Mag-log inSlowly, she got dressed. Medyo basa pa ang buhok niya, namumula ang mga pisngi, at feeling niya siya ang bida sa isang N*****x series—iyong episode na finally, nakikisama na rin sa kanya ang universe. She even fixed the pillows on the bed. Hindi ako makalat. Responsible girlfriend ako.
Nang biglang bumukas ang front door. "Yumi?" Nakatayo si River sa hallway, suot ang gym clothes, habang nakasabit sa mga daliri niya ang susi ng kotse. Nagulat ang ekspresyon niya nang makita siya, pero mabilis iyong napalitan ng genuine delight. Tatlong malalaking hakbang lang, nasa harap na niya ito at niyakap siya nang mahigpit. Amoy-araw at sariwang hangin sa umaga ang katawan nito. Hindi sabon, hindi rin singaw ng shower. For a second, she noticed something wrong, parang may nawawalang baitang sa hagdan na hindi niya agad matukoy. Pero nang halikan siya nito sa noo, unti-unting nawala ang kung anumang gumugulo sa isip niya. "You came to surprise me?" Tumawa ito. "Babe, I only went out for a bit. I had to test-drive my brother's car before he gets back to the garage." Napakurap si Yumi. "Your... brother?" "Ridge. My twin." Lalong lumapad ang ngiti ni River nang makita ang reaksyon niya. "Hindi ko ba nabanggit? He's been in New Jersey for years. He runs the US side of our company. Dumating siya kagabi. Baka nagbibihis pa 'yon." Parang biglang umikot ang buong mundo niya. Sa loob ng utak niya, may munting boses na kasalukuyang nagwawala at sumisigaw nang naka-all caps. . KAMBAL. May KAMBAL siya. Tumingin siya sa hallway. Sa p***o ng banyo kung saan siya nanggaling. Kung saan niyakap siya ng isang lalaking kamukhang-kamukha ng boyfriend niya and held her like she was made of glass. Hinalikan niya ito at binati ng happy anniversary. Tinawag niya itong River and not once did he correct her. He had gone along with it. Every moment, every word. Paulit-ulit na nag-flashback sa isip niya ang nangyari kanina, bawat detalye malinaw na malinaw, almost cruelly so. Ang katahimikan nito. Ang steady nitong mga kamay. Kung paano ito humihinto sa tuwing napapaatras siya, na binibigyan siya ng oras para kumalma. Si River, malamang natawa na. Tiyak na aasarin siya nito tungkol sa basang buhok niya at sa sintunado niyang pagkanta. Baka nga may pahabol pang joke para lang mapangiti siya. Sino ang lalaking hindi nagsalita habang ibinibigay mo ang first time mo? Nakilala niya si River fourteen months ago at a Villarama warehouse in Valenzuela. She noticed a broken freezer and told the arrogant manager to fix it right away. Nakatayo lang si River sa likod, suot ang company jacket. Anak siya ng may-ari, pero tila invisible sa paningin ng lahat. Ito lang ang nakapansin sa kanya. Siya lang rin ang nagpasalamat for noticing the freezer problem. He invited her to lunch. Tumanggi siya, twice. The third time, hindi na siya marunong humindi. "Babe, you okay?" bumaba ang tingin ni River sa suot niyang dress, saka ito ngumiti . "Your button's wrong." Napayuko siya para tingnan iyon. Ayun nga, may isang butones na sumablay ng isang butas. "Ay," she said weakly. "Nagmamadali kasi ako." Parang may batong biglang bumaon sa sikmura niya nang marinig ang pangalan ng kapatid nito. Sa isip niya, may sarili na siyang headline: Employee Sleeps With Boss's Twin. At siyempre, hindi puwedeng isa lang ang problema. Sunod-sunod na pumasok sa isip niya ang worst-case scenarios. Betrayed trust, broken heart, unemployment. Lord, may policy ba para dito sa employee handbook? Baka may Section 14 na hindi ko pa nababasa. Then another detail came rushing back, painfully clear: may manipis na peklat sa kaliwang shoulder blade nito. Nahawakan niya iyon kaninang umaga habang nasa shower sila, at ang naisip pa niya, Aww, may story behind that. Pero walang peklat si River. Never niyang nakita na may peklat ang boyfriend niya sa balikat. Parang tuluyan nang lumubog ang sikmura niya. Inakbayan siya ni River at inakay papunta sa kitchen, casually talking about the car, completely unaware of the storm building inside