Share

Chapter 6: Cousin

Author: LavenderPen
last update publish date: 2026-11-08 00:16:23

Lumipad na ang tingin ni Ada sa kapatid na kagaya niya ay natitigilan na rin. Nasa isa silang shop ng burger, kumakain ng merienda bago umuwi ng tahanan. Nasa lapag ang pinamili nilang gamit sa school at uniform ni Enzo. Parang nawalan na ng gana si Ada.

“Kailan kayo babalik, Ma?” 

Tiningnan muna ni Linda ang asawa bago sinagot ang tanong ng anak. 

“Hindi pa namin alam. Plano rin naming pumunta ng Germany.” 

Tuluyan nang naibaba ni Ada ang kanyang kinakain na burger na para bang nawalan na siya ng gana. Napabaling na sa dalaga si Enzo na napuno na rin noon ng pagtataka. Napansin naman ni Fred ang ginawa ng anak kaya naman siya na ang nagpaliwanag.

“May aasikasuhin lang kami. Hindi rin kami magtatagal.” 

“Pero aalis po kayo ng bansa, Tito Papa…” giit ni Ada na nasa tinig na ang lungkot. “Tapos hindi niyo pa alam kung gaano kayo doon katagal. Paano kami ni Kuya Enzo?”

Hindi magawang makasagot ng Ginang na biglang nilamon ng konsensya.

“Saka, sino rin ang hahawak pansamantala sa negosyong pinundar niyo ni Papa?”

Unang pagkakataon na magkakalayo silang mag-ina kung kaya naman naiintindihan ng Ginang ang sintemyento ni Ada. Inihanda na niya ang kanyang sarili sa reaksyon nito.

“Huwag kang mag-alala, Ada. Tinawagan ko na ang Tita Lilith kasama ang iyong pinsan na si Zab.” tugon ng Ginang, pilit pinasaya ang mukha upang ipakita iyon sa anak niya.

“Ma…” 

Hindi pinansin ng Ginang ang biglang pagbagsak ng energy ng kanyang anak.

“Ada, narinig mo ba ang sinabi ko? Sa school mo na rin mag-aaral si Zab.” 

Kumunot pa ang noo ni Ada na hindi na maintindihan ang desisyon ng ina. 

“Bakit, Ma?” 

“Anong bakit? Syempre, makakasama niyo nga muna sila sa bahay ng Kuya Enzo. Saka, hindi rin papayag ang Tita Lilith mo na siya lang ang makakasama niyo at iiwan niya ang anak niya. Nangako akong ako na ang gagastos sa pag-aaral ni Zab this year.”

Pigil ang emosyon na napanguso si Ada. Nagbabadya na ang mga luhang kumawala sa kanyng mga mata. Pakiramdam niya ay aabandonahin siya ng kanyang ina. Hindi naman inalis ni Enzo ang kanyang mga mata sa dalaga. Hindi siya gaya nito na emosyonal kapag iniiwan ng kanyang ama. Marahil ay dahil sanay na siya kung kaya naman ay hindi na rin siya gaanong apektado. Ang problema lang niya ngayon ay nasa Pilipinas siya, at iiwanan ng ama ng isang responsibilidad at iyon ay itong si Amanda.

“Mama, hindi ba kami pwedeng sumama ni Kuya Enzo?” subok ni Ada makipagnegosasyon, baka kasi magawa niyang mapapayag ang mga magulang doon. 

“Anak, nakalimutan mo na bang malapit ng magsimula ang pasukan? Hindi maganda kung absent kayo nang matagal ng Kuya. Lalo at bagong transfer sa school niyo siya.”

Mariing tinikom ni Ada ang kanyang bibig. Hindi na niya magawang kagatin pa ang burger. Biglang nawalan siya ng gana. Iyong saya niya kanina ay may kapalit na agad.

“Amanda, mabilis lang naman ang araw. Tatawag ako palagi. Digital na ang panahon.”

Huminga nang malalim si Fred. Nakikita niyang nahihirapang manimbang ang asawa. 

