Clementine
POVNaka tayo at naka titig ako ngayun sa isang napaka laking itim na gate na nababalutan ng baging at may naka sulat na Vampire
Highsa taas na meron ng mga kalawang.Halatang luma na ang gate maging ang desenyo nito dahil sa kalawang.
This is it Clementine, nasa harap ka na ng isang hindi ordinaryong paaralan.
Nasa harap ka na ng pinapangarap mong paaralan.Nasa harap na ang pangarap mo at abot kamay mo na.Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisnge ko mula sa mga mata ko.
Sobrang saya ko dahil finally, nasa harap ko na ang pangarap ko. Unting oras nalang ay makakapasok ka na sa isang bigating paaralan dito sa Victorian City.
Muli kong hinawakan ang bagahe ko ng dahan dahang nag bukas ang luma at mataas na gate.
This is it.
"Ms Konzet." Naka ngiting bati ng isang babae na nasa 50 pataas ang edad, ito siguro ang principal sa school na ito.
"I'm Chairman Jo, one of the official officer sa school na ito." Pakilala niya.
"Nice to meet you po." Naka ngiti kong sabi.
"Welcome to Vampire High." Naka ngiti niyang sabi kaya ngumiti ako.
"Thank you po." Sabi ko. Kinuha niya ang isang bagahe ko at nag simulang mag lakad habang nag kwekwento.
"Pupunta muna tayo sa office ko para ibigay sayo ang uniform at ang susi ng magiging room mo, I'll give the rules and regulations paper din para malaman mo ang mga patakaran sa school na ito. Hope you enjoy your 1 year stay here." Naka ngiti niyang sabi kaya napa ngiti po ako.
"Masayahin kang tao." Komento niya kaya napa tingin ako sa kanya.
"Hindi lang po ako maka paniwala na nakapasok na ako ngayun sa pinapangarap kong paaralan." Sabi ko. Bahagya siyang tumigil kaya tumigil din ako. Naka ngiti niya akong hinarap.
"Pwes maniwala ka na iha, isang malaking prebeleheyo ang makapasok sa paaralang ito." Sabi niya.
"Sobrang saya ko po talaga dahil naka pasok na ako dito, dati nong bata pa ako ay tinitignan ko lang ang labas ng paaralan na ito. Ngayun ay may pagkakataon na akong makita at malibot ang loob nito." Naka ngiti kong sabi. Nag simula na siyang maglakad kaya naman nag lakad na din ako.
"Madaming nag hahangad na nilalang ang makapasok sa paaralang ito, bukod sa maganda ang paaralang ito ay madami kang matutunan at malalaman." Naka ngiting sabi niya kaya tumango tango ako.
Nasa tapat na kami ng isang malaking pinto na sa tingin ko ay ang entrance door.
"Are you ready Ms Konzet?" Tanong niya habang naka ngiting naka tingin sakin.
"Ready." Sabi ko.
Dahan dahang nag bukas ang malaking gintong pinto at halos mapanganga ako ng makita ko ang loob nito.
Mula sa gitna naka lagay ang isang gintong fountain na may desenyo ng logo ng Vampire high. May mga paru parong lumilipad na sinasabayan ng ilang taong may abilidad na lumipad.
May mga estudyanteng nag lalakad at masayang nag kwekwentuhan may mga tumatakbo at nag lalarong estudyante, may mga gumagamit ng kanilang kapangyarihan at may mga nerd na nag babasa lamang ng libro.
May mga larawan sa dingding ang naka display at may mga desenyo din na sobrang ganda sa paningin.
Whow ang ganda.
"Ms Konzet, tara na?" Tanong ni Chairman kaya tumango tango ako at nag simulang mag lalakad sa loob ng Vampire high kasama si Chairman.
May mga ilang estudyante ang nag lalakad na napapatingin sakin.may iilan din na ningingitian ako kaya ngumingiti rin ako.
Nililibot ko lamang ng paningin ang lugar na nilalakaran ko.
Tama nga sila, napaka ganda ng paaralang ito."Ms Konzet, narito na tayo sa harapan ng aking opesina." Sabi ni Chairman kaya napa tingin ako sa harapan at halos lumuwa ang mata ko ng makita ang gintong pinto.
Haloa lahat ata ng pinto dito ay gawa sa ginto.
"Tara na Ms Konzet." Sabi ni Chairman at binuksan ang pinto. Sumunod ako sa kanya sa pag pasok at halos mapamura ako ng makita ang napaka lawak niyang opesina.
"Chairman. Sa inyo lang po ito?" Tanong ko.
"Yes." Naka ngiti niyang sabi habang may kinukuha sa devider niya.
Nilibot ko lang ang paningin ko sa buong lugar, grabe parang tatlong pangkaraniwang bahay na naka lagay sa isang subdivision ata ang laki nito.
"Ms Konzet, ito ang uniform mo at ito ang susi mo." Sabi ni Chairman at ibinigay sakin ang susi at uniform
Kulay itim ito at abot tuhod ang palda.
(Picture on multimedia)
"Room 57 ang room mo at ito ang rules and regulations basahin mo nalamang sa kwarto ko, ito naman ang scheduled ng klase mo." Sabi niya at kinuha ko naman ang mga inabot niya.
