Bumungisngis pa si Ada, sa kabila ng kanyang mga ngiti biglang gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata. Bigla niyang naalala ang ama. Humapdi ang mga mata niya. Hindi na napigil ang mapaluha. Kung buhay lang ito at kasama nila, tiyak na sinamahan siyang maligo sa ulan. Hindi sana siya mag-isang nagtatampisaw ngayon doon.“Oh? Himalang tapos ka ng maligo?” ang ina ng bumungad siya sa likod ng kusina.“Nilalamig na ako, Mama.” dahilan niya pero ang totoo ay nalulungkot na naman siya.“Ayan, sinasabi ko sa’yo hindi ba? Ang tigas-tigas ng ulo mo!” Sa totoo lang, masasaya ang mga alaalang iniwan sa kanya ng ama tuwing tag-ulan. Sa maikling panahon nito na kanyang nakasama, alam niyang sulit ang lahat ng iyon. Sampung taon siya ng pumanaw ang ama. Musmos pa at wala pang alam. Ang tanging alam niya lang ay hindi na niya makakasama sa kanyang paglaki ang ama. Hindi na nito matutupad ang kanyang mga binitawang pangako, dahil biglang nagpahinga siya.“Kailangan natin tanggapin ang nangyari, Ada.
최신 업데이트 : 2026-10-29 더 보기