“A-Ano?”
Natuod si Sierra sa kanyang narinig at agad umalis nang tingin sa kanila.
“Narinig ko sa labas ang sinasabi nila. Hindi mo ba gusto si Nathan?” tanong ni Maurice at biglang tinignan si Nathan upang makita ang kanilang mga reaksyon.
Para namang walang narinig si Nathan at patuloy na kumakain ng isda.
Natawa bigla si Sierra sa kanyang sarili at nagsalita ng malakas, “Hindi!”
“Talaga?” tanong ni Maurice at parang hindi naniniwala sa kanya.
Maraming alam si Maurice tungkol sa kanilang dalawa noong mga nakaraang araw. Narinig niya rin kung paano pinagpilitan ni Sierra ang kanyang sarili kay Nathan. Kahit saan magpunta si Nathan ay palagi itong nakabuntot sa kanya at kahit ang mga kaibigan ni Nathan ay tinatawag itong “Little Puppy” dahil sa patuloy na pagsunod sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang mag-alala sa kanyang puso.
“I was still a teenager at that time, so I didn't know anything about it. I did that just for fun.” Nakangiting sagot ni Sierra kay Maurice.
Aminado naman si Sierra sa kanyang sarili na sa panahong 'yon ay hindi siya mapakali sa iisang lugar lalo na sa relasyong meron sila ni Nathan kaya palagi siyang lumalabas upang mamasyal. Tuwing nawawala siya ay agad niyang tinatawagan si Nathan para sabihan ito na nawawala siya at humihingi ng tulong upang kunin siya nito.
May mga panahon na sinusundo siya ni Nathan at may panahon rin na hindi ito sumisipot pero kahit na gano'n, nagpapahatid pa rin ito ng tauhan papunta sa kanya. Naramdaman niya noong panahon na 'yon na may pag-asa pa rin siya dahil kahit papaano ay may ginagawa si Nathan para sa kanya.
“Iyon ang totoo,” sagot ni Sierra.
Nang marinig ni Maurice ang sinabi ni Sierra napangiti siya at lumingon kay Nathan saka nagsalita, “Binibiro ka lang naman pala ni Sierra noon. Siguro hindi mo naman iyon sineryoso, hindi ba?”
Napailing si Nathan. “I am not that fool to believe her.”
Nagulat si Sierra at aminado siyang iniisip ni Nathan na palagi siyang nagsisinungaling sa kanya.
Nang makulong ang kanyang ama, ang kapatid ng ama niya ang biglang nakakuha ng kompanya nila. Pinipilit naman siya ng tiyuhin niyang pasayahin palagi si Nathan pero hindi niya akalaing mababaliktad pala siya. Iniisip tuloy ni Nathan na inaakit niya ito dahil sa pera. Simula no'n hindi na naniniwala si Nathan sa lahat ng mga sinasabi niya.
Hindi na mapakali si Sierra kaya ibinaba niya ang kutsara saka tumayo.
“Nabusog na ako at magpatuloy lang kayo sa pagkain.” Umalis na siya agad pagkatapos sabihin 'yon saka umakyat sa taas upang uminom ng kanyang gamot.
Biglang sumunod si Maurice sa kanya at tinitigan siya nang maigi.
“Okay ka lang ba, Sierra?” tanong nito.
Napahawak nang mahigpit si Sierra sa doorknob saka ito tinitigan.
Hindi pa nakuntento ang babae at muling nagtanong, “Ito ba ang kwarto niyong dalawa?”
Napasimangot si Sierra pero mabilis rin siyang bumalik sa kanyang normal na reaksyon. Bumaba ang kanyang mata sa tiyan ni Maurice.
“Si Nathan ba talaga ang ama ng dinadala mo, Maurice?”
Napalitan ng pagkabahala ang reaksyon ni Maurice at tumango, “Oo naman. Si Nathan ang ama ng dinadala ko.”
Biglang nanlabo ang mga mata ni Sierra sa kanyang nalaman pero ngayon malinaw na sa kanya ang lahat. Wala na patutunguhan ang lahat.
