Vengeance 4
Nakangising pinanood ni Kiana ang dalawa na naglilinis na ngayon sa kusina. Naitanong niya sa sarili kung bakit takot ang biyanan ng kapatid sa parents niya. Biglang nabura ang kakaibang ngiti sa labi niya nang maalala ang tinuturing na pamilya ng kakambal. Hindi niya akalaing may ikalawa ng asawa ang ama at ang malala ay may anak pa ang mga ito na halos kaedaran lamang nila ni Karen. Naikuyom ni Kiana ang mga kamay sa isiping dumanas ng hindi magandang trato ang kapatid sa pamilya ng asawa nito. Siguradong hindi rin naging maganda ang buhay nito sa piling ng ikalawang pamilya ng ama nila. Ang akala niya noong una ay patay na ang ama nila. Ang ina ay nabalitaan niyang hindi na nakaligtas nang araw na iniwan nila. Natuyuan umano ng dugo, iyon ang ikinamatay ng ina. Pero hindi niya mahanap ang pinaglibingan sa ina at iyon ang isa niyang mission pa. Ang mahanap ang abo ng ina. "Karen, look at them. Unti unti ko silang singilin sa pagpapahirap nila sa iyo. Siguradohin kong pagsisihan nilang naging parte ka ng pamilya nila!" bulong ni Kiana sa sarili habang matalim ang mga titig na ipinukol sa dalawa na hirap alisin ang mantikang nagkalat sa gamit at sahig. Inis na binitiwan ni Gladys ang basahan at tumingin sa gawi ni Karen. Natigilan siya nang mahuli ang kakaibang titig nito sa kanila at ang naka paskil na ngiti sa labi nito. Pero parang namalikmata lamang siya at pagkakurap ay isang maamong babae na ang nakikita niya kay Karen. Gusto niya itong utusan na tulungan sila ngunit tumalikod na ito at iniwan sila roon sa kusina. Pabagsak na binitiwan ni Rosita ang mop saka hinarap ang anak. "Tapusin mo na iyan at ma order ako ng pagkain natin!" Nagdadabog na sinunod ni Gladys ang ina. Order sa labas na lang talaga ang gagawin nito dahil lalo silang ginutom sa paglilinis at wala nang oras upang magluto. "Huwag mong idamay sa order ang babaeng iyon!" "Alam ko at busog na iyon sa prutas na kinain." Inis na tugon ni Rosita sa anak. Ang mamahal pa naman ng prutas na kinain ng babaeng iyon kaya lalong uminit ang ulo niya. Sa silid, natatawang pinapanood ni Kiana ang dalawang nag uusap sa kusina. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay may inilagay siyang surveillance camera na hindi basta mapansin ng isang taong tulad ng mga ito. Mayroon din sa sala saka sa bakuran. Mapadali ang trabaho niya dahil sa ganito. Ni lock niya ang pinto ng silid upang walang maka isturbo sa kaniya at hindi mapansin na wala siya. Dala ang mga gamit to disguise ay dumaan siya sa terrace na kanugnog lang din ng silid na kinaroonan. May tali siyang ginamit upang makababa mula sa second floor ng bahay. Kaya naman niyang talunin iyon pero marami kasi siyang dala. Mabuti na lang at walang katulong o guard ang pamilyang sinisilungan ng kakambal kaya malaya niyang nagagawa ang gusto, katulad ngayon. ... "Sir, ito na po ang information na gusto mong malaman." Ibinigay ni Leo ang folder kay Xavier na kahapon pa mainit ang ulo. Pahaklit na kinuha ni Xavier ang folder at agad na binuksan upang makita ang laman. Agad na umaliwalas ang mukha nang makita ang isang larawan ng babae. "It's her!" Sinilip ni Leo ang tinitingnang larawan ng