Matapos ang ilang araw ng walang sawang pagpukpok, pagpintura, at pagtitiyaga, sa wakas ay nagmukhang maayos-ayos na ang bahay.
Habang abala si Vionne sa pag-aayos ng mga lumang libro sa sala, si Levi ay nasa likod bahay, may kausap sa telepono. “Kuya Mark, check mo nga ‘yung lahat ng public and private records ng Monteverde Group. Lalo na kung paano tinanggal si Vionne. I need to know kung legit ‘yung mental health claim nila o gawa-gawa lang. Also, hanap ka ng copy ng annulment file. And... paki-scan na rin background ni Rhaedon Thorne at ‘yung babaeng si Trixie. Oo. Hindi, hindi ako nagpapagamit. Basta.” Pagkababa ng tawag, saglit siyang napatingin sa langit. Wala man lang pasabi si Vionne sa lawak ng nangyari sa kanya. Pero ngayong alam na niya ang ginawang pagpapahiya, kasinungalingan, ang mismong pagkakait sa sariling kayamanan—hindi na siya makapanood na parang walang pakialam. Noong gabing iyon, habang sabay nilang inaayos ang firepit sa harap ng bahay, dinala na ni Levi ang usapan sa diretsong punto. “Pwede ba kitang makausap?” “Depende. Kung may kinalaman sa renovation, ayoko muna ng martilyo.” “Hindi. Hindi ito tungkol sa pader.” Napatigil si Levi. “Ito ay tungkol sa kung paano mo mababawi ang Monteverde Group.” Napalingon si Vionne. “Anong ibig mong sabihin?” “I want to help you.” Hindi sumagot si Vionne. Tinitigan lang niya ang mukha ni Levi, naghihintay kung seryoso ito o parte lang ng panibagong drama sa buhay niya. “I have a plan,” patuloy ni Levi. “Pero kailangan mo akong samahan pabalik ng Maynila. And... kailangan mo ring pumayag sa isang kondisyon.” Napaangat ang kilay ni Vionne. “At ano na naman ‘yang kondisyon mo? Don’t tell me—gagawin mo akong assistant mo?” Umupo si Levi sa harap niya. “Magpapanggap tayong engaged.” “Excuse me?!” napasigaw si Vionne. "Kapipirma ko lang ng annulment papers. Wala pa ngang isang buwan kaming hiwalay ng asawa ko!" “Fiancé. Kunwari. Para may dahilan akong isama ka sa lahat ng events. Gala, corporate meetings, press. Ipakilala kita bilang future wife ng may-ari ng Angeles Architecture Group." “Hindi ba masyado tayong mabilis? Hindi mo pa nga ako kilala ng lubusan, gusto mo na akong gawing fake fiancée?” “Ikaw rin naman, sumabay sa akin dito nang hindi mo pa alam kung serial killer ba ako o hindi.” Vionne rolled her eyes. “Look, alam kong impulsive ‘to. Pero kung tutuusin, wala ka namang ibang mapupuntahan. Gusto mong maghintay dito hanggang may dumating na milagro? Gusto mong hayaan ang kabit maging CEO ng kompanyang itinayo ng pamilya mo?” Napatingin si Vionne sa bituin sa langit. Hindi siya komportableng tumanggap ng tulong. Lalo na kung may kasamang kondisyon. Pero si Levi, kahit mayabang at sarcastic, ay hindi pa siya binigo. Hindi siya ginawang kawawa. Hindi siya tinrato na parang pabigat. “Okay,” mahinang sagot ni Vionne. “Pero isang tanong lang. Anong mapapala mo sa plano mong ‘to?” “Simple,” sagot ni Levi. “Gusto ko ring patunayan sa pamilya ko na kaya kong gumawa ng sarili kong desisyon.” “Fine,” sabay abot niya ng kamay. “Deal.” Ngumiti si Levi at tinanggap ang kamay ni Vionne. *** Ang mga camera ay nagkikislapan. Ang red carpet ay puno ng mga piling bisita, negosyante, influencer, at media personnel. Ang annual Founders' Night ng Angeles Group ay kilala sa industriya bilang isa sa pinakamalaking corporate events ng taon. Dumating ang isang itim na