“Did you regret it? How is it possible that your love suddenly just disappeared like that in two years?”
Ang mga salitang ito ay nanggaling sa bibig ni Nathan habang nakatingin pa rin sa kanya nang diretso.
Nakahiga pa rin si Sierra habang na sa ibabaw niya si Nathan. Walang kahit anong emosyon ang kanyang maputlang mukha sa mga oras na ito.
“Oo, nagsisisi na ako at hinding-hindi na kita magugustuhan kahit kailan!” sambit ni Sierra.
Alam niyang hindi niya deserve ang ganito kaya susuko na siya.
Habang tumatagal ay mas lalong nandidilim ang mukha ni Nathan at walang prenong sinabi, “That's good to know. I don't care if you don't love me anymore, I still don't want to let you go. You have to stay with me to pay for what you did. You will stay beside me for a long time and that's your punishment.”
Natuod si Sierra sa kanyang narinig.
“Porket may plano ang ama ko laban sa 'yo ay hindi mo na kami mapapatawad?” tanong niya.
“Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay 'yong may mga balak laban sa akin. Ngayon kailangan mong pagbayaran ang kasalanan niyo sa akin at wala kang magagawa kung hindi manatili habang buhay kasama ako.”
Pagkatapos niyang sabihin 'yon, bigla siyang umalis sa ibabaw ni Sierra at padabog na binuksan ang pinto para umalis.
Tahimik na naupo si Sierra sa kama. Hindi niya akalain na dahil sa plano ng kanyang ama kay Nathan noon ay kailangan siya ang magbayad hanggang sa buong buhay niya.
Ilang araw rin ang lumipas, nagising si Sierra isang umaga na nanghihina pa rin. Sumikat na ang araw nang tignan niya ang bintana sa gilid ng higaan niya. Sobrang ganda ng araw at malayong-malayo ito sa kanyang nararamdaman ngayon.
Sumakit na naman bigla ang kanyang tiyan kaya naman ay tumayo na siya para kumain at uminom ng gamot. Bumaba siya ng kwarto para mag-umagahan.
Naghanda si Manang Lilian ng lugaw para sa kanya at agad nitong ibinigay.
“Kumain lang po kayo nang kumain, Senyorita,” sabi ni Manang Lilian sa kanya.
“Sige po.” Ngumiti si Sierra at agad itong kinain.
Natuwa naman si Manang Lilian habang nakatingin sa kanya at nakaramdam ito ng awa para kay Sierra kaya hinaplos nito ang ulo niya.
Bigla namang nakarinig ng tawanan sa labas si Sierra ilang sandali ang lumipas. Lumingon sa labas ng kusina si Sierra at pumasok sina Nathan kasama ang babae niyang si Maurice.
Biglang natigilan sa pagkain si Sierra at nandilim ang kanyang reaksyon. Hindi siya makapaniwala na hindi pumayag ang asawa sa annulment pero dinala niya naman ang kabit niya.
Napakababoy nila, sa isip ni Sierra.
“Please prepare the table, Manang Lilian.” Pumasok si Nathan sa kusina na ngayon ay nakasuot ng itim na suit nito.
Walang nagawa si Manang Lilian kung hindi ang sumunod dahil isa lamang siyang katulong kaya inayos niya ang lamesa ayon sa inutos sa kanya ni Nathan.
Umupo si Nathan kasama ni Maurice at hindi man lang nito pinansin si Sierra sa isang tabi. Kumuha siya ng sinabawang bangus para kay Maurice at saka sinabing, “Kailangan mong kumain ng isdang may sabaw dahil buntis ka.”
Biglang nahiya si Maurice sa ginawa ni Nathan kaya tinitigan niya si Sierra na ngayon ay na sa isang tabi. “N-Nandito ang asawa mo.”
Walang nagbago sa reaksyon ni Nathan nang sabihin 'yon ni Maurice. “She didn't care at all.”
