Share

Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back
Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back
Author: Deigratiamimi

Kabanata 1

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-07-02 16:29:50

“Pakiulit, Mr. Thorne,” mariing wika ni Vionne Monteverde habang pinipigilan ang panginginig ng tinig niya. “Ano ang sinasabi mo?”

Hindi makapaniwala ang buong boardroom sa sinambit ng CEO na ngayon ay palamig nang palamig ang mga mata habang nakatingin sa kanyang dating asawa. Ang dating pagmamahal sa pagitan nila ay tila ganap nang nalunod sa walang hanggang bangungot.

“Effective today, you're being removed as Chief Executive Officer of Monteverde Group,” mariing ulit ni Rhaedon Thorne, kalmado ang tono pero sagad sa lamig ang mga salita. “On grounds of mental instability, negligence, and breach of fiduciary duty.”

Parang umalingawngaw sa tenga ni Vionne ang bawat salita. Para siyang binuhusan ng yelo. Nasa harapan niya si Rhaedon—ang lalaking minsang minahal niya, ang lalaking binigyan niya ng karapatang mamuno sa korporasyong itinaguyod ng kanyang pamilya. Ngunit ngayon, siya rin pala ang hahatol sa pagbagsak niya.

Bumaling siya sa mga board members. Lahat ay tahimik. Wala ni isa mang sumubok umimik o ipagtanggol siya. Lahat ay nakayuko, animo'y mga tauhang pinatahimik ng kapangyarihang kinakatawan ni Rhaedon. Isa-isa sa kanila ay mga taong pinalago niya, pinaniwalaan, binigyan ng puwesto—at ngayon, isa-isa rin siyang tinatalikuran.

“Lahat kayo...” usal ni Vionne habang pilit hinahawakan ang dignidad. “You’re going along with this circus?”

“Hindi ito circus, Ms. Monteverde,” sabat ng Chief Legal Officer na si Atty. Enriquez. “The board has already voted. Unanimous decision. We have psychiatric documents proving your declining emotional and mental state.”

“Nabaliw ako?” Tumawa si Vionne ng mapait, at mababa. “My family built this empire. Ako ang bumuhay sa kumpanyang 'to mula sa pagka-utang. I risked everything para sa Monteverde Group. And now you’re telling me I’m mentally unfit to lead?”

“Hindi namin ito ginusto, Vionne,” mahinang wika ng isa sa mga directors. “But this is what’s best for the company. You're no longer... stable.”

“Hindi ninyo ito ginusto?” bulong niya habang palapit nang palapit sa mesa ng boardroom. “O sadyang napakainam ng alok sa inyo ni Rhaedon kaya pati prinsipyo ninyo ay naibenta n'yo na rin?”

Napailing si Rhaedon. “You’re being emotional again, Vionne.”

Matalim ang tingin niya kay Rhaedon. “I’m emotional? After all these years? After giving you my name, my legacy, my life?”

Hindi sumagot si Rhaedon. Bagkus, iniabot nito ang isang envelope. “Basahin mo ‘yan. This is the official resolution from the board. And also, the papers for our annulment. You are to sign them today.”

Napatingin si Vionne sa puting sobre sa harapan niya. Dahan-dahan niya itong binuksan at isa-isang tiningnan ang laman. Pormal na dokumento ng annulment. Wala man lang personal na paliwanag, wala man lang konsiderasyon. Isa siyang kontratang kailangang tapusin. At ang pinakamalala, pinapirma siya habang nasa gitna siya ng kahihiyan.

“Pipirma ako,” bulong ni Vionne matapos ang ilang segundong katahimikan.

Saglit na nagulat si Rhaedon. “Good. Mas maganda kung madali na lang—”

“Pero bago ako pumirma,” putol ni Vionne habang unti-unting inaalis ang alahas sa katawan, “gusto kong malaman mo na hinding-hindi mo ako mababasag ng ganito. Pinagplanuhan mo 'to nang matagal, hindi ba? Kaya mo nilapit si Trixie sa iyo. Kaya mo ako pinilit na magpahinga. Lahat scripted. But let me tell you something, Rhaedon... I may have lost the title, but I will never lose the fire.”

“Stop making a scene, Vionne. You're just embarrassing yourself,” tugon ni Rhaedon, pero halatang may tensyon sa pagkakatayo niya.

Tumindig si Vionne, ibinagsak ang balikat, at buong lakas na inihagis ang fountain pen sa mesa.

“Fine. Gusto mong tapusin 'to? Tatapusin natin. Pero sa oras na lumagda ako sa papel na 'to, tandaan mong hindi mo ako kayang kontrolin habang buhay. Hindi ako ang babaeng inapi mo noon. You created a monster, Rhaedon. At sisiguraduhin kong ikaw ang unang sisigaw kapag bumalik ako.”

