Nagising si Levi sa mahinang hampas ng malamig na hangin mula sa bukas na bintana. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, at sa pagbaling ng ulo, napansin niyang may isang braso na nakayakap sa kanya. Maingat niyang inangat ang ulo para tingnan kung sino iyon.
Si Vionne. Hindi agad gumalaw si Levi. Tinitigan niya ang babae. Ilang saglit pa at gumalaw si Vionne. Napakunot ang noo nito, dahan-dahang iminulat ang mga mata, at tila natigilan nang mapansing nakatitig si Levi sa kanya. Nang maramdaman niyang yakap niya ito, mabilis siyang umatras at tumayo mula sa kama. “Shit—sorry,” bungad ni Vionne habang inayos ang sarili. “Hindi ko sinasadya ‘yon. Nagising ako kagabi dahil sumisigaw ka sa panaginip mo. Hindi ka magising, kaya tinabihan na lang kita. Gusto lang kitang pakalmahin.” Tahimik lang si Levi. Nakaupo siya sa kama, nakatingin pa rin kay Vionne. “Wala akong ibig sabihin doon,” dagdag pa ng babae. “Wala akong ibang intensyon. Kung naiilang ka, sorry.” Bahagyang tumango si Levi. “Hindi ako naiilang.” Nagtagpo ang mga mata nila, pero agad na tumalikod si Vionne at pumunta sa lamesa kung saan naroon ang bote ng tubig. Uminom siya ng kaunti bago muling nagsalita. “Gising ka na pala. Kumusta ang balikat mo?” “Medyo mahapdi pa rin, pero mas okay kaysa kagabi.” Hinawakan ni Levi ang balikat niya. “Salamat sa paglinis ng sugat ko.” Tumango lang si Vionne. “Salamat din... sa pagtabi kagabi,” dagdag ni Levi. Hindi agad sumagot si Vionne. Inayos lang niya ang kumot sa sofa. Maya-maya, humarap siya kay Levi. “Alam ko na kung sino ka,” diretsong sabi niya. “Binasa ko sa internet kagabi. Nakita ko ‘yung mga balita. Ikaw ‘yung Angeles na tumakas sa kasal.” Tumango si Levi. “Oo.” Napakamot ng batok si Vionne dahil naubosan siya ng sasabihin. “Bakit ka napadpad rito?” tanong ni Levi. Napatigil si Vionne. Hindi niya agad nasagot ang tanong. Humugot siya ng hininga bago nagsalita. “Wala na akong ibang mapuntahan. Wala na akong bahay. Wala na akong kompanya. Wala na akong pangalan.” Muling tumahimik ang paligid. Ang tanging maririnig ay ang huni ng mga ibon sa labas. “Tinanggal nila ako bilang CEO ng Monteverde Group kahapon. Ang dahilan? Mental instability. Nakasulat pa sa report. Buong board, kasama ang ex-husband ko. Lahat sila pumirma. Pinaniwala ang publiko na wala akong kakayahang mamuno.” Hindi nagtanong pa si Levi. Nakinig lang siya. “Iniwan ko lahat. Penthouse. Business files. Even my name. Ang natira lang ay ‘tong resort. Minana ko pa ‘to sa lolo ko. Walang ibang nakakaalam na andito ako.” Nagkatitigan silang muli. “Anong balak mo?” tanong ni Levi. “Hindi ko pa alam. Pero hindi ako babalik sa Maynila para magmakaawa. Hindi ako lalapit sa kanila para manumbalik ang pangalan ko. Kung babalik man ako, sila ang luluhod.” Tinitigan siya ni Levi, mabigat pero hindi mapanghusga. “Sana mapanindigan mo ‘yan.” “Mapapanindigan ko.” “Kung gusto mo, habang nandito ako, ayusin natin ‘tong resort. Sayang. Malaki pa potential nito.” Napataas ang kilay ni Vionne. “Seryoso ka?” “Architect ako, ‘di ba? Kaysa tumambay lang ako dito’t hintayin akong mahuli, baka mas may silbi kung tutulong ako sa’yo.” Hindi agad nakasagot si Vionne. Pero