LOGINMaaga silang dumating ni Levi sa ancestral house ng mga Angeles. Sa unang tingin pa lang sa mala-palasyong bahay, alam na ni Vionne na hindi ito magiging ordinaryong araw.
“Relax,” bulong ni Levi habang binubuksan ang malaking double doors. “Ako bahala.” Hindi pa man sila nakakapasok ng sala ay sinalubong na sila ng malamig na tingin ng ina ni Levi, si Mrs. Adelaide Angeles. Katabi nito ang asawa, si Mr. Roberto Angeles, at ang buong pamilya Mendoza—kasama na ang babaeng matagal nang gustong ipakasal kay Levi, si Michelle Mendoza. “Levi,” simula ng ina, may bahid ng pilit na ngiti, “So nice of you to finally show up. With... her.” “Mom, Dad,” sabay hawak ni Levi sa kamay ni Vionne, “I want you to meet my fiancée—Vionne Monteverde.” Parang may bombang sumabog sa sala. “Wait... Monteverde?” gulat na sabi ni Michelle habang tila pinipigil ang tawa. “As in, the woman who was thrown out of her own company for being mentally unstable?” Hindi sumagot si Vionne. Tumindig lang siya ng diretso at ngumiti nang matipid. “So this is what you've been hiding from us, Levi?” singit ni Mrs. Angeles. “The entire country knows about her breakdown. How dare you bring her into our home and call her your fiancée?” “Because she is,” sagot ni Levi. Nilingon siya ng ama. “Son, this is madness. You’re choosing a disgraced CEO over the daughter of one of our most loyal business partners?” “I’m choosing the woman I want,” anang binata. Parang mas lalong nasunog ang mukha ni Michelle sa inis. Nakatitig siya kay Vionne na para bang basura ito sa harap niya. “I knew there was something wrong with you, Levi,” ani Mrs. Angeles. “You ran away from your own wedding just to shack up with a scandalous woman!” Bago pa lumala ang tensyon, bumukas ang isa pang pintuan. Isang matandang babae na naka-baston at isang lalaking may suot na salamin ang pumasok—ang Lola at Lolo ni Levi, sina Virginia at Emil Angeles. “Anong ingay ‘to?” tanong ng Lolo Emil. “Ma, Pa—” bungad ni Adelaide. Ngunit hindi na sila pinansin ng mag-asawang matanda. Lumingon si Lola Virginia kay Vionne, at nang magtama ang kanilang mga mata, agad itong napangiti. Nagkatinginan ang lahat. “’Yan ba ‘yung fiancée mo, Levi?” sabay lingon ng matanda sa apo. “Opo, Lola,” sagot ni Levi. “Sa wakas!” hiyaw ng matanda. “Akala ko hindi mo na kami bibigyan ng magandang apo! Ang tagal ko nang dasal ‘to!” Napangiwi si Mrs. Angeles. “Ma, do you even know who she is? What she did?” “Tumahimik ka riyan, Adelaide,” singhal ni Lola Virginia. “Mas gusto ko pa ‘tong batang ‘to kaysa riyan sa Michelle na ‘yan na parang palaging amoy lemon cleaner.” Namula si Michelle sa inis habang pinipigilang umiyak. “Pero Ma—” “Tama na!” putol ni Lolo Emil. “Levi is an adult. Kung ayaw niya sa arranged marriage, ‘wag pilitin. At kung may gusto siyang babae, tanggapin natin. Kayo ang nagpapahiya sa sarili ninyo ngayon.” Biglang natahimik ang buong sala. Hinawakan ni Lola Virginia si Vionne sa braso at binulungan, “Halika na nga. Hindi ka nababagay rito. Sa bahay ka na lang namin. Doon kayo tumira. At doon kayo magparami ng apo.” Halos mabulunan si Vionne. “Po?” “Ang ibig kong sabihin,” seryoso ang matanda, “tumira kayo sa amin. Mas masarap ‘yung luto ko kaysa rito.” Wala nang nagawa pa ang magulang ni Levi nang literal siyang kaladkarin ng Lola niya palabas ng sala kasama si Vionne. Nagpaalam si Levi sa mga magulang niya, pero hindi na siya pinigilan. *** Habang tulog si Vionne, sa kabilang sasakyan ay panay ang video call ng dalawang matanda. “Levi!” boses ni Lola Virginia sa phone, habang