LOGINMabilis na sinagot ni Ronald ang video call ni Kiana at hinayaang nakaharap lang kay Tanya ang camera. Nanlaki ang mga mata ni Tanya nang makita ang anak at nakahiga ito sa hospital bed. Tinawag niya ang anak ngunit hindi siya nito naririnig dahil naka mute ang microphone. "Ano ang nangyari sa anak ko? Mga hayop kayo, inosinte ang anak ko!""Tumahimik ka at panoorin live ang nangyayari sa kaniya at huwag puro tanong dahil wala rin akong alam at magkasama tayo dito!" Singhal ni Ronald sa babae.Halos magsugat na ang kamay ni Tanya na naka posas dahil sa ginawang pagpupumigla upang makawala. Ilang sandali pa ay nakita niya ang isa sa kambal at ngumiti pa sa camera nang makita siyan. "Tulog pa ang anak at binigyan ng pampakalma."Pinindot na ni Ronald ang on mic upang magkarinigan ang dalawa. "Hayop ka, ano ang ginawa mo sa anak ko? Bakit nasa hospital siya?" Galit na tanong ni Tanya."Hey, wala pa akong ginagawa. Kasalanan ko ba kung mahina ang loob ng anak mo dahil binibebe mo nang h
"Nang pinatay ninyo ang asawa ko, naisip mo bang wala siyang kinalaman lalo na ang anak kong nasa sinapupunan pa niya ng mga oras na iyon?" Nang iinsultong sumbat ni Ronald sa babae.Napahiya si Tanya sa tanong ng binata. Tama naman ito pero dahil gahaman siya ay walang puwang ang awa sa kaniyang puso't isipan."Ano kayang magandang paraan na gawin ko sa anak mo bilang ganti sa ginawa ninyo sa anak ko at asawa?" Mukhang natutuwang nag iisip na ani Ronald habang hawak ang matalas na kutsilyo.Nanginig ang katawan ni Tina dahil sa takot para sa anak niya. "No... hindi mo siya magagalaw at hindi hahayaan ni Troy na mapahamak ang anak namin!" Pilit nagmanatapang na aniya.Ngumisi si Ronald at kumuha ng upuan, dinala sa harapan ni Tanya saka umupo roon. "Paano ba iyan, hindi na siya mahal ng asawa mo dahil damay sa pagkamuhi niya sa iyo?" Mukhang naaawang tanong niya sa babae."No..." umiling iling si Tanya at tumingin sa paligid. Naghahanap ng way na makatakas sa lalaki."Pero magpasalama
"Hey, napatay mo na ba?" Pabirong tanong ni Kiana kay Ronald mula sa kabilang linya. "Sana... kung hindi ka tumawag." Ngumisi si Ronald habang nakatingin kay Tanya na halos hindi malagalaw sa kina lumukan dahil namimilipit pa rin sa sakit ng tiyan nito. Kulang pa ang suntok na iyon kumpara sa ginawa ng mga ito sa asawa niya noon.Pumalatak si Kiana at inutusan muna ang kaibigan na lumayo kay Tanya. "Itali ko lang at baka sumpungin ng pagka baliw ang babaeng ito." Ibinaba muna ni Ronald amg cellphone sa bedside table saka inilabas ang posas na dala pa na ginamit din sa babae mula sa bahay nila Kiana.Gumapang si Tanya paatras palayo sa binata nang makita ang posas. Ngunit dahil sa ginawa niya ay nahulog siya sa kama. Sunod sunod na ubo na naman ang kumawala sa lalamunin niya at napadaing sa sobrang sakit. Hindi na lang tiyan ang masakit ngayon sa kaniya kundi pati ang balakang ato pang upo. Napasama ang bagsak niya dahil nakatalikod."Huwag ka nang lumaban at nang hindi nadadagdagan
Lumunok ng sariling laway si Tanya at pilit na pinakalma ang sarili. Hindi siya dapat magpakita ng takot sa binata. Ayaw niyang maniwala na ito at ang nasa larawan ay iisa. Tiyak na sinusubukan lamang siya nito o hinihuli dahil kaanal nito alin man sa mag asawa pinatay noon ng pinsan niya."Masagot na ba ang katanungan mo kung ano ang kailangan ko sa iyo?" Nakangising tanong muli ni Ronald.Nanlalaki ang mga mata na umiling si Tanya. "Hi-hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin! Hindi niya napigilan ang sarili na mabulol dahil sa kaba at takot. Para kasing nakaramdam siya ng malamig na hanging humaplos sa leeg niya at parang gusto siyang sakalin. "Simple lang, gusto kong ipaghiganti ang pagkawala ng aking mag ina!" Tumaas ang timbre ng boses ni Ronald at muling dumilim ang anyo."Ka-kapag hindi ka pa tumigil ay aalis na ako at iwan kita!" Pananakot ni Tanya sa binata at baka sakaling mag bago na ito. Pero lalo lamang siyang natakot nang manlisik ang mga mata nito dahil sa galit.
