INICIAR SESIÓNIginalaw ni Ada ang magkabila niyang balikat na para bang hindi iyon big deal.
“Ibig sabihin kasali siya sa babantayan namin ni Mama bukod sa’yo?” “Oo, maiiwan din siya dito kagaya ko…” Hindi nakaligta sa mga mata ni Ada ang gumuhit na inis sa mukha ng pinsan. Hindi na lang niya iyon pinansin. Masasanay din ang mga ito na makasama si Enzo, tulad niya. “Hindi naman na alagain si Kuya Enzo, Zab. Magiging kaklase rin natin siya sa paaralan dahil dito na siya mag-aaral. Huminto siya ng two years at ngayon lang siya babalik.” “Bakit siya tumigil mag-aral?” “Hindi ko alam. Awkward pa kami eh. Sasabihin ko sa’yo ‘pag nalaman ko ang dahilan.” Hindi na nagtanong pa si Zab. “Halika na, pasok na tayo sa loob.” Naabutan nila ang mga matatanda na nag-uusap nang masinsinan sa sala. “Ada…” “Hmm?” lingon ni Ada sa pinsan na para bang may nais pang sabihin sa kanya. “Iyon bang anak ng bagong asawa ni Tita Linda, hindi ba siya magpapagupit bago pumasok? Bawal sa school ang mahaba ang buhok di ba? Baka hindi siya tanggapin.” Totoo naman ang sinabing iyon ni Zab. Halos matakpan na ang tainga ni Enzo ng buhok niya. Hindi iyon pinansin ni Ada nang unang makita, ngunit ngayong nabanggit ng pinsan saka pa lang iyon sumilid sa kanyang isipan. Dapat nabanggit niya iyon kanina sa mga magulang nang sa ganun ay nahimok nila si Enzo na magpagupit muna. Hindi mahaba na gaya ng sa babae, para itong gupit na shaggy na hanggang balikat. Maruming tingnan kung tutuusin, pero ayoko niyang manghimasok na sa buhay nito. “Siguro naman kapag sinabihan siyang magpagupit ng teacher, susunod siya Zab.” Huminga nang malalim si Zab. Tiningnan na ang ama ni Enzo. Napailing ang babae. Wala man lang bang pakialam ang ama ni Enzo sa kanya? Sa ganun na hitsura niya, hindi siya malabong ma-bully. Ayaw na lang din niyang banggitin sa pinsan na si Ada na nakikitang hindi naman nababahala sa kinakapatid. “Ano pang ginagawa niyo diyan? Pasok na kayo…” himok ni Lilith sa magpinsan. Tumalima naman ang magpinsan matapos na magpalitan ng makahulugang tingin. “Pasensiya na talaga sa abala Ate Lilith, wala akong maisip na maaaring pag-iwanan sa dalawa habang nasa malayo kami. Huwag kang mag-alala gaya ng sinabi ko ay weekly akong magpapasok ng pera sa bank account para sa mga gastusin niyo araw-araw.” Paulit-ulit na tumango si Lilith sa kanyang hipag. “Huwag kang mag-alala sa kanila, Linda, ako na ang bahala. Hindi ko sila pababayaan.” “Salamat, Ate. Magiging panatag na ang loob naming mag-asawa habang wala dito.” “Oo naman…” “Since pasukan na, ikaw na rin sana ang bahalang magluto ng pagkain nilang dalawa. Alam mo naman itong si Ada, baka masunog ang ating kusina kapag hinayaan mong siya ang gumawa ng mga bagay na iyon. Delikado siyang pabayaan na mag-isa lang.” Maamong tupa pang tumango si Lilith. “Tungkol naman sa mga labahin, pwede niyong ipalaba na lang ‘yun, Ate. Magdadagdag na lang ako ng pera na pambayad, alam ni Ada ang laundry shop dito.” “Trust me Linda,” pag e-english ni Lilith na bahagyang sumulyap kay Fred sabay ngiti. “Magiging