LOGINParang hinahapong napamulat ng mga mata si Kiana matapos manirawa sa isipan ang huling sandaling magkasama sila ng kakambal noon. Hanggang ngayon ay palaisipan pa sa kaniya sino ang pumatay sa kanilang ina. At ngayon nga ay nadagdagan ang misyon niya. Natagpuan nga niya ang kakambal pero nag aagaw buhay na at ngayon ay comatose na itinago niya sa lahat. Ngayon siya nagsisi kung bakit hindi agad nagpakita sa kakambal nang makabalik. Pagbayarin niya ang may gawa nito sa kamambal at aalamin kung sino ang pumatay sa kanilang ina. Muli na niyang binuhay ang makina ng kotse at tinahak ang daan patungo sa bahay kung saan noon nakatira ang kakambal.
.... "Ma, gutom na ako!" reklamo ni Gladys habang nanonood ng movie at nakaupo sa sofa. "Nasaan na ba ang magaling na asawa ng kapatid mo?" inis na tanong ni Rosita habang iginagala ang tingin sa palogid. Wala si Denver at may business trip ng isang buwan. Ibinaba ni Gladys ang paa na nakapatong sa center table at tumingin sa ina. "Ma, wala ka bang napapasin kay Karen?" Sandaling napaisip si Rosita. Isang lingo ring naratay sa hospital ang babae dahil nadisgrasya nang utusan niyang mamalengke. Pang apat na araw nito sa hospital nang malaman nila at himala na hindi nawala ang ipinagbubuntis nito. Hindi alam ni Denver at hindi nila pinaalam at baka ma distract sa trabaho nito. "Ah never mind, hanapin niyo na po ang babaeng iyon at gutom na ako." Bawi ni Gladys sa ina. "Inuutusan mo ako?" angil ni Rosita sa anak at pinameywangan. Pumaskil ang hilaw na ngiti sa labi ni Gladys at nilambing ang ina. "Huwag na po kayong magalit, gutom lang po ako." Inirapan ni Rosita ang anak. "Naging tamad ka na at pati ang pagkain ay hindi mo magawa." Pinigilan ni Gladys na sagutin ang ina. Gusto niyang sabihin na nagmana lang siya dito. Uto rin naman, mula nang maging asawa ng kapatid niya si Karen ay hindi na rin gumagawa ng gawaing bahay. Nagdadabog na lumabas ng bahay si Rosita at hinanap si Karen. Ang bagal na rin nitong kumilos at parang hindi alam ang mga dapat gawin pagkagising. Nang makita ito ay binato niya ng hawak na tabo dahil sa inis. "Argh, ang sakit!" daing ng dalaga habang hawak ang ulo na nasaktan. Tiningnan niya ang tabo na tumana sa sa kaniyang ulo bago tumunghay upang makita ang salarin. "Bakit ganiyan ka makatingin, ha?" Pinandilatan ni Rosita ng mga mata ang asawa ng anak saka pinamaywangan. Mariing naglapat ang mga labi ng dalaga at pilit na pinapakalma ang sarili. "Ano pa ang ginagawa mo riyan? Gutom na kami!" bulyaw ni Rosita kay Karen at hindi pa rin kumikilos. "Hindi ka makapag salita nang mahinahon?" Hindi na niya napigilan ang sarili na huwag sagutin ang ginang. Sandaling natigilan si Rosita at nagulat sa pabalang na sagot ng babae. Hindi na rin niya kakitaan ng takot ito sa kaniya kung maningin. Mabilis niyang hinamig ang sarili at pinaalala na marami ang nawala sa isipan ni Karen dahil sa nangyaring aksidente. Inis na sinipa ni Kiana ang tabo na tumama sa kaniya. Pangalawang araw pa lang niya sa pamilyang ito ay naubos na ang pasensya niya. Mabuti na lang at automatic washing machine ang gamit ng mga ito kaya hindi siya nahirapan. Kailangan niyang manatili sa pamilyang ito upang magawa ang misyon at malaman kung ano ang sinapit ng kawawang kakambal. Biglang tumalim ang tingin ni Kiana pagkaalala sa kapatid. Hindi pa siya nagsisimula sa tunay niyang misyon at inuna ito. "What the hell? Sisirain mo ba ang tabo?" Bulyaw ni Rosita sa dalaga at mukhang nanadya. "Naisip mo ba iyan nang ibato mo sa akin?" Mahinahon ngunit matalim ang tinging ipinukol niya sa ginang. Umawang ang bibig ni