“Kayo dapat ang magkasamang dalawa. Isa kang magandang babae at si Nathan naman ay talentadong tao kaya bagay na bagay kayo,” ani Sierra.
“Pero paano ka at si Nathan?” tanong ng babae.
“Wala na akong nararamdaman sa kanya at hindi magtatagal ay maghihiwalay na rin kaming dalawa,” sagot ni Sierra.
Kahit pa hindi umalis si Nathan, gusto niyang ipagpatuloy ang annulment nilang dalawa dahil sa pagkakataong ito, hindi na ito tungkol kay Nathan.
Lumiwanag bigla ang mga mata ni Maurice, “Talaga ba?”
“O-Oo,” aniya at nagpatuloy, “Wala ka na dapat ipag-alala sa 'kin dahil hindi naman importante ang ginagampanan kong papel.”
Si Nathan na rin ang nagsabi na hindi niya mahal si Sierra kaya para sa kanya ay wala nang silbi na hindi siya sumuko.
Muling hinarap ni Sierra ang pinto at bumalik na siya ulit sa loob. Kinuha niya ang gamot para sa kanyang tiyan saka naghanap ng annulment agreement sa internet. Walang pagdadalawang isip, agad niyang pinindot ang d******d button.
Dala ang kanyang ID, bumaba siya upang hanapin si Nathan. Hindi na mahagilap si Maurice pero nandito pa rin si Nathan na kasalukuyang may kausap sa cellphone niya. Nakatayo ito at nakaharap sa bintana. Tindig niya pa lang ay hindi na basta-basta.
Nagpanggap si Sierra na parang hindi niya nakita si Nathan at naglakad na patungo sa pinto.
“Wait!”
Bigla siyang napatigil nang magsalita si Nathan sa mataas na boses. Lumingon si Sierra sa direksyon ni Nathan at puno ng pagtataka ang kanyang mukha.
“Anong problema mo?” takang tanong niya.
“Hindi ba may gastritis ka? Bakit ka lalabas?” tanong naman ito.
“I have work and I am needed there.”
“Don't you dare go to work.” Banta ni Nathan sa kanya.
Nainis naman siya dahil sa ginawa ito at sinabing, “Wala kang pakialam dahil simula sa araw na ito ay hindi na ako makikinig pa sa 'yo. Aalis ako at hindi na ako titira dito sa bahay mo.”
Aminado si Sierra sa sarili na dati siyang suwail na tao pero nang mahalin niya si Nathan ay natuto siyang maging masunurin pero ngayon mas gusto na lamang niyang mapag-isa.
“Maghahanap ka pa ng bahay sa labas at sa tingin mo ba may magpapatira sa 'yo na wala ang permiso ko?” nakangising sabi niya.
Natigilan naman si Sierra dahil sa kanyang narinig at nakaramdam ng inis kay Nathan.
“Bakit mo ba pinipigilan ang kalayaan ko, ha?”
“You are not allowed to go now, so you better stay inside,” sabi nito at nagpatuloy, “You should close your boutique store next week and report to the secretary of the Hidalgo Enterprise. I want you to be my personal secretary.”
Nang marinig niya ang mga salitang 'yon ay bigla siyang umismid.
“You are aware that I was studying design, and now you want me just to be your secretary?” tanong ni Sierra sa hindi makapaniwalang reaksyon.
Alam ni Nathan na pangarap niya ang maging isang fashion designer. Hindi niya sinabi kay Nathan ang pagbukas niya ng boutique dahil palagi namang hindi niya ito makontak.
Ipinaalam sa kanya ni Ynnah na kailangan nilang dalawa na maglabas ng tig-isang milyon para sa binuksan nilang boutique. Ang dalawang milyon ay wala lang naman 'yon kay Nathan at nagsasayang nga ito ng milyones para lang sa alahas kaya ginamit niya ang pera para magbukas ng boutique.
