"J-JERICHO?" gulat na banggit ni Monica sa lalaking nagsalita kahit expected na niya na ito ang bubungad sa kaniya. Gustong titigan ng mga mata niya ang mukha nito pero pinigil niya ang sarili. Limang taon na ang nakalipas pero nararamdaman pa rin niya ang bahagyang pananabik sa binata at ang kagustuhan niyang titigan ito. "A-anong ginagawa mo rito?" malamig niyang tanong at umiwas dito ng tingin dahil pakiramdam niya, kung hindi pa siya iiwas, baka madala siya sa kakaibang tingin nito. Ito na ang kinatatakutan niyang mangyari.
Napuno ng kaba ang sistema niya.
Sa kabila ng hindi pagsipot ni Jericho sa kasal nila at iwan siya nito ng walang paalam, natutunan niyang tanggapin at patawarin ang binata kahit wala siyang narinig na paliwanag o salita man lang mula rito noon na gusto niyang marinig.
"Pwede ba kitang makausap?" malumanay na tanong nito habang nasa mukha niya ang paningin nito na nangungusap. Parang nababanaag niya ang pananabik doon at ang kagustuhan nitong makausap siya.
Kumunot ang noo ni Monica at saglit na nag-angat ng tingin sa binata. "Makausap? For what, Jericho? As far as I know, wala naman tayong dapat pag-usapan kasi—"
"I'll explain," putol nito sa sasabihin pa niya. "I mean, I've been looking for you for almost four years to explain myself at para magkaroon ng closure pero suddenly you disappeared. Nakonsensiya ako sa ginawa ko noon sa iyo," paliwanag nito na mababakasan ng pagkaseryoso.
Natigilan siya at hindi agad nakaimik. Magpaliwanag sa ginawa nito? Hindi niya alam ang ire-react dahil sa mga narinig. Matatawa ba siya o maniniwala sa mga iyon. Hinanap siya nito pero hindi niya naramdaman.
Kapagkuwa'y napangisi siya. Tiningnan niya sa mga mata si Jericho. "Hinanap mo ako but you've never found me, right? Dahil may pagkakataon ka to explain everything habang nandoon pa ako pero hindi mo ginawa. Bakit? Natatakot ka sa kahihiyaan kaya dapat ako lahat ang tumanggap niyon? Bigla ka na lang nawala na parang bula without any words to explain your reason, Jericho. Hindi ko alam kasi hanggang ngayon, wala akong ideya sa dahilan mo pero kung ano man 'yon, wala na akong panahon para alamin iyon. It's been five years and I'm happy now," balik niya na kahit sabihing hindi siya galit, bakas doon ang hinanakit at sakit na nagbalik.
"Are you married now?" marahang tanong nito na tila ba nagbabakasaling hindi pa siya kasal. "I mean, you have a daughter at sigurado akong may asawa ka na," dagdag nito.
Umiwas siya sa mga tingin nito. Hindi agad siya nakasagot dahil hindi niya alam ang sasabihin. Hindi pwedeng malaman ni Jericho ang katotohanan. Lumunok siya ng laway. "Y-yeah, You're right! Kasal na ako at may anak," pagsang-ayon niya kahit hindi iyon totoo.
Hindi alam ni Monica kung tama ba ang nakita niyang pagkadismaya sa mukha ni Jericho dahil sa sinabi niya. "Ow! Well, congratulations, Monica because I know now you found someone better than me," malungkot na sambit nito.
Kumunot ang noo niya at kapagkuwa'y ngumiti ng pilit. "Yeah, he's better than you, he's not coward," makahulugang sagot niya.
Kumibit-balikat si Jericho at bahagyang kumiling. "I'm sorry, Monica for everything at sorry rin sa abala. Hindi na dapat ako lumapit para kausapin ka tungkol sa nakaraan dahil may asawa ka na. I'm happy for you dahil finally, nahanap mo na ang happiness mo." Kaswal itong ngumiti. Inilagay nito ang mga palad sa bulsa ng maong na pants.
Tiningnan niya si Jericho at sinubukang basahin ang iniisip nito. Bigla tuloy siyang na-curious sa status ng love life nito. Married na rin ba ito o iniwan din ito kagaya ng ginawa nito sa kaniya pero wala na siyang balak alamin pa iyon.
"I need to go," paalam niya. Umiwas siya rito at tumalikod. Kinakabahan pa rin siya at mas kinakabahan habang mas tumatagal na kausap niya ito dahil baka madulas siya sa mga salitang sasabihin niya. Hindi pa siya handang tanggapin ulit ito. Tama na rin siguro na sinabi niyang kasal na siya para hindi na ito lumapit sa kaniya at mag-isip ng ibang bagay tungkol sa kanila ng kaniyang anak.
Humakbang siya palayo at iniwan ito. Nakahinga lang siya nang maluwang nang makasakay siya sa sasakyan niya. Habang kaharap niya si Jericho, pakiramdam niya'y hinahabol siya sa kaba.
Ito na ba ang sinasabi ng kaibigan niyang si Crystal? Utay-utay nang bumabalik ang mga taong naging parte ng nakaraan niya at kahit ano'ng tago niya, liliit pa rin ang mundo para sa kanilang tatlo. Handa na ba siyang harapin sakaling bumalik ang nakaraan sa kaniya?
—
"MOMMY, kailan po ba dadalaw sila Lola sa atin? I miss them so much na po kasi, eh," tanong ni Princess Monica sa kaniya habang kasalukuyan niyang inaayos ang suot nitong blue dress na bagay na bagay rito.