naka-video call. “Gising pa ba si Vionne? Pakita mo nga! Gusto ko lang makita kung nakahinga siya ng maayos.” “Lola, nasa likod siya. Tulog,” sagot ni Levi habang hawak ang manibela. “Eh kasi ang ganda-ganda, anak. Para siyang artista!” sabat ni Lolo Emil. “’Yan ang tamang lahi. Mapuputi ang magiging apo natin!” “Lo, La, nasa kabilang sasakyan lang kayo. Hindi n'yo ba puwedeng hintayin na lang kami sa bahay?” “Hindi! Baka kasi pagdating sa bahay, magtago kayo sa kwarto. Ayoko ng delayed bonding!” Napailing na lang si Levi habang si Vionne, tila bata, ay nakasandal sa bintana at mahimbing pa ring natutulog. Pagdating sa bahay, unang bumaba ang mga matanda. Agad na binuksan ni Lola Virginia ang pinto sa likuran, at nagising si Vionne sa boses ng matanda. “O, hija! Gising na? Nako, sorry, nilamig ka ba? Halika, ako na bahala sa’yo. Mabigat ba ang ulo mo? Gusto mo ng salabat? May paksiw kami ng bangus, gusto mo?” Hindi na nakapalag si Vionne. Bago pa siya makakilos, hinila na siya ni Lola Virginia palapit. “Halika na. Pumasok ka sa bahay. Maganda ang kwarto mo, tanaw ang buong Taal. ‘Pag doon kayo nagbuntis, matalino ang anak ninyo.” Biglang sumunod si Levi, hawak ang overnight bags, at parang napaatras sa narinig. “Lola!” reklamo niya. “Anong ‘Lola’? Huwag mo akong ‘Lola’-Lola riyan. Seryoso ako, Levi. Huwag puro arte! Bigyan ninyo ako ng apo, kahit isa muna. Limang taon mula ngayon, dapat lima na ‘yan!” Halos mabilaukan si Levi sa sariling laway. Si Vionne naman ay nanlaki ang mata pero pinilit ngumiti. “Lo–Lola... uhm… we’re still taking it slow po.” “Eh ‘di bilisan ninyo! Wala tayong panahon! Baka mamatay ako nang hindi nakikita ang unang apo!” dramatikong sigaw ni Lola Virginia. “Virginia, ‘wag mo silang i-pressure,” ani Lolo Emil habang nakaupo sa veranda at umiinom ng tsaa. “Pero kung magkataon, gusto ko ‘yung panganay ay lalaki ha. Para may magmana ng apelyido.” Nagkatinginan si Vionne at Levi. “Sige po,” sabay nilang sagot, bagama’t halatang naninigas ang mga labi nila sa pilit na ngiti. Pagpasok sa loob, inasikaso agad ng mga kasambahay si Vionne na tila isa siyang senadora. Pinaghanda siya ng mainit na pagkain, at may welcome flowers sa kwarto. Habang inaayos ni Vionne ang mga gamit nila ni Levi sa kwarto, naririnig pa niya mula sa kusina ang tawa at kulitan ng mag-asawang matanda. “Dagdagan mo pa ‘yang sili, Emil! Hindi mag-iinit ‘yang dalawang ‘yon kung kulang!” bulong ni Lola Virginia. “Oo, lagyan mo rin ng cinnamon sa tsaa. Sabi nila, pampagana raw ‘yan. Huwag mong sabihing wala pa ring nangyayari sa kanila mamaya!” Pagkatapos ng hapunan, agad na nagtungo si Vionne sa kwarto. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Parang bigla siyang pinagpapawisan kahit malamig ang paligid. Mainit ang batok niya, mabilis ang pintig ng dibdib, at tila ba nanunuot ang kiliting hindi niya maipaliwanag. “Kailangan kong maligo,” bulong niya sa sarili, saka mabilis na pumasok sa banyo. Hindi niya alam, ilang hakbang lang sa likuran niya ay sumunod si Levi, na halos pareho ang nararamdaman. Namumula ang tenga, pawisan ang likod kahit wala naman silang ginawa. Tila may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan niya mula nang matapos silang kumain. Mabilis na sinundan sila ng matandang si Lolo Emil. Nang makitang parehong nasa loob na ang dalawa, agad na isinara at ini-lock ng tahimik ang doorknob mula sa labas. “Mission secured,” bulong ni Lolo Emil, sabay ngisi habang papalayo. Sa loob ng silid, si Vionne ay walang kaalam-alam. Nakatapis siya ng tuwalya habang naghuhubad ng suot na