Hindi 'yon ikinatuwa ni Nathan pero wala rin naman siyang sinabi kaya akala ni Sierra ay tapos na ang tungkol dito pero hindi niya akalain na sasabihan siya nitong ipapasara ang boutique ngayong araw.
“Being a designer is not for you, so you should stop that as soon as possible,” sagot ni Nathan sa malalim na boses.
Nandilim ang mga mata ni Sierra dahil sa kanyang narinig at saka ngumiti, “Kung makapagsabi kang hindi bagay sa akin ang design ay parang nakita mo na ang mga gawa ko. Nakita mo na ba lahat ng gawa ko? Minsan ba nagkaroon ka ng atensyong alamin ang tungkol sa pag-aaral at sa araw-araw kong buhay?”
“It's not needed for me to pay attention to it,” sagot nito sa malamig at may pagkadiin na pananalita, at ang huling sinabi niya ay hindi kaaya-aya. “It's already obvious that you are not fit for it. If you want to go outside to work, it's better that you become my secretary. You don't have to think of trying for other jobs.”
Namanhid ang puso ni Sierra sa kanyang narinig at pinilit ngumiti, “Ganiyan na ba talaga ang tingin mo sa akin at hindi ako karapat-dapat na magkaroon ng mga pangarap? Hanggang pagiging sekretarya na lang ba ang silbi ko?”
Hindi nito alam kung paano siya nagsikap makapagtapos lang ng ilang taon. Halos buong araw at gabi ang ginugol niya para lang sa pagguhit at halos lahat ay pinupuri ang talentong meron siya subalit...
Gusto ni Nathan na burahin ang apat na taon niyang pagsisikap nang dahil lang sa isang desisyon?
Akala nito ay hindi siya karapat-dapat sa kung anong gusto niyang gawin ngayon. Pinili na lamang ni Sierra na huwag magsalita sa kanya dahil wala na rin naman siyang sasabihin pa kaya tumalikod na siya upang umalis ng mansyon.
“And where do you think you're going?” tanong nito sa likuran.
Hindi na pinansin ni Sierra si Nathan at tuluyang umalis. Sinundan naman siya agad ng personal assistant ni Nathan na si Travis upang pigilan siya.
“Samahan ko na po kayo, Madam, kung saan kayo pupunta,” sambit nito.
“Ayoko!” sigaw niya. Alam niyang si Nathan ang may pakana kung bakit sumunod kaagad si Travis sa kanya. Huminto muna siya at tinanggihan ito, “Hindi ko kailangan nang tulong niya.”
Gusto nang pumasok ni Sierra sa Lamborghini nang pigilan na naman siya ni Travis. “Bilin po ni Sir Nathan na hindi kayo pwedeng magmaneho ng sasakyan, Madam.”
“Kung hindi ako magmamaneho, paano ako makakaalis? Na sa private property tayo ng mga Hidalgo at napapalibutan ng mga bundok kaya ano sa tingin mo ang gagawin ko?”
Travis said, “Ihatid ko na po kayo.”
Galit na galit na si Sierra pero tumango na lamang siya. “Sige, ilabas mo na ako dito.”
Nang makasakay siya ng sasakyan ay agad niyang tinawagan ang kanyang matalik na kaibigan at nagtanong, “Saan ka ngayon, Ynnah? Nakalabas na ako at puntahan kita.”
“Na sa boutique ako ngayon. Puntahan mo ako dito.”
Sinabi na ng kaibigan kung saan ito at pinapupunta siya doon.
“Okay, papunta na ako.”
Agad tumango si Sierra pagkatapos niyang malaman iyon. Nagpababa siya kay Travis sa tapat ng printing shop upang magkaroon ng kopya sa annulment agreement na nakuha niya mula sa internet kanina. Isinulat niya doon ang kanyang dalawang dahilan sa pakikipaghiwalay kay Nathan.
Tinapik niya sa balikat si Travis at inabot ang documents at sinabing, “Ibigay mo ito kay Nathan, Travis.”
Ngunit nag-alangan ito, “Kailangan ko po kayong samahan, Madam.”
