Maagang gumising si Levi. Habang nakahiga pa sa kama ay nakatingin siya sa kisame, iniisip kung paano niya mapapasaya si Vionne sa simpleng paraan ngayong umaga. Matapos ang ilang sandali, bumangon siya at dumiretso sa kusina. Tahimik niyang inayos ang mga sangkap, siniguradong maayos ang lahat bago simulan ang pagluluto.Ilang minuto pa lang siyang nagluluto nang tumunog ang doorbell. Agad siyang lumapit at kinuha ang bouquet na ipinadala niya mismo kanina pa para sigurado siyang maaabot iyon kay Vionne. Maingat niyang inilagay ang bulaklak sa tabi ng kama ng dalaga, nakangiti habang iniisip kung paano ito matutuwa kapag nagising.Pagbalik niya sa kusina, tinapos niya ang niluluto. Inayos niya iyon sa isang food tray, may kasamang juice at maliit na card na may simpleng sulat: “Good morning, my love.”Habang inaayos ang tray, bigla niyang napansin na nagri-ring ang cellphone niya. Ang pangalan ng ama niyang si Daddy Robero ang nakasulat.“Hello, Dad?” mabilis niyang sagot.“Levi…” ga
“Aalis ka ba o hahatakin pa kita palabas ng condo ko?” malamig na tanong ni Vionne habang nakapamewang. Napaubo si Levi, bahagyang tumalikod para itago ang sipon. “Grabe ka naman. Kita mo na ngang masama pakiramdam ko. Gusto mo bang himatayin ako sa labas habang bumabagyo?” Bago pa makasagot si Vionne, sumabat si Michelle mula sa hapag. “Vionne, baka may sakit fiancé mo. Bukas mo na lang siya pauwiin.” Agad na napalingon si Vionne, halos tumalon ang tono ng boses. “Michelle, huwag mong tawaging fiancé ‘yan. Hindi. Wala kaming relasyon. Palabas lang lahat.” Namilog ang mga mata ni Michelle sabay takip ng bunganga. “Wait, what? Hindi kayo engaged? All this time akala ko… Totoo ‘yon?” Napabuntong-hininga si Levi, napakamot ng batok. “Ayan na nga ba. Alam kong magugulat ka.” “Pero… I saw the announcement, the ring, the pictures. Dumalo pa nga ako…” gulat na sabi ni Michelle. Humigop muna ng tubig si Vionne bago nagsalita. “Palabas lang lahat ‘yon. Para hindi siya pilitin ng mga magu
Pagkapasok ni Vionne sa condo ay halos malaglag ang laptop bag niya sa sahig sa sobrang bigat ng emosyon. Umupo siya sa sofa, saka agad na kinuha ang cellphone para tawagan ang kanyang private lawyer, si Atty. Sevilla.“Hello, Atty. Sevilla? This is Vionne Monteverde,” mahina ngunit mariin ang kanyang tinig. “Any updates tungkol sa kaso laban kay Rhaedon?”Narinig niya ang paputol-putol na boses sa kabilang linya, ngunit malinaw ang bawat salita.“Miss Monteverde, good evening. Napag-aralan na namin ang lahat ng papeles na sinumite ninyo. Malakas ang laban natin, pero… gaya ng lagi kong sinasabi, kailangan pa rin nating kumpletuhin ang solid evidence. May mga dokumentong hawak pa ang Monteverde Group na kailangang makuha natin.”Mabilis na tumayo si Vionne, hawak-hawak ang isang papel na kanina pa niya pinipiga mula sa sobrang kaba. “So… may chance na makuha ko ang hustisya? Na maipakita kong lahat ng ginawa niya sa akin ay pawang kasinungalingan?”“Malaki ang posibilidad, Vionne. Per
Napamulagat si Michelle matapos maputol ang mahimbing niyang tulog. Narinig niya ang sunod-sunod na pag-ring ng cellphone niya sa ibabaw ng bedside table. Nang makita ang pangalan sa screen, agad siyang kinabahan. “Kuya Marco…” mahina niyang usal, nanginginig ang kamay habang tinatanggap ang katotohanang hinahanap na siya ng kapatid. Walang pagdadalawang-isip, pinindot niya agad ang decline button. Nanginginig pa rin ang kaniyang mga daliri matapos iyon, at agad niyang ni-lock muli ang screen. Bumukas ang pintuan ng guest room. Tumambad kay Michelle si Vionne, may hawak na basong tubig. “Okay ka lang ba, Michelle?” tanong ni Vionne habang lumapit. Kita sa mukha niya ang pag-aalala. Tumango lang si Michelle, pero hindi nakaligtas kay Vionne ang bahagyang panginginig ng dalaga. “Tumawag si Kuya Marco…” bulong ni Michelle, halos hindi naririnig. “Sinagot mo ba ‘yung tawag?” tanong ni Vionne, umupo sa gilid ng kama. Mabilis na umiling si Michelle. “Hindi. Pinatay ko agad. Natakot a
Hindi umalis si Vionne. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng hagdan habang pinagmamasdan ang dalagang nanginginig sa takot. Si Michelle ay nakayuko, pilit tinatakpan ang mga luha, habang sinisiksik ang sarili sa sulok, tila ba gusto nitong maging invisible.Narinig nilang bumukas ang pinto sa exit at ilang sandali pa'y sumara ito nang malakas. Tanda na tuluyan nang umalis si Marco, ang nakatatandang kapatid ni Michelle.Lumapit si Vionne, mabagal ang mga hakbang at mahinahon ang tono.“May problema ba?” tanong niya habang nakaluhod sa harap ng dalaga.Hindi agad sumagot si Michelle. Pilit niyang pinupunasan ang kaniyang mukha gamit ang manggas ng damit, pero halatang hindi niya kayang itago ang pamumula ng mga mata niya.“Umalis na ba si Kuya Marco?” tanong ni Michelle, halos pabulong. Dahan-dahan siyang sumilip mula sa hagdan, parang tinitiyak na wala na ang panganib.“Kuya Marco? Kapatid mo iyon?” tanong ni Vionne, hindi maitago ang gulat. Hindi niya inaasahang ganoon katindi ang ug
Nagkaroon ng emergency meeting sa conference room ng Interior Design and Architecture Division matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang high-profile client. Galit ang kliyente. Matagal na raw nilang pinagkatiwalaan ang kompanya pero hindi raw nila inaasahan na makakatrabaho nila ang isang intern na bastos, walang respeto, at kulang sa professionalism. Tahimik lang si Vionne habang pinapakinggan ang detalyeng ibinabahagi ni Patricia, ang team lead na siyang humawak sa account. Nang banggitin na ang pangalan ng intern, hindi agad makapaniwala si Vionne. "Si Michelle Mendoza?" tanong niya na para bang gusto niyang ulitin ang narinig. Tumango si Patricia, bakas sa mukha ang pagod at pagkabigo. “Yes, Ma’am. Siya po ‘yung naka-assign last week sa site visit. May mga nasabi raw siyang hindi maganda sa assistant ng client. Hindi raw siya marunong makipag-coordinate, tapos puro reklamo pa. Nawalan ng tiwala ang client, kaya tuluyan nang nag-back out.” Napabuntong-hininga si Vionne. “Say