Biglang sumikip ang dibdib ni Sierra at tama naman ang sinabi ni Nathan. Nandito pa rin siya upang pagbayaran ang kasalanan nila kaya dapat wala na siyang pakialam sa kung anong ginagawa ni Nathan.
“Mrs. Hidalgo, pasensya na po sa mga nasaksihan ninyo. Matagal na po kaming magkakilala ni Nathan at ganito lamang siya. Dahil buntis ako kaya nakasanayan niya na gawin ito,” pagpapaliwanag ni Maurice sa mahinahong tono na parang nanggaling sa kagalang-galang na pamilya.
Nagpakawala siya ng hangin at sinagot ito. “Just please don't you dare call me Mrs. Hidalgo.”
Ayaw ni Sierra na magkaroon ng koneksyon kay Nathan kaya naiinis siya kapag tinatawag siya sa pangalang 'yon.
“Bakit naman?” takang tanong ni Maurice nang tignan niya si Nathan at nagpatuloy, “Tell me, are you both not in a good terms?”
Itinikom ni Nathan ang kanyang bibig at wala siyang sinabi na kahit ano. Lumipat ang atensyon ni Maurice kay Sierra at mahinahong nagtanong, “Nagkalayo ba kayo ng matagalan?”
“Hindi,” sagot ni Sierra. “Kasunduan lang ang kasal namin at wala kaming nararamdaman na kahit kaonti para sa isa't-isa.”
Tinitigan ni Sierra si Nathan at wala siyang nakitang kasiyahan sa mga mata nito.
Hindi naman nakaligtas kay Maurice ang nangyayari sa dalawa at malakas ang kutob niya na hindi maayos ang relasyon ng dalawa. Nakahinga siya nang maluwag.
“Can you give me the vegetable salad? Nathan doesn't like vegetables and I want to give some of it so that he can eat it because it's healthy,” utos ni Maurice sa kanya.
Natigilan si Sierra sa sinabi ng babae kaya agad siyang sumagot, “Naiikot ang mesa kaya pwede mo 'yang ikutin para makuha mo ang mga gulay na hindi kailangang iabot ko pa.”
“Talaga ba...” sabi ni Maurice nang mapagtanto niya 'yon. “Pasensya ka na ha, ilang taon akong nanatili sa ibang bansa kaya medyo nanibago lang ako sa mga gamit dito sa Pilipinas,”
Napailing si Sierra. “Wala bang mesa na umiikot sa ibang bansa?”
Natigilan naman si Maurice at sumagot, “Halos mag-isa lang naman akong kumakain kaya wala akong alam sa ganito kaya sobrang napakalungkot ng buhay ko doon.”
Hindi na sumagot si Sierra dahil iniisip niya na baka para kay Nathan ang sinabi ni Maurice.
“Salamat sa sakripisyo mo sa nakalipas na ilang taon.” Pag-alo ni Nathan sa kanya.
“Hindi naman pala ito mahirap,” ani Maurice na ngayon ay inikot na ang mesa. Na sa harapan niya na ang vegetable salad sa isang iglap lang.
Kumuha siya ng kaonti at nilagay ito sa plato ni Nathan saka nagsalita, “You should not skip on eating veggies. This one has a vinegar sauce. I swear this is delicious, so you should try it.”
Napatitig si Nathan sa gawi ni Sierra na ngayon ay iniinom ang lugaw sa nanghihinang ekspresyon at parang walang pakialam sa mundo.
“Fine.” Kinuha ni Nathan ang chopsticks saka sinumulang kinain ang vegetable salad.
Nabalot ng panunuya ang mga mata ni Sierra dahil ang alam niya na si Nathan ang klase ng tao na may isang matinding mysophobia.
Noon ay kailangang gumising ni Sierra para ipagluto si Nathan ng gulay para makakain ito. Nilulutuan niya ng kanin para mas dama niya ang pagkain ng gulay at naalala niya pa ang eksaktong sinabi niya sa asawa noon.