sa loob-loob niya, may isang parte ng pagkatao niyang biglang umaliwalas. “Bahala ka,” sagot niya. “Pero ‘pag naging pabigat ka, palalayasin kita.” Ngumiti si Levi. “Sige. Ayokong makabawas sa lakas mo.” *** Mag-aalas-diyes ng umaga nang mapansin ni Vionne na kumakalam ang kaniyang sikmura dahil sa gutom. Magdamag na silang hindi kumain ni Levi. Lahat ng nasa kusina ay expired, panis, o ubod ng alikabok. Napabuntong-hininga siya, tumayo, at sinubukang i-check ang kanyang bank accounts gamit ang laptop. Bukas pa naman ang signal pero nang pumasok siya sa online banking, agad siyang napatayo. Account Status: BLOCKED Contact your financial manager for more information. Sinubukan pa niyang lumipat ng ibang account, pero isa-isang lumitaw ang parehong babala. Wala siyang access. Napamura siya. “Putang—” Napalingon si Levi mula sa labas. Nakaupo ito sa isang bangkito habang nagpuputol ng mga sirang kahoy. “Ayos ka lang diyan?” sigaw ng binata. “Hindi!” sagot niya. “Mukha ba akong okay?!” Pumasok ulit si Levi, may bitbit na martilyo sa likod. “Anong meron?” “Na-block lahat ng bank accounts ko. Pati personal. Pati savings. Pati ‘yung joint account na ako lang naman ang may ambag.” “Ex-husband mo?” “Sino pa ba, si Santa Claus?!” Naglalakad-lakad si Vionne sa sala na parang mababaliw. “Ginipit na nga ako sa kompanya, pati ba naman access sa sarili kong pera?!” Tahimik lang si Levi, pero halatang pinipigilan ang tawa. Pinagmasdan niya ang babae—magulo ang buhok, nakasuot ng oversized shirt na halatang hindi planadong outfit, at may hawak pang basahan. “Bakit ka natatawa?” nakataas ang kilay ni Vionne. “Wala. Ang cute mo palang magalit.” Napamulagat si Vionne. “Excuse me?!” Tumawa si Levi. “Seryoso. Akala ko matapang ka lang palagi. Hindi ko inaasahan na ganito ka kapag gutom.” “Shut up,” sabay hagis niya ng basahan sa binata. Pero kahit galit siya, hindi rin niya napigilang mapangiti. Pagkaraan ng ilang minuto, napilitan na rin si Vionne na ibaba ang pride niya. “Levi...” “Hmm?” “Pwede ba akong... makahiram ng konting pera? Pambili lang sana ng pagkain... at siguro konting materyales para sa bahay. Gusto ko sanang ayusin na ‘tong lugar, para hindi na tayo mukhang naninirahan sa horror movie.” Hindi agad sumagot si Levi. Parang nag-iisip ito, tapos biglang hinugot ang cellphone sa bulsa. Tumawag ito sa isang contact. “Kuya Mark? Oo, ako ‘to. Kailangan ko ng tulong. Mga supplies. Pagkain, basic grocery. Konting construction materials. Yung kaya munang ipasok sa pick-up. Oo. Sa Zambales. Text ko ‘yung location. Gamitin mo ‘yung corporate fund, papalitan ko na lang. Sige, salamat.” Pagkababa ng tawag, umupo si Levi sa lamesa. “Ayos na. May darating mamaya. Food, tools, wood, paint. Kumpleto.” Parang natahimik si Vionne. “Anong ibig mong sabihin... corporate fund?” “May sarili akong architecture firm,” sagot ni Levi habang ngumunguya ng bubble gum na kanina pa pala nasa bulsa niya. “Hindi lang ako pampered heir na tumatakbo sa altar. I actually work.” Makalipas ang tatlong oras, dumating ang tatlong sasakyan. Isang van na puno ng grocery at dalawang pick-up na may lamang kahoy, semento, yero, pintura, at iba’t ibang tools. Napanganga si