Sa loob ng lumang bahay na bato, tahimik ang paligid maliban sa huni ng kuliglig at mahinang tunog ng electric fan na kanina pa naglalaban sa init ng gabi. Nakahiga sa lumang kama si Levi, ang kanyang balikat ay nakabalot sa bagong linis na benda. Mahinhing paghinga lang ang maririnig mula sa kanya—tulog na tulog, waring pagod na pagod sa pagtakas mula sa mundo.
Habang si Vionne naman ay nakaupo sa lumang rattan chair sa gilid ng sala, nakatalukbong ang balikat ng kumot, at may laptop sa kanyang kandungan. Hindi siya makatulog. Hindi dahil sa presensya ng estrangherong lalaki sa kanyang resort, kundi dahil sa bigat ng katotohanan—na sa isang iglap, nawala ang lahat ng pinagpaguran niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang browser. Hindi na siya nag-abala pang gamitin ang incognito mode. Wala na siyang pakialam. Ang buong mundo ay may access na sa kahihiyan niya, bakit pa siya magtatago? Sa unang bukas pa lang ng homepage ng balitang negosyo, isang headline na agad ang tumama sa kaniya tulad ng patalim: “Vionne Monteverde—Thorne Officially Removed from Monteverde Group — Mental Health Allegations Surface” Napakagat siya sa labi habang binabasa ang artikulo. Ayon sa balita, inalis siya sa posisyon matapos isinumite ng board ang report mula sa isang private psychiatrist na nagsasabing siya ay “emotionally volatile” at “mentally unfit for leadership.” May mga quotes pa mula kay Rhaedon na nagsasabing, “This decision wasn’t personal. It’s about the company’s future. We still care about Vionne’s well-being.” Parang nagliliyab ang laman-loob niya habang pinagmamasdan ang larawang ginamit sa artikulo—isang candid shot niya habang palabas ng Monteverde Tower, tila tuliro at walang direksyon. Eksaktong imahe ng isang babaeng nawalan ng lahat. Ganito pala ang itsura ng pagkatanggal sa trono. Sunod-sunod pa ang mga artikulo. May headline na: “Monteverde Group Under New Leadership: Rhaedon Thorne Vows to ‘Rebuild with Stability’” “Ex-CEO Vionne Monteverde Seen Leaving Penthouse Alone” “From Heiress to Has-Been: What Went Wrong with Vionne Monteverde?” Bawat click ay parang isang dagok. Para siyang nilalamas ng media sa gitna ng madla, at walang sinuman sa mga kakampi niya ang nagtangkang magsalita para sa kanya. Maya-maya pa, pinindot niya ang search bar. Wala sa plano, ngunit pinadaloy ng kuryosidad ang mga daliri niya: “Levi Angeles” Lumabas ang dose-dosenang headlines. “Runaway Groom: Architect Levi Angeles Vanishes Day Before Billion-Peso Wedding” “Heir to Angeles Properties Missing After Backing Out of Arranged Marriage” “Political Scandal? Senator Mendoza’s Daughter ‘Humiliated’ After Fiancé Disappears” “Massive Search Launched for Missing Heir” Nanlaki ang mata ni Vionne. Napatigil siya sa pag-scroll. Unti-unting lumilinaw ang mga hiwa-hiwalay na piraso ng kwento. Si Levi, ang lalaking halos duguan at walang malay na inalagaan niya ngayong gabi, ay hindi lang basta ordinaryong lalaki. Isa rin pala siyang tagapagmana. Isa ring bihag ng isang sistemang hindi niya pinili. Isa ring ginipit ng sariling pamilya, tulad niya. May mga larawan si Levi—nakaporma, formal events, corporate gatherings. Naka-black tux. Kaharap ang fiancé, ang anak ng isang senador. Sa kabilang imahe, may CCTV screenshot sa isang gas station, huling beses siyang nakita—bitbit ang backpack at may sugat sa balikat. Patuloy pa rin siyang pinaghahanap. May reward money pa para sa impormasyon kung nasaan siya. Napatingin si Vionne sa nakahigang lalaki. Mahinhing natutulog, waring inosente sa lahat ng ingay ng mundo. Isang taong pilit tinatakasan ang isang buhay na hindi niya ginusto. Huminga siya nang malalim at muling ibinalik ang laptop sa mesa. Hindi na siya babalik sa Maynila. Sa ngayon, ang tangi niyang plano ay ang mabuhay—malayo sa ekspektasyon, sa intriga, at sa mga lalaking sumira sa kaniya. *** Halos hindi pa lumalabas ang liwanag ng araw ngunit tila may kung anong humugot kay Vionne mula sa mahimbing na tulog. Saglit niyang inayos ang pagkakabalot ng kumot sa sarili, at saka niya narinig ang malalim, masidhing tinig mula sa kabilang kwarto—isang sigaw na puno ng takot, hinagpis, at galit. “Wala akong