“Kainin mo itong kanin at gulay na hinanda ko bago ka umalis. Pinaghirapan kong ihanda iyan para sa 'yo. Alam kong marami ang gulay pero may inalagay akong isda ng bangus diyan at nilagyan ko ng paminta. Sobrang bango niyan at kailangan mo kainin iyan para sa 'kin.”
Subalit sinagot lamang siya nito na may kasamang panghahamak.
“Hindi ako kumakain ng pagkaing hinahawakan ng iba.”
Pero ngayon, kinain niya ang kinuha ni Maurice para sa kanya. Pakiramdam ni Sierra na sa kanya lamang ang mysophobia ni Nathan at hindi sa ibang tao.
Naging blanko na lamang ang reaksyon ni Sierra dahil sa kanyang nasaksihan habang si Nathan naman ay masayang kumakain sa gilid.
“Ano, masarap ba?” nakangiting tanong ni Maurice na ngayon ay nakatingin lamang kay Nathan habang kumakain.
Tumango si Nathan, “Yeah, it's delicious.”
Natuwa naman si Maurice sa kanyang narinig mula kay Nathan.
“Alam kong magugustuhan mo ito at kahit noong nasa school tayo, hindi ka talaga kumakain ng gulay tuwing lunch natin. Alam kong kahit noon pa ay ayaw mo talaga dito.”
Napangiti naman si Nathan. “You still remembered it, huh,”
“Siyempre naman naaalala ko pa 'yon at sa ilang taong lumipas ay natatandaan ko pa noong mga panahon na palagi kang nakakatanggap ng mga awards. Grabe sobrang kilala ka ng lahat kaya nga hinahangaan ka ng mga babae sa school natin. Halos lahat ng mga babae lalo na sa klase natin ay gusto ka at halos lahat ay ikaw ang gustong pag-usapan,” sabi ni Maurice.
“It seems unbelievable,” nakangiting sagot ni Nathan.
“Of course it's true that many people really liked you, even my mother couldn't stop but mention that I have a good taste.”
Biglang sinabi ng babae na gusto niya si Nathan at may taste siya pagdating sa lalaki kaya hindi maiwasang matawa ni Sierra sa loob niya. At ngayon sinasabi pa ng asawa niya hindi niya kabit si Maurice.
Ito na rin mismo ang umamin sa kanya.
Tinitigan naman ni Maurice si Nathan habang iniinom ang kanyang kape at nabaling ang kanyang atensyon sa direksyon ni Sierra. Wala itong sinabi.
Hindi na naghintay ng sagot si Maurice at tumingin kay Sierra. Habang si Sierra naman ay tahimik lang na kinakain ang kanyang lugaw. Mahirap sabihin kung masaya ba siya o malungkot dahil sa nangyayari ngayon.
“Sierra, I'm so sorry for this. Nathan and I have known each other for many years and we just can't stop talking about our past, particularly the moment we met each other.” Nahihiyang sabi ni Maurice kay Sierra.
“Nah.” Nakangiting sabi ni Sierra habang iniisip kung ano naman ang kinalaman niya tungkol doon. Halata namang ayaw bitawan ni Maurice si Nathan at patuloy na binabalikan ang kanilang nakaraan.
Lahat nang iyon ay parang isang lumang bagay na lamang ngayon na malalaki na sila. Magkababata sila at noon pa ay may malalim na silang pinagsamahan kaya noong ihiwalay siya ng matandang Hidalgo sa harap ni Sierra, grabe ang galit na naramdaman niya. Alam niyang ayaw nito na magkasama sila ni Maurice.
Samantala, wala namang ganang makinig si Sierra sa kanila. Tinitigan niya si Nathan, umaasang patigilin na nito si Maurice, ang nagpapasaya sa puso niya. Subalit parang hindi naman makaintindi si Nathan at bagkus, nakatuon ang atensyon nito sa sabaw at mahinang hinipan saka ininom.
