Magdamag na magkasama sina Levi at Vionne sa ospital habang binabantayan ang lolo’t lola ng binata. Hindi man niya inamin, halatang naiilang si Vionne lalo na’t ipinapalagay ng mga matatanda na sila nga ay totoong engaged. Pero dahil ayaw niyang madismaya ang dalawang matanda na halatang mas lumalakas kapag nakikita silang dalawa, sinakyan na lang niya ang sitwasyon.Naupo si Vionne sa gilid ng kama habang masayang nagsasalita ang Lola Virginia.“Aba, Levi,” ani ng matanda, hawak ang kamay ng apo. “Buti naman at hindi mo pinakawalan itong si Vionne. Sabi ko na noon pa, ito ang tipo ng babaeng magdadala ng ayos sa buhay mo.”Napakamot si Levi, nakangiting nahihiya. “Lola naman, sobra kayo magpuri.”Nilingon siya ni Lolo Emil. “Hindi naman siya sobra, tama lang. Matagal na naming gusto ng lola mo na makita kang seryoso sa isang babae. Buti na lang at siya ang napili mo.”Tahimik lang si Vionne, bahagyang napayuko. Ayaw niyang sumagot ng mali, pero ramdam niya ang tingin ng dalawang mata
Pagdating ni Vionne sa ospital, mabilis ang hakbang niya. Halatang nagmamadali siya at medyo kinakabahan. Hindi niya alam kung paano siya sasalubungin ng pamilya ni Levi, pero dala ng pag-aalala sa lolo at lola nito, mas pinili niyang harapin ang lahat kaysa manatili sa opisina. Paglapit pa lang niya sa entrance ng private room kung saan naka-confine ang matatanda, agad siyang sinalubong ng malamig na tingin ng magulang ni Levi. “Bakit nandito ka?” malamig na tanong ng ina ni Levi, si Mrs. Angeles. May bahid ng pagkairita ang tono nito. “Pumunta ako para kamustahin sina Lolo at Lola. Nag-aalala rin ako,” mahinahong sagot ni Vionne, sinusubukang huwag patulan ang nakikita niyang inis sa mukha ng ginang. “Kamustahin?” singit naman ng ama ni Levi, si Mr. Angeles. “You don’t belong here. Ang kapal din ng mukha mong magpakita pa pagkatapos ng lahat ng issue mo. Failed marriage ka na, may record ka pa na baliw. Gusto mo bang idamay ang anak namin sa gulo mo?” Napaawang ang bibig ni Vion
Maagang gumising si Levi. Habang nakahiga pa sa kama ay nakatingin siya sa kisame, iniisip kung paano niya mapapasaya si Vionne sa simpleng paraan ngayong umaga. Matapos ang ilang sandali, bumangon siya at dumiretso sa kusina. Tahimik niyang inayos ang mga sangkap, siniguradong maayos ang lahat bago simulan ang pagluluto.Ilang minuto pa lang siyang nagluluto nang tumunog ang doorbell. Agad siyang lumapit at kinuha ang bouquet na ipinadala niya mismo kanina pa para sigurado siyang maaabot iyon kay Vionne. Maingat niyang inilagay ang bulaklak sa tabi ng kama ng dalaga, nakangiti habang iniisip kung paano ito matutuwa kapag nagising.Pagbalik niya sa kusina, tinapos niya ang niluluto. Inayos niya iyon sa isang food tray, may kasamang juice at maliit na card na may simpleng sulat: “Good morning, my love.”Habang inaayos ang tray, bigla niyang napansin na nagri-ring ang cellphone niya. Ang pangalan ng ama niyang si Daddy Robero ang nakasulat.“Hello, Dad?” mabilis niyang sagot.“Levi…” ga
“Aalis ka ba o hahatakin pa kita palabas ng condo ko?” malamig na tanong ni Vionne habang nakapamewang. Napaubo si Levi, bahagyang tumalikod para itago ang sipon. “Grabe ka naman. Kita mo na ngang masama pakiramdam ko. Gusto mo bang himatayin ako sa labas habang bumabagyo?” Bago pa makasagot si Vionne, sumabat si Michelle mula sa hapag. “Vionne, baka may sakit fiancé mo. Bukas mo na lang siya pauwiin.” Agad na napalingon si Vionne, halos tumalon ang tono ng boses. “Michelle, huwag mong tawaging fiancé ‘yan. Hindi. Wala kaming relasyon. Palabas lang lahat.” Namilog ang mga mata ni Michelle sabay takip ng bunganga. “Wait, what? Hindi kayo engaged? All this time akala ko… Totoo ‘yon?” Napabuntong-hininga si Levi, napakamot ng batok. “Ayan na nga ba. Alam kong magugulat ka.” “Pero… I saw the announcement, the ring, the pictures. Dumalo pa nga ako…” gulat na sabi ni Michelle. Humigop muna ng tubig si Vionne bago nagsalita. “Palabas lang lahat ‘yon. Para hindi siya pilitin ng mga magu
Pagkapasok ni Vionne sa condo ay halos malaglag ang laptop bag niya sa sahig sa sobrang bigat ng emosyon. Umupo siya sa sofa, saka agad na kinuha ang cellphone para tawagan ang kanyang private lawyer, si Atty. Sevilla.“Hello, Atty. Sevilla? This is Vionne Monteverde,” mahina ngunit mariin ang kanyang tinig. “Any updates tungkol sa kaso laban kay Rhaedon?”Narinig niya ang paputol-putol na boses sa kabilang linya, ngunit malinaw ang bawat salita.“Miss Monteverde, good evening. Napag-aralan na namin ang lahat ng papeles na sinumite ninyo. Malakas ang laban natin, pero… gaya ng lagi kong sinasabi, kailangan pa rin nating kumpletuhin ang solid evidence. May mga dokumentong hawak pa ang Monteverde Group na kailangang makuha natin.”Mabilis na tumayo si Vionne, hawak-hawak ang isang papel na kanina pa niya pinipiga mula sa sobrang kaba. “So… may chance na makuha ko ang hustisya? Na maipakita kong lahat ng ginawa niya sa akin ay pawang kasinungalingan?”“Malaki ang posibilidad, Vionne. Per
Napamulagat si Michelle matapos maputol ang mahimbing niyang tulog. Narinig niya ang sunod-sunod na pag-ring ng cellphone niya sa ibabaw ng bedside table. Nang makita ang pangalan sa screen, agad siyang kinabahan. “Kuya Marco…” mahina niyang usal, nanginginig ang kamay habang tinatanggap ang katotohanang hinahanap na siya ng kapatid. Walang pagdadalawang-isip, pinindot niya agad ang decline button. Nanginginig pa rin ang kaniyang mga daliri matapos iyon, at agad niyang ni-lock muli ang screen. Bumukas ang pintuan ng guest room. Tumambad kay Michelle si Vionne, may hawak na basong tubig. “Okay ka lang ba, Michelle?” tanong ni Vionne habang lumapit. Kita sa mukha niya ang pag-aalala. Tumango lang si Michelle, pero hindi nakaligtas kay Vionne ang bahagyang panginginig ng dalaga. “Tumawag si Kuya Marco…” bulong ni Michelle, halos hindi naririnig. “Sinagot mo ba ‘yung tawag?” tanong ni Vionne, umupo sa gilid ng kama. Mabilis na umiling si Michelle. “Hindi. Pinatay ko agad. Natakot a