Sa isang iglap, pinirmahan ni Vionne ang kanyang pangalan sa annulment papers. Mabilis, malinis, at walang bahid ng alinlangan. Para siyang pumirma ng sariling kamatayan—o simula ng kanyang muling pagkabuhay.

Bumaling siya sa mga dating kaibigan sa mesa. Lahat sila ay nanatiling tikom ang bibig. Tahimik na mga traydor na walang lakas ng loob na tumindig para sa kanya. Pinagmasdan niya ang bawat isa, inukit sa kanyang alaala ang mga mukha nila, upang sa oras ng kanyang pagbabalik, alam niya kung sino ang unang babagsak.

Walang luha na pumatak mula sa mga mata niya. Ang puso niya ay nanlamig sa loob ng ilang minuto. Pinilit niyang itikom ang damdamin. Hindi ito ang oras ng kahinaan. Ito ang yugto ng kanyang pagsilang bilang bagong Vionne Monteverde.

Paglabas niya sa boardroom, parang bumagal ang lahat. Ang mga empleyado sa hallway ay napalingon, nagbubulungan. Lahat sila ay nakatanggap ng memo tungkol sa biglaang leadership transition. Nakayuko ang ilan, habang ang iba ay nagkukunwaring abala. Ngunit alam niyang alam nila ang nangyari. Ang babaeng nagtatag ng kompanya, ngayon ay pinatalsik ng sariling asawa.

Naglakad siya palayo nang may taas-noo. Walang bakas ng pagkatalo sa kaniyang postura. Hindi siya titigil. Hindi siya babalik sa kadiliman. Sa mismong araw na iyon, habang lulan siya ng elevator pababa mula sa top floor ng Monteverde Tower, tumibok ang bagong layunin sa kanyang puso.

Hindi siya babalik para lamang maghiganti. Babalik siya upang muling buuin ang sariling pangalan. At kapag siya ay bumalik, hindi na siya muling palalayasin kahit ng sinumang lalaking pinaniwalaan niya.

Paglabas ng Monteverde Tower, dumiretso siya sa penthouse nila ni Rhaedon, at marahas na binuksan ang pinto na minsang naging tahanan ng kanilang mga pangarap.

Inimpake niya ang lahat ng personal niyang gamit—mga dokumento, laptop, ilang damit, at isang lumang kahon ng alaala ng yumaong lolo niya, si Don Vicente Monteverde. Sa kahon na iyon, nandoon ang isang lumang larawan ng resort sa Zambales at susi ng isang itim na bahay na bato.

Dahil wala siyang ibang mapupuntahan, minaneho niya ang kanyang sasakyan ng halos limang oras patungo sa baybaying lalawigan ng Zambales—ang lugar na minsang naging paraiso nila ng kanyang lolo. Doon niya balak magsimulang muli—sa isang lugar na tahimik, malayo sa kasinungalingan, at higit sa lahat, sa lugar kung saan siya tunay na Vionne.

Pagdating niya sa resort, lumang-luma na ito. Halatang ilang taon nang napabayaan. Sira na ang ilang bahagi ng bubong, makapal ang mga damo sa paligid, at ang dating infinity pool ay isa nang lumot na imbakan ng ulan.

Bitbit ang susi, marahan siyang pumasok sa lumang bahay na bato na nasa gitna ng resort. Ngunit pagpasok niya sa loob ay biglang napahinto ang paghakbang niya nang may gumalaw.

“Sin—” hindi niya naituloy ang tanong nang biglang sumulpot mula sa sulok ng sala ang isang lalaki. Payat, may sugat sa kaliwang balikat, at halos mawalan ng malay. Nakasuot ito ng duguang hoodie at isang lumang denim jeans. Ngunit ang pinakanakapukaw ng atensyon ni Vionne ay ang baril na nakapatong sa lamesita sa tabi nito.

Mabilis siyang umatras at tinutok ang dalang pamalo na dating doorstop. “Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!”

Napasinghap ang lalaki, tila nais magsalita ngunit walang lumalabas sa bibig. Hawak nito ang sugatang balikat, at nakaluhod na ngayon sa sahig, umuungol sa sakit. Ang mukha nito ay payapa ngunit maputla, para bang ilang araw nang hindi nakakakain. Kahit natataranta, hindi naiwasan ni Vionne ang makaramdam ng awa. Hindi ito mukhang magnanakaw—mas mukhang patay-gutom na napadpad sa maling panahon.

Sumugod siya palapit habang hawak pa rin ang pamalo. “Okay ka lang? Huwag kang gagalaw!”

