Share

Chapter 2

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2025-10-15 13:03:49

Matapos itigil ni Kiana ang kotse sa hindi mataong lugar ay nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig sa malayo. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang may ikalawang pamilya ang ama nila ni Karen. Muntik pa siyang makita ng lalaking naka one nignt stand kagabi. Ang bilis nitong kumilos at alam niyang siya ang hinahanap kaya naroon sa bahay nila. Pero nagsisimula pa lang siya upang maningil at alamin ang katotohanan nang pagkasira ng pamilya na naging dahilan ng pagkawalay niya sa kakambal. Mariing ipinikit ni Kiana ang mga mata at sinariwa sa isipan ang mga naalalang nangyari noong katorse anyo lamang sila ng kakambal.

"Makinig kayo, kailangang makaalis na kayo sa lugar na ito ngayon din!" halos pabulong na kausap ni Matilda sa kambal niyang anak nang makapasok ang mga ito sa silid niya.

"Ba-bakit po, mommy? Ano ang nangyayari saka nasaan si Daddy?" naiiyak na tanong ni Karen, isa sa kambal dahil natatakot sa nakikitang kalagayan ng inang bagong dating lamang mula sa isang business meeting.

"I-iniwan na tayo ng daddy ninyo, hindi ko alam kung buhay pa siya." Umiiyak na pagtatapat ni Matilda sa kambal na anak.

Sabay na umiyak sina Karen at Kiana saka niyakap ang ina na nanghihina. Saka lang nila napagtuunan ng pansin ang sugat nito sa tagiliran at maraming dugo ang lumalabas doon. Nagtataka din sila at wala ang mga katulong na hingan sana ng tulong.

"Mommy, dalhin po namin kayo sa hospital!" umiiyak na ani Karen.

"No!" Matigas na turan ni Matilda at mahigpit na hinawakan sa kamay si Karen. "Wala ng oras at tiyak na nakasunod sila sa akin ngayon." Kumuha ng lakas si Matilda at pilit na tumayo.

Mabilis na inalayan nila Karen at Kiana ang ina upang makatayo at hinayaan kung saan nito gustong lumapit.

Kinuha ni Matilda ang susi mula sa bulsa ng suot na coat at binuksan ang isang cabinet. Kinuha ang isang box na tama lang ang laki. "Mahalaga ang laman ng box na ito at may ilang pera at alahas sa loob upang nakapagbagong buhay kayong dalawa."

"Mommy, tama na po ang salita at lalo kayong dinudugo. Dalhin na po namin kayo sa hospital." Umiiyak na kausap ni Karen sa ina.

Umiiyak na naghanap si Kiana ng tela na maaring itali sa baywang ng ina upang maampat ang pagdurugo niyon. Sa edad na katorse ay nauunawaan niya kung ano ang nangyayari ngayon sa kanilang pamilya.

"Karen, ilagay ko dito sa box na ito ang card na ito. Sa pagtuntong ninyo sa tamang edad ay makukuha ninyo ang malaking halagang naka deposit dito at iba pang yamang iiwan ko."

Lalo lamang napaiyak si Karen at mukhang nahihirapang huminga na ang ina. "Mommy please, huwag mo kaming takutin. Tayo na po at dalhin ka namin sa hospital!"

"Mommy, humiga po kayo at tatalian ko ang baywang ninyo!" pakiusap din ni Kiana sa ina.

Umiiyak na pinagmasdan ni Matilda ang dalawang anak. Sa unang tingin ay hindi mo agad makilala kung sino sa dalawa ang panganay at bunso dahil magkamukhang magkamukha. "Patawad mga anak, pero hindi ko na kayo maalagaan pa hanggang sa pagtanda ko. Huwag ninyong pabayaan ang isa't isa at ipangakong hindi babalik dito hangga't wala sa tamang edad."

"Why?" tanong ni Karen. Nagugulohan siya kung bakit pinalalayo sila ng ina.