her. "He's the serious one," he said fondly. "Sobrang lamig, sabi ni Papa. But he's a good guy. Sort of.” Tuloy-tuloy lang ito sa pagkukuwento, halos hindi mapakali sa sobrang excitement. "Anyway, tonight babe, I have a surprise for you. A big one." "What kind of surprise?" Halos pabulong na tanong ni Yumi. "Can't tell you." Nagkunwari siyang nag-zip ng labi, saka itinapon ang imaginary key. "It's a secret. You'll just have to wait. Wear something pretty, okay?" Isa-isang bumagsak sa sikmura niya ang bawat masiglang salita nito, mabigat na parang bato. She nodded at all the wrong moments. Sa pagitan ng mga salitang hindi niya lubos na naririnig, napako ang tingin niya sa bukas na p***o ng bedroom. Nandoon ang mga kumot na maingat niyang inayos, at sa sahig, ang mga basang bakas ng paa mula sa bathroom. Malalaki ang mga iyon. Hindi puwedeng kanya. Lord, kung may balak Kang lumindol, ngayon na po. Promise, hindi na ako hihingi ng milagro pagkatapos nito. Naghintay siya saglit, baka sakaling bumuka ang lupa at tuluyan na siyang lamunin. Pero walang nangyari. Kanina N*****x main character ang datingan nya pero ngayon, parang maling genre ata ang ang napasukan niya. She signed up for a romantic comedy, pero bakit may doppelganger mystery, identity crisis, at psychological horror na kasama sa package? Isang mahinang click ng p***o ang narinig mula sa loob ng penthouse. Pagkatapos, mga yabag. Steady at mabagal na papalapit sa kanila. Lumingon si River sa likuran niya, at agad na nagliwanag ang mukha nito. "Speaking of. Come meet him, babe. He's going to love you." Pakiramdam ni Yumi, tuluyan nang kumawala ang kaluluwa niya sa katawan. Mahigpit siyang kumapit sa gilid ng counter hanggang mamuti ang mga kuko niya sa mga daliri. Rinig na rinig niya ang malakas na tibok ng puso niya sa magkabilang tainga. Dahan-dahan siyang humarap sa pinanggalingan ng tunog, bawat galaw parang napakahirap gawin. At sa may pintuan, nakatayo ang isang lalaking nagpupunas ng basang buhok gamit ang tuwalya. Isang lalaking may mukha ng boyfriend niya.Naglakad si Yumi.Hindi nagmamadali, pero hindi rin mabagal. Maingat ang bawat hakbang niya, gaya ng isang babaeng may dalang tray ng mga basong punong-puno at kailangang siguraduhing walang mababasag. Nanlalamig ang mga paa niyang nakatapak sa sahig. Sa mga bintana, sumisilip ang mga ilaw ng siyudad, parang mahahabang gintong guhit na unti-unting dumudulas sa dilim. Self, ano 'to, horror movie? Bakit parang ang haba ng hallway? Dati tatlong hakbang lang 'to.Ang tibok ng puso niya lang ang tanging naririnig niya sa katahimikan ng penthouse. Mayumi. Modest. Graceful. Hindi tumatakbo papunta sa kwarto ng ibang lalaki. Sige, hindi naman siya tumatakbo. Naglalakad lang, technically.Nilampasan niya ang unang pinto, ang kuwarto ni River—madilim, maayos, at puno ng mga gamit na walang anumang kakaiba. Sumunod ang guest room, kung saan minsan siyang natulog na para bang walang anumang kailangang pagbayaran kinabukasan.Bahagyang nakabukas ang pangatlong pinto. Isang manipis na guhit ng liwa
Dalawang linggo na ang lumipas mula noong bagyo, at sa loob ng panahong iyon, naging ganap na estranghero si Ridge.Tumatango lang ito kay Yumi kapag nagkakasalubong sila sa hallway. Ibinabalik nito ang mga reports niya na may malinis at maayos na marka in red ink. Kakain ito ng hapunan at didiretso na sa kwarto pagkatapos maghugas ng pinagkainan nito. At ni minsan, hindi nito nilabag ang mga hangganang siya mismo ang nakiusap na huwag nitong tawirin. Walang kakaibang tingin. Wala ni isang kilos na maaaring magpahiwatig na gusto nitong lumabag sa mga kundisyong itinakda niya.Ang tanging lamat sa maayos nilang pag-iIwasan sa isa't isa ay dumating noong Biyernes, sa warehouse sa Valenzuela.Pumasok si Yumi sa malamig na malamig na storage room, suot ang hiniram na parka. Umuusok ng parang puting ulap ng kanyang hininga sa hangin. At doon niya nakita si Ridge sa pinakadulong bahagi ng silid, kasama ang mga trabahador. Nakatupi hanggang siko ang mga manggas nito habang may buhat na mabig