damit, akmang papasok na sa banyo. Hindi niya naisipang i-lock ang pinto, sapagkat sigurado siyang si Levi ay abala pa sa labas. Ngunit pagbukas niya ng banyo, sakto namang bumukas din ang pinto ng kwarto. Pareho silang natigilan. Napatitig si Levi sa kanya. Ang mga mata ay dumako sa leeg ni Vionne, sa balikat, at sa tuwalya niyang bahagyang nahulog sa isang balikat. Si Vionne naman ay hindi rin makakilos. Naglakad si Levi palapit. “Levi…” mahinang tawag ni Vionne, pero wala siyang lakas para pigilan ito. Hanggang sa dumapo ang palad ni Levi sa kanyang pisngi. At sa isang iglap, siniil siya ni Levi ng halik. Si Vionne ay napapikit. Napakapit sa braso ni Levi habang lalo pang lumalalim ang halik. Hindi nila alam kung gaano katagal silang nasa ganoong posisyon, pero sa labas ng pinto, tuwang-tuwa ang matanda nang marinig nilang may kumalabog mula sa loob. “O, ayan na nga!” bulong ni Lola Virginia, hawak ang tsaa. “Sabi ko sa’yo, Emil, epektibo ang pampainit ko!” “Hindi pa ‘yan nangangalahati. Baka bukas ng umaga, may resulta na,” sagot ng matanda habang tuwang-tuwa sa tagpo.Tahimik ang buong restaurant. Tanging malambing na tugtog ng violin ang maririnig sa background habang nakaluhod si Levi sa harap ni Vionne, hawak ang maliit na kahon ng singsing. Hindi agad nakapagsalita si Vionne. Namumuo ang luha sa mga mata niya habang nakatitig sa lalaking matagal nang naging sandigan niya.“Vionne…” mahinang sabi ni Levi, “I’m not expecting you to answer right away. I just want you to know that this—us—means everything to me. You don’t have to say yes if you’re not ready.”Tumango si Vionne, pero hindi niya maiwasang mapangiti. “Levi… you’ve done so much for me already. I don’t even know how to thank you enough.”Lumapit si Levi ng kaunti, hawak pa rin ang kahon. “You don’t have to thank me. I did all of this because I love you. Because I believe in you. I just want to spend my life proving that you’ll never have to face anything alone again.”Hindi na napigilan ni Vionne ang mga luha. Tumayo siya mula sa upuan at lumapit kay Levi. “You’ve always been there for
Gulat na gulat ang buong pamilya ni Levi nang marinig mula mismo sa kanya ang desisyon na mag-invest siya sa Monteverde Group. Tahimik ang hapag-kainan. Walang kumikilos. Lahat ay nakatitig kay Levi, habang siya naman ay kalmado lang na naglalagay ng kape sa tasa.“Levi, are you serious?” tanong ng ama niyang si Roberto, hindi makapaniwala. “You’re planning to invest your own money into that company? After everything that happened?”“Yes, Dad,” sagot ni Levi, kalmado ang tono. “Vionne has already regained full ownership. The company is under her leadership again, and I believe in what she can do.”Sumingit agad ang Mommy niyang si Adelaide, halatang hindi mapigilan ang sarili. “Levi, anak, you can’t be serious! That woman brought nothing but trouble to your life. She’s the reason why our family’s reputation was dragged into that chaos before.”“Mom,” sagot ni Levi, diretsahan. “That was the past. Vionne was the victim, not the problem.”Napahampas si Adelaide sa mesa. “Victim? Don’t b
