kanilang mag-ina pero alam niyang hindi habang buhay ay mananatili si Zamir sa kanila lalo na at kailangan niya rin magkaroon ng sariling pamilya.“Why are you saying this?” mahinang tanong ni Monique. Oo, hindi niya magawang mahalin pabalik si Zamir pero masasaktan siya kapag iniwan niya na silang mag-ina. Tumingin na lang sa ibang direksyon si Monique dahil bakit nga ba niya pipigilan si Zamir para umalis sa buhay nilang dalawa ni Brylle?Zamir deserves to be happy.“I am not saying this to say goodbye. Mananatili pa rin ako sa tabi niyo ni Brylle dahil siya ang naging panganay ko, ipinaramdam niya sa akin kung paano maging ama. Mananatili pa rin akong kaibigan mo Monique at hindi dahil susuko na ako sa pagmamahal ko sayo ay lalayuan ko na kayo. Ayaw ko lang na makita kang nasasakt