"Maintindihan niyo rin ako kapag nasa tamang edad na kayo. Sa ngayon ay kailangan ninyong lumayo dito at ingatan ang laman ng box na iyan." Turo ni Matilda sa box na nakapatong sa kama.

"Hindi po namin kayo iiwan, mommy!" Umiling si Kiana at yumakap sa ina.

"Karen, wala nang oras! Umalis ka na at isama ang kapatid mo. Tandaan mo ang mga sinabi ko sa iyo noon bilang nakakatandang kapatid." Hinahapong kausap ni Matilda sa anak.

Umiiyak na umiling si Karen pero hinila pa rin sa kamay si Kiana.

"Ate, no! Hindi natin maaring iwan si mommy at baka maubusan siya ng dugo!" Umiiling na tinabig ni Kiana ang kamay ng kapatid.

"Ki-Kiana, sumama ka na sa ate mo. I-iligtas ninyo ang inyong sarili." Nakangiting tinulak niya ang kamay ng bunsong anak.

Napatingin si Karen sa bintana nang makarinig ng tunog ng humintong mga sasakyan. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may mga baril na dala ang kalalakihan at nakasuot ng itim na damit. Hindi rin makita ang mukha ng mga ito.

"Nariyan na sila, umalis na kayo!" Hintakutang pagtataboy ni Matilda sa kambal na anak.

"Mommy, please be safe. Babalikan ka po namin." Ummiyak na pakiusap ni Karen sa ina.

Nakangiting tumango si Matilda. "Sa basement kayo dumaan at ang tagos ay sa kakahuyan. Bilisan ninyo at baka masundan kayo roon. Alagaan ninyo ang isa't isa at ipagtanggol!" Hinahapong ani Matilda.

Mabilis na dinampot ni Karen ang box saka isang backpack ay inilagay sa likod ng kapatid. Pakaladkad niyang hinila ang kapatid sa kamay patungo sa basement nila.

Halos manlabo ang mga mata ni Kiana dahil hilam ng luha ang mga mata. Ganoon din ang kapatid niya pero patuloy na tumatakbo pababa sa hagdan kasama siya. Alam nila na automatic mag lock ang pinto sa basement for emergency upang walang makasunod sa kanila. Pero kapag nalaman ng mga ito ang lagusan ng basement ay masusundan agad sila.

"Ate, si mommy!" umiiyak na nagpapahila pa rin si Kiana sa kapatid.

"Kailangan natin sundin si Mommy dahil lalo lamamg siya papatayin ng kaaway kapag kasama niya tayo." Hinihingal na paliwanag ni Karen.

"Pero bakit? Sino sila, ate?" Nagugulohang tanong ni Kiana.

"Kalaban sila nila mommy sa negosyo at gustong agawin ang pamumuno sa organisation sa parents natin."

Nagugulohan pa rin si Kiana. Sa kanilang magkapatid ay siya ang tahimik at gusto laging mapag isa. Kahit sa mga magulang ay hindi siya palakuwento. Ngayon ay nagsisi na siya sa ganito niyang ugali, wala siyang alam sa nangyayari sa paligid o sa buhay ng kaniyang pamilya dahil sa kaniyang ugaling ito.

"Saka ko na ipaliwanag sa iyo, kailanga na muna nating makalayo at balikan sila sa tamang panahon." Lalo pang binilisan ni Karen ang takbo habang hila sa kamay ang kapatid.

Nakinig na siya sa kapatid at ayaw niya itong pahirapan dahil sa katigasan ng ulo niya. Hindi na siya nagpahila pa dito at kusa na rin siyang tumakbo. Ngunit madilim na sa kinaroonan nila dahil palubog na ang araw at nagtataasan ang mga kahoy sa paligid.

Nadapa si Karen nang nasa kakahuyan na sila. Tinulungan siya ng kapatid na makatayo ngunit napaigik siya sa sakit. "Ang sakit!"