Ang hindi inaasahan ni Yumi ay ang makumpara ang kambal at kung gaano karami ang mapapansin niya.Si River, buong mukha ang nakangiti kapag tumatawa. Habang si Ridge ay bihira lang matawa. Usually, isang maikling buga lang ng hangin sa ilong, with the faintest hint of amusement in his eyes. Kapag nasa penthouse, si River madalas naghu-hum ng sintunado sa halos lahat ng ginagawa niya. Si Ridge naman kung wala sa study, nakatayo sa bintana na may hawak na baso ng tubig, looking at the city like it owed him an explanation. Si River, babe ang tawag sa kanya, magaan at walang kahirap-hirap. Si Ridge naman, Mayumi. Buong pangalan niya, binibigkas ng mabagal at maingat na para bang pinag-iisipan pa nito ang bawat letra bago pakawalan.Pagkatapos ng unang linggo, may listahan na siya ng mga pagkakaibang hindi naman niya sinadyang mapansin at maalala.Si River, kung makaupo, nakahilata at halos nakahiga na sa furniture. Si Ridge naman, umuupo ng diretso ang likod na para bang bawat upuan ay
Yumi worked at Villarama Cold Chain, her job is simple to explain: siguraduhing maayos ang kondisyon ng mga freezer at truck ng kumpanya, at nananatiling malamig ang mga ito. She had earned it on her own merit, bago pa niya makilala si River. She repeated that to herself every morning like a mantra, lalo na ngayon.Buong Sunday night siyang nagpakahirap ayusin ang mga reports niya, siniguradong kahit bagyo, lindol, o kung anumang disaster, hindi matitinag ang mga iyon.At 8:42 a.m. ng Monday nang sa wakas ay pindutin niya ang send button. Eleven seconds later, may reply na agad sa inbox niya. Received. Briefing at nine. Conference Room A.Eleven seconds. Wala ba siyang buhay?Nasa twelfth floor ng isang glass tower sa Pasig ang company head office. Amoy coffee at ambition ang buong opisina. Aligaga ang lahat dahil noong Biyernes may isang email ang natanggap ng lahat ng empleyado na nagsasabing: Mr. Ridge Villarama will lead the quarterly restructuring. All department heads and staff
Nagising si Yumi bago pa magbukang-liwayway sa guest room, baliktad ang suot niyang robe at parang may isang sakong bato ang puso niya.Alas-kuwatro ng madaling araw ng palihim siyang bumangon mula sa kama ni Ridge. Nakayapak at walang ingay na pinulot ang mga gamit niya sa dilim na parang isang magnanakaw na nakawan ang sarili niyang gabi.Hindi siya nito pinigilan. Idinilat lang nito ang mga mata at pinanood siyang umalis, habang ang isang braso nito ay nakapatong pa rin sa bakanteng espasyong kaninang kinaroroonan niya.Nang huminto siya sa may pinto, naghintay siya na baka may sabihin ito, kahit ano, kahit isang salita lang. Pero walang dumating.At ang katahimikang iyon ay sumunod sa kanya sa hallway na parang isang multong ayaw siyang tantanan.Pumasok si Yumi sa kwarto kung saan nagpaalam sa kanya ang nobyo kagabi. Now the ceiling stared back at her at unti unting nagsi-sink in ang realization ng pinasok niyang sitwasyon kagabi. Okay, Yumi. Ground rules. One: hindi na mauulit.
Mayumi Cruz had been planning this morning for three weeks. Waxing, check. Lingerie bought with her entire 13th-month pay, check. Courage? Teka, nasaan na ang courage? She found it somewhere between the lobby and the elevator of River Villarama's penthouse building, and she held on to it like a free Wi-Fi password.Mang Berto, the guard in the lobby, gave her a knowing smile. "Good morning Ma'am Yumi, ang aga niyo po." "Surprise po," she whispered, and he gave her a thumbs-up like she was marching off to war. Grabe, pati si Kuya Guard, supportive.In the elevator, she stared at her reflection and counted to ten. Kaya mo 'to, girl. One year kang naghintay. Her mother had once told her that Mayumi meant modest and graceful, mahinhin, a name for a quiet girl who never raised her voice. Sorry, Ma. Today your mahinhin daughter will finally become a lady na.One year with River. Twelve months of dinners, slow kisses beside his car, and "I can wait, Yumi. Kahit gaano katagal." He never pushe







