Mag-log inBreakfast was scrambled eggs, garlic rice, and Yumi's slow death on the inside.
Nasa harap siya ng mahabang glass table, hawak ang tinidor na parang decoration lang. Nakatitig siya sa longganisa na para bang ito ang may pakana ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay niya. Sunlight poured over the Makati skyline. Of course. The universe was apparently having a wonderful morning at siya lang ang hindi invited sa happiness. Sa kusina, masayang naghu-hum si River habang nagluluto ng pancakes na hindi naman niya nirequest. Naka-gym shirt pa ito, looking annoyingly domestic. Kapag malapit na nitong mabanggit ang surprise para mamayang gabi, bigla itong hihinto at gagawa ng gesture na parang nagla-lock ng bibig. “Nope. Secret.” At kada ilang minuto, ngingitian siya nito ng ubod tamis na gusto na lang niyang magtago sa ilalim ng mesa at tumira doon. Bakit ang bait mo? Pwede bang gumawa ka ng kaunting kasalanan man lang para mas madali ito? Sa isip niya, gumagawa na siya ng sariling incident report. What happened: Pumasok sa shower kasama ang maling lalaki. Cause: May kambal pala siyang hindi man lang na-inform. Solution: ... Wala. Lord, kunin Mo na lang ako. Patuloy pa ring ipinagkakanulo ng katawan niya ang sarili niya sa maliliit na paraan. May kakaibang panginginig pa rin sa mga pulsuhan niya kung saan siya hinawakan nito. Parang namamaga pa rin ang mga labi niya, kahit siguro siya lang ang nakakapansin. At sa ilalim ng mga tadyang niya, may mainit na pakiramdam na ayaw pa ring mawala. Hindi puwedeng ganito. Hindi puwedeng hanggang ngayon, ang sarap pa ring balikan sa alaala. Hinila ni Ridge ang upuang nasa tapat niya at umupo. At sa lahat ng pwedeng gawin nito, iyon pa talaga ang pinaka nakakainis—dahil ngayon, wala siyang choice kundi tingnan ito. Nakasuot ito ng white shirt na ang mga manggas ay nakarolyo hanggang siko. Medyo basa parin ang buhok nito. Mukha ni River. Eksaktong mukha ni River. Parehong panga, parehong maiitim na mata. Pero kung si River ay may lambot at warmth sa tingin, ang lalaking nasa harap niya ay may kung anong matalim at hindi mabasang ekspresyon. Tahimik lang, pero parang alam na alam nitong hawak niya ang buong sitwasyon. At wala siyang balak magmadali. May aura ito ng lalaking sanay na ang lahat ay tumitigil sa pagsasalita kapag pumapasok siya sa silid. Tapos naamoy niya iyon. Cedar. Clean soap. Parang may malamig na kamay na humawak sa batok niya. Parehong-pareho ang amoy. Ay, hindi. "So you're Yumi." Mas malalim ang boses niya kaysa kay River, may bahagyang American drawl na nakakakiliti sa nerbiyos niya in the worst possible way. “My brother mentions you all the time.” "N-nice to meet you," nagawa niyang sumagot, kahit pumiyok ang boses niya na parang nagla-lag na video call. Bahagyang kumurba ang labi niya, halos hindi matatawag na ngiti. He took his black coffee, no sugar, at tumingin kay Yumi sa ibabaw ng tasa. Para bang shield ang hawak niya, habang ang mga mata niya ay parang patalim na nakatutok sa kanya. Walang bahid ng pagkagulat o pagkilala sa mukha nito. Mas nakakatakot ang naroon—certainty. Alam nito kung sino siya. Alam nito kung ano ang ginawa niya. At higit sa lahat, wala itong kahit katiting na pagmamadali para sabihin iyon. He ate slowly, like a man who had learned to eat between meetings. Nang iabot ni River ang plato, mahina nitong sinabi, “Salamat,” in rusty Tagalog, as if he hadn't used it in years. Sa isang iglap, may kung anong lumambot sa mukha ni Ridge. Pero saglit lang. Nawala rin agad. Napako ang tingin ni Yumi sa mga kamay nito. Mahahaba ang mga daliri, may maliit na peklat sa isang daliri, at hindi man lang nanginginig habang hawak ang tasa. Those hands. Ang mismong mga kamay na iyon. What followed was the longest meal of her life. Tuloy-tuloy ang kuwento ni River tungkol sa unang pagkikita nila—mula sa sirang freezer at mayabang na manager hanggang sa babaeng may clipboard na hindi nagpatinag kahit kaharap na ang anak ng boss. Ridge listened politely. "So you caught it early?" tanong