"Ang mga gamit na gagamitin mo para sa projects at ilan ay nasa loob na ng room mo." Sabi niya kaya tumango tango ako.
"Paki pirmahan nalamang nito." Sabi niya kaya agad kong pinirmahan ang form at naka ngiting binigay kay chairman.
"You are now officially a student of Vampire high, welcome to Vampire High. Your journey begins here."
Clementine POVNaka ngiti kong binuksan ang pinto ng room ko at halos mapa nganga ako ng tumambad sakin ang isang malaking room, as in sobrang laki! May Sala, kusina Tapos may dalawang hallway pa. Bahay ata to at hindi Room.Black ang theme ng loob at kulay white naman ang theme ng furniture. May mga nakasabit na painting sa pader."Room mate." Napa tingin ako sa nag salita. Nakita ko ang babaeng naka sandal sa isang pader kung saan mau daanan don.Mahabang itim na itim na buhok na sa tingin ko ay abot hanggang tuhod nuya, black na lipstick, black eyeliner, black nails, at naka suot ng black na t-shirt at black na Pantaloon.Mukha siyang maldita kung titignan dahil may panguya nguya pa ng gum with mathcing sandal sa wall at cross arms."Welcome room mate! I'm Lit Tallulah Fuertez, and I'm your beautiful vampire roommate!" Masiglang sabi niya at nag transform sa pagiging paniki saka lumipad palapit sakin at muling bumalik sa dati niyang anyo.Ngayun nasa harap ko na siya. Halos mapalun
Clementine POVNag lalakad kami ngayun ni Lit papunta sa dining hall dahil sabi niya oras na daw para kumain ng hapunan.Nililibot ko lang ang paningin ko sa mga nadadaanan namin ni Lit, sabi niya malaki daw ang Vampire high, aabutin daw ng mga 5 oras sa pag lilibot sa sobrang laki nito.Nasa first hall palang daw kami pano pa kaya pag nasa 7th hall na daw kami. Baka daw mawala na ang mga mata ko.Yun ang sabi ni Lit, so it means sobrang ganda nga ng Vampire High."Nandito na tayo!" Masiglang sabi ni Lit, kasabay namin ang ilang studyante ng Vampire High sa pag pasok sa loob ng dining hall. Halos malaglag ang buong mata ko ng makita ko ang napaka lawak na dining hall.May sampong mahahabang upuan at lamesa na nandoon.Samantalang sa gilid naman nakalagay ang 100 iba't ibang putahe."Tara kuha muna tayo ng foods." Sabi ni Lit at hinila ako palapit sa mga pagkain.Halos tumulo ang laway ko ng makita at malanghap ang pagkain. Sobrang bango!Kumuha na ako ng pagkain at ng matapos na ay na
Clementine POVKinuwento ni Lit sakin lahat ng nalalaman niya tungkol sa Vaughn Siblings, habang nag lalakad kami papunta sa room namin.Pinaliwanag niya din sakin ang mga rules dito sa Vampire High.May curfew pala dito. Mga 9 PM hindi na pwedeng lumabas sa Rooms namin yun ang sabi nya."Oh Tine, bukas na yung start ng pag aaral mo dito sa Vampire high, nasan schedule mo?" Tanong niya ng maka pasok kami sa room namin.."Nandon sa kwarto ko." Sagot ko."Patingin dali!!! Baka may kaparehas tayong subject at kaklase kita." Sabi niya kaya kinuha ko naman yung schedule na naka patong don sa side table sa kwarto ko saka pinakita sa kanya."Oh, mag kaklase tayo sa witch craft at potion subject." Sabi niya saka nanlaki ang mga mata niya."The rest, kaklase mo yung Vaughn Siblings!" sabi niya kaya kumunot ang nuo ko."Ang malas mo." Sabi niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.."Bakit naman?" Tanong ko."Sobrang gulo kaya nong mga yun." Sabi niya at binalik sakin ang schedule ko."O siya si
Clementine POVSiya ba? Si Fin siya yun? Ang Fin na sinasabi ni Lit? Sya yun?"Tsk, tumayo ka." Tumingin ako sa harap ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Fin sa harapan ko habang nakalulutang pa rin ang upuan sa taas.Ang sama ng ugali niya!"Tsk." Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko, tiningnan ko lang ito saka tumingin sa mukha niya. Inaasahan ko pa rin na makakatulong ito sa akin eh baka mapahiya lang ulit ako nito. Sa halip na tanggapin ang kamay niya ay ngumiti lang ako saka tumayo nang hindi tinatanggap ang kamay niya."Owwww." gulat na sabi ng lahat.Napatingin lang si Fin don sa sahig kung saan ako nakaupo kanina saka dahan dahang binawi ang kamay niya at tumayo ng diretso saka tumingin sa akin."Salamat sa alok, salamat sa kahihiyan. Pinahahalagahan ko." Sabi ko at tinapik ang balikat niya saka naglakad papunta sa isang bakanteng upuan sa harap.Narinig ko ang hiyawan ng mga nandito. Ngunit hindi ko iyon pinansin."Hoy Babael!" Natigilan ako at binalingan si Fin."Tawagan