Pagbukas pa lang ng glass doors ng Monteverde Group, huminto si Vionne sa tapat ng lobby. Napatigil siya nang makita ang mga empleyado, mga department heads, at ilang board members na tila naghihintay sa kanya. May mga nakangiti, may ilan ding halatang naiiyak sa tuwa.“Ma’am Vionne! Welcome back!” sigaw ng isa sa mga staff na unang lumapit sa kanya, sabay palakpak.Isa-isa ring sumabay ang mga tao. May mga nagdala pa ng maliit na bouquet ng bulaklak at banner na may nakasulat na ‘Welcome back, Ms. Monteverde!’Napahinga nang malalim si Vionne, halatang nabigla. “What is all this?” mahina niyang tanong habang lumapit si Mr. Velasquez, ang dating vice president ng company na siya ring pinaka-loyal sa kanya noon.“It’s for you, Ma’am,” sabi ni Velasquez, nakangiti. “You’re officially back as the rightful CEO and President of Monteverde Group. The board voted unanimously this morning again. It’s what we should’ve done a long time ago.”Natahimik nang ilang sandali bago muling nagsalita s
Naging sobrang tense ang loob ng courtroom. Tahimik ang lahat habang nakaupo sina Vionne at Rhaedon sa magkabilang panig. Si Vionne ay kalmado, pero bakas sa mga mata nito ang determinasyon. Samantalang si Rhaedon naman ay halatang hindi mapakali.Pagpasok ng judge, agad nagsitayuan ang lahat.“Court is now in session. You may all be seated.”Muling umupo ang lahat. Si Atty. Sevilla ang unang tumayo.“Your honor, we are here today to present the remaining evidence that will confirm Mr. Rhaedon Thorne’s guilt in the charges filed against him—fraud, embezzlement, falsification of documents, and defamation.”Tiningnan ni Rhaedon si Vionne. “This is ridiculous,” mariin niyang sabi sa abogado niya. “Walang katotohanan lahat ng ‘yan.”Ngumiti lang si Vionne, marahang bumulong. “You still think you can talk your way out of this?”Napalingon si Rhaedon, galit. “You ruined my life, Vionne.”“No,” mahinang sagot ni Vionne. “You ruined yourself.”Tinaasan siya ni Rhaedon ng kilay. “Lahat ng ‘to
Tahimik na nagmamaneho si Levi pauwi nang biglang tumunog ang phone ni Vionne. Nakita niya sa screen ang pangalan ni Atty. Sevilla. Agad niyang sinagot ang tawag.“Hello, Atty. Sevilla,” malamig pero kalmado niyang bati habang nakatingin sa daan.“Ma’am Vionne, I called to inform you something important,” mabilis na sagot ng abogado. “The warrant of arrest for Mr. Rhaedon Thorne has been approved. The police will serve it any moment now.”Napatigil si Vionne. “What? Are you serious?” mahina niyang tanong, parang hindi makapaniwala sa narinig.“Yes, Ma’am. Lahat ng kaso laban sa kaniya ay pinayagan ng korte. From misuse of company funds, falsification of documents, money laundering, up to emotional and reputational damages against you. Lahat iyon, tinanggap ng fiscal. Pati si Ms. Trixie Velasco ay included. She’s facing multiple counts of conspiracy and theft.”Napatingin si Levi kay Vionne habang nagda-drive. Kita niya sa mukha ng nobya ang gulat at ang bahagyang ngiti na pilit nitong
Sa malaking bulwagan ng Grand Horizon Hotel ginanap ang international charity auction. Tahimik lang si Vionne habang magkahawak ang kamay nila ni Levi papasok sa venue. Nakasuot siya ng simpleng black evening gown, habang si Levi naman ay naka-formal tuxedo.“Relax,” bulong ni Levi habang naglalakad sila. “We’re here to enjoy. Forget about work, okay?”“Easier said than done,” mahinang sagot ni Vionne. “Pag puro business tycoon ang nasa paligid, mahirap kalimutan ang trabaho.”Ngumiti si Levi. “Then just focus on me tonight.”Bago pa siya makasagot, napatigil si Vionne. Nanigas ang katawan niya nang mapansin ang grupo ng mga taong papalapit. Hindi siya maaaring magkamali — sina Rhaedon, Trixie, at Dianne iyon. Pare-parehong may kumpiyansang aura, at tila ba sinadyang lumapit para lang mang-asar.“Looks like fate really loves playing games,” wika ni Rhaedon habang nakangisi. “Didn’t expect to see you here, Vionne.”Agad na humigpit ang hawak ni Levi sa kamay ni Vionne. “We were invited

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