nito. "Before it broke?" "I just noticed something wasn't right," biglang sagot niya, then immediately wished she could shove every word back into her mouth. "Small things matter," mahinahong sagot ni Ridge. "Most people miss them." Sa ilalim ng mesa, bahagyang sumagi ang sapatos nito sa kanya. An accident? No. Hindi aksidente 'yon. Napaatras siya nang sobrang bilis, tumama tuloy ang tuhod niya sa mesa at nagkalansingan ang mga tasa. "You okay, babe?" tanong ni River. "Cramps," bulalas ni Yumi. CRAMPS?! Girl, nasa harap mo ang boyfriend mo. Seryoso? Ridge coughed into his napkin, pero handa siyang ipusta ang buong 13th-month pay niya na natatawa ito. Nang tumunog ang phone ni River, tumayo ito at pumunta sa kusina para sagutin ang tawag. Pagkaalis niya, biglang bumagsak ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, mabigat at matalim na parang guillotine. Saglit silang naiwan na magkatapat sa glass table. Para bang pati ang buong penthouse ay napahinto sa paghinga. Dahan-dahang ibinaba ni Ridge ang tasa niya, saka tumingin kay Yumi. Sa kanya lang nakatuon ang buong atensyon nito, at may kung anong bigat sa titig na iyon, para bang may palad na nakadagan sa dibdib niya. She remembered that same stillness in the shower, the same patience, the same unbearable attention. Siya nga. Siya talaga. Napabalikwas si Yumi sa kinauupuan, saka biglang hinablot ang manggas ni Ridge at kinaladkad ito sa likod ng pantry door. Apparently, may hidden strength pala siya na lumalabas lang kapag nasa bingit na ng disaster ang buhay niya. The tiny room smelled of coffee beans, cedar, and trouble. "Please," singhal niya. "Akala ko ikaw siya. You know I thought you were him." "I know," kalmadong sagot ni Ridge. Mula sa kabilang side ng manipis na pader, umaabot sa kanila ang masigla at walang alinlangang tawa ni River. Lalo pang hininaan ni Yumi ang boses niya, hanggang sa halos pabulong na lang ito. "Then why didn't you stop me?" Saglit siyang pinagmasdan nito. "I tried to say something. You kissed me first." Bahagya nitong ikiniling ang ulo, may pilyong ngiti sa labi. "Then I stopped trying."Naglakad si Yumi.Hindi nagmamadali, pero hindi rin mabagal. Maingat ang bawat hakbang niya, gaya ng isang babaeng may dalang tray ng mga basong punong-puno at kailangang siguraduhing walang mababasag. Nanlalamig ang mga paa niyang nakatapak sa sahig. Sa mga bintana, sumisilip ang mga ilaw ng siyudad, parang mahahabang gintong guhit na unti-unting dumudulas sa dilim. Self, ano 'to, horror movie? Bakit parang ang haba ng hallway? Dati tatlong hakbang lang 'to.Ang tibok ng puso niya lang ang tanging naririnig niya sa katahimikan ng penthouse. Mayumi. Modest. Graceful. Hindi tumatakbo papunta sa kwarto ng ibang lalaki. Sige, hindi naman siya tumatakbo. Naglalakad lang, technically.Nilampasan niya ang unang pinto, ang kuwarto ni River—madilim, maayos, at puno ng mga gamit na walang anumang kakaiba. Sumunod ang guest room, kung saan minsan siyang natulog na para bang walang anumang kailangang pagbayaran kinabukasan.Bahagyang nakabukas ang pangatlong pinto. Isang manipis na guhit ng liwa
Dalawang linggo na ang lumipas mula noong bagyo, at sa loob ng panahong iyon, naging ganap na estranghero si Ridge.Tumatango lang ito kay Yumi kapag nagkakasalubong sila sa hallway. Ibinabalik nito ang mga reports niya na may malinis at maayos na marka in red ink. Kakain ito ng hapunan at didiretso na sa kwarto pagkatapos maghugas ng pinagkainan nito. At ni minsan, hindi nito nilabag ang mga hangganang siya mismo ang nakiusap na huwag nitong tawirin. Walang kakaibang tingin. Wala ni isang kilos na maaaring magpahiwatig na gusto nitong lumabag sa mga kundisyong itinakda niya.Ang tanging lamat sa maayos nilang pag-iIwasan sa isa't isa ay dumating noong Biyernes, sa warehouse sa Valenzuela.Pumasok si Yumi sa malamig na malamig na storage room, suot ang hiniram na parka. Umuusok ng parang puting ulap ng kanyang hininga sa hangin. At doon niya nakita si Ridge sa pinakadulong bahagi ng silid, kasama ang mga trabahador. Nakatupi hanggang siko ang mga manggas nito habang may buhat na mabig