“Hija, huwag kang mag-alala. Kahit ang Kuya Enzo ay hindi nagsasalita, capable iyan na maging tagapagligtas mo. Hindi ka niya pababayaan kahit anong mangyari.” 

Nilingon ni Fred ang anak na tahimik pa rin. 

“Hindi ba, Lorenzo? Hindi mo pababayaan na mapahamak itong si Amanda?” 

Tiningnan ni Ada si Enzo na sa mga sandaling iyon ay nakatingin na rin sa kanya. Ni hindi nga ito nagsasalita, paano siya nito hindi pababayaan? Ngayon pa nga lang ay napapanisan na siya ng laway dahil kahit anong tanong niya ay hindi rin ito sumasagot. Malakas nga ang kutob ni Ada na si Enzo ang magiging pabigat sa kanilang dalawa eh.

“Mabait naman ang Tita Lilith hindi ba? Naroon din si Zab. Hindi ka maiinip, Ada.”

Sa kabila ng matinding pagmamatigas ni Ada, mukhang wala na rin siyang magagawa. Naka-set na ang lahat. Pumayag man o hindi, tuloy pa rin ang pag-alis ng magulang.

“Every week ang sending allowance niyo ni Enzo, thru bank na lang para hindi hustle.”

Habang pabalik sila ng tahanan, walang ibang laman ang isip ni Ada kundi ang pag-alis ng bagong kasal na mga magulang. Lampas sa kabilang tainga ang lahat ng kanilang sinasabi at mga tagubilin pa. Sa mga sandaling iyon pa lang ay problemado na siya.

“Ada, huwag mo namang gawing datnan at panawan ang Kuya Enzo ha? Kung sakali na mayroon kang lakad kasama ang mga kaibigan mo, isama mo siya. Maliwanag ba?” 

Tumagal ang tingin ni Ada sa mukha ni Enzo na para bang walang pakialam sa paligid.

“Amanda…” 

“Okay po, Mama. Narinig ko po ang sinabi niyo. Ako na ang bahala kay Kuya Enzo.”

Pagdating nila ng tahanan ay nandoon na ang mag-inang Lilith at Zab na halos ay kakarating pa lang. Patakbo na sa kanyang lumapit si Zab upang yumakap ng mahigpit. 

“Ada!” excited ang boses nito na agad ng lumipad kay Enzo. 

Bilang magpinsang buo ay malapit sina Ada at Zab sa bawat isa. Paminsan-minsan lang din kasi sila kung magkita, at kapag may mga pagkakataon lang din iyon. Ganunpaman ay nanatili pa rin silang close kahit mahirap sa kanila ang communication.

“Sabi  ni Mama, sa school ko na rin daw ikaw mag-aaral?”

“Oo at masaya ako, Ada…”

Binuksan ng ina ni Ada ang pintuan ng bahay at nauna na rin ang matatandang pumasok sa loob. Naiwan sila ni Zab. Hindi pa rin matapos ang kanilang kumustahan.

“Mabuti naman at pumayag si Tita Lilith?” 

“Wala siyang ibang choice, si Tita Linda na ang humiling eh. Alam mo naman si Mama, mahal niya ang kaisa-isa niyang hipag kaya nungkang magawa niyang tanggihan kayo.”

Bumunghalit lang si Ada ng tawa. 

“Maiba ako, Ada. Sino iyon?” turo ni Zab kay Enzo na lumampas sa kanilang banda.

Sinundan ng tingin ni Ada si Enzo na wala pa ‘ring pakialam sa kanyang paligid. 

“Ah, anak ng bagong asawa ni Mama.” wala sa sarili tugon ni Ada, nakatitig pa rin sa pintuan na pinasukan ni Enzo. “Hindi naman siguro kaila sa inyo ni Tita na may isang anak iyong naging pangalawang asawa ni Mama. Alam ko nabanggit nila iyon sa inyo.”

Mabilis itong umiling, nagtataka pa rin.

“Hindi ah. Ang alam lang namin ni Mama ay mag-aasawa ulit si Tita Linda, pero hindi namin alam na may anak din pala at mukhang suplado pa ha? Hindi man lang bumati.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 16: Waiting for Her

    Natawa pa ang maestro habang pinagmamasdan palayo sina Amanda at Lorenzo.“Uuwi ba kayo para magpalit ng damit?” si Iza na sinalubong si Ada sa may pinto.Marahas na hinipan ni Ada ang basa niyang manipis na bangs, hindi pwedeng hindi. Iyong hitsura nila, parang batang naglaro sa putikan o kung hindi ay may nang-bully. “Malamang,” dabog ni Ada sabay punas sa katawan ng bimpo, “Unang araw pa lang ng pasukan, heto na agad ang mga nangyayari. Ano pa kaya bukas o makalawa? Kaasar!”“Kumalma ka. Alangan namang pabayaan mo siya...”“Iyong mga nangyari, dapat ba akong kumalma?” “Ikaw talaga, bakit ka ba kasi pumayag na mag-asawa ang Mama mo? Ayan tuloy.” Pinili ni Ada na itikom ang kanyang bibig. Pinayagan silang umuwi ng guro at lumiban muna ng klase sa araw na iyon. Subalit hindi inaasahan ni Ada na pati ang pag-uwi nila, paparusahan pa rin pala siya ni Enzo na ang buong akala niya ay bigla na itong tumino. “Kumapit ka!” malakas na singhal ni Ada habang nagtitipa ng bisikleta, “Hindi k

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 15: Running Away

    Napaigtad si Ada sa kinauupuan nang makitang mabilis na tumayo si Enzo sa upuan. Walang pag-aalinlangan na tumakbo ito palabas sa pintuan ng silid-aralan nila. Patungo sa malawak na bakuran na kasalukuyang balot sa malagkit na putik ang buong paligid.“Saan ka pupunta?!” sigaw ng guro ang gumising sa nagulantang na diwa ng lahat.Nagtayuan ang mga kamag-aral nila, ang iba ay lumapit sa bintana upang tanawin si Enzo. Hindi makagalaw si Ada na parang ipinako ang mga paa sa kinatatayuan. Itinulos dahil sa ugali ng kapatid na ipinamalas na hindi maintindihan kung bakit nito ginagawa. “Luh? Shunga?” bulalas ni Zab na nasa may bintana nakadungaw, kasama ng iba pa.“Ano nga ulit ang pangalan ng kapatid mo?” baling ng guro kay Ada pagkatapos niyang marahas na isara ang hawak na libro, puno ng pagtitimpi ang mukha ni Mr. Dominico.“Lorenzo po, Sir.”“Hoy Lorenzo bumalik ka dito!” sigaw nito kahit na hindi naman siya nito maririnig dahil nakalabas na, “Saan ka ba pupuntang bata ka ha? May klas

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 14: Nameless

    Bago pa makasagot si Ada, dumating na ang kanilang class adviser.“Good morning, class?!”“Good morning, Sir Dominico!”“May dalawang transfer tayo ngayon sa klase. Ang isa ay galing ibang bansa at ang isa naman ay sa kalapit bayan lang.”Nagsigawan ang lahat ng tawagin ng maestro sina Zab at Enzo sa unahan.“Please introduce yourself...” utos sa kanila ng guro na may malawak na ngiti.“Hi everyone. My name is Elizabeth Ferrer. I am eighteen years old. Pinsan ako ni Amanda. Ikinagagalak ko kayong makilala at maging kamag-aral sa school year na ito.” Malakas nagpalakpakan ang buong klase. Ilan pa sa kanila ay nagpabalik-balik ang tingin kay Ada at Zab. Naghahanap ng pagkakahawig ng dalawa dahil sa magpinsan. May pagkakamukha sila, hindi lang ito mapapansin kung hindi tatagalan silang tingnan. “Dito talaga siya mag-aaral?” bahagyang sipa ng matalik na kaibigan ni Ada sa paa.Nilingon siya ng babae at marahang tumango.“Uhm, malinaw mo naman sigurong narinig ang sinabi niya hindi ba?”