amo. Iyon nga ang babaeng hinahanap nito. Kahit papaano ay nakahinga na siya nang maluwag at maging ok na ang mood ng amo dahil nahanap na ang babae. "That bastard, bakit nagsinungaling sila sa akin?" Galit na turan ni Xavier at ang tinutukoy ay sina Troy. "Sir, siya po yata ang anak sa unang pamilya ni Troy at ang asawa ni Mr. Denver." Sabat ni Lucio na naka tayo sa likod ni Xavier."Bakit hindi ko po siya makuntak, ma?" Patuloy na tanong ni Denver sa ina. Nitong mga nanaraang araw kasi ay naniwala siya sa mga alibi ng ina kaya hindi nakakausap ang asawa."Anak, huwag kang mabibigla pero nagkaroon ng amnesia ang asawa mo pero ok lang siya at ang anak ninyo.""What? Kung ganoon ay hindi simpleng aksidente lang ang nangyari sa kaniya? Paano ang nangyari at kailan pa?, bakit hindi niyo po agad sinabi sa akin?" Magkakasunod na tanong ni Denver at hindi na mapakali sa kinatayuan."Hindi ko rin alam kung paano siya naaksidente, anak. Natagpuan na lang namin siya sa hospital at walang maalala. Hindi ko na sinabi sa iyo dahil maapiktohan ang trabaho mo dyan saka ok naman na siya bukod sa walang maalala."Naisuklay ni Denver ang mga daliri sa sariling buhok saka lumapit sa malaking glass window."Tumawag nga pala ako hindi dahil sa asawa mo." Pag iiba ni Rosita sa pagksa. "Bumalik na ang Tito Xavier mo.""I know, ma." Kulang sa emosyon na tugon ni Denver sa ina. "Tumawag
Napabuntong hininga si Rosita. Noong ipinakilala sila ng asawa sa ikalawang pamilya ng ama nito ay binata pa noon si Denver. Nakiusap ang may sakit niyang asawa noon na tulungan sila dahil bumagsak ang kanilang negosyo at magastos sa pagamot ng asawang may cancer. Ngunit arogante si Xavier at pusong bato. Tinulungan nga sila pero halos alilain naman si Denver. Pasaway naman ang anak niya at naging gago saka babaero. Pinag asawa na lang niya upang tumugil sa kagagohan at si Karen nga ang napusuan nitong maasawa."Sa tingin mo po ay ibibigay na ang ilan niyang yaman kay kuya ngayon dahil magkaroon na ng anak si Kuya?" sabik na tanong ni Gladys sa ina.Napatingin si Rosita sa manungang. Bakit ba nakalimutan niya ang pakinabang ng babaeng ito? Muntik na itong mawala kasama ang bata. Isa pala sa kundisyon ni Xavier noon ay saka na humarap si Denver dito kapag may asawa na at anak. Kailangan niyang tawagan ang anak upang makauwi na at makapag handa.Pumalatak sa isipan si Kiana at mukhang m
"Bitch, ang kapal ng mukha mo para gamitin ang card ng kuya ko!" galit na bulyaw ni Gladys sa hipag.Nangunot ang noo ni Rosita habang nakatitig sa asawa ng anak. Ibang iba na talaga ito. Sa halip na mahiya o matakot ay mukhang umasim ang mukha na tumingin kay Gladys. "Ano ang problema kung gamitin ko ang pera ng asawa ko?" Diniinan ni Kiana ang huling sinabi.Sandaling napipilan si Gladys at nabigla din sa pagsagot sa kaniya ng babae nang ganoon. Noon kasi ay mukhang iiyak at yuyuko lang ng ulo kapag napagalitan nila. Pero ngayon, parang siya ang dapat mahiya sa kung ano ang iniisip at sinabi dito."Bakit ganiyan ang mukha mo at makatingin sa hipag mo?" Dita ni Rosita sa dalaga."Asawa ba talaga ng anak ninyo?" Malamig na tanong ni Kiana sa ginang.Napipilan din si Rosita at hindi inaasahang magtanong nang ganoon ang dalaga. Nakalimutan niyang wala itong maalala. Pero bakit parang natatakot siyang magalit ito sa kanila at mag isip nang hindi maganda? Wala naman maging pronlema kung