SUV. Nang bumukas ang pinto, lumantad si Vionne Monteverde, suot ang black velvet off-shoulder dress, may mataas na slit, at eleganteng ayos ng buhok. Kasunod niyang lumabas si Levi—nakasuot ng perfectly tailored gray suit. "Ready ka na?" tanong ni Levi habang inaayos ang pagkakahawak sa beywang ni Vionne. “Let’s crash this circus,” bulong ni Vionne. Habang dahan-dahan silang lumalakad sa carpet, halos magsabay ang paglingon ng mga bisita. Tila hindi makapaniwala ang lahat—lalo na’t ang akala ng marami, wala na si Vionne sa sirkulasyon. Sa kabilang bahagi ng ballroom, biglang nanlaki ang mga mata ni Trixie. Halos mabitawan niya ang hawak na wine glass. “Rhae…” bulong niya, sabay kalabit sa dating asawa ni Vionne. Napalingon si Rhaedon, at sa unang tingin pa lang, dumilim na ang mukha nito. “What the hell…” Tila mabagal ang pag-ikot ng oras nang magkita muli ang kanilang mga mata—si Vionne na may malamig na ngiti sa labi, at si Rhaedon na hindi makapaniwalang buhay pa ang pride nitong sinira. Naglakad si Vionne papalapit sa kanila. "Anong ginagawa mo rito?" agad na tanong ni Rhaedon, may halong inis at pagkalito. "Wala kang lugar sa event na 'to. Hindi ka imbitado, Vionne." "Talaga?" matipid ang ngiti ni Vionne. "Wala akong lugar dito, pero ‘yung kabit mong hindi marunong magsuot ng tamang heels, may access?" Napaatras si Trixie, pero hindi nagpadaig. "Akala namin... nasa mental hospital ka na. Hindi ba't 'yun ang sinabi ng board?" “Sorry to disappoint, Trixie,” sagot ni Vionne. “Pero hindi pa ako baliw. Hindi pa rin ako patay. At higit sa lahat, hindi ako desperate third party na kumapit sa asawa ng iba para sumikat.” Napamura si Trixie sa inis. “Ang kapal ng mukha mo! Wala ka na ngang karapatan sa Monteverde, nangingialam ka pa rito!” “Let me guess,” balik ni Vionne. “Ikaw na ngayon ang ginawang head of PR? Kaya pala ang image ng kompanya, unti-unti nang bumabaho. Kasing baho mo na, Trixie Velasco.” Pulang-pula ang mukha ni Trixie. Nagkakagulo na ang mga taong nakapaligid sa kanila. May mga reporters na sumisingit ng camera shot. Ilang executives din ang tahimik na nanonood sa tabi—kabilang na roon ang dating board members ni Vionne. "Ilang araw kang nawala tapos lalabas ka rito para lang mang-insulto?" sabat ni Rhaedon. “Alam ng lahat na may problema ka sa pag-iisip. You should’ve stayed in hiding. Mas nababagay ka sa loob ng ospital kaysa sa corporate ball.” Natahimik si Vionne. Bahagyang nanginig ang dibdib niya, pero agad niya itong pinigilan. “Alam mo kung sino talaga ang dapat ipasok sa ospital? ‘Yung lalaking hindi marunong magtiwala sa asawa at pinaniwalaan ang fabricated report. At ‘yung babaeng akala mo'y trophy wife pero wala namang naiambag kundi fake press release at overedited I*******m posts. Proud kabit ng asawa ko.” “Putangina mo!” sigaw ni Trixie sabay taas ng baso ng wine. Akmang isasaboy ni Trixie ang laman ng wine glass sa mukha ni Vionne—pero bago pa man niya ito magawa, isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Lahat ay napahinto. Nagulat si Trixie, napaatras sa lakas ng tama. Kasabay niyon, dumating si Levi. “Tama na ‘yan,” malamig ang boses ni Levi. “You don’t throw wine at my fiancée.” Bago pa makapagsalita si Vionne, hinawakan siya ni Levi sa baywang at dahan-dahang inilingkis ang braso. Sandaling tinitigan ang kanyang mga mata, saka malumanay, ngunit buong tapang na hinalikan