Rosita ngunit walang salitang lumabas doon at parang nalulon niya ang sariling dila. Nang tumalikod na ang babae ay saka lang parang natauhan siya. "Hoy, ano gagawin mo dito sa mga damit na iniwan mo?" Tawag niya sa dalaga at tinuro ang basket na may lamang damit. "Isampay mo kung gusto mong may maisuot ka pa. Kung ayaw mo ay hayaan mo diyan hanggang sa mabulok!" Pakiramdam ni Rosita ay umakyat hanggang ulo ang dugo niya dahil sa galit. "Ho-hoy, saan ka pupunta?" tawag niya rito nang makitang papasok na sa bahay. "Nasaan ba ang kusina?" pabalang niyang tanong sa ginang. Mas ok na ang gumawa sa kusina kaysa magsampay sa ng damit sa gitna ng initan. Ngunit bago pa siya makarating ng kusina at tumambad ang kalat sa sala. Nandidiring hinakbangan niya ang mga balat ng pagkaing nasa sahig. "Hoy, ano ang ginagawa mo?" Bulyaw ni Gladys sa hipag nang makita ang ginagawa. Salubong ang mga kilay na tumigil sa paghakbang si Kiana at nilingon ang babaeng mukhang senyoritang nakaupo sa sofa at nakataas pa ang mga paa sa center table. Uminit na naman ang ulo niya at ganoon ang tawag sa kaniya. Naitanong niya sa sarili kung ganito din ba ang mga ito sa kakambal niya noon? Bakit iba ang balitang natanggqp niya kaysa nasaksihan ngayon? Ang balitang nakarating sa kaniya ay suwerte ang kapatid sa pamilya ng napangasawa nito. Duda na siya ngayon kahit hindi pa nakaharap nang personal si Denver na asawa ng kapatid niya kung mahal nga ba ang kapatid niya. "Naging bingi ka na rin ba?" Inis na angil ni Gladys sa babae at hindi kumikilos. Nilunok ni Kiana ang inis na nadarama bago nagsalita. "Ano ang kailangan mo?" Inis na tumayo si Gladys at napipikon sa pagbabago ng ugali ng hipag." Hindi mo ba nakita ang basurang iyab at nagtatanong ka pa?" Turo niya sa kalat na nilampasan nito kanina. Tiningan ni Kiana ang kalat bago bumalik ang tingin sa babae. "Hindi ako bulag." Malamig niyang tugon dito. Napamura si Gladys at hindi makapaniwalang nakatitig sa hipag. "Iyon naman pala so bakit hindi mo pa dinadampot at itapon sa basurahan?" "Sino ba ang nagkalat?" Natigilan si Gladys at namula na ang pisngi niya dahil sa galit. "Baliw ka ba at ganyan ang sagot mo? Kailangan ko bang iuntog iyang ulo mo upang makaalala na trabaho mo ang maglinis ng kalat dito?" Mariing naglapat ang mga labi ni Kiana at malapit na magdilim ang paningin para sa mga kasama sa bahay. Ito ang buhay ng kapatid niya sa pamilyang ito? Kung wala lang siyang kailangang gawing misyon gamit ang katauhan ng kapatid ay tiyak na duguan na ang kaharap. Pero hindi pa rin niya mapigilan ang maging bayolinte. Dinampot niya ang basura ay isinaboy sa mukha ng ng babae. "Ahhhh!" Mukhang diring diri na hiyaw ni Gladys habang inaalis ang dumi sa ulo at katawan. Patakbong pumasok si Rosita sa loob ng bahay nang marinig ang tili ng anak. "Hayop ka, bakit mo sa akin isinaboy?" Bulyaw ni Gladys sa hipag niya. Umawang ang mga labi ni Rosita at hindi makapaniwala sa ginawa ni Karen. "Sorry, mukha ka kasing basurahan." Nang uuyam na ani Kiana sa babae. "What? Ano ang sabi mo?" Parang nabinging tanong ni Gladys. "Hindi ko alam kung nasaan ang basurahan." Pahintamad na sagot ni Kiana saka tumalikod. "What the fuck? Linisin mo ito at may bisita akong darating!" Halos magwala na si Gladys dahil sa galit. Muling tumigil sa paglalakad si Kiana at lumingon. "Who cares? Hindi naman ako ang mapahiya kung makita nila ang kalat mo." Sabay na umawang mga labi nila Rosira at Gladys habang hindi makapaniwala ang tinging ipinukol sa babae. Nagkatinginan ang dalawa nang wala na ang huli. "Ma, hayaan mo na lang bang sagutin tayo nang