Clementine POV"Oh? Tapos?" Tanong sakin ni Lit, nandito kami ngayun sa canteen dahil break time na. Naka upo kami ngayun dito kaharap ang table. Kinukwento ko sa kanya yung mga nangyare kanina."Tapos pinalipad nanaman niya yung upuan ko. Hindi ko naman kasalanan kong nasagot ko yung tanong sakin nong teacher namin."sabi ko at kumagat sa sandwich."Tapos nainis ako kasi dalawang beses niyang ginawa sakin yun. Sa inis ko sinabihan ko siya ng 'Talaga bang epal ka o trip mo ako? Kung nag papapansin ka dahil may gusto ka sakin pwes sabihin mo nalang ng deretso hindi yung nag papapansin ka sakin at trip mong paliparin ang mga upuan ko!' Yun tapos tumawa yung buong Vaughn." Kwento ko.Nalaglag naman yung hawak niyang sandwich at nanlalaking matang tumingin sakin."Grabe, nasabi mo yun sa kanya?"tanong niya."Oo. Nakaka inis na kasi sya ang hilig hilig niyang mag palipad ng upuan."sabi ko."Tine, mali ang nakalaban mo. Sa buong Vaughn si Fin ang nakakatakot."sabi niya."Hmm? Dahil ba sa me
Liana & Leona Vaughn~~~~Clementine POVMatapos ang naganap na tamaan ng cake kahapon sa canteen ay lahat ng nag aaral sa Vampire High ay nagagalit sakin. Maliban kay Lit na proud na proud sa ginawa ko.Hindi ko naman talag gustong gawin yun kay Fin, pero kasi hindi naman tama yung ginagawa niya sakin. Ikaw ba naman paliparan ng upuan ng dalawang beses at buhusan ng juice at dugong iniinom niya kahapon diba? Syempre yung uniform ko mga te'h nilabhan ko nanaman kagabi buset.Sa dahil sa naganap kahapon, ang daming nag bago. Kung dati na ningingitian ako ng ilang nadadaanan ko ay ngayun sinasamaan nila ako ng tingin.May ilan pa nga hinaharangan ako ng daan tapos binabangga bangga. Joskopo big deal ba yung samin ni Fin? Supalpal ko sa kanila yang Fin nila eh.Maaga akong umalis ng room namin ni Lit dahil ayoko ng ma late, halos ako palang dito sa loob ng subject room namin kaya naman natulog muna ako dito sa desk ko. Wala pa namang teacher at ako palang naman ang nandito."Oh? Ang aga
Von and Van Vaughn~~~~~Clementine POVNatapos naman ang isang subject ng payapa at tahimik. Sobrang thankful ako dahil parang wala ng ibang gagawin si Fin sakin ng masama.Siguro ay naka tulong yung pag bato ko ng chocolate Cake sa kanya kahapon, nadala siguro siya kaya ntakot na atang asarin ako. Mas mabuti yun.Salamat sa Chocolate Cake isa yung hulog ng langit."Psst Clemente!""Van hindi Clemente ang name niya, ughmm.. i think Tinay."Kumunot ang nuo ko."Tinay!" Dahil sa curious ako kung sino yung nag sasalita ng tinay ay lumingon ako sa likod ko at nakita yung kambal na lalaki ng Vaughn. Naka tingin sila sakin, ay hindi sa dereksyon ko."See, her name is Tinay." Tumingin ako sa harap ko pero wala namang ibang nilalang don. Kumunot ang nuo ko at nag patuloy sa pag lalakad."Wait Tinay!" Nabigla ako ng harangan nila ang daan ko. Kumunot ang nuo ko."Why are you ignoring us?" Tanong ni Von. Kumunot ang nuo ko saka tumingin sa likod ko. Walang tao. Binalik ko ang paningin sa hara
Creed Vaughn~~~Clementine POVNapalunok ako ng makita ko kung pano tumulo ang chocolate syrup sa mukha niy pababa sa leeg niya."What the hell?!" Napa tingin kami sa sumigaw at mula sa upuan nila nakita ko si Liana na napatayo at bumaba dito mismo sa kinatatayuan namin, sumunod sa kanya si Leona. Dumating din sila Von at Van. Lahat ng mata ay nasa amin ang tingin."Anong nangyare sayo kuya?"tanong ni Liana."I told you not to go here."singit ni Von habang naka tingin sakin. Napa lunok ako."Are you okay?" Napa angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Creed. Napa lunok ako dahil naka tingin siya sakin, tumango tango ako."Fin!" Sigaw ni Liana. Mula sa upuan nila sa taas ay nag pakita si Fin at tumingin kay Liana saka sa amin."Oh? Iba ang natamaan. Bad shot."sabi ni Fin at tinalikuran lang kami."Fin! Talaga bang napaka immature mo?!"sigaw ni Liana."Oh ow, kailangan nating takpan ang tenga natin."napatingin ako kay Van na naka takip na ang dalawang kamay sa tenga.Binalik ko a