siya sa labi. Nanigas si Vionne. Para siyang nawalan ng hangin. Nang matapos ang halik, ngumiti si Levi at hinarap si Rhaedon. “By the way,” sabi niya, “this beautiful woman you tried to ruin? She’s my fiancée now. So I’d be careful next time you open your mouth about her.” Hindi nakapagsalita si Rhaedon. “Wala kang karapatang bastusin ako sa harap ng mga tao!” sigaw ni Trixie. “You don’t belong here, Vionne! You’re a disgrace! You are crazy!” Itinaas niya ang kamay na may hawak na wine, tila muling susugurin si Vionne, pero bago pa man siya makalapit, mabilis na gumalaw si Levi. Hinila niya si Vionne papalayo at sabay nilagpasan si Trixie—na sa pagkawalang balanse dahil sa takong at galit, sumalpok ang mukha diretso sa centerpiece ng mesa.Maagang gumising si Levi. Habang nakahiga pa sa kama ay nakatingin siya sa kisame, iniisip kung paano niya mapapasaya si Vionne sa simpleng paraan ngayong umaga. Matapos ang ilang sandali, bumangon siya at dumiretso sa kusina. Tahimik niyang inayos ang mga sangkap, siniguradong maayos ang lahat bago simulan ang pagluluto.Ilang minuto pa lang siyang nagluluto nang tumunog ang doorbell. Agad siyang lumapit at kinuha ang bouquet na ipinadala niya mismo kanina pa para sigurado siyang maaabot iyon kay Vionne. Maingat niyang inilagay ang bulaklak sa tabi ng kama ng dalaga, nakangiti habang iniisip kung paano ito matutuwa kapag nagising.Pagbalik niya sa kusina, tinapos niya ang niluluto. Inayos niya iyon sa isang food tray, may kasamang juice at maliit na card na may simpleng sulat: “Good morning, my love.”Habang inaayos ang tray, bigla niyang napansin na nagri-ring ang cellphone niya. Ang pangalan ng ama niyang si Daddy Robero ang nakasulat.“Hello, Dad?” mabilis niyang sagot.“Levi…” ga
“Aalis ka ba o hahatakin pa kita palabas ng condo ko?” malamig na tanong ni Vionne habang nakapamewang. Napaubo si Levi, bahagyang tumalikod para itago ang sipon. “Grabe ka naman. Kita mo na ngang masama pakiramdam ko. Gusto mo bang himatayin ako sa labas habang bumabagyo?” Bago pa makasagot si Vionne, sumabat si Michelle mula sa hapag. “Vionne, baka may sakit fiancé mo. Bukas mo na lang siya pauwiin.” Agad na napalingon si Vionne, halos tumalon ang tono ng boses. “Michelle, huwag mong tawaging fiancé ‘yan. Hindi. Wala kaming relasyon. Palabas lang lahat.” Namilog ang mga mata ni Michelle sabay takip ng bunganga. “Wait, what? Hindi kayo engaged? All this time akala ko… Totoo ‘yon?” Napabuntong-hininga si Levi, napakamot ng batok. “Ayan na nga ba. Alam kong magugulat ka.” “Pero… I saw the announcement, the ring, the pictures. Dumalo pa nga ako…” gulat na sabi ni Michelle. Humigop muna ng tubig si Vionne bago nagsalita. “Palabas lang lahat ‘yon. Para hindi siya pilitin ng mga magu
Pagkapasok ni Vionne sa condo ay halos malaglag ang laptop bag niya sa sahig sa sobrang bigat ng emosyon. Umupo siya sa sofa, saka agad na kinuha ang cellphone para tawagan ang kanyang private lawyer, si Atty. Sevilla.“Hello, Atty. Sevilla? This is Vionne Monteverde,” mahina ngunit mariin ang kanyang tinig. “Any updates tungkol sa kaso laban kay Rhaedon?”Narinig niya ang paputol-putol na boses sa kabilang linya, ngunit malinaw ang bawat salita.“Miss Monteverde, good evening. Napag-aralan na namin ang lahat ng papeles na sinumite ninyo. Malakas ang laban natin, pero… gaya ng lagi kong sinasabi, kailangan pa rin nating kumpletuhin ang solid evidence. May mga dokumentong hawak pa ang Monteverde Group na kailangang makuha natin.”Mabilis na tumayo si Vionne, hawak-hawak ang isang papel na kanina pa niya pinipiga mula sa sobrang kaba. “So… may chance na makuha ko ang hustisya? Na maipakita kong lahat ng ginawa niya sa akin ay pawang kasinungalingan?”“Malaki ang posibilidad, Vionne. Per