"Hindi pa rin ba lumalabas ng silid ang babaeng iyon?" tanong ni Rosita kay Gladys. Napatingin si Gladys sa hagdan at tumingala sa second floor kung saan ang silid ni Karen. "Hindi pa po at sinubukan ko kaninang katukin upang utusan na magluto pero sinigawan ako at sinabing go away."Nangunot ang noo ni Rosita. "Dumoble na ang tapang ng babaeng iyon at hindi na natatakot sa atin!" Napasimangot na rin si Gladys. "Ano na ang gagawin natin, mom? Malapit nang umuwi si Kuya at—""Huh, hindi na kailangan ng kapatid mo ang kapit sa pamilya ng babaeng iyan kaya walang dapat ipag alala." Putol niya sa pagsasalita ng anak.Napangisi si Gladys, laging sinusunod ng kapatid kung ano man ang sabihin ng kanilang ina. "Pero buntis po siya at mahalaga kay kuya ang bata?""Then kunin ang bata pagkalabas at maging ina ay si Trexi." Humulma ang kakaibang ngiti sa labi ni Rosita ang mga titig ay mukhang hindi gagawa ng tama."Ang galing mo talaga, mom!" Pumalakpak pa si Gladys sa ina. Si Trexi ay anak n
Hindi na sumagot si Leo at nagmamadaling sinundan ang dalaga na kung maglakad ay parang model. Pero ang bilis nitong kumilos at pagkaliko sa hallwat ay nawala. Nagulat na lang siya nang biglang may malamig na bagay ang tumutok sa batok niya."Sino ka at bakit sinusundan mo ako?" galit na tanong ni Kiana sa lalaki habang nakatutok ang dulo ng baril sa batok nito. Hindi niya nakikita ang mukha ng lalaki dahil nakasuot din ng mask. Pero sigurado siya na ito ang naramdaman niya kaninang lihim na nagmamasid sa kaniya. Naitaas ni Leo ang dalawang kamay at mukhang nanigas na sa kinatayuan. "Calm down, miss, hindi po ako kalalaban."Lalo lamang idiniin ni Kiana ang baril sa batok ng lalaki at hindi naniniwala sa sinabi nito. Alam niyang nakita nito ang mukha niya kanina. Wala naman problema iyon, pero hindi niya kasi kilala ito."Woah, hold on, miss!" Tarantang ani Leo at humahanap ng tiyempong malinlang ang dalaga upang maagaw ang armas na hawak nito.Hindi na nagawang makapag salita ni Kia
"Hi, miss." Bati ng lalaking malapit lang kay Kiana.Napilitan si Kiana na lingunin ang lalaking bumati pero iniwasang mapatingin sa gawi ni Xavier. "Yes? May I help you?" Pormal niyang tanong sa lalake na may suot ding maskara."My name is Sergio." Inilahad ng lalake ang palad sa harapan ng dalaga.Tiningnan lang ni Kiana ang kamay ng lalake. Nayayabangan siya sa paraan ng approach nito sa kaniya. "Jusr call me, maroon." Humulma ang pilyong ngiti sa labi ng lalake at nang aarok ang tingin sa dalaga. "I like your humors."Umangat ang isang sulok ng labi ni Kiana at sinalubong ang nang aakit na mga titig ng lalake. Kahit may suot ba maskara at masabing niyang may hitsura ang lalake. Naudlot ang pagbuka ng bibig niya nang marinig mula sa maliit na chips na nasa tainga ang boses ni Ronald."Kailangan mo rin siyang kaibiganin," ani Ronald sa dalaga.Biglang ngumiti si Kiana at nagbago ang isip sa balak na pagtaray sa lalake. "Thank you, nice to meet you!" Tinanggap na niya ang pakipag ka