Vionne. “Akala ko konting gamit lang?” tanong niya habang hawak ang listahan. “‘Yan na ‘yung definition ko ng ‘konti’,” sagot ni Levi sabay kindat. Napailing na lang si Vionne. “Mukhang hindi lang resort ang aayusin natin. Mukhang buhay ko na rin.” “Walang problema,” sagot ni Levi. “Architect ako, remember? Marunong akong mag-restore ng bahay, pag-ibig... at ng tiwala.”Maagang gumising si Levi. Habang nakahiga pa sa kama ay nakatingin siya sa kisame, iniisip kung paano niya mapapasaya si Vionne sa simpleng paraan ngayong umaga. Matapos ang ilang sandali, bumangon siya at dumiretso sa kusina. Tahimik niyang inayos ang mga sangkap, siniguradong maayos ang lahat bago simulan ang pagluluto.Ilang minuto pa lang siyang nagluluto nang tumunog ang doorbell. Agad siyang lumapit at kinuha ang bouquet na ipinadala niya mismo kanina pa para sigurado siyang maaabot iyon kay Vionne. Maingat niyang inilagay ang bulaklak sa tabi ng kama ng dalaga, nakangiti habang iniisip kung paano ito matutuwa kapag nagising.Pagbalik niya sa kusina, tinapos niya ang niluluto. Inayos niya iyon sa isang food tray, may kasamang juice at maliit na card na may simpleng sulat: “Good morning, my love.”Habang inaayos ang tray, bigla niyang napansin na nagri-ring ang cellphone niya. Ang pangalan ng ama niyang si Daddy Robero ang nakasulat.“Hello, Dad?” mabilis niyang sagot.“Levi…” ga
“Aalis ka ba o hahatakin pa kita palabas ng condo ko?” malamig na tanong ni Vionne habang nakapamewang. Napaubo si Levi, bahagyang tumalikod para itago ang sipon. “Grabe ka naman. Kita mo na ngang masama pakiramdam ko. Gusto mo bang himatayin ako sa labas habang bumabagyo?” Bago pa makasagot si Vionne, sumabat si Michelle mula sa hapag. “Vionne, baka may sakit fiancé mo. Bukas mo na lang siya pauwiin.” Agad na napalingon si Vionne, halos tumalon ang tono ng boses. “Michelle, huwag mong tawaging fiancé ‘yan. Hindi. Wala kaming relasyon. Palabas lang lahat.” Namilog ang mga mata ni Michelle sabay takip ng bunganga. “Wait, what? Hindi kayo engaged? All this time akala ko… Totoo ‘yon?” Napabuntong-hininga si Levi, napakamot ng batok. “Ayan na nga ba. Alam kong magugulat ka.” “Pero… I saw the announcement, the ring, the pictures. Dumalo pa nga ako…” gulat na sabi ni Michelle. Humigop muna ng tubig si Vionne bago nagsalita. “Palabas lang lahat ‘yon. Para hindi siya pilitin ng mga magu
Pagkapasok ni Vionne sa condo ay halos malaglag ang laptop bag niya sa sahig sa sobrang bigat ng emosyon. Umupo siya sa sofa, saka agad na kinuha ang cellphone para tawagan ang kanyang private lawyer, si Atty. Sevilla.“Hello, Atty. Sevilla? This is Vionne Monteverde,” mahina ngunit mariin ang kanyang tinig. “Any updates tungkol sa kaso laban kay Rhaedon?”Narinig niya ang paputol-putol na boses sa kabilang linya, ngunit malinaw ang bawat salita.“Miss Monteverde, good evening. Napag-aralan na namin ang lahat ng papeles na sinumite ninyo. Malakas ang laban natin, pero… gaya ng lagi kong sinasabi, kailangan pa rin nating kumpletuhin ang solid evidence. May mga dokumentong hawak pa ang Monteverde Group na kailangang makuha natin.”Mabilis na tumayo si Vionne, hawak-hawak ang isang papel na kanina pa niya pinipiga mula sa sobrang kaba. “So… may chance na makuha ko ang hustisya? Na maipakita kong lahat ng ginawa niya sa akin ay pawang kasinungalingan?”“Malaki ang posibilidad, Vionne. Per