maayos ang inyong mga anak sa aking pangangalaga. Ako na ang bahala.” Ilang saglit pa ay natapos na ang kanilang topic at lumipat na iyon sa ibang bagay. “Ate kunin niyong mag-ina ang kwartong katabi ng kwarto mismo nina Ada at Enzo.” Sumulyap sa pasilyo na patungo sa kanilang kwarto si Ada, humantong iyon sa dahon ng pintuan ng silid na inuukopa ni Enzo. Iniisip niya kung ano na ang ginagawa sa loob. “Sige, Linda…” “Salamat talaga Ate dahil alam kong hindi mo ako bibiguin.” “Pamilya tayo Linda kaya sino pa ba ang titingin sa aking mga pamangkin?” magiliw na tanong ni Lilith, “Malamang ay ako dahil ako lang ang nag-iisa niyong kamag-anak na malapit sa lugar na ito.” “Iyon na nga Ate, kaya salamat talaga. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi.” Kung saan pa napunta ang usapan nila, sa bandang huli ay nakisali pa si Fred. “Ma, magpapalit lang ako saglit ng suot na damit.” paalam ni Ada sa ina na bahagyang natigilan sa kanyang sasabihin sa hipag, napalingon na siya kay Zab na tumayo na rin. “Sige, lakad na.” senyas ni Linda na umalis na si Ada sa harap nila. “Ma, magpapalit din ako ng damit. Sasabay na ako kay Ada patungo sa ating kwarto.” Napakurap na si Lilith sa tinuran ng anak. Hilaw ng ngumiti sa pagiging sutil ng anak. “Sige…” Nakangiting hinarap ni Zab ang pinsang si Ada na noon ay medyo nagulat pa. “Halika na Ada!” kapagdaka ay hila ni Zab kay Ada papasok ng pasilyo na patungo sa mga kwarto, natitigilan pa rin ako sa kanya. “Sa school mo, hindi ba maraming gwapo?” Agad na natigilan si Ada sa paghakbang. Nilingon siya na may nanliliit na mga mata. “Gwapo?” tumango si Zab na mahinang ikinatawa ni Ada, “Sino sa kanila ang gwapo? Nagkakamali ka, Zab. Para namang wala sa school naming gwapo. Mga uhugin sila e.” “Ikaw ang sama mo. Anong uhugin? Sumbong kita sa mga lalaki mong schoolmates.” Malakas na tumawa si Ada. Aliw na aliw sa mukhang pinapakita ng kanyang pinsan. “Eh sa wala naman talagang gwapo doon. Nagsasabi lang ako ng totoo.” “Imposible, balita ko ay doon pa nag-aaral si Arnold.” Bahagyang kinunot ni Ada ang kanyang noo. “Arnold? Iyong magaling sa taekwondo?” “Oo siya nga ang tinutukoy ko Amanda!” nasisiyahang wika ni Zab na may paghampas pa sa isang braso ni Ada, halatang kinikilig na sa pangalan pa lang ng lalaki. “Mayaman ang pamilya nila. May mga shares sila sa ibang mga school na nasa iba't-ibang bayan.” Tumango lang si Ada, hindi interesado kung gaano kayaman ng pamilya ni Arnold. “Ilang buwan lang naman siyang pumasok sa school eh. Apat yata o lima, lumipat na rin siya agad sa kabilang bayan lang kasama ang buo niyang pamilya.” Agad napawi ang masiglang ngiti ni Zab. “Ngunit madalas naman siyang pumunta sa school lalo na kung may mga event.” “Talaga?” “Oo, ina-announce ‘yun sa buong campus ng school kapag pupunta siya.” “Wow! Gaano kadalas?” “Once or twice a month, Zab.” “Good. May pagkakataon pa na makilala ko siya at makilala niya ako.” malakas ang kumpiyansa ng wika ni Zab kahit naguguluhan si Ada kung saan ito kumuha ng lakas. “May gusto ka sa kanya?” “Hindi ba obvious, Ada? Halika na nga. Magpahinga na tayo. Dapat ay fresh tayo bukas.”Natawa pa ang maestro habang pinagmamasdan palayo sina Amanda at Lorenzo.