Ang hindi inaasahan ni Yumi ay ang makumpara ang kambal at kung gaano karami ang mapapansin niya.Si River, buong mukha ang nakangiti kapag tumatawa. Habang si Ridge ay bihira lang matawa. Usually, isang maikling buga lang ng hangin sa ilong, with the faintest hint of amusement in his eyes. Kapag nasa penthouse, si River madalas naghu-hum ng sintunado sa halos lahat ng ginagawa niya. Si Ridge naman kung wala sa study, nakatayo sa bintana na may hawak na baso ng tubig, looking at the city like it owed him an explanation. Si River, babe ang tawag sa kanya, magaan at walang kahirap-hirap. Si Ridge naman, Mayumi. Buong pangalan niya, binibigkas ng mabagal at maingat na para bang pinag-iisipan pa nito ang bawat letra bago pakawalan.Pagkatapos ng unang linggo, may listahan na siya ng mga pagkakaibang hindi naman niya sinadyang mapansin at maalala.Si River, kung makaupo, nakahilata at halos nakahiga na sa furniture. Si Ridge naman, umuupo ng diretso ang likod na para bang bawat upuan ay
Yumi worked at Villarama Cold Chain, her job is simple to explain: siguraduhing maayos ang kondisyon ng mga freezer at truck ng kumpanya, at nananatiling malamig ang mga ito. She had earned it on her own merit, bago pa niya makilala si River. She repeated that to herself every morning like a mantra, lalo na ngayon.Buong Sunday night siyang nagpakahirap ayusin ang mga reports niya, siniguradong kahit bagyo, lindol, o kung anumang disaster, hindi matitinag ang mga iyon.At 8:42 a.m. ng Monday nang sa wakas ay pindutin niya ang send button. Eleven seconds later, may reply na agad sa inbox niya. Received. Briefing at nine. Conference Room A.Eleven seconds. Wala ba siyang buhay?Nasa twelfth floor ng isang glass tower sa Pasig ang company head office. Amoy coffee at ambition ang buong opisina. Aligaga ang lahat dahil noong Biyernes may isang email ang natanggap ng lahat ng empleyado na nagsasabing: Mr. Ridge Villarama will lead the quarterly restructuring. All department heads and staff
Nagising si Yumi bago pa magbukang-liwayway sa guest room, baliktad ang suot niyang robe at parang may isang sakong bato ang puso niya.Alas-kuwatro ng madaling araw ng palihim siyang bumangon mula sa kama ni Ridge. Nakayapak at walang ingay na pinulot ang mga gamit niya sa dilim na parang isang magnanakaw na nakawan ang sarili niyang gabi.Hindi siya nito pinigilan. Idinilat lang nito ang mga mata at pinanood siyang umalis, habang ang isang braso nito ay nakapatong pa rin sa bakanteng espasyong kaninang kinaroroonan niya.Nang huminto siya sa may pinto, naghintay siya na baka may sabihin ito, kahit ano, kahit isang salita lang. Pero walang dumating.At ang katahimikang iyon ay sumunod sa kanya sa hallway na parang isang multong ayaw siyang tantanan.Pumasok si Yumi sa kwarto kung saan nagpaalam sa kanya ang nobyo kagabi. Now the ceiling stared back at her at unti unting nagsi-sink in ang realization ng pinasok niyang sitwasyon kagabi. Okay, Yumi. Ground rules. One: hindi na mauulit.
Mayumi Cruz had been planning this morning for three weeks. Waxing, check. Lingerie bought with her entire 13th-month pay, check. Courage? Teka, nasaan na ang courage? She found it somewhere between the lobby and the elevator of River Villarama's penthouse building, and she held on to it like a free Wi-Fi password.Mang Berto, the guard in the lobby, gave her a knowing smile. "Good morning Ma'am Yumi, ang aga niyo po." "Surprise po," she whispered, and he gave her a thumbs-up like she was marching off to war. Grabe, pati si Kuya Guard, supportive.In the elevator, she stared at her reflection and counted to ten. Kaya mo 'to, girl. One year kang naghintay. Her mother had once told her that Mayumi meant modest and graceful, mahinhin, a name for a quiet girl who never raised her voice. Sorry, Ma. Today your mahinhin daughter will finally become a lady na.One year with River. Twelve months of dinners, slow kisses beside his car, and "I can wait, Yumi. Kahit gaano katagal." He never pushe







