LOGINNatawa pa ang maestro habang pinagmamasdan palayo sina Amanda at Lorenzo.“Uuwi ba kayo para magpalit ng damit?” si Iza na sinalubong si Ada sa may pinto.Marahas na hinipan ni Ada ang basa niyang manipis na bangs, hindi pwedeng hindi. Iyong hitsura nila, parang batang naglaro sa putikan o kung hindi ay may nang-bully. “Malamang,” dabog ni Ada sabay punas sa katawan ng bimpo, “Unang araw pa lang ng pasukan, heto na agad ang mga nangyayari. Ano pa kaya bukas o makalawa? Kaasar!”“Kumalma ka. Alangan namang pabayaan mo siya...”“Iyong mga nangyari, dapat ba akong kumalma?” “Ikaw talaga, bakit ka ba kasi pumayag na mag-asawa ang Mama mo? Ayan tuloy.” Pinili ni Ada na itikom ang kanyang bibig. Pinayagan silang umuwi ng guro at lumiban muna ng klase sa araw na iyon. Subalit hindi inaasahan ni Ada na pati ang pag-uwi nila, paparusahan pa rin pala siya ni Enzo na ang buong akala niya ay bigla na itong tumino. “Kumapit ka!” malakas na singhal ni Ada habang nagtitipa ng bisikleta, “Hindi k
Napaigtad si Ada sa kinauupuan nang makitang mabilis na tumayo si Enzo sa upuan. Walang pag-aalinlangan na tumakbo ito palabas sa pintuan ng silid-aralan nila. Patungo sa malawak na bakuran na kasalukuyang balot sa malagkit na putik ang buong paligid.“Saan ka pupunta?!” sigaw ng guro ang gumising sa nagulantang na diwa ng lahat.Nagtayuan ang mga kamag-aral nila, ang iba ay lumapit sa bintana upang tanawin si Enzo. Hindi makagalaw si Ada na parang ipinako ang mga paa sa kinatatayuan. Itinulos dahil sa ugali ng kapatid na ipinamalas na hindi maintindihan kung bakit nito ginagawa. “Luh? Shunga?” bulalas ni Zab na nasa may bintana nakadungaw, kasama ng iba pa.“Ano nga ulit ang pangalan ng kapatid mo?” baling ng guro kay Ada pagkatapos niyang marahas na isara ang hawak na libro, puno ng pagtitimpi ang mukha ni Mr. Dominico.“Lorenzo po, Sir.”“Hoy Lorenzo bumalik ka dito!” sigaw nito kahit na hindi naman siya nito maririnig dahil nakalabas na, “Saan ka ba pupuntang bata ka ha? May klas
Bago pa makasagot si Ada, dumating na ang kanilang class adviser.“Good morning, class?!”“Good morning, Sir Dominico!”“May dalawang transfer tayo ngayon sa klase. Ang isa ay galing ibang bansa at ang isa naman ay sa kalapit bayan lang.”Nagsigawan ang lahat ng tawagin ng maestro sina Zab at Enzo sa unahan.“Please introduce yourself...” utos sa kanila ng guro na may malawak na ngiti.“Hi everyone. My name is Elizabeth Ferrer. I am eighteen years old. Pinsan ako ni Amanda. Ikinagagalak ko kayong makilala at maging kamag-aral sa school year na ito.” Malakas nagpalakpakan ang buong klase. Ilan pa sa kanila ay nagpabalik-balik ang tingin kay Ada at Zab. Naghahanap ng pagkakahawig ng dalawa dahil sa magpinsan. May pagkakamukha sila, hindi lang ito mapapansin kung hindi tatagalan silang tingnan. “Dito talaga siya mag-aaral?” bahagyang sipa ng matalik na kaibigan ni Ada sa paa.Nilingon siya ng babae at marahang tumango.“Uhm, malinaw mo naman sigurong narinig ang sinabi niya hindi ba?”