Dahil nasa Manila ang mga magulang ni Monica, bihira lang nilang makasama ang mga ito. Sa loob ng isang taon tatlong hanggang limang beses lamang dumadalaw ang pamilya niya sa kaniya. Tumutol pa ang mga ito sa kaniya noon na mag-stay siya sa Davao pero sa huli'y walang nagawa ang mga ito.
Ngumiti siya sa anak. Hinawakan niya ang balikat nito. "Gusto mo na ba silang makita?" magiliw niyang tanong. Excited na tumango ang bata. "Sige, if you want them o see, kailangan mong maging mabait kay Yaya, ok? Huwag pasaway," paalala niya sa anak.
"Pero, Mommy gusto kong sumama sa flower shop I want to see rose again," nakalabing sagot nito. Hindi maikakaila ang cute at matambok na pisngi ni Princess Monica. Medyo chubby kasi ito.
"Ok, isasama ka ni Mommy pero not now ok? You need to stay here," dahilan niya pero ang totoo'y natatakot siyang makita ni Jericho at Zymon ang bata.
"Hayaan mo, Princess if I convince your Mommy to come with me in Manila, for sure makikita mo na ang Lola at Lolo mo."
Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Crystal na nakabihis at mukhang may pupuntahan na naman. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ng anak. "Saan ka pupunta?" usisa niya.
"Sasama sayo sa shop, to help you," direktang sagot nito. Napakunot ang noo niya saka ngumiti. "Baka kasi if I help you, sumama ka na sa akin sa Manila to do the project I've offered for you," umaasang sagot ni Crystal.
"Well, that's a good choice, Crystal," masayang sambit niya na bumaling sa anak. "Pero I'm still thinking about going with you in Manila." Natawa siya at nailing. Hinalikan muna niya si Princes bago nagpaalam at umalis.
Narating nila ang Flower shop at binuksan iyon. Ilang minuto pa lang ay nandoon na agad ang ilang customer kaya naabala sila sa pag-aasikaso sa mga ito at nang humupa naman ang mga tao, naabala siya sa pag-aayos ng mga bulaklak na bagong dating.
"Miss, do you have a bouquet of Tulips flower?"
Dahil abala siya hindi niya na-recognize ang boses na iyon. Humarap siya sa lalaking nagsalita. "Meron—" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makilala kung sino ang lalaking nasa harap niya. "Z-Zymon?" gulat pero mahinang banggit niya sa pangalan nito.
Kabaliktaran ng reaction nito, kaswal na nakatingin lang sa kaniya ang binata na wari'y sinusuri ang buong reaction niya kaya agad siyang umiwas nang tingin.
Ngumisi ang lalaki at napangiti nang tila mapansin nito ang pagkailang niya. "It's you again, Miss One Night," sabi nito na nagpakunot sa noo niya. "What a small world, right? It seems like we always destined to meet each other. So, are you working here?" tanong nito.
Nag-angat si Monica ng tingin sa lalaki. Ngumisi siya dahil pakiramdam niya'y ininsulto siya nito sa pagtawag sa kaniyang Miss One Night. "I don't have a time to answer your question, Sir and besides, you don't care if I'm working here or not. I'll tell you this for the last time, hindi kita kilala so don't call me that name," inis na balik niya. Matalim pa niya itong tiningnan dahil hindi siya natutuwa sa binata. "Kung wala kang bibilhin, maiwan na kita," dagdag pa niya. Muli niya itong tiningnan ng masama, saka tumalikod.
Nang akmang hahakbang na siya, naramdaman niya ang braso nito na pumigil sa kaniya. "Miss, are you sure you don't know me after that one night? I mean, you left me alone in the hotel at alam kong nakilala mo ako nang iwan mo ako roon," giit niya.
Hindi agad siya nakasagot. Binawi niya ang braso sa binata. Muling bumalik sa isip niya ang tagpong iyon matapos nilang magniig at magising siyang katabi ang isang 'di niya kilalang lalaki. Tama ito, nakilala niya ang mukha nito matapos mawala ng alak sa katawan niya.
"I-I don't know what you're talking about, Sir, so please kung wala kayong bibilhin hayaan niyo akong umalis. I have a lot of works to do," dahilan niya na hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito.
Ngumisi ang binata. "You're lying, Miss. Narinig kong binanggit mo ang pangalan ko kanina. Zymon," pilit nito.
Bahagya siyang natulala. Mahina lang ang pagkakabanggit niya sa pangalan nito at narinig nito iyon? Napalunok siya dahil hindi niya alam ang sasabihin pero hindi niya pwedeng aminin sa binata na kilala niya ito. Saglit siyang yumuko.
Hindi siya makatingin sa kaharap. "Yeah! B-bi-binanggit ko ang pangalan mo....kasi...kasi, kilala kita dahil...dahil you're family is a well-known billionaire kaya paanong hindi kita makikilala?" Sa wakas ay nakakuha siya ng dahilang ibabato sa binata. "Kung wala na kayong kailangan, Sir Zymon Coreal, aalis na ako." Tiningnan niya muna ito ng seryoso, saka tumalikod uli at naglakad palayo sa binata.
Nang makalayo na siya kay Zymon, nakahinga siya ng maluwang dahil pakiramdam niya'y habang kaharap niya ito, palagi siyang kinakabahan dahil sa katotohanang itinatago niya sa binata na baka malaman nito.
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n