"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
HALOS maubos na ang luha sa mga mata ni Monica Prado sa walang tigil na pagbuhos ng luha sa mga mata niya na animo'y ulan na ayaw magpaawat. Hanggang ngayon hindi pa rin napa-process ng utak niya ang nangyari sa pinapangarap niyang kasal.Ilang taong hinintay ni Monica ang kasal na iyon, na pinaghandaan niya ng mahabang panahon dahil akala niya'y si Jericho na ang lalaking makakasama niya habang buhay. Naniniwala kasi si Monica na ang pagpapakasal ay once in a lifetime moment sa buhay ng tao at gusto niyang paghandaan iyon.Walang mapagsidlan ang sayang naramdaman ni Monica sa bawat araw na palapit na ang pinakahihintay niyang araw ng kaniyang buhay, ang kasal nila ng lalaking mahal na mahal niya at handa niyang paglaanan ng kaniyang buhay. Si Jericho Mendel, ang 7 years na niyang boyfriend.Nakaayos na ang lahat at ang hinihintay na lang ay ang tamang araw ng kasal. At nang dumating iyon, pakiramdam ni Monica siya na ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Sino nga ba naman ang hind
Makalipas ang limang na taon... ISA-ISANG TININGNAN ni Monica ang mga bagong dating na bulaklak na ang iba'y mula mismo sa Baguio at ang ila'y inangkat pa sa ibang bansa. Hawak niya ang kaniyang record book para i-check doon kung tama ba ang lahat ng dumating na bulalak. "Ria, why there's none Anemone Flowers arrived?" tanong ni Monica sa isa sa mga nagtatrabaho sa Flower Shop niya, si Ria Cortez na matagal nang naninilbihan sa kaniyang shop. "Ate, sabi po ng supplier hindi na raw po sapat ang supply nila para sa Anemone Flower dahil hindi raw po season ng Anemone," paliwanag nito. Napasinghap siya at napailing. "Sayang, iyon pa naman ang kalimitang hinahanap ng mga magpapakasal," nanghihinayang niyang turan. Iyon kasi ang medyo murang bulaklak na pwedeng gamitin sa kasal pero nandoon pa rin ang pagka-elegante niyon. Apat na taon na rin ang Flower Shop na itinayo ni Monica mula sa ipon niya mula nang umalis siya ng Manila at bumalik sa Davao, sa probinsiya niya. Dahil sa naging ma
"ATE, bakit po pala bigla kayong nawala sa kasal nila Mrs. Eyna at Mr. Arnold kahapon? Hindi rin po namin kayo nakita sa reception?" usisa ni Ria kay Monica nang umagang pumasok ito sa flower shop.Tahimik lang na gumagawa ng bouquet si Monica. Natigilan siya at muling naalala ang nangyari sa kasal na naging dahilan para hindi siya makatulog ng maayos nang nagdaang gabi. Bakit kasi sa dami ng taong pwedeng pumunta sa kasal na iyon, bakit si Jericho at Zymon pa? Hindi na dapat sila bumalik sa buhay niya dahil kinalimutan na niya ang mga ito.Pilit siyang ngumiti kay Ria na abala naman sa pag-aayos ng mga bulaklak na nandoon. "Nahilo lang ako, na marahil dahil sa pagod," dahilan ni Monica dahil wala naman siyang balak na i-open kay Ria o kahit sa kung sinong tao ang tungkol kay Jericho at Zymon. Ang pamilya lang niya at ang kaibigang si Crystal ang nakakalam ng tungkol kay Jericho pero ang tungkol kay Zymon, tanging si Crystal lang ang nakakalam niyon.Bumakas ang concern sa mukha ni Ri