ganoon ng babaeng iyon?" Mukhang maiyak na si Gladys dahil sa galit. "Hindi natin siya maaring saktan at buntis. Saka may amnesia siya kaya hindi na alam ang mga nakagawian niyang gawin sa bahay na ito." Pampalubag loob ni Rosita sa sarili at anak upang mabawasan ang galit na nadarama. Napabuga ng hangin sa bibig si Gladys upang maibsan ang galit na nadarama. Gusto na sanang sabunutan ang hipag pero tama ang ina. Nakabubuti na ring may amnesia ang hilag. Kapag inalog niya ang ulo nito ay baka biglang makaalala. "Sino na ang maglilinis ng kalat na ito?" "Sino ba ang kumalat?" Nainis na ring tanong ni Rosita sa anak. Puro kasi ito reklamo. "Mom?" Inis na reklamo niya sa ina. "Turuan mo ang babae na iyon sa mga gawaing bahay kung nakalimutan niya!" "Puwede ba, huwag mo akong turuan sa dapat na gawin! Ligpitin mo na iyang kalat mo at nakakahiya sa mga bisita mamaya. Hayaan mo nang magluto ang babaeng iyon!" Angil ni Rosita sa anak. Inis na nagligpit ng kalat si Gladys dahil no choice. Sa ugali ng hipag ngayon ay mahirap pasunurin. Naupo na si Rosita at ayaw dagdagan ang stress na nadarama. Napagod din siya sa pagmamadali kanina na mag sampay ng damit nila. Makalipas ang mahigit thirty minutes ay tumayo siya at talagang gutom na at tiningnan kung ano ang niluto ni Karen. Mabilis na sumunod si Gladys sa ina at gutom na rin siya. Hindi sapat ang kinain kanina na kung ano lalo na at napagod siyang maglipit ng sariling kalat. Ngunit nang makita ang loob ng kusina ay pareho sila ng ina na napatda sa bungad ng pinto. "Ano ang ginagawa mo?" Bulyaw ni Rosita sa manugang nang makita ang kalat sa kusina ngunit walang pagkain. Mabilis na pinunasan ni Kiana ang bibig gamit ang tissue bago tumingin sa dalawa. "Nagutom ako." Hinaplos haplos pa niya ang tiyan na may pekeng umbok dahil buntis siya sa pagkakaalam ng mga ito. Inis na nilapitan ni Rosita ang lamesa at ang daming prutas na kinain ni Karen. "Nasaan ang niluto mong pagkain para sa amin?" Tinuro ni Kiana ang nakasalang na kawali sa kalan. Nagmamadaling nilapitan ni Gladys ang kawali at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita kung ano ang laman niyon. "What the hell? Anong klaseng pagkain ito?" Nagpupuyos sa galit si Rosita nang makita ang pritong itlog na nakalutang sa mantika at sunog pa. "Sorry, nakalimutan ko kung paano lutuin. Wala na akong ibang naisip na iluto kundi iyang itlog." Mukhang kuting na ani Kiana pero sa kaloob looban ay nagbubunyi sa tuwa dahil halos atakehin sa high blood at puso ang dalawa. Galit na kinuha ni Rosita ang kawali at ibinato sa manugang. Ngunit ang liksi nito at naiwasan ang lumilipad na kawali. Ang ending ay lalong naging marumi ang kusina dahil sa mantika. "Mama, bakit niyo po ako binabato? Paano kung natamaan ako at ang apo mong nasa tiyan ko?" Mukhang takot na tanong ni Kiana sa ginang. Biglang natigilan si Rosita at napatingin sa tiyan ng dalaga. Muntik na niyang nakalimutan na mahalaga ang ipinagbubuntis ng babae para sa anak niya. "Ma, huwag mong pakinggan ang drama ng babaeng iyan!" Inis na sita ni Gladys sa ina nang mapansin na natigilan ito. "Aray, bigla pong sumakit ang tiyan ko. Diyan po muna kayo at magpapahinga ako." Paalam ni Kiana sa dalawa upang makaiwas na makapanakit. Baka kasi masaksak na niya ang mga ito kapag napuno na siya. Mabilis na humarang si Gladys sa daraanan ng hipag at tinulak ito sa balikat pabalik sa kusina. Ngunit hindi manlang ito natinag na ipinagtaka niya. "Linisin mo iyong kalat!" Turo niya sa dumi. Pahintamad na na tiningnan ni Kiana ang tinuturo ng babae. "I'm tired. Mamaya ko na linisin iyan kapag nakapagpahinga