“Malapit na ako sa boutique kaya walang masamang mangyayari. Bumalik ka na sa mansyon at kaya ko na ang sarili ko.” Pinapaalis na ni Sierra si Travis pabalik ng mansyon.
Hinintay na muna ni Travis na makapasok sa loob ng boutique si Sierra saka siya pumasok sa sasakyan at dinala niya lahat ng mga dokumento na binigay sa kanya ni Sierra kanina upang ibigay ito sa CEO ng Hidalgo Enterprise.
Samantala, kqsalukuyang may inaasikasong papeles si Nathan sa kanyang lamesa sa mga oras na ito nang biglang dumating si Travis. Hindi na siya nag-angat ng tingin dahil alam niyang ang personal assistant niya lamang ito.
Hindi na siya nag-atubili pa at tinanong ito tungkol sa kanyang asawa.
“Travis, saan nagpunta ang asawa ko?”
Nang dahil sa labis na kalasingan, hindi na namalayan ni Sierra ang kanyang ginawa. Bigla na lamang niyang itinaas ang kanyang kamay at pinulupot ito sa leeg ni Nathan. “Hindi mo ako madadaan sa ganiyan, Sierra,” sambit ni Nathan sa pag-aakala na iyon ang balak gawin ni Sierra. Malamig ang kanyang ekspresyon nang hawiin niya ang kamay ng babae.“Huwag ka na maghanap ng iba, Ethan…” ani Sierra habang pilit na inaangat ang katawan upang mapalapit kay Nathan. Nakahawak na ang mga kamay niya sa pisngi nito at saka muling nagpatuloy, “Hindi pa ba ako sapat para sa ‘yo?”Napatitig si Sierra sa kanya sa mapupungay niyang mga mata dala ng kalasingan, ngunit taglay no'n ang mabigat na emosyon.Namumula ang bawat sulok ng mga mata niya habang inaabot ang mukha ni Nathan upang hawakan ito.“Naging masunurin naman ako sa lahat ng gusto mo pero bakit hindi pa rin iyon sapat sa ‘yo?” dagdag na sabi ni Sierra. Gamit ang kanyang malalambot na mga daliri, sinimulang haplusin ni Sierra ang mukha ni
Napabalik si Sierra sa kanyang huwisyo nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello?” sambit ni Sierra sa kabilang linya.“Sierra…”Napatuwid ng upo si Sierra nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.“Si Maurice ito at may gusto lang sana akong itanong sa ‘yo,” ani ng babae sa kabilang linya.“Ano’ng kailangan mo?” tanong niya sa babae.“Gusto ko lang sana itanong sa ‘yo kung ano ang paboritong brand ng damit ang gustong isuot ni Nathan…” saad ni Maurice.Napatulala naman si Sierra dahil sa kanyang narinig at ilang segundo rin siyang natigilan.“A-Ano?” nauutal niyang sambit.“Dito kasi muna mananatili si Nathan mamayang gabi at balak ko siyang bilhan ng masusuot kaso hindi ko alam kung ano ang paborito niyang suotin kaya ikaw ang tinawagan ko,” paliwanag ni Maurice sa kanya.Napapikit si Sierra sa kanyang mga mata upang pakalmahin ang kanyang sarili. Hindi siya pwedeng mag-isip ng kung ano dahil alam niya ang dahilan ku
Pagdating pa lang ni Nathan sa mansyon, agad siyang sinalubong ni Manang Lilian, at ang mukha ay tila nag-aalala. “Manang Lilian, ano’ng problema?” tanong niya rito. Huminga muna nang malalim ang katulong at sinabi, “Tumawag po ang sekretarya ni senyor at pinapqsabi sa ‘yo na dalhin mo raw ang asawa sa sabado ng gabi.”Napabuntong-hininga si Nathan nang marinig niya ang sinabi ni Manang Lilian at napatango sa kanyang ulo bilang tugon. “Nasa kwarto na ba si Sierra, Manang Lilian? Nakakain na ba siya?” tanong niya na siyang ikinakunot ng noo ng katulong. Nagtataka itong napatingin kay Nathan na para bang hindi niya alam ang sinasabi nito. “Umalis siya kanina pa at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik, Senyorito,” sagot ni Manang Lilian. Natuod si Nathan sa kanyang nalaman, ang dibdib ay kumakabog nang malakas kaya naman dali-dali siyang umakyat sa taas ng kwarto upang tignan ang asawa. Ang unang bumungad sa kanya ay ang nakabukas na pinto. Napatingin siya sa lamesa nito at