Napamulagat si Michelle matapos maputol ang mahimbing niyang tulog. Narinig niya ang sunod-sunod na pag-ring ng cellphone niya sa ibabaw ng bedside table. Nang makita ang pangalan sa screen, agad siyang kinabahan. “Kuya Marco…” mahina niyang usal, nanginginig ang kamay habang tinatanggap ang katotohanang hinahanap na siya ng kapatid. Walang pagdadalawang-isip, pinindot niya agad ang decline button. Nanginginig pa rin ang kaniyang mga daliri matapos iyon, at agad niyang ni-lock muli ang screen. Bumukas ang pintuan ng guest room. Tumambad kay Michelle si Vionne, may hawak na basong tubig. “Okay ka lang ba, Michelle?” tanong ni Vionne habang lumapit. Kita sa mukha niya ang pag-aalala. Tumango lang si Michelle, pero hindi nakaligtas kay Vionne ang bahagyang panginginig ng dalaga. “Tumawag si Kuya Marco…” bulong ni Michelle, halos hindi naririnig. “Sinagot mo ba ‘yung tawag?” tanong ni Vionne, umupo sa gilid ng kama. Mabilis na umiling si Michelle. “Hindi. Pinatay ko agad. Natakot a
Hindi umalis si Vionne. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng hagdan habang pinagmamasdan ang dalagang nanginginig sa takot. Si Michelle ay nakayuko, pilit tinatakpan ang mga luha, habang sinisiksik ang sarili sa sulok, tila ba gusto nitong maging invisible.Narinig nilang bumukas ang pinto sa exit at ilang sandali pa'y sumara ito nang malakas. Tanda na tuluyan nang umalis si Marco, ang nakatatandang kapatid ni Michelle.Lumapit si Vionne, mabagal ang mga hakbang at mahinahon ang tono.“May problema ba?” tanong niya habang nakaluhod sa harap ng dalaga.Hindi agad sumagot si Michelle. Pilit niyang pinupunasan ang kaniyang mukha gamit ang manggas ng damit, pero halatang hindi niya kayang itago ang pamumula ng mga mata niya.“Umalis na ba si Kuya Marco?” tanong ni Michelle, halos pabulong. Dahan-dahan siyang sumilip mula sa hagdan, parang tinitiyak na wala na ang panganib.“Kuya Marco? Kapatid mo iyon?” tanong ni Vionne, hindi maitago ang gulat. Hindi niya inaasahang ganoon katindi ang ug
Nagkaroon ng emergency meeting sa conference room ng Interior Design and Architecture Division matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang high-profile client. Galit ang kliyente. Matagal na raw nilang pinagkatiwalaan ang kompanya pero hindi raw nila inaasahan na makakatrabaho nila ang isang intern na bastos, walang respeto, at kulang sa professionalism. Tahimik lang si Vionne habang pinapakinggan ang detalyeng ibinabahagi ni Patricia, ang team lead na siyang humawak sa account. Nang banggitin na ang pangalan ng intern, hindi agad makapaniwala si Vionne. "Si Michelle Mendoza?" tanong niya na para bang gusto niyang ulitin ang narinig. Tumango si Patricia, bakas sa mukha ang pagod at pagkabigo. “Yes, Ma’am. Siya po ‘yung naka-assign last week sa site visit. May mga nasabi raw siyang hindi maganda sa assistant ng client. Hindi raw siya marunong makipag-coordinate, tapos puro reklamo pa. Nawalan ng tiwala ang client, kaya tuluyan nang nag-back out.” Napabuntong-hininga si Vionne. “Say