INICIAR SESIÓN"It's an invitation."Nanatili ang chess knight sa palad ni Luca. Itim, may gasgas sa gilid, may nakaukit na agila na may sirang pakpak.Sa loob ng vault, amoy pa ng kemikal at may puting ilaw na nanginginig sa kisame."May gustong ipaalala sa atin ang taong 'yon, Luca," sabi ni Lolo Geronimo at idiniin ang tungkod sa bakal na sahig."Open the old case," sabi ni Luca at inilapag ang knight sa mesa. "The case about my wife's death."Sina Jerome at Lolo Geronimo nagtinginan ng makahulugan.Sa underground conference room, nakaupo na silang apat. Si Luca sa gitna, hawak pa rin ang knight. Si Lolo Geronimo sa kaliwa, hawak ang tungkod. Si Jerome nakatayo sa likod na may iPad. Si Atty. Rafael tahimik na nagbukas ng itim na folder."Three years akong naniwalang aksidente iyon, Lo," sabi ni Luca at inilapag ang knight sa gitna ng mesa. "Three years kong pinaniwalaan na walang may kasalanan.""Because that's what I wanted you to believe, Luca," sagot ni Lolo Geronimo at bahagyang inilapit ang
"Finally, nahuli din kita!" may babala sa tono ni Luca.Hindi agad lumingon ang Intruder. Nanatili ang dalawang kamay na nakababa sa gilid ng black case na bukas. May itim na velvet box sa loob at may folder na may pulang selyo. Sa likuran niya, tatlong metro ang layo, nakatayo si Luca.Nakatutok ang baril, nakasukbit ang coat na itim sa balikat at nakapolo na puti na may bahagyang gusot sa kwelyo galing sa pagbaba sa Basement."Hands where I can see them," sabi ni Luca.Pareho silang hindi kumikilos na parang naghihintayan kung sino ang unang magkakamali at may ilaw na puti na kumikislap sa kisame.Dahan-dahang itinaas ng Intruder ang dalawang kamay na may dumi ng langis sa daliri at may gasgas sa kuko. Pero hindi takot ang balikat. Hindi rin nagmamadali ang galaw. Parang matagal nang hinihintay ang sandaling ito.Bahagyang kumunot ang noo ni Luca. Hindi ito kilos ng ordinaryong magnanakaw na papasok sa De Silva vault na may dalang duplicate ID at toolbox na may gulong.Mas lalo siy
"May mali."Napalingon agad si Bella kay Luca."Ano'ng nangyari?"Hindi siya sumagot, hawak pa rin niya ang cellphone na sunod-sunod ang pag-vibrate sa palad. Pula ang ilaw ng screen.UNKNOWN ACCESS STILL ACTIVE.Mabilis na nawala ang lambing sa mukha ni Luca. Bumalik ang talim ng tingin, bumalik ang pagiging alerto na mabilis magbasa ng sitwasyon, isang CEO na hindi nagkakamali kapag instinct ang kumakausap sa kanya.Mabilis siyang kumilos, inilapag niya ang cellphone sa mesa, kinuha ang intercom na nasa gilid ng bakal na pinto ng penthouse na naka-lock pa rin, at nagsalita nang isang beses na parang tapos na ang diskusyon."Security Head, lock Basement Three, close every exit and service elevator, no one leaves without my clearance," utos niya."Copy, Sir Luca, sealing now," sagot ng nasa kabila.Isinara ni Luca ang intercom at isinuot ang coat na nasa sandalan ng upuan."Luca..." tawag ni Bella at hinawakan ang laylayan ng cardigan na nasa balikat. "Iwan mo ako dito?""Bella, I nee
"Boss... bad news."Katatapos lang ng morning meeting ni Luca nang kumatok si Jerome sa pinto ng opisina. Sumilip lang ang kalahati ng mukha na parang batang may kasalanan at hawak ang iPad na nakabaliktad.Hindi iniangat ni Luca ang tingin mula sa dokumentong may tatak na confidential at hawak ang fountain pen na ginto ang dulo."How bad?" tanong niya habang pinirmahan ang gilid ng papel."Depende po kung kanino," sagot ni Jerome at pumasok na tuluyan habang dala ang tasa ng kape na hindi sa kanya.Isinara ni Luca ang fountain pen at sumandal sa upuan na yari sa itim na leather."Explain," sabi niya.Huminga si Jerome at inilapag ang iPad sa mesa na may tunog."...Nawala po si Little Boss," sabi niya.Tumayo agad si Luca at kinuha ang coat na nakasabit sa likod ng upuan."What?" malamig niyang sabi at binuksan ang drawer para kunin ang susi ng elevator.Bago pa siya makalabas ng opisina, bumukas ang pinto at pumasok si Amerie na may suot na pink backpack na may kumikinang na unicorn
"Mommy... bakit pareho kayong late gumising ni Daddy?"Halos mabitawan ni Bella ang kumot na nakatakip sa dibdib niya.Kakasikat pa lang ng araw at dumudulas ang ginintuang liwanag sa manipis na kurtina ng master's bedroom. Magulo ang unan sa sahig, bahagyang nakabukas ang drawer ng bedside table, at amoy pa rin ng kape ang kumot na kulay cream.Nakahiga pa si Luca na nakapikit, isang braso nakadikit sa baywang ni Bella sa ilalim ng kumot, mainit ang palad na parang ayaw pakawalan kahit sa pagtulog.Nasa pintuan si Amerie, yakap ang unicorn pillow na mas malaki pa sa kanya, nakasuot ng pink pajama na may maliliit na bituin, at pinag-aaralan silang dalawa na may seryosong mukha."...Good morning?" bati nito at itinaas ang unan."Amerie!" bulalas ni Bella at hinila ang kumot hanggang leeg, inayos ang buhok na nakaharang sa mukha gamit ang nanginginig na daliri.Iminulat ni Luca ang mga mata. Isang sulyap lang sa pinto, nakuha na agad ang sitwasyon. Hindi siya nagmamadaling bumitaw kay B
"We never had an anniversary."Bahagyang tinaas ni Bella ang tingin habang inaayos ang maliit na bag sa may garden entrance. Hawak pa rin niya ang strap at hindi makatingin nang diretso."Sir... wala naman talaga tayong ipinagdiriwang. Hindi naman tayo dumaan sa ligawan, hindi tayo nag-first date," sabi ni Bella na medyo nahihiya at bahagyang inayos ang laylayan ng dress.Nakatayo si Luca sa ilalim ng lumang acacia tree na may nakasabit na maliliit na warm lights. Nakasuot siya ng simpleng white polo at black pants, hindi yung pang-board meeting. Nakalagay ang isang kamay sa bulsa at ang isa ay may hawak na baso."Exactly," sagot ni Luca na kalmado at lumapit nang bahagya. "That's why I'd like to create one. Gusto kong gumawa tayo ng una nating date, kahit late na."Si Amerie at Jerome ang may sabwatan ng lahat. Kaninang ala-singko ng hapon, biglang hinila ni Amerie si Bella papunta sa kwarto nito. Hawak nito ang maliit na unicorn pillow at nakangiti."Mommy, may family dinner kayo ni