“Uuwi ba kayo para magpalit ng damit?” si Iza na sinalubong si Ada sa may pinto.Marahas na hinipan ni Ada ang basa niyang manipis na bangs, hindi pwedeng hindi. Iyong hitsura nila, parang batang naglaro sa putikan o kung hindi ay may nang-bully. “Malamang,” dabog ni Ada sabay punas sa katawan ng bimpo, “Unang araw pa lang ng pasukan, heto na agad ang mga nangyayari. Ano pa kaya bukas o makalawa? Kaasar!”“Kumalma ka. Alangan namang pabayaan mo siya...”“Iyong mga nangyari, dapat ba akong kumalma?” “Ikaw talaga, bakit ka ba kasi pumayag na mag-asawa ang Mama mo? Ayan tuloy.” Pinili ni Ada na itikom ang kanyang bibig. Pinayagan silang umuwi ng guro at lumiban muna ng klase sa araw na iyon. Subalit hindi inaasahan ni Ada na pati ang pag-uwi nila, paparusahan pa rin pala siya ni Enzo na ang buong akala niya ay bigla na itong tumino. “Kumapit ka!” malakas na singhal ni Ada habang nagtitipa ng bisikleta, “Hindi k
Napaigtad si Ada sa kinauupuan nang makitang mabilis na tumayo si Enzo sa upuan. Walang pag-aalinlangan na tumakbo ito palabas sa pintuan ng silid-aralan nila. Patungo sa malawak na bakuran na kasalukuyang balot sa malagkit na putik ang buong paligid.“Saan ka pupunta?!” sigaw ng guro ang gumising sa nagulantang na diwa ng lahat.Nagtayuan ang mga kamag-aral nila, ang iba ay lumapit sa bintana upang tanawin si Enzo. Hindi makagalaw si Ada na parang ipinako ang mga paa sa kinatatayuan. Itinulos dahil sa ugali ng kapatid na ipinamalas na hindi maintindihan kung bakit nito ginagawa. “Luh? Shunga?” bulalas ni Zab na nasa may bintana nakadungaw, kasama ng iba pa.“Ano nga ulit ang pangalan ng kapatid mo?” baling ng guro kay Ada pagkatapos niyang marahas na isara ang hawak na libro, puno ng pagtitimpi ang mukha ni Mr. Dominico.“Lorenzo po, Sir.”“Hoy Lorenzo bumalik ka dito!” sigaw nito kahit na hindi naman siya nito maririnig dahil nakalabas na, “Saan ka ba pupuntang bata ka ha? May klas
Bago pa makasagot si Ada, dumating na ang kanilang class adviser.“Good morning, class?!”“Good morning, Sir Dominico!”“May dalawang transfer tayo ngayon sa klase. Ang isa ay galing ibang bansa at ang isa naman ay sa kalapit bayan lang.”Nagsigawan ang lahat ng tawagin ng maestro sina Zab at Enzo sa unahan.“Please introduce yourself...” utos sa kanila ng guro na may malawak na ngiti.“Hi everyone. My name is Elizabeth Ferrer. I am eighteen years old. Pinsan ako ni Amanda. Ikinagagalak ko kayong makilala at maging kamag-aral sa school year na ito.” Malakas nagpalakpakan ang buong klase. Ilan pa sa kanila ay nagpabalik-balik ang tingin kay Ada at Zab. Naghahanap ng pagkakahawig ng dalawa dahil sa magpinsan. May pagkakamukha sila, hindi lang ito mapapansin kung hindi tatagalan silang tingnan. “Dito talaga siya mag-aaral?” bahagyang sipa ng matalik na kaibigan ni Ada sa paa.Nilingon siya ng babae at marahang tumango.“Uhm, malinaw mo naman sigurong narinig ang sinabi niya hindi ba?”
Biglang umalma si Ada sa sinabing iyon ni Ada. “Hindi pwede ‘yun Zab, kaya nga ako maagang gumising para hindi kami ma-late eh.”Si Ada naman ang sinamaan ng tingin ni Zab. Di na gusto ang tabas ng dila ng pinsan.“So anong plano mo? Iiwan niyo talaga ako at mauuna na kayong umalis?” Hindi na nagawang masagot ni Ada ang tanong ng pinsan nang makita niyang biglang tumayo si Enzo. Tapos na itong kumain. Dinala na sa lababo ang pinagkainan niya. Walang imik niyang sinakbat ang bag at walang lingon-likod na lumabas ng pintuan.“Teka lang Kuya, sandali!” sigaw ni Ada na natataranta na. “Hintayin mo ako!” Walang imik na sinakbat niya ang bag. Agad nilingon si Zab at ang tiyahin. “Zab, pasensya na hindi yata tayo sabay na papasok ngayon.”Blangko si Zab na tumango habang nasa ere ang kutsara na dapat ay isusubo.“Sige, magkita na lang tayo sa school.” payag ni Zab na nakatingin sa main door.Walang inaksayang minuto para magpaliwanag si Ada. Patakbo siyang lumabas ng bahay. Narinig niya
Humihikab na ipinagkibit lang iyon ng balikat ni Lilith. Hindi na pinilit na sabihin sa kanya ng pamangkin ang dahilan ng pag-iyak. Akala ni Ada ay tapos na ang tiyahin sa isyu.“O nalulungkot ka na wala ngayon dito ang Mama mo?”Pilit ang naging ngiti ni Ada. Hindi na maitago ang totoong nararamdaman.“Tita, hindi po. Labas po dito si Mama.”Inabala na lang ni Ada ang sarili sa paghahanda ng kanilang lamesa.“Dapat kasi ay hindi ka pumayag na muli siyang magpakasal. Okay naman kayong dalawa nang kayo lang. Masaya rin kayo. Kinunsinti mo pa ang Mama mo, ayan tuloy.”Ilang segundong nanahimik si Ada. Ayaw na sanang sumagot, ngunit hindi niya matiis.“Iba pa rin po iyong may katuwang si Mama, Tita.”Tiningnan ni Lilith si Ada nang malalim bago ito umiling na parang hindi makapaniwala.“Katuwang ba talagang matatawag o pabigat sa inyong mag-ina?”Hindi na nagsalita si Ada. Ayaw na niyang pag-usapan pa nila ang bagay na iyon.“Iyong kapatid mong hilaw, hindi pa ba gising?”Humigpit ang ha
Matapos na sabihin iyon ni Ada ay biglang tumayo si Enzo. Hawak pa rin ang tiyan ay patakbo siyang nagtungo ng sala. Natataranta siyang sinundan kaagad ni Amanda.“Kuya Enzo, saan ka pupunta?!”Hindi pa nito alam ang pasikot-sikot ng kanilang buong bahay.“Kuya, hintayin mo ako!” Diretsong tinungo ni Enzo ang pinto. Binuksan iyon ay nagmamadaling lumabas. “Kuya Enzo, saan ka pupunta? Madilim! Hindi mo kabisado ang lugar namin!”Binilisan pa ni Ada ang mga hakbang nang makita niyang malapit na sa gate si Enzo. Nilukob na ng kakaibang takot ang kanyang kalamnan. Kung may mangyayaring masama dito, siya ang sisisihin dahil siya ang kasama nito. Doon naisip ni Ada na hindi pala madali na basta pumayag siyang maiwan sila ni Enzo. Sana, umapila siya sa ina.“Kuya, hindi ka pwedeng umalis ng bahay natin!” Tumigil sa paghakbang si Enzo. Nilingon na si Ada na ilang saglit pa ay nasa harap niya na. Hinawakan nito ang isang braso ni Enzo na hindi winaksi ng lalaki kagaya kanina. Parang papel n