na ako." "What? Are you stupid? Hindi maaring mamaya pa iyan dahil may bisita akong darating!" Kulang na lang ay bugahan ni Gladys ng apoy ang hipah dahil sa galit. "Huwag kang sumigaw at nagagalit dahil naririnig ka ng baby." Mukhang nagtatampo na hinaplos ni Kiana ang umbok sa tiyan. Nagmamadaling nilapitan ni Rosita ang dalawa. "Karen, linisin mo muna ang kalat sa kusina bago magpahinga. Huwag matigas ang ulo kung ayaw mong magalit si Denver." Pananakot niya da dalaga. Hindi nila ito madaan sa karahasan ngayon dahil buntis. "Pinagmamalupitan din ba ako ng asawa ko tulad ng gawa ninyo sa akin ngayon?" malungkot na tanong ni Kiana sa ginang. Natigilan si Rosita at hindi alam ang isagot sa dalaga. Talaga ngang nakalimutan na nito ang lahat at nababahala siya na maging ang pagmamahal sa anak niya ay nakalimutan nito. Kapag nangyari iyon ay hindi na nila ito mahawakan sa leeg. "Gusto kong bumalik na lang sa parents ko kung walang nagmamahal sa akin dito." Mukhang nagtatampo na dugtong ni Kiana. Nanlaki ang mga mata ni Rosita at umiling. Lagot siya kay Tanya kapag bumalik sa bahay ng mga ito si Karen. Mabilis niyang binalingan si Gladys at pinagalitan upang ipakita kay Karen na nagkamali ito ng iniisip.Lalong nagngitngit sa inis ang kalooban ni Shane nang makitang bumulong si Karen sa binata. Halatang nilalandi nito si Xavier pero hindi niya masita dahil tiyak na magalit lang sa kaniya ang binata. Mabilis siyang humanol sa binata at sumabay dito. Lunukin na lang niya ang pride ngayon at hindi isusuko ito."Xavier, hijo." Nakangiting bati ni Tanya sa binata nang makita ito. "Mabuti at napadalaw ka, miss ka na ng iyong fiancee." May diin ang huling salita na anito na para bang ipinamumukha kay Karen kung para kanino si Xavier. "Hinatid ko si Karen." Maiksing sagot ni Xavier za ginangTahimik lang si Kiana dahil iyon ang character ng kaniyang kakambal harap ng mga ito. Siya ang may gusto na huwag munang putulin ni Xavier ang pagiging fiancee nito kay Shane kung gusto nitong maka punta kahit anong oras sa bahay nila na hindi sila napaghinalaan."Bakit, nasaan pala ang asawa mo, Karen? Nakakahiya kay Xavier at naabala mo na diya nang husto. Sana ay tumawag ka sa akin at nasundo kita ku
"Ako na ang bahalang kumuha ate." Lumayo na si Kiana sa kapatid at kailangan na rin niyang umalis."Mag ingat ka!" Paalala muli ni Karen at hinatid hanggang pinto ang kapatid.Saka sa kotse ni Xavier si Kiana kasama si Ronald. Ang ibang bodyguard ay nasa unahan at hulihan nakasunod sa kanila.Manaka nakang sinusulyapan ni Ronald ang dalawa na nasa backseat habang nagmamaneho. Mukhang mga puyat at tulog habang magkayakap. Napailing na lang si Ronald sa isipan niya at talagang nahulog na ang kaibigan sa lalaking balak lang gamitin noong una.Nagising si Kiana nang may humaplos sa pisngi niya. Pag angat niya ng mukha ay ang nakangiting mukha ni Xavier ang bumungad sa paningin niya. Nakahinto na pala ang sasakyan at wala na ang driver nila. "Bakit hindi mo agad ako ginising?""Don't worry, kararating lang din natin." Mabilis na kinintalan ni Xavier ng halik ang labi ng dalaga. "Behave at huwag basta kumilos ng mag isa kapag wala ako sa paligid. Kapag matigas ang ulo mo ay ikukulong na ki