Tiningnan ni Kiana ang binti ng kapatid at namumula iyon. Ang bilis din ng pamamaga.

"Sa tingin ko ay hindi ko na maihakbang ang isa kong paa." Naiiyak na ani Karen.

"Ate, bilisan mo at mukhang nasundan na nila tayo!" umiiyak na ani ni Kiana sa kapatid at muli itong tinulungan na makatayo.

Pinilit ni Karen na makatayo ngunit nakailang hakbang palang siya ay napaigik na siya sa sobrang sakit. Naririnig na rin niya ang ingay ng kalalakihan mula sa malayo. Huminga siya nang malalim at ibinigay kay Kiana ang box. "Kailangan nating maghiwalay!"

"No, ate! Ang sabi ni mommy ay hindi daw tayo dapat magkahiwalay at ipagtanggol ang isa't isa!"

"Kiana, we need to—look at my legs, hindi na ako makatakbo nang mabilis." Pinagalitan na niya ang kapatid.

"Pero baka mahuli ka nila at gawan nang masama katulad kay mommy." Lalo lamang napaiyak si Kiana at parang tulad ng ina ang kapatid na ipinagtutulakam siya palayo rito.

"No, alam kong hindi nila ako sasaktan o papatayin dahil may pakinabang ako. As long na hindi nila mahawakan ang kahon na iyan ay kailanganin nila ako kaya ingatan at siguradohin mong hindi ka nila mahuli kasama ang box na iyan!"

Kahit parang walang naiintindihan si Kiana sa mga sinasabi ng kapatid ay tumango siya habang yakap ito nang mahigpit. Ang alam niya lang ay kailangan niyang itakas ang kahon at alagaan iyon upang manatiling buhay ang ina at kapatid.

"Umalis ka na, mag ingat ka at huwag lumingon!" Tulak ni Karen sa balikat ng kapatid at nakayakap pa rin ito sa kaniya.

"Babalikan kita, babalikan ko kayo ni mommy. Please wait for me and sikaping mabuhay hanggang sa pagbalik ko!" Hilam sa luha ang mga mata na hinalikan ni Kiana sa noo ang kapatid.

Nakangiting tumango si Karen. Tulad ng kakambal ay tumatangis maging ang puso niya. "Hihintayin ko ang pagbabalik mo upang iligtas kami ni mommy!"

Napatingin si Kiana sa paligid nang muling makarinig ng ingay. Tumayo siya at luminga at lalong dumilim ang paligid. Hindi niya maaring gamitin ang flashlight na dala dahil madali siyang makita. Ilang sandali pa ay may naaninag siyang kumikislap na ilaw mula sa malayo. Ang ibig sabihin ay malapit na ang kalaban na hindi pa rin alam kung sino ang mga ito.

"Pumunta ka sa ibang bansa upang hindi ka nila mahanap." Huling bilin ni Karen sa kapatid saka paika ikang naglakad patungo sa ibang direction.

"Mag ingat ka, make sure na manatili kang buhay hanggang sa pagbalik ko, ate!" halos pabulong lang na aniya sa kapatid.

Nakangiting kumaway si Karen sa kapatid saka tumango. "I love you!"

Muling bumalon ang luha sa mga mata ni Kiana at patakbong tumalikod na. Tulad ng bilin ng kapatid, hindi siya lilingon habang yakap nang mahigpit ang kahon. Medyo mabigat iyon pero hindi niya ininda. Itinali na rin niya iyon sa katawan niya kasama ang bag upang hindi mawala. Naging maingat din siya sa paglalakad upang hindi matalisod tulad sa ate niya. Alam niyang may mabangis ding hayop sa paligid kaya kailangan niyang magdoble ingat. Kahit papaano ay may alam siya sa self defense dahil tinuruan sila ng ina mula noong maliit pa. Hinugot niya ang kutsilyong laging dala na nasa tagiliran. Ilang sandali pa ay bigla siyang nadulas at para siyang nahuhulog sa isang bangin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Ms Jee sa update hnd Kaya daddy nila ang kalaban Ng kanilang mommy KC iniwan sila tz may ibang pamilya
goodnovel comment avatar
Honaka Yahagi
more update po
goodnovel comment avatar
Lv Villarino
cno kaya ang kalaban nla.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 173