Halata naman sa reaksyon ni Nathan na tila natutuwa pa ito. Natutuwa ito dahil sa mga sinasabi ng babae niya. Napasinghal na lamang si Sierra sa kanyang puso.
Napakawalang hiya ng lalaking nito para ipakita sa kanya 'yon. Sana man lang ay kung natutuwa siya ay huwag nang ipakita dahil hindi siya interesadong makita ang pagmamahalan nilang dalawa.
‘Nakakadiri silang dalawang!’ sa isip ni Sierra.
Bigla namang nagsalita si Maurice kaya natuod siya.
“I thought you liked Nathan, Sierra?”
Nang dahil sa labis na kalasingan, hindi na namalayan ni Sierra ang kanyang ginawa. Bigla na lamang niyang itinaas ang kanyang kamay at pinulupot ito sa leeg ni Nathan. “Hindi mo ako madadaan sa ganiyan, Sierra,” sambit ni Nathan sa pag-aakala na iyon ang balak gawin ni Sierra. Malamig ang kanyang ekspresyon nang hawiin niya ang kamay ng babae.“Huwag ka na maghanap ng iba, Ethan…” ani Sierra habang pilit na inaangat ang katawan upang mapalapit kay Nathan. Nakahawak na ang mga kamay niya sa pisngi nito at saka muling nagpatuloy, “Hindi pa ba ako sapat para sa ‘yo?”Napatitig si Sierra sa kanya sa mapupungay niyang mga mata dala ng kalasingan, ngunit taglay no'n ang mabigat na emosyon.Namumula ang bawat sulok ng mga mata niya habang inaabot ang mukha ni Nathan upang hawakan ito.“Naging masunurin naman ako sa lahat ng gusto mo pero bakit hindi pa rin iyon sapat sa ‘yo?” dagdag na sabi ni Sierra. Gamit ang kanyang malalambot na mga daliri, sinimulang haplusin ni Sierra ang mukha ni
Napabalik si Sierra sa kanyang huwisyo nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello?” sambit ni Sierra sa kabilang linya.“Sierra…”Napatuwid ng upo si Sierra nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.“Si Maurice ito at may gusto lang sana akong itanong sa ‘yo,” ani ng babae sa kabilang linya.“Ano’ng kailangan mo?” tanong niya sa babae.“Gusto ko lang sana itanong sa ‘yo kung ano ang paboritong brand ng damit ang gustong isuot ni Nathan…” saad ni Maurice.Napatulala naman si Sierra dahil sa kanyang narinig at ilang segundo rin siyang natigilan.“A-Ano?” nauutal niyang sambit.“Dito kasi muna mananatili si Nathan mamayang gabi at balak ko siyang bilhan ng masusuot kaso hindi ko alam kung ano ang paborito niyang suotin kaya ikaw ang tinawagan ko,” paliwanag ni Maurice sa kanya.Napapikit si Sierra sa kanyang mga mata upang pakalmahin ang kanyang sarili. Hindi siya pwedeng mag-isip ng kung ano dahil alam niya ang dahilan ku
Pagdating pa lang ni Nathan sa mansyon, agad siyang sinalubong ni Manang Lilian, at ang mukha ay tila nag-aalala. “Manang Lilian, ano’ng problema?” tanong niya rito. Huminga muna nang malalim ang katulong at sinabi, “Tumawag po ang sekretarya ni senyor at pinapqsabi sa ‘yo na dalhin mo raw ang asawa sa sabado ng gabi.”Napabuntong-hininga si Nathan nang marinig niya ang sinabi ni Manang Lilian at napatango sa kanyang ulo bilang tugon. “Nasa kwarto na ba si Sierra, Manang Lilian? Nakakain na ba siya?” tanong niya na siyang ikinakunot ng noo ng katulong. Nagtataka itong napatingin kay Nathan na para bang hindi niya alam ang sinasabi nito. “Umalis siya kanina pa at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik, Senyorito,” sagot ni Manang Lilian. Natuod si Nathan sa kanyang nalaman, ang dibdib ay kumakabog nang malakas kaya naman dali-dali siyang umakyat sa taas ng kwarto upang tignan ang asawa. Ang unang bumungad sa kanya ay ang nakabukas na pinto. Napatingin siya sa lamesa nito at