Pakiramdam ni Sierra ay natuod siya sa kanyang direksyon at tila ba nanlalamig na rin. Ilang minuto rin ang lumipas bago niya maisipang lumabas ng sasakyan ni Nathan para umalis na. Hindi naman siya pinigilan ni Nathan sa kanyang pag-alis na mas lalong nagpasama sa loob ni Sierra. Nang makita ni Nathan na nakapasok na sa loob ng mansyon si Sierra ay agad na rin siyang umalis habang si Sierra naman ay napalingon sa likuran. Pinanood niyang umalis ang sasakyan ni Nathan sa daan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may bigla na lamang isang butil ng luha ang tumulo sa kanyang mata hanggang sa sunod-sunod na naglandasan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. ‘Ano pa ba ang inaasahan ko? Sa isang tawag lang ni Maurice ay agad niya itong pupuntahan,’ ani Sierra sa kanyang isip habang ang puso niya ay tila nagsimulang sumikip sa sama ng loob. “Why am I crying?” tanong niya at agad pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi habang ang mga kamay naman ay nanginginig na. Isang malakas na bun
Nanigas ang buong katawan ni Sierra dahil sa paglapat ng mga labi ni Nathan sa kanya. Hindi alam ni Sierra kung ano ang gagawin niya kaya naitulak niya si Nathan palayo. Ngunit ang lakas niya ay walang panama kay Nathan dahil nang maramdaman ni Nathan ang kanyang pagkabalisa, mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. “N-Nathan…” nauutal na sambit ni Sierra sa pangalan niya at hanggang ngayon ay gulat pa rin sa hindi inaasahang halik na ginawa ni Nathan. “Wag ka na magsalita,” saad naman ni Nathan, at nagpatuloy ito, “Mas lalong ‘wag kang matakot, Sierra.”Ang boses ni Sierra na malambot ngunit nababalot ng kaba ay tila biglang gumising sa nararamdamang pilit niyang iwinawaksi. Ramdam na ramdam niya ang pagkailang at ang bahagyang pagdikit ng kanilang mga katawan ay nagdulot ito ng pag-init ng kanyang pisngi sa kabila pa man ng kapal ng kanilang saplot.Hindi sasapat ang kasuotang iyon upang maitago ni Sierra ang init na nadama niya mula kay Nathan. Bumilis ang mga paghin
Habang papalapit si Nathan sa sasakyan, pinilit ni Sierra na huwag itong tingnan hanggang sa makapasok na ang lalaki sa loob. Pagpasok niya, nagtaka itong napatingin sa kanya na tila ba may napapansin sa naging reaksyon ni Sierra.“May problema ba?” tanong ni Nathan sa kanya ngunit tinitigan lamang siya ni Sierra at yumuko. Pinilit niyang iwasan ang titig nito dahil gusto niyang alisin ang mga alaala niya noon. Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari, bigla na lamang hinawakan ni Nathan ang pisngi ni Sierra kaya napatingin siya rito na nakabuka ang mga labi.Nagsimula naman na kumabog ang kanyang dibdib dahil sa ginawa ni Nathan. “A-Ano ang gagawin mo, Nathan?” tanong niya sa lalaki. Tinitigan lamang siya ni Nathan at saka bumaba ang tingin nito sa dalang paper bag. Hindi napansin ni Sierra na may dala pala itong yelo.Gamit ang panyo ni Nathan, nilagyan niya ito ng yelo saka inilapat sa namamagang mukha ni Sierra na siyang ikinagulat niya nang labis. “Kung sasaktan ka nila ulit,