    "Salamat sa laging pag secure sa kaligtasan ng anak ko. Nakakahiya na sa iyo kaya may kinuha akong bodyguard para sa anak ko at ibalik na sa iyo ang tauhan mo." Kausap ni Troy kay Xavier."Wala dapat na ikahiya at hindi kailangang ibalik ang tao ko sa akin. Ipinadala ko sa ibang bansa ngayon si Denver at sa akin niya ipinagkatiwala ang kaligtasan ng asawa niya." Pormal na tugon ni Xavier sa ginoo.Hindi natuwa si Troy sa narinig pero hindi niya ipanakita kung ano ang nadarama sa binata. Bumuntong hininga siya, "pero hindi na siguro kailangan na hanggang dito sa loob ng bahay ay nakabantay sila dahil safe dito ang anak ko.""Tama si Dad, pakisabi sa tauhan mo po na huwag na akong sundan hanggang dito upang bantayan dito sa loob ng bahay." Sang ayon ni Kiana sa ama. Gusto niyang malaman kung ano ang nais nitong gawin sa kapatid niya."Kung iyan ang gusto mo." Mukhang napilitang ani Xavier. "Pero dito lang sa bahay mo sila manatili sa labas nilang bantay mo."Nakangiting tumango si Kiana

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 172

    Lalong nagngitngit sa inis ang kalooban ni Shane nang makitang bumulong si Karen sa binata. Halatang nilalandi nito si Xavier pero hindi niya masita dahil tiyak na magalit lang sa kaniya ang binata. Mabilis siyang humanol sa binata at sumabay dito. Lunukin na lang niya ang pride ngayon at hindi isusuko ito."Xavier, hijo." Nakangiting bati ni Tanya sa binata nang makita ito. "Mabuti at napadalaw ka, miss ka na ng iyong fiancee." May diin ang huling salita na anito na para bang ipinamumukha kay Karen kung para kanino si Xavier. "Hinatid ko si Karen." Maiksing sagot ni Xavier za ginangTahimik lang si Kiana dahil iyon ang character ng kaniyang kakambal harap ng mga ito. Siya ang may gusto na huwag munang putulin ni Xavier ang pagiging fiancee nito kay Shane kung gusto nitong maka punta kahit anong oras sa bahay nila na hindi sila napaghinalaan."Bakit, nasaan pala ang asawa mo, Karen? Nakakahiya kay Xavier at naabala mo na diya nang husto. Sana ay tumawag ka sa akin at nasundo kita ku

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 171

    "Ako na ang bahalang kumuha ate." Lumayo na si Kiana sa kapatid at kailangan na rin niyang umalis."Mag ingat ka!" Paalala muli ni Karen at hinatid hanggang pinto ang kapatid.Saka sa kotse ni Xavier si Kiana kasama si Ronald. Ang ibang bodyguard ay nasa unahan at hulihan nakasunod sa kanila.Manaka nakang sinusulyapan ni Ronald ang dalawa na nasa backseat habang nagmamaneho. Mukhang mga puyat at tulog habang magkayakap. Napailing na lang si Ronald sa isipan niya at talagang nahulog na ang kaibigan sa lalaking balak lang gamitin noong una.Nagising si Kiana nang may humaplos sa pisngi niya. Pag angat niya ng mukha ay ang nakangiting mukha ni Xavier ang bumungad sa paningin niya. Nakahinto na pala ang sasakyan at wala na ang driver nila. "Bakit hindi mo agad ako ginising?""Don't worry, kararating lang din natin." Mabilis na kinintalan ni Xavier ng halik ang labi ng dalaga. "Behave at huwag basta kumilos ng mag isa kapag wala ako sa paligid. Kapag matigas ang ulo mo ay ikukulong na ki