"Ma-late ka na kaya ako na ang bahalang maghatid sa kaniya pauwi," ani Xavier saka tumingin sa suot na relo.Napabuntong hininga si Denver nang makita ang oras at tama nga ang tiyuhin. Iba ang way ng daan sa bahay nila Karen sa kanilang bahay kaya mapalayo siya kapag ihatid pa ang asawa. "Ok lang ako at may bodyguard naman, unahin mo na asikasuhin ang sarili mo." Ngumiti si Kiana kay Denver upang makumbinsi ito at huwag na ipilit ang gusto. Muling napabuntong hininga si Denver saka lumapit sa asawa upang magpaalam.Tinanggap ni Kiana ang yakap ni Denver saka pinandilatan ng mga mata si Xavier nang tangkang hablutin nito ang pamangkin sa balikat upang ilayo sa kanila. Buti at nadala ito sa tingin niya at hindi itinuloy ang gustong gawin. Pero nasa mukha pa rin nito na hindi natutuwa dahil may ibang lalaki ang yumakap sa kaniya. Hindi mo akalain na ang isang tulad nito ay napaka seloso."Tatawag ako madalas at madaliin ang trabaho upang makabalik agad at makasama ka." Hinaplos ni Denv
"Sinasabi mo bang iisa lang ang babae namin ni Denver?" Amused na tanong ni Xavier sa lalaki at ang lakas ng loob ni Sergio na sabihin ang kung ano ang hinala nito nang makita ang kasama niyang babae kahapon."Ikaw ang nakaisip niyan at wala akong sinasabi. Pero kung sa tingin mo ay ganoon ang naisip ko, bakit hindi mo ipakilala sa amin ngayon ang nobya mo?" Nanghahamon na ani Sergio.Umangat ang isang sulok ng labi ni Xavier saka malamig ang tinging ipinukol kay Sergio. "Bakit ko naman ipakilala sa iyo ang nobya ko? Para ano? Para makilala na ninyo ang target at magagamit siya laban sa akin?" Nang uuyam niyang tanong dito. Isa iyon sa dahilan kung bakit niya itinatago si Kiana bukod sa sarili nitong problemang kinakaharap.Sang ayon si Denver at naunawaan ang tiyuhin kung bakit ayaw pang e reveal ang babae nito. Marami nga itong kalaban na naghahanap ng kahinaan nito. Naintindihan niya kung bakit itinatago nito ang babae lalo na ngayong may namumuong sigalot sa organisation. Napati
"Nasa sala si Sergio, puntahan mo muna at gusto kang makausap." Utos ni Xavier sa pamangkin. Nag aalinlangan sa pag alis si Denver at iwan ang asawa. Parang may mali na naman kasi. Napabuntong hininga siya saka nagpasyang umalis na. Mamaya na lang niya kausapin ang asawa niya.Nakahinga nang maluwag si Kiana nang wala na sa harapan nila si Denver. Inirapan niya si Xavier at nakangiting tumitig sa leeg niya. Saka niya lang naunawaan kung bakit ganoon ang tingin ni Denver sa leeg niya kanina. Nakalimutan niyang takpan ang kiss mark na iniwan ni Xavier doon kanina."Ikaw!" Duro niya kay Xavier, "gusto mo ba akong mapahamak?" Angil niya sa binata at pinandilatan ito ng mga mata."Sorry baby, hindi ko mapigilan ang sarili ko at ang hot mo kasi." Inirapan niyang muli ang binata at nagawa pang mambola. Lumayo siya rito nang tangkang yayakapin na naman siya. "Umayos ka at baka biglang sumulpot si Denver.Umasim ang mukha ni Xavier at hindi na ipinilit ang gusto. "Puntahan ko lang sila sa sa
"Ms. Kiana, biglang dumating si Sergio." Katok ni Leo sa pinto upang ipaalam sa dalawa at baka biglang lumabas ang isa sa mga ito."Ako na ang haharap sa kaniya." Kausap ni Kiana sa kapatid habang inaayos ang suot."Ok, mag ingat ka lalo na sa lalaking iyon." Nag aalalang niyakap ni Karen ang kapatid.Umangat ang isang sulok ng labi ni Karen at naaalala ang ginawa kay Sergio kahapon. "Siya ang dapat na mag ingat sa akin."Pumalatak si Karen at ang taas ng confident nitong sa lakas na taglay. "Lalaki pa rin siya.""Don’t worry about me, ate, lagi akong mag iingat para sa iyo." Bahagyang pinisil niya ang magkabilang pisngi ng kapatid. "Dapat magkalaman ka na ulit sa sunod na pagkikita natin."Nakangiting tumango si Karen sa kapatid. "Takot na lang siguro ni Davier sa iyo kung gutumin niya ako dito?"Napangiti na rin si Kiana, kahit hindi magkuwento sa kapatid ay alam niyang may alam na rin ang kapatid sa tunay na estado ng relasyon nila ni Xavier. Ang silid na kinaroonan ay inihanda tal