Pakiramdam ni Sierra ay natuod siya sa kanyang direksyon at tila ba nanlalamig na rin. Ilang minuto rin ang lumipas bago niya maisipang lumabas ng sasakyan ni Nathan para umalis na. Hindi naman siya pinigilan ni Nathan sa kanyang pag-alis na mas lalong nagpasama sa loob ni Sierra. Nang makita ni Nathan na nakapasok na sa loob ng mansyon si Sierra ay agad na rin siyang umalis habang si Sierra naman ay napalingon sa likuran. Pinanood niyang umalis ang sasakyan ni Nathan sa daan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may bigla na lamang isang butil ng luha ang tumulo sa kanyang mata hanggang sa sunod-sunod na naglandasan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. ‘Ano pa ba ang inaasahan ko? Sa isang tawag lang ni Maurice ay agad niya itong pupuntahan,’ ani Sierra sa kanyang isip habang ang puso niya ay tila nagsimulang sumikip sa sama ng loob. “Why am I crying?” tanong niya at agad pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi habang ang mga kamay naman ay nanginginig na. Isang malakas na bun
Nanigas ang buong katawan ni Sierra dahil sa paglapat ng mga labi ni Nathan sa kanya. Hindi alam ni Sierra kung ano ang gagawin niya kaya naitulak niya si Nathan palayo. Ngunit ang lakas niya ay walang panama kay Nathan dahil nang maramdaman ni Nathan ang kanyang pagkabalisa, mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. “N-Nathan…” nauutal na sambit ni Sierra sa pangalan niya at hanggang ngayon ay gulat pa rin sa hindi inaasahang halik na ginawa ni Nathan. “Wag ka na magsalita,” saad naman ni Nathan, at nagpatuloy ito, “Mas lalong ‘wag kang matakot, Sierra.”Ang boses ni Sierra na malambot ngunit nababalot ng kaba ay tila biglang gumising sa nararamdamang pilit niyang iwinawaksi. Ramdam na ramdam niya ang pagkailang at ang bahagyang pagdikit ng kanilang mga katawan ay nagdulot ito ng pag-init ng kanyang pisngi sa kabila pa man ng kapal ng kanilang saplot.Hindi sasapat ang kasuotang iyon upang maitago ni Sierra ang init na nadama niya mula kay Nathan. Bumilis ang mga paghin
Habang papalapit si Nathan sa sasakyan, pinilit ni Sierra na huwag itong tingnan hanggang sa makapasok na ang lalaki sa loob. Pagpasok niya, nagtaka itong napatingin sa kanya na tila ba may napapansin sa naging reaksyon ni Sierra.“May problema ba?” tanong ni Nathan sa kanya ngunit tinitigan lamang siya ni Sierra at yumuko. Pinilit niyang iwasan ang titig nito dahil gusto niyang alisin ang mga alaala niya noon. Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari, bigla na lamang hinawakan ni Nathan ang pisngi ni Sierra kaya napatingin siya rito na nakabuka ang mga labi.Nagsimula naman na kumabog ang kanyang dibdib dahil sa ginawa ni Nathan. “A-Ano ang gagawin mo, Nathan?” tanong niya sa lalaki. Tinitigan lamang siya ni Nathan at saka bumaba ang tingin nito sa dalang paper bag. Hindi napansin ni Sierra na may dala pala itong yelo.Gamit ang panyo ni Nathan, nilagyan niya ito ng yelo saka inilapat sa namamagang mukha ni Sierra na siyang ikinagulat niya nang labis. “Kung sasaktan ka nila ulit,