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 170

    "Ma-late ka na kaya ako na ang bahalang maghatid sa kaniya pauwi," ani Xavier saka tumingin sa suot na relo. Napabuntong hininga si Denver nang makita ang oras at tama nga ang tiyuhin. Iba ang way ng daan sa bahay nila Karen sa kanilang bahay kaya mapalayo siya kapag ihatid pa ang asawa. "Ok lang ako at may bodyguard naman, unahin mo na asikasuhin ang sarili mo." Ngumiti si Kiana kay Denver upang makumbinsi ito at huwag na ipilit ang gusto. Muling napabuntong hininga si Denver saka lumapit sa asawa upang magpaalam. Tinanggap ni Kiana ang yakap ni Denver saka pinandilatan ng mga mata si Xavier nang tangkang hablutin nito ang pamangkin sa balikat upang ilayo sa kanila. Buti at nadala ito sa tingin niya at hindi itinuloy ang gustong gawin. Pero nasa mukha pa rin nito na hindi natutuwa dahil may ibang lalaki ang yumakap sa kaniya. Hindi mo akalain na ang isang tulad nito ay napaka seloso. "Tatawag ako madalas at madaliin ang trabaho upang makabalik agad at makasama ka." Hinaplo

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 169

    "Sinasabi mo bang iisa lang ang babae namin ni Denver?" Amused na tanong ni Xavier sa lalaki at ang lakas ng loob ni Sergio na sabihin ang kung ano ang hinala nito nang makita ang kasama niyang babae kahapon."Ikaw ang nakaisip niyan at wala akong sinasabi. Pero kung sa tingin mo ay ganoon ang naisip ko, bakit hindi mo ipakilala sa amin ngayon ang nobya mo?" Nanghahamon na ani Sergio.Umangat ang isang sulok ng labi ni Xavier saka malamig ang tinging ipinukol kay Sergio. "Bakit ko naman ipakilala sa iyo ang nobya ko? Para ano? Para makilala na ninyo ang target at magagamit siya laban sa akin?" Nang uuyam niyang tanong dito. Isa iyon sa dahilan kung bakit niya itinatago si Kiana bukod sa sarili nitong problemang kinakaharap.Sang ayon si Denver at naunawaan ang tiyuhin kung bakit ayaw pang e reveal ang babae nito. Marami nga itong kalaban na naghahanap ng kahinaan nito. Naintindihan niya kung bakit itinatago nito ang babae lalo na ngayong may namumuong sigalot sa organisation. Napati

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 168

    "Nasa sala si Sergio, puntahan mo muna at gusto kang makausap." Utos ni Xavier sa pamangkin. Nag aalinlangan sa pag alis si Denver at iwan ang asawa. Parang may mali na naman kasi. Napabuntong hininga siya saka nagpasyang umalis na. Mamaya na lang niya kausapin ang asawa niya.Nakahinga nang maluwag si Kiana nang wala na sa harapan nila si Denver. Inirapan niya si Xavier at nakangiting tumitig sa leeg niya. Saka niya lang naunawaan kung bakit ganoon ang tingin ni Denver sa leeg niya kanina. Nakalimutan niyang takpan ang kiss mark na iniwan ni Xavier doon kanina."Ikaw!" Duro niya kay Xavier, "gusto mo ba akong mapahamak?" Angil niya sa binata at pinandilatan ito ng mga mata."Sorry baby, hindi ko mapigilan ang sarili ko at ang hot mo kasi." Inirapan niyang muli ang binata at nagawa pang mambola. Lumayo siya rito nang tangkang yayakapin na naman siya. "Umayos ka at baka biglang sumulpot si Denver.Umasim ang mukha ni Xavier at hindi na ipinilit ang gusto. "Puntahan ko lang sila sa sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status