Share

Kabanata 117: Konsensiya

HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya.

"Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.

Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—"

"Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku Shy kakagigil ka tlga..sarap mong isako, bahala k nga Zymon kung c Shy ang paniwalaan mo baka magsisisi ka balang araw
goodnovel comment avatar
Mary Heart Cabigon
thank you otor
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status