"At bakit naman siya kakalimutan?" Pilit ng pakahibahon na tanong niyang muli sa babae."Wala na siya at ako na ang mahal mo di ba?" Parang hindi suguradong sagot niya sa binata.Unti unting humulma ang nakakainsultong ngiti sa labi ni Ronald. "Ikaw, mahal ko?"Nasaktan si Tanya sa tanong ng binata at napahiya na rin sa sarili. "Kailan ko sinabi sa iyo na mahal kita?" Natatawang tanong ni Ronald sa babae.Dumilim ang anyo ni Tanya at hindi na natutuwa sa inaakto ng binata. "Ano ang dahilan mo kung ganoon at tinutulungan mo ako?" Pagalit na niyang tanong dito.Ngumisi si Ronald saka lumapit sa babae. "Sa tanda mo nang iyan, sa tingin mo ay may iba pang magka gusto sa iyo?" Nang iinsulto niyang tanong dito.Mariing nang lapat ang mga labi ni Tanya at nagpupuyos sa galit ang kalooban. "Fuck you, pinaglalaruan mo ang damdamin ko? Ano ang kasalanan ko sa iyo para ganitohin mo at ano ang kailangan mo sa akin?" Bulyaw niya rito."You disgusting bitch, sino ka para mahalin ko?" Pakiramdam n
Napangiti si Tanya nang magising na maaliwalas ang paligid. Kagabi ay wala na siyang oras tingnan ang kabuuan ng bahay ni Ronald. Nang makapasok siya sa silid na ito ay nakatulog agad siya. Mataas na ang sikat ng araw at ngayon lang ulit siya nakatulog nang mahimbing. Pero inaantok pa rin siya kaya sa halip na ilobot ang tingin sa paligid ay niyakap niya ang unan at ipinikit ang mga mata."Kumusta ang tulog mo?"Nakilala agad ni Tanya ang boses ni Ronald. "Good!" Nakangiti niyang sagot pero nanatiling nakapikit.Umangat ang isang sulok ng labi ni Ronald at humakbang palapit kay Tanya. "Mabuti naman dahil baka ito na ang huling maganda mong tulog."Biglang napamulat ng mga mata si Tanya at parang nabingi sa narinig. "Ano ang sabi ko?" tanong niya sabay bangon at umupo sa gilid ng kama."Silid namin ito ng namatay ko ng asawa." Parang biglang kinilabutan si Tanya at ramdam niya ring malungkot ang binata pagkaalala sa dati nitong asawa. Nakaramdam siya selos dahil sakop pa ng ibang bab
Inirapan ni Kiana ang dalawang mukhang bitter na nakatingin sa kaniya. Nang sinamaan siya ng tingin Shane ay napangisi siya. "Hindi ka ba mahal ng fiancee mo at naiinggit kang kinikilig ako habang binabasa ang message ng asawa ko?" nang aasar niyang tanong dito."Fuck you, hindi ako malandi katula
"One million." Alok ni Tanya sa lalaki. Humakbang pabalik si Trix saka humarap sa ginang. "Mahirap po iyang gusto niyo, ma'am, kaibigan ko po ang asawa ninyo."Mariing naglapat ang mga labi ni Tanya at obvious na nagpapataas ng offer ang lalaki. Ganitong likaw ng bituka ay alam na niya. Hindi niya
"Dad, ano ang nangyayari dito?" Inaantok na tanong ni Kiana sa ama at sumilip sa loob ng silid ng kapatid."Huwag kang pumasok at baka may maapakan kang hindi dapat." Pigil ni Troy sa anak at maging siya ay nanatili sa bukana ng pinto."Oh my God, bakit ang dumi ng silid at saka ang baho?" Mukhang
"Anong oras pumasok ang kriminal na iyon dito sa silid mo?" tanong ni Tanya sa asawa kapagdaka.Sandaling nag isip si Troy at inaalala ang oras kagabi. Nang makaramdam kasi siya ng pagpihit sa seradura ay nagising siya at napatingin pa siya sa oras. Noong una kasi ang akala niya ay asawa na lumipat