Hindi ito sumagot. Imbes ay tuluyan nang nawalan ng malay sa harapan niya.

Makalipas ang ilang oras, nagising si Vionne sa isang malamig na simoy ng hangin mula sa baybayin. Katabi niya ngayon sa lumang sofa ang lalaki, nilinisan na ang sugat, at tinanggalan ng duguang damit. Gumamit siya ng lumang first aid kit mula sa storage room ng resort. Marahil ay hindi tama ang desisyong tulungan ang isang estranghero, pero sa oras na iyon, alam ni Vionne kung paano ang pakiramdam ng pinapalayas, ng inaakalang wala ka nang silbi. At kung siya nga ay walang-wala, marahil ito rin.

Nagmulat ng mata ang lalaki. Saglit itong naguluhan, pero nang mapagtanto kung nasaan siya, agad siyang naupo nang marahan.

“Don’t worry,” ani Vionne, malamig pa rin ang tono. “Hindi ako tumawag ng pulis. Yet.”

Napakunot-noo ang lalaki. “Nasaan ako?”

“Monteverde Beach Estate. Sa Zambales. And you’re squatting in private property.”

Hindi kaagad sumagot ang lalaki. Imbes ay napahawak ito sa kanyang balikat, bahagyang suminghap, bago muling tumingin kay Vionne.

"Who the hell are you?" tanong ni Vionne.

“Levi,” mahinang sambit nito. “Levi Angeles.”

“Vionne,” aniya. “At kung wala kang paliwanag kung anong ginagawa mo sa property ko, don’t think I won’t throw you out.”

Humugot ng malalim na hininga si Levi bago muling nagsalita. “Tumatakas ako.”

“Sa batas?”

“Sa kasal.”

Napataas ang kilay ni Vionne. “Interesting choice.”

Nabigla siya sa susunod na sinabi ni Levi.

“I was set to marry someone from a political family to merge our companies. I refused. Tinangka kong umalis pero may tumugis sa akin. Kaya ako may tama. Hindi nila ako pinayagang basta na lang makatakas.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 48

    Maagang gumising si Levi. Habang nakahiga pa sa kama ay nakatingin siya sa kisame, iniisip kung paano niya mapapasaya si Vionne sa simpleng paraan ngayong umaga. Matapos ang ilang sandali, bumangon siya at dumiretso sa kusina. Tahimik niyang inayos ang mga sangkap, siniguradong maayos ang lahat bago simulan ang pagluluto.Ilang minuto pa lang siyang nagluluto nang tumunog ang doorbell. Agad siyang lumapit at kinuha ang bouquet na ipinadala niya mismo kanina pa para sigurado siyang maaabot iyon kay Vionne. Maingat niyang inilagay ang bulaklak sa tabi ng kama ng dalaga, nakangiti habang iniisip kung paano ito matutuwa kapag nagising.Pagbalik niya sa kusina, tinapos niya ang niluluto. Inayos niya iyon sa isang food tray, may kasamang juice at maliit na card na may simpleng sulat: “Good morning, my love.”Habang inaayos ang tray, bigla niyang napansin na nagri-ring ang cellphone niya. Ang pangalan ng ama niyang si Daddy Robero ang nakasulat.“Hello, Dad?” mabilis niyang sagot.“Levi…” ga

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 47

    “Aalis ka ba o hahatakin pa kita palabas ng condo ko?” malamig na tanong ni Vionne habang nakapamewang. Napaubo si Levi, bahagyang tumalikod para itago ang sipon. “Grabe ka naman. Kita mo na ngang masama pakiramdam ko. Gusto mo bang himatayin ako sa labas habang bumabagyo?” Bago pa makasagot si Vionne, sumabat si Michelle mula sa hapag. “Vionne, baka may sakit fiancé mo. Bukas mo na lang siya pauwiin.” Agad na napalingon si Vionne, halos tumalon ang tono ng boses. “Michelle, huwag mong tawaging fiancé ‘yan. Hindi. Wala kaming relasyon. Palabas lang lahat.” Namilog ang mga mata ni Michelle sabay takip ng bunganga. “Wait, what? Hindi kayo engaged? All this time akala ko… Totoo ‘yon?” Napabuntong-hininga si Levi, napakamot ng batok. “Ayan na nga ba. Alam kong magugulat ka.” “Pero… I saw the announcement, the ring, the pictures. Dumalo pa nga ako…” gulat na sabi ni Michelle. Humigop muna ng tubig si Vionne bago nagsalita. “Palabas lang lahat ‘yon. Para hindi siya pilitin ng mga magu