Biglang umalma si Ada sa sinabing iyon ni Ada. “Hindi pwede ‘yun Zab, kaya nga ako maagang gumising para hindi kami ma-late eh.”Si Ada naman ang sinamaan ng tingin ni Zab. Di na gusto ang tabas ng dila ng pinsan.“So anong plano mo? Iiwan niyo talaga ako at mauuna na kayong umalis?” Hindi na nagawang masagot ni Ada ang tanong ng pinsan nang makita niyang biglang tumayo si Enzo. Tapos na itong kumain. Dinala na sa lababo ang pinagkainan niya. Walang imik niyang sinakbat ang bag at walang lingon-likod na lumabas ng pintuan.“Teka lang Kuya, sandali!” sigaw ni Ada na natataranta na. “Hintayin mo ako!” Walang imik na sinakbat niya ang bag. Agad nilingon si Zab at ang tiyahin. “Zab, pasensya na hindi yata tayo sabay na papasok ngayon.”Blangko si Zab na tumango habang nasa ere ang kutsara na dapat ay isusubo.“Sige, magkita na lang tayo sa school.” payag ni Zab na nakatingin sa main door.Walang inaksayang minuto para magpaliwanag si Ada. Patakbo siyang lumabas ng bahay. Narinig niya
Humihikab na ipinagkibit lang iyon ng balikat ni Lilith. Hindi na pinilit na sabihin sa kanya ng pamangkin ang dahilan ng pag-iyak. Akala ni Ada ay tapos na ang tiyahin sa isyu.“O nalulungkot ka na wala ngayon dito ang Mama mo?”Pilit ang naging ngiti ni Ada. Hindi na maitago ang totoong nararamdaman.“Tita, hindi po. Labas po dito si Mama.”Inabala na lang ni Ada ang sarili sa paghahanda ng kanilang lamesa.“Dapat kasi ay hindi ka pumayag na muli siyang magpakasal. Okay naman kayong dalawa nang kayo lang. Masaya rin kayo. Kinunsinti mo pa ang Mama mo, ayan tuloy.”Ilang segundong nanahimik si Ada. Ayaw na sanang sumagot, ngunit hindi niya matiis.“Iba pa rin po iyong may katuwang si Mama, Tita.”Tiningnan ni Lilith si Ada nang malalim bago ito umiling na parang hindi makapaniwala.“Katuwang ba talagang matatawag o pabigat sa inyong mag-ina?”Hindi na nagsalita si Ada. Ayaw na niyang pag-usapan pa nila ang bagay na iyon.“Iyong kapatid mong hilaw, hindi pa ba gising?”Humigpit ang ha
Matapos na sabihin iyon ni Ada ay biglang tumayo si Enzo. Hawak pa rin ang tiyan ay patakbo siyang nagtungo ng sala. Natataranta siyang sinundan kaagad ni Amanda.“Kuya Enzo, saan ka pupunta?!”Hindi pa nito alam ang pasikot-sikot ng kanilang buong bahay.“Kuya, hintayin mo ako!” Diretsong tinungo ni Enzo ang pinto. Binuksan iyon ay nagmamadaling lumabas. “Kuya Enzo, saan ka pupunta? Madilim! Hindi mo kabisado ang lugar namin!”Binilisan pa ni Ada ang mga hakbang nang makita niyang malapit na sa gate si Enzo. Nilukob na ng kakaibang takot ang kanyang kalamnan. Kung may mangyayaring masama dito, siya ang sisisihin dahil siya ang kasama nito. Doon naisip ni Ada na hindi pala madali na basta pumayag siyang maiwan sila ni Enzo. Sana, umapila siya sa ina.“Kuya, hindi ka pwedeng umalis ng bahay natin!” Tumigil sa paghakbang si Enzo. Nilingon na si Ada na ilang saglit pa ay nasa harap niya na. Hinawakan nito ang isang braso ni Enzo na hindi winaksi ng lalaki kagaya kanina. Parang papel n







