
Married To The Arrogant CEO
Pinlano kong pakasalan ang lalaking matagal ko nang minamahal. At nagtagumpay ako.
Bilang CEO ng Samonte Group, alam ni Alliyah Samonte na isang maling desisyon lang ang kayang sumira sa pangalan ng dalawang makapangyarihang pamilya. Kaya nang dumating ang pagkakataon, gumawa siya ng isang kasinungalingang tuluyang nagbago sa buhay nilang dalawa.
Napilitan si Drake Santillian, ang malamig, dominante, at ubod ng yabang na CEO ng Santillian Group, na pakasalan ang babaeng pinaniniwalaan niyang sumira sa kanyang buhay.
Akala ni Alliyah, ang pinakamahirap na parte ay ang maikasal sa lalaking mahal niya.
Nagkamali siya.
Dahil mas mahirap palang mahalin ang isang asawang araw-araw kang tinatanggihan, pinapahirapan, at ipinaparamdam na isa kang pagkakamaling gusto niyang burahin.
Ngunit habang unti-unting natutuklasan ni Drake ang babaeng nasa likod ng kasinungalingan, isang lalaking matagal nang lihim na nagmamahal kay Alliyah ang muling papasok sa buhay nila. Gagamitin niya ang negosyo, ang pagkakataon, at ang nakaraan upang mabawi ang babaeng minahal niya ng tahimik sa matagal na panahon.
Sa mundong ang pag-ibig ay nagsimula sa panlilinlang,
Hanggang saan ang kaya mong isugal para mahalin ka ng taong ikaw mismo ang nagtulak palayo?
At kapag nalaman na niya ang buong katotohanan... pipiliin ka pa rin ba niya?
Read
Chapter: Chapter 48 : Unexpected Visitor"Anak, nasa gate na kami." 'yon lang ang laman ng text ni Martha Samonte.Tatlong segundo pa lang ang nakakalipas, tumunog ulit ang cellphone ni Drake."We're five minutes away. Don't tell us you're working this weekend." — John Santillian.Napatingin sina Drake at Alliyah sa kani-kanilang cellphone na hawak nila sa sala."Your parents?" sabay nilang tanong sa isa't isa.Nagkatinginan silang dalawa at parehong nagulat sa timing."Your parents too?" tanong ulit ni Drake kay Alliyah."Oo, my parents too, nasa gate na raw sila, ikaw din pala," sagot ni Alliyah.Parehong pamilya darating ngayong gabi at walang pasabi kahit kanino."Anong gagawin natin, wala pa tayong handa," sabi ni Alliyah."Tawagin mo si Gwen, ayusin ang guest rooms," sagot ni Drake habang tumatayo.Si Alliyah tinawag agad si Gwen na nasa kusina."Gwen, darating ang parents namin pareho, pakihanda ang guest rooms at maglabas ka ng extra kumot," sabi ni Alliyah."Yes, Ma'am, ayusin ko na po ngayon din," sagot ni Gwen.Pa
Last Updated: 2026-11-05
Chapter: Chapter 47 : Direct Line"They specifically asked that negotiations no longer pass through your office."Hindi agad nakasagot si Drake, nasa home office siya.Ang Legal head ang nasa speakerphone. "Sir, according to Zurich, Chairwoman Alliyah consistently responds within two hours. Compliance issues are resolved the same day. They believe direct coordination will prevent further delays," sabi ng legal. Hindi insulto ang sinabi ng Zurich, professional evaluation, kaya mas masakit. "Is that the exact wording?" tanong ni Drake. "Yes, Sir. Exact email from Zurich compliance head," sagot ng legal. "Send me the email," sabi ni Drake. "Yes, Sir." Binaba ni Drake ang tawag. Naupo siya sa upuan. Hawak ang phone. Kinabukasan, may emergency meeting sa Santillian Tower. Nasa boardroom ang pitong senior directors. Wala si Alliyah, wala si Dexter. Sila-sila lang. Binasa ni Director Lim ang memo mula sa Zurich. "Effective for the next phase, Zurich Holdings requests direct coordination with Chairwoman Alliyah Samon
Last Updated: 2026-11-04
Chapter: Chapter 46 : Fault Line"This isn't a delay anymore. It's a breach."Nasa boardroom ang tatlong kumpanya. Santillian, Samonte, Asuncion. Nasa harap ang email mula sa Zurich, naka-project sa screen. Naka-freeze ang pondo, 40 million euros. May inconsistency sa financial documents. Hindi pa crisis, warning pa lang, pero lahat seryoso.Si Drake nasa head ng table, katabi ang finance team ng Santillian. Si Alliyah nasa kabila, katabi si Dexter. Labindalawang directors ang nasa paligid.Binasa ni Director Lim ang email."Fund release on hold pending clarification on consolidated reports." Ibinaling ni Director Lim ang upuan kay Drake. "Saan nanggaling ang inconsistency Drake?"Pinasa ni Drake ang folder sa finance head."Chine-check pa namin, Sir. Baka may error sa revenue projections.""Baka sa tax computation," sabat ng isa pa."Na-check na namin ang tax. Wala doon," sagot ng isa pa.Nagtalo sila. Walang makaturo kung saan.Si Alliyah hindi sumali sa pagtatalo. Kinuha niya ang reports."Gwen, pakibigay ang Sant
Last Updated: 2026-11-03
Chapter: Chapter 45 : UnspokenHindi agad pinaandar ni Drake ang sasakyan. Nasa driver's seat siya at nakatanaw sa glass entrance ng Samonte Headquarters. Sa labas, nag-uusap sina Dexter at Alliyah malapit sa lobby. May pagitan sa pagitan nila, hindi malapit, hindi sweet. May hawak na kape at folder, may laptop na nakapatong sa braso ni Alliyah. Pero komportable