TAHIMIK na pinagmasdan ni Monica ang anak na mahimbing na natutulog na katabi niya. Marahan niyang hinagod ang buhok nito saka ngumiti. Sa maraming nangyari sa buhay niya, masaya siyang napalaki niya ng isang mabuti at maayos na bata si Princesa Monica sa kabila ng pagiging single mother niya. Hindi maikakaila ang taglay na ganda ng kaniyang anak na sinasabi ng maraming kamukha niya.
Pinili niyang ilayo ang bata sa lahat at gayon din ang sarili niya dahil alam niya kahihiyaan ang magiging dulot niyon, hindi lang sa kaniya kung 'di maging sa pamilya niya. Itatago niya ang katotohanan hanggang kaya niya.
Bumuntong-hininga siya. Tumihaya siya at matamang pinagmamasdan ang kisame. Hindi niya alam kung ito na ba ang tamang panahon para bumalik siya ng Manila kung saan nandoon ang alaala ng nakaraan niya at nandoon din ang mga taong naging parte niyon na pinili niyang layuan. Pero sa kabila ng paglayo niya, tila lumiliit na rin ang mundo sa kanilang tatlo dahil sa dami ng lugar, sa Davao pa niya nakita si Jericho at Zymon at sa dami ng taong pwedeng maging dahilan, kliyente pa niya.
Sa bawat araw na dumaraan, kinakabahan si Monica dahil baka isang araw sumulpot na naman sa harap niya ang dalawang lalaking gusto niyang layuan. Natatakot siya na baka biglang maungkat ang tungkol sa ama ni Princess.
Mayamaya'y napapitlag si Monica nang may kumatok sa pinto ng silid niya. Umupo siya mula sa pagkakahiga. Saktong bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Crystal. Wala ito kanina sa bahay at marahil kadarating lang nito.
"May I come in?" tanong ni Crystal. Alangan pa itong ngumiti. "I just want to talk to you for while since hindi pa naman ako inaantok. I miss talking with you," dagdag pa nito.
Ngumiti si Monica saka tumango. Sumenyas pa siya na pumasok ang dalaga. Excited na pumasok si Crystal at umupo sa kama, sa katapat niya.
"Hindi pa rin naman ako inaantok," sabi niya. "Kumusta ang paglilibot mo sa Davao?"
"It feels like I'm new here as always, Monic. I loved Davao at kahit ilang beses na ako rito, I always feels like it's new for me," manghang sagot nito.
Well, hindi naman siya tatanggi sa kaibigan dahil saksi siya kung gaano kaganda ang Davao. Simula nang tumungtong ang mga paa niya sa lugar na ito, naramdaman niya ang pagtanggap at kapayapaang hinahanap niya para sa sarili.
Nakita niyang bumaling si Crystal kay Princess Monica ma mahimbing pa rin ang tulog. "Ang laki na ni Princess and she grow faster, Monic. She become more beautiful and kind. Ang bilis ng panahon at nandito na kayo sa puntong ito." Bumaling sa kaniya si Crystal, saka ngumiti. "She almost five, Monic, wala ka ba talagang balak ipaalam ang katotohanan?" tanong niya na ilang beses na niyang narinig mula sa kaibigan.
Hindi agad siya nakasagod. Bahagya siyang yumuko, saka binalingan ang anak. "Para ano? Tahimik na kami ni Princess, Crystal at ayaw ko nang magulo pa ang mundo namin. I'm ok with this set up. Kaya ko pa namang buhayin at alagaang mag-isa ang anak ko. Isa pa, sigurado ba tayong maniniwala ang ama ni Monica once na malaman niya? I don't think so," sagot niya.
Ni hindi pumasok sa isip niyang ipaalam sa ama ng anak niya ang katotohanan. Masaya na siya sa buhay na mayroon sila ng kaniyang anak at hindi niya kailangan ang ama nito.
Napakamot sa noo ni Crystal at pumikit ng saglit. "Are you sure you can hide the truth forever? Hindi habang buhay magtatago ka sa nakaraan mo dahil darating ang puntong ang nakaraan mo ang babalik papunta sa iyo. What I'm trying to say is, give your daughter a chance na makilala ang ama niya dahil lalaki siya at mag-uusisa sa ama niya," giit ni Crystal.
Umiling si Monica. "Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang itago ang totoo pero hindi ko gugustuhing malaman nila ang katotohanan dahil alam kong magiging kahihiyaan ko iyon sa mga mata nila. Isa pa, may pakialam ba ang ama ni Princess? Of course wala dahil iisipan lang niyang pagkakamali ang dahilan kaya nabuo ang bata. Ayaw ko ng guluhin pa ang mga buhay namin, Crystal," patuloy niya. "Isa pa, sigurado akong masaya na rin sa buhay niya ang ama ni Princess at ayaw ko ring guluhin pa iyon."
Seryosong tiningnan siya ni Crystal. "Naiintindihan ko ang gusto mo, Monic pero paano kung dumating ang puntong mag-cross ulit ang mga landas ninyo?"
Natahimik siya at saglit na natulala dahil ang sinabi nito ay nangyari na. Muli nang nag-cross ang landas nila. Saglit siyang yumuko. "D-dumating na ang kinatatakutan ko, Crystal," pagtatapat niya. Kumunot ang noo ng kaharap niya. "Nag-cross na ang landas naming tatlo," dagdag pa niya.
"Huh? Tatlo? You mean, nagkita na uli kayo ni Jericho at ni Zymon?" gulat na tanong ng kaibigan niya. Dahan-dahan siyang tumango. "OMG! Kailan at saan?"
"Here in Davao, sa isang wedding na in-organize ng flower shop," sagot niya. Hindi agad nakasagot si Crystal. "Lumiliit na ang mundo namin at natatakot ako sa pwedeng mangyari at maungkat."
—
DAHIL sa mga nangyari, pinili ni Monica na hindi muna isama ang anak na si Princes Monica sa flower shop dahil sa pangamba na baka makita ulit ito ni Jericho o ni Zymon man. Hindi niya alam kung bakit nasa Davao pa rin ang mga ito pero kung ano man ang dahilan, wala na siyang balak alamin iyon. Ang gusto niya lang, huwag na sanang tumungtong ang mga paa ng mga ito sa shop niya.
"Ria, how's the supply?" tanong niya sa isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang staff sa shop. Ito ang nag-aasikaso ng ilang orders at pinag-iiwanan niya ng kaniyang negosyo kapag umaalis siya. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga gamit dahil pasara na rin ang shop.
"Siguro po, Ate kulang na tayo ng Asters Flowers at Carnation po, since it's been a week na rin simula nang magpa-deliver tayo and ang ilang supplies naman po ng ibang flowers kadarating lang yesterday," sagot nito habang pinapatay ang ilaw.
"Sige, I'll tell it to our supplier." Isinakbit niya ang shoulder bag at bumaling kay Ria. "Let's go," nakangiting aya niya rito, saka sabay silang naglakad palabas ng gusali.
"Sige po, Ate mauna na po ako sa inyo kasi I need to buy some food for my brother po," paalam nito sa kaniya. Tumango naman siya rito.
Naiwan siyang nagla-lock nang pinto ng shop niya. Umihip pa ang malamig na hangin na dumampi sa kaniyang mga balat.
"Monica, can we talk?"
Halos malaglag ang puso niya nang marinig ang baritonong boses na iyon na bumanggit sa pangalan niya. Hindi siya nakagalaw at hindi niya alam ang ire-react. Hindi siya pwedeng magkamali dahil kabisado niya ang boses nito. Nang makabawi, dahan-dahan siyang humarap.
"J-Jericho?"
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n