Napamulagat si Michelle matapos maputol ang mahimbing niyang tulog. Narinig niya ang sunod-sunod na pag-ring ng cellphone niya sa ibabaw ng bedside table. Nang makita ang pangalan sa screen, agad siyang kinabahan. “Kuya Marco…” mahina niyang usal, nanginginig ang kamay habang tinatanggap ang katotohanang hinahanap na siya ng kapatid. Walang pagdadalawang-isip, pinindot niya agad ang decline button. Nanginginig pa rin ang kaniyang mga daliri matapos iyon, at agad niyang ni-lock muli ang screen. Bumukas ang pintuan ng guest room. Tumambad kay Michelle si Vionne, may hawak na basong tubig. “Okay ka lang ba, Michelle?” tanong ni Vionne habang lumapit. Kita sa mukha niya ang pag-aalala. Tumango lang si Michelle, pero hindi nakaligtas kay Vionne ang bahagyang panginginig ng dalaga. “Tumawag si Kuya Marco…” bulong ni Michelle, halos hindi naririnig. “Sinagot mo ba ‘yung tawag?” tanong ni Vionne, umupo sa gilid ng kama. Mabilis na umiling si Michelle. “Hindi. Pinatay ko agad. Natakot a
Hindi umalis si Vionne. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng hagdan habang pinagmamasdan ang dalagang nanginginig sa takot. Si Michelle ay nakayuko, pilit tinatakpan ang mga luha, habang sinisiksik ang sarili sa sulok, tila ba gusto nitong maging invisible.Narinig nilang bumukas ang pinto sa exit at ilang sandali pa'y sumara ito nang malakas. Tanda na tuluyan nang umalis si Marco, ang nakatatandang kapatid ni Michelle.Lumapit si Vionne, mabagal ang mga hakbang at mahinahon ang tono.“May problema ba?” tanong niya habang nakaluhod sa harap ng dalaga.Hindi agad sumagot si Michelle. Pilit niyang pinupunasan ang kaniyang mukha gamit ang manggas ng damit, pero halatang hindi niya kayang itago ang pamumula ng mga mata niya.“Umalis na ba si Kuya Marco?” tanong ni Michelle, halos pabulong. Dahan-dahan siyang sumilip mula sa hagdan, parang tinitiyak na wala na ang panganib.“Kuya Marco? Kapatid mo iyon?” tanong ni Vionne, hindi maitago ang gulat. Hindi niya inaasahang ganoon katindi ang ug
Nagkaroon ng emergency meeting sa conference room ng Interior Design and Architecture Division matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang high-profile client. Galit ang kliyente. Matagal na raw nilang pinagkatiwalaan ang kompanya pero hindi raw nila inaasahan na makakatrabaho nila ang isang intern na bastos, walang respeto, at kulang sa professionalism. Tahimik lang si Vionne habang pinapakinggan ang detalyeng ibinabahagi ni Patricia, ang team lead na siyang humawak sa account. Nang banggitin na ang pangalan ng intern, hindi agad makapaniwala si Vionne. "Si Michelle Mendoza?" tanong niya na para bang gusto niyang ulitin ang narinig. Tumango si Patricia, bakas sa mukha ang pagod at pagkabigo. “Yes, Ma’am. Siya po ‘yung naka-assign last week sa site visit. May mga nasabi raw siyang hindi maganda sa assistant ng client. Hindi raw siya marunong makipag-coordinate, tapos puro reklamo pa. Nawalan ng tiwala ang client, kaya tuluyan nang nag-back out.” Napabuntong-hininga si Vionne. “Say