LOGIN"Nagbago na ba ang isip mo na dito tumira?" tanong ni Xavier sa dalaga. Mabilis na umiling si Karen at tuwid na tumingin sa ina ni Denver na kung tingnan ay parang isang mabait na ina."Karen hija, masaya ako at ligtas kang nakabalik!" Niyakap ni Rosita ang dalaga nang makapalapit dito. Ngunit nagulat siya nang itulak siya nito. "Ate, bakit ginaganyan mo si mama? Masama bang yakapin ka dahil sa tuwa?" Malungkot na tanong ni Gladys sa hipag."May alergy ako sa plastik." Maiksi ngunit makahulugang tugon ni Karen sa hipag."What—""That's enough!" Putol ni Denver sa iba pang nais sabihin ng kapatid saka tumingin sa asawa. "Come, nagpaluto ako ng paborito mong pagkain." Masuyo niyang hinawakan sa braso ang asawa at inakay papasok ng bahay. Kung noon ay parang nag aalangan siyang hawakan ito dahil parang wala siyang karapatan, ngayon ay bumalik ang pakiramdam niyang pag aari niya ito.Napatingin si Leo sa amo na nakapamulsa ang mga kamay habang naglalakad. Gustong tumaas mga kilay niya a
Muling napamura si Tanya pero agad ding hinamig ang sarili. "Huwag tayong mag away at kailangan natin ang isa't isa ngayon." Mababa na ang tono na aniya sa pinsan.Marahas na napabuga ng hangin sa bibig si Sergio saka tumingala upang pakalmahin din ang sarili. Tama ang pinsan, hindi dapat sila ang nag aaway sa mga oras na ito."Siguradong hindi mo na mahanap iyang tauhan mo at nagtago na sa takot na malintikan sa iyo."Muling napabuga ng hangin sa bibig si Sergio. Talagang mapapatay niya ang dalawa kung kaharap lang niya ngayon. Alam ng tauhan niya kapag pumalpak sa trabaho ay may katapat na parusa iyon. "Kailangan nating mag planong muli. Pero magpalamig muna tayo at mainit ang mata ng kalaban sa atin ngayon."Tumango tango si Tanya kahit hindi nakikita ni Sergio. May kinuha siyang mapagkatiwalaang doctor na magsagaw ng DNA test saka alamin kung nabuntis ba talaga ang babaeng magbabalik. Malaki pa rin ang paniniwala niya kasi na impostora ito. Mahina si Karen kaya imposibleng nataka
"Fucker?" Pag uulit ni Xavier sa narinig mula sa dalaga."Ha? Ah eh, ang ibig kong sabihin ay I'm tired." Nahihiyang pagsisinungaling ni Karen sa binata.Inis na namura ni Kiana ang sarili sa isipan lamang at nakalimutang naririnig siya ng kapatid. Pagtingin niya kay Deborah ay nagpipigil itong tumawa at narinig nito ang mga sinasabi niya. "Sorry, ate." Halod pabulong na aniya.Ngumiti si Karen bilang tugon sa kapatid kahit hindi siya nito nakikita. Nakahinga na rin siya nang maluwag at wala na sa kaniyang ang tingin ni Xavier. Umayos siya sa pagka upo nang magsimula nang umandar ang sasakyan. Parang bigla siyang nailang sa katabi at ang tahimik nito. Ilang sandali pa ay may kausap na ito sa phone."Natagpuan ko na si Karen."Biglang umaliwalas ang mukha ni Denver nang marinig ang sinabi ng tiyuhin mula sa kabilang linya. "Where is she, ok lang ba siya? Gusto ko siyang makausap!"Umiling si Karen nang tumingin sa kaniya si Xavier. Naririnig niya ang tinig ng asawa mula sa kabilang lin
"Ate, act normal sa harap ni Xavier, tulad sa itinuro ko sa iyo." Paalala ni Kiana sa kapatid habang sinusuklay ang buhok nito.Tumango si Karen at hindi na nagtanong pa dahil ramdam niyang hindi pa handa ang kapatid magsabi ng iba pang ganap sa buhay nito."Done, you look beautiful!" Puri ni Kiana sa kapatid matapos itong suklayan.Inirapan ni Karen ang kapatid at kung makapuri ay parang hindi sila magkamukha.Tinawanan ni Kiana ang kapatid at niyakap mula sa likod then tumingin sa salamin na nasa harapan nila. "Mga anak, dumating na si Deborah." Tawag ni Lolita sa dalawa mula sa bungad ng pinto. "Mag ingat kayo sa inyong lakad!"Nakangiting lumapit si Karen sa ginang at niyakap ito. "Maghihiwalay na naman po tayo. Huwag po kayong mag alala at dadalawin ko kayo dito kapag nakaluwag sa oras."Naluluha na tumango si Lolita at gumanti ng yakap sa dalaga."Magsasama din tayong muli na tatlo sa bahay soon kaya huwag na kayong malungkot." Pinaghiwalay na niya ang dalawa bago pa mag iyakan
Tumango si Kiana. "Lahat ng tao ni Ronald ay mapagkatiwalaan."Bumuntong hininga si Karen saka tumango tango. Maaga silang natulog at bukas ay dapat handa na siya sa pagharap sa mga taong umaapi sa kaniya noon. May ikabit din na tracking device sa kaniya ang kapatid saka nasa kuwentas ay may audio na kapag kailangan niya ng tulong ay malalaman ng kapatid at iba pang kasapi nila."Huwag mong ihiwalay sa katawan mo iyang kuwentas mo." Mahigpit na bilin ni Kiana sa kapatid. Nang tumango ito ay ngumiti siya saka tumabi na dito sa pagtulog. Mula nang magkamalay ito ay magkatabi na sila sa pagtulog....Walang mapagsidlan ng tuwa si Xavier nang mabasa muli ang message ng dalaga. Halos hindi siya makatulog at gustong hilahin ang oras upang masundo na ang dalaga. Ang ending, madaling araw pa lang ay binulabog na niya ang tulog ni Leo."Boss, alas tres pa lang po ng madaling araw. Nakangiting ani Leo sa amo pero kung ibang tao ito ay nasapak na niya dahil isturbo sa tulog. Tinatanong niya ito
Daig pa ni Xavier ang teenager na nakatanggap ng text message mula sa taong hinahangaan niya nang makita ang pangalan ng sender. Hindi pa man niya nababasa ang message ay ang lakas na ng tibok ng puso niya sa hindi malamang dahilan. Pero sobrang saya niya at nag message ang dalaga, piping hiling lang niya na sana ay hindi ibang tao ang kay hawak sa cellphone ng huli."Nagawa kong takasan ang mga dumukot sa akin."Napabuga ng hangin sa bibig si Xavier nang mabasa ang message ng dalaga at nakahinga siya nang maluwag dahil confirm na ito ang may hawak na cellphone. "Marami akong natamong sugat kaya matagal bago ako naka recover." Patuloy na basa ni Xavier sa message at maikuyom niya ang kamay. "I'm scared, hindi ko alam kung sino ba talaga ang gusto akong patayin." Napangiti si Kiana matapos e send ang tinipang message para kay Xavier."Where are you now? Alam mo ba kung gaano akong nag aalala sa iyo?" Nagmamadaling message ni Xavier sa dalaga. "Don’t be scared, mula ngayon ay sigurad