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 46

    Pagkapasok ni Vionne sa condo ay halos malaglag ang laptop bag niya sa sahig sa sobrang bigat ng emosyon. Umupo siya sa sofa, saka agad na kinuha ang cellphone para tawagan ang kanyang private lawyer, si Atty. Sevilla.“Hello, Atty. Sevilla? This is Vionne Monteverde,” mahina ngunit mariin ang kanyang tinig. “Any updates tungkol sa kaso laban kay Rhaedon?”Narinig niya ang paputol-putol na boses sa kabilang linya, ngunit malinaw ang bawat salita.“Miss Monteverde, good evening. Napag-aralan na namin ang lahat ng papeles na sinumite ninyo. Malakas ang laban natin, pero… gaya ng lagi kong sinasabi, kailangan pa rin nating kumpletuhin ang solid evidence. May mga dokumentong hawak pa ang Monteverde Group na kailangang makuha natin.”Mabilis na tumayo si Vionne, hawak-hawak ang isang papel na kanina pa niya pinipiga mula sa sobrang kaba. “So… may chance na makuha ko ang hustisya? Na maipakita kong lahat ng ginawa niya sa akin ay pawang kasinungalingan?”“Malaki ang posibilidad, Vionne. Per

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 45

    Napamulagat si Michelle matapos maputol ang mahimbing niyang tulog. Narinig niya ang sunod-sunod na pag-ring ng cellphone niya sa ibabaw ng bedside table. Nang makita ang pangalan sa screen, agad siyang kinabahan. “Kuya Marco…” mahina niyang usal, nanginginig ang kamay habang tinatanggap ang katotohanang hinahanap na siya ng kapatid. Walang pagdadalawang-isip, pinindot niya agad ang decline button. Nanginginig pa rin ang kaniyang mga daliri matapos iyon, at agad niyang ni-lock muli ang screen. Bumukas ang pintuan ng guest room. Tumambad kay Michelle si Vionne, may hawak na basong tubig. “Okay ka lang ba, Michelle?” tanong ni Vionne habang lumapit. Kita sa mukha niya ang pag-aalala. Tumango lang si Michelle, pero hindi nakaligtas kay Vionne ang bahagyang panginginig ng dalaga. “Tumawag si Kuya Marco…” bulong ni Michelle, halos hindi naririnig. “Sinagot mo ba ‘yung tawag?” tanong ni Vionne, umupo sa gilid ng kama. Mabilis na umiling si Michelle. “Hindi. Pinatay ko agad. Natakot a

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 44

    Hindi umalis si Vionne. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng hagdan habang pinagmamasdan ang dalagang nanginginig sa takot. Si Michelle ay nakayuko, pilit tinatakpan ang mga luha, habang sinisiksik ang sarili sa sulok, tila ba gusto nitong maging invisible.Narinig nilang bumukas ang pinto sa exit at ilang sandali pa'y sumara ito nang malakas. Tanda na tuluyan nang umalis si Marco, ang nakatatandang kapatid ni Michelle.Lumapit si Vionne, mabagal ang mga hakbang at mahinahon ang tono.“May problema ba?” tanong niya habang nakaluhod sa harap ng dalaga.Hindi agad sumagot si Michelle. Pilit niyang pinupunasan ang kaniyang mukha gamit ang manggas ng damit, pero halatang hindi niya kayang itago ang pamumula ng mga mata niya.“Umalis na ba si Kuya Marco?” tanong ni Michelle, halos pabulong. Dahan-dahan siyang sumilip mula sa hagdan, parang tinitiyak na wala na ang panganib.“Kuya Marco? Kapatid mo iyon?” tanong ni Vionne, hindi maitago ang gulat. Hindi niya inaasahang ganoon katindi ang ug

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 43

    Nagkaroon ng emergency meeting sa conference room ng Interior Design and Architecture Division matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang high-profile client. Galit ang kliyente. Matagal na raw nilang pinagkatiwalaan ang kompanya pero hindi raw nila inaasahan na makakatrabaho nila ang isang intern na bastos, walang respeto, at kulang sa professionalism. Tahimik lang si Vionne habang pinapakinggan ang detalyeng ibinabahagi ni Patricia, ang team lead na siyang humawak sa account. Nang banggitin na ang pangalan ng intern, hindi agad makapaniwala si Vionne. "Si Michelle Mendoza?" tanong niya na para bang gusto niyang ulitin ang narinig. Tumango si Patricia, bakas sa mukha ang pagod at pagkabigo. “Yes, Ma’am. Siya po ‘yung naka-assign last week sa site visit. May mga nasabi raw siyang hindi maganda sa assistant ng client. Hindi raw siya marunong makipag-coordinate, tapos puro reklamo pa. Nawalan ng tiwala ang client, kaya tuluyan nang nag-back out.” Napabuntong-hininga si Vionne. “Say

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status