kasalanan! Huwag—bitawan mo ‘ko!” Napabangon siya sa kinahihigaan at mabilis na nagtungo sa guest room. Doon niya nadatnan si Levi, nakahiga, pawis na pawis, at nanginginig. Ang noo nito ay basang-basa na, ang mga kamay ay mahigpit ang pagkakakuyom sa kama, habang ang mga mata ay mahigpit na nakapikit. Binabangungot ito—at hindi simpleng masamang panaginip, kundi bangungot na tila isang piraso ng isang madilim na alaala. “Levi...” mahinang tawag niya, ngunit walang tugon. Patuloy pa rin ang ungol nito, at para bang sa bawat saglit ay lalong humihigpit ang yakap ng takot sa katawan ng binata. Lumapit siya at bahagyang niyugyog ang balikat nito. “Levi, gising. Panaginip lang ‘yan. Nasa ligtas kang lugar.” Ngunit lalo lamang itong napasigaw. “Huwag mo akong ipakasal! Ayoko! Ayoko sa kaniya!” Sa mga sandaling iyon, napagtanto ni Vionne na hindi lang basta eskandalo ang pinagdaanan ni Levi—kundi trauma. Hindi lang ito tumakas sa kasal. Tumakas siya sa kontrol, sa pang-aalipusta, sa sistemang pinilit siyang lunukin ang buhay na hindi niya pinili. Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama. Wala sa plano niyang lumapit, ngunit may kung anong humila sa kaniya. Maingat niyang hinawakan ang noo nito at tinapik-tapik ng marahan. “Levi, tapos na ‘yan. Nasa Zambales ka na. Malayo ka na sa kanila. Walang makakabawi sa iyo rito.” Namilipit si Levi, parang batang humihingi ng tulong. Walang mapanghawakan kundi ang takot. Muli itong nagsalita habang nakapikit, garalgal at mahina. “Hindi ko siya mahal… Hindi ko siya mahal…” Doon tuluyang nadurog ang kaunting pader sa puso ni Vionne. Hindi niya mapigilang haplusin ang buhok ng binata at ilapit ang sarili. “Tama na… wala na sila rito,” mahina niyang bulong. “You're safe here.” Maya-maya, humina ang paghinga ni Levi. Dahan-dahan itong bumalik sa regular na ritmo, at unti-unting humupa ang tensyon sa katawan nito. Hindi pa rin siya gising, ngunit tila lumalim na ang tulog. Waring ang boses ni Vionne ang nagsilbing liwanag na nagtulak sa kanya palabas ng bangungot. Tahimik na namalagi si Vionne sa tabi ng kama, tinititigan ang mukha ng lalaki. Hindi niya namalayan kung ilang minuto na siyang nakaupo roon. Ngunit imbes na bumalik sa sarili niyang kwarto, pinili niyang humiga sa tabi ni Levi. Maingat siyang humiga, tinitiyak na hindi masagi ang sugat nito sa balikat.Hindi mapinta ang mukha ni Vionne nang tumapak siya sa loob ng Angeles Group. Sa bawat hakbang ay parang gusto niyang lumubog sa sahig. Hindi dahil sa kaba o takot sa mga taong nandoon, kundi dahil sa suot niya ngayong araw—lalo na sa loob na hindi nakikita ng iba.Napatingin siya sa kanyang katawan. Ang corporate dress na pinasuot ni Levi ay mukhang disente naman, medyo fitted at eleganteng kulay navy blue. Pero ang alam lang ng mga kasamahan niya ay simple at classy siya. Ang hindi nila alam—ang suot niyang underwear ay kulay pula, lace, at sobrang revealing.At hindi siya ang pumili noon. Si Levi.“Ano ‘to, prank?” bulong niya sa sarili habang tumitingin sa paligid, sinusubukang ‘wag magmukhang balisa.Naaalala pa niya kung paano siya pinilit ni Levi kaninang umaga habang nagbibihis. Wala siyang choice kundi magsuot ng mga isinantabi nito at i-abot sa kanya. Wala siyang ibang dalang damit, at for some reason, ang red lace set pa talaga ang isinama nito.Hindi niya maintindihan kung
Paglabas ni Vionne ng banyo ay halos hindi niya tiningnan si Levi na ngayon ay nakahiga na sa kama, nakatalikod at tila natutulog. Bitbit ang tuwalya sa katawan, dumiretso siya sa closet ni Levi at tahimik na bumuklat ng mga damit.Isa-isang hinila ni Vionne ang mga plain shirt at boxer shorts ng lalaki. Wala siyang ibang opsyon kundi magsuot ng isa sa mga ito, lalo na’t hindi siya nakapagdala ng damit pambahay. Isa pa, ni wala siyang dalang underwear. Napamura siya sa isipan niya habang hinahalughog ang drawer.“Tangina, Vionne. Paano ka makakatulog kung wala kang suot sa loob?”Napatingin siya sa hawak na boxer shorts. Kinuha niya ang isa na tila pinakamaliit. Pero nang sukatin niya ito, maluwag pa rin. Literal na hanggang pusod ang garter at parang isang hakbang lang ay bibigay na.Hindi siya mapakali, kaya agad siyang kumuha ng pangtali ng buhok mula sa bag niya. Itinali niya ang magkabilang gilid ng boxer, pinilit na ipasikip para lang magmukha itong panty. Nang medyo komportable
Tahimik ang biyahe pauwi. Wala ni isa sa kanila ang nagsalita nang ilang minuto. Abala si Levi sa pagmamaneho habang si Vionne naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana. Ilang beses na niyang sinubukang buwagin ang katahimikan, pero nauudlot siya tuwing makikita ang seryosong ekspresyon ng binata.Makalipas ang ilang minuto, napilitan na siyang magsalita.“Padaan mo na lang ako sa hotel. Nando’n pa ang mga gamit ko,” mahinang sabi niya habang iwas ang tingin.Tumingin saglit si Levi sa kanya, pero hindi siya sumagot. Imbes i-preno ang sasakyan sa direksyon ng hotel, tuluy-tuloy ito sa pagliko pa-uwi sa isang exclusive village.Napakunot ang noo ni Vionne. “Levi, sabi kong ihatid mo ako sa hotel. May tinapos lang akong damit doon. Hindi pa ako ready tumira sa—”“Hindi ka na babalik sa hotel,” putol ni Levi, kalmado pero may diin sa tono. “We’re supposed to be engaged, Vionne. Hindi maganda sa image kung magkahiwalay tayo ng tirahan. Lalo na’t pinagmamasdan na tayo ng media, ng pamil
Tahimik na umiinom si Vionne habang pinagmamasdan ang mga bisitang nagsasayawan sa gitna. Walang anumang emosyon sa kanyang mukha, pero sa loob-loob niya, alam niyang sinusuri siya ng maraming tao. Ang dating CEO na tinanggal sa sariling kumpanya, ngayon ay nasa isang high-profile party bilang “fiancée” ng anak ng may-ari ng Angeles Group. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mga matang sumusukat, mga bulungan na pilit inaalam kung totoo ba ang relasyon nila ni Levi o bahagi lang ng isang mas malaking palabas.Bigla siyang napatigil nang lumapit si Levi sa kanya at iniabot ang kamay.“Sumayaw tayo,” yaya ng binata.Napakunot ang noo niya. “Levi…”“Don’t say no,” sabat nito. “You already gave me permission to dance with Michelle. Now, it's your turn.”Walang nagawa si Vionne kundi tanggapin ang kamay nito. Tumayo siya, tahimik, at hinayaan si Levi na akayin siya papunta sa dance floor.Pagdating nila sa gitna, agad na napalingon ang mga tao. Hindi inaasahan ng lahat na makikita nila sa gi
Maagang umaga nang makatanggap si Levi ng tawag mula sa kanyang ina habang kasalukuyang nasa opisina ng Angeles Group.Pagkababa ng tawag, saglit siyang napabuntong-hininga at saka tumingin kay Vionne na abala sa pagre-review ng contracts. Lumapit siya sa mesa nito.“Vionne,” mahinahon ang tono ni Levi.Napatingin si Vionne. “Bakit?”“Birthday ni Michelle,” diretsong sagot ng binata. “Pinapapunta ako sa bahay ng mga Mendoza mamayang gabi.”Tumigil sa pagsulat si Vionne at tumango lang. “So?”“I’m going… pero hindi ako pupunta mag-isa. We'll go together.”Napakunot ang noo ni Vionne. “Bakit kailangan mo pa akong isama?”“Para ipakita sa kanila na hindi mo ko tinik sa lalamunan,” sagot ni Levi, medyo nakangisi. “At para matahimik na ang pamilya ko.”“Ano naman ako sa 'yo, damage control?”“Hindi. Ikaw ang gusto kong makita nilang kasama ko,” mariin ang sagot ng binata.Napatingin si Vionne sa kanya. Tila nag-aalangan, pero kita sa mukha ni Levi ang kaseryosohan. Pagkatapos ng ilang segu
Pagkagising ni Rhaedon kinabukasan, halos hindi niya maintindihan ang dami ng notifications sa kanyang phone. Mga missed calls, email alerts, media mentions, at personal messages mula sa mga kasosyo sa negosyo.“Rhae! Bumangon ka na! Trending pa rin tayo!” sigaw ni Trixie mula sa living room.Agad siyang bumangon at tinungo si Trixie, na hawak-hawak ang tablet habang pinapakita ang sunod-sunod na news coverage.Nakahain sa headlines:“Monteverde CEO and PR Head Caught in Scandal – Caught Kissing in Office?”“Billboard Exposé: Real Footage or AI Generated Hoax?”“Public Calls for Resignation After Viral Video”“Masyado nang malala ‘to,” mariing sabi ni Rhaedon habang hinahagod ang kanyang buhok. “Kailangan nating gawan ng paraan.”“Kausapin natin ang legal team,” sabi ni Trixie. “Sabihin nating deepfake lang ‘yon. AI-generated. Walang katotohanan.”Agad silang nagtawag ng emergency press conference. Sa harap ng media, pinanatili nilang kalmado ang ekspresyon. Naglabas ng prepared state