Bella's POVKung may award para sa pinakamaraming sideline sa loob ng isang araw, malamang nakauwi na ako ng trophy.Alas-singko pa lang ng umaga, gising na ako para magluto ng almusal. Pagsapit ng alas-siyete, waitress na ako sa maliit na café sa kabilang barangay. Kapag tanghali, mascot. Kapag gabi, tutor. Kapag walang tumatawag na sideline, nagtitinda ako online ng kung anu-anong puwedeng pagkakitaan.Hindi dahil ambisyosa ako, kundi dahil mahal magkasakit. At mas lalong mahal ang maintenance ng tatay kong matigas ang ulo."Bella!" Napalingon ako nang marinig ang malakas na boses ni Boss Linda mula sa counter."Opo, Boss?""Table six! Kanina pa naghihintay!" masakit sa tainga ang boses nito.Napakagat ako sa labi. "Ay, naku!"Mabilis kong pinulot ang tray na may dalawang iced coffee, isang clubhouse sandwich at isang slice ng blueberry cheesecake bago halos patakbong lumapit sa mesa."Good morning po!" nakangiti kong bati. "Pasensya na po sa paghihintay. Libre na po ang extra ketc
Last Updated : 2026-09-17 Read more