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 13: New Classmate

    Biglang umalma si Ada sa sinabing iyon ni Ada. “Hindi pwede ‘yun Zab, kaya nga ako maagang gumising para hindi kami ma-late eh.”Si Ada naman ang sinamaan ng tingin ni Zab. Di na gusto ang tabas ng dila ng pinsan.“So anong plano mo? Iiwan niyo talaga ako at mauuna na kayong umalis?” Hindi na nagawang masagot ni Ada ang tanong ng pinsan nang makita niyang biglang tumayo si Enzo. Tapos na itong kumain. Dinala na sa lababo ang pinagkainan niya. Walang imik niyang sinakbat ang bag at walang lingon-likod na lumabas ng pintuan.“Teka lang Kuya, sandali!” sigaw ni Ada na natataranta na. “Hintayin mo ako!” Walang imik na sinakbat niya ang bag. Agad nilingon si Zab at ang tiyahin. “Zab, pasensya na hindi yata tayo sabay na papasok ngayon.”Blangko si Zab na tumango habang nasa ere ang kutsara na dapat ay isusubo.“Sige, magkita na lang tayo sa school.” payag ni Zab na nakatingin sa main door.Walang inaksayang minuto para magpaliwanag si Ada. Patakbo siyang lumabas ng bahay. Narinig niya

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 12: First Day

    Humihikab na ipinagkibit lang iyon ng balikat ni Lilith. Hindi na pinilit na sabihin sa kanya ng pamangkin ang dahilan ng pag-iyak. Akala ni Ada ay tapos na ang tiyahin sa isyu.“O nalulungkot ka na wala ngayon dito ang Mama mo?”Pilit ang naging ngiti ni Ada. Hindi na maitago ang totoong nararamdaman.“Tita, hindi po. Labas po dito si Mama.”Inabala na lang ni Ada ang sarili sa paghahanda ng kanilang lamesa.“Dapat kasi ay hindi ka pumayag na muli siyang magpakasal. Okay naman kayong dalawa nang kayo lang. Masaya rin kayo. Kinunsinti mo pa ang Mama mo, ayan tuloy.”Ilang segundong nanahimik si Ada. Ayaw na sanang sumagot, ngunit hindi niya matiis.“Iba pa rin po iyong may katuwang si Mama, Tita.”Tiningnan ni Lilith si Ada nang malalim bago ito umiling na parang hindi makapaniwala.“Katuwang ba talagang matatawag o pabigat sa inyong mag-ina?”Hindi na nagsalita si Ada. Ayaw na niyang pag-usapan pa nila ang bagay na iyon.“Iyong kapatid mong hilaw, hindi pa ba gising?”Humigpit ang ha

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 11: Sermon

    Matapos na sabihin iyon ni Ada ay biglang tumayo si Enzo. Hawak pa rin ang tiyan ay patakbo siyang nagtungo ng sala. Natataranta siyang sinundan kaagad ni Amanda.“Kuya Enzo, saan ka pupunta?!”Hindi pa nito alam ang pasikot-sikot ng kanilang buong bahay.“Kuya, hintayin mo ako!” Diretsong tinungo ni Enzo ang pinto. Binuksan iyon ay nagmamadaling lumabas. “Kuya Enzo, saan ka pupunta? Madilim! Hindi mo kabisado ang lugar namin!”Binilisan pa ni Ada ang mga hakbang nang makita niyang malapit na sa gate si Enzo. Nilukob na ng kakaibang takot ang kanyang kalamnan. Kung may mangyayaring masama dito, siya ang sisisihin dahil siya ang kasama nito. Doon naisip ni Ada na hindi pala madali na basta pumayag siyang maiwan sila ni Enzo. Sana, umapila siya sa ina.“Kuya, hindi ka pwedeng umalis ng bahay natin!” Tumigil sa paghakbang si Enzo. Nilingon na si Ada na ilang saglit pa ay nasa harap niya na. Hinawakan nito ang isang braso ni Enzo na hindi winaksi ng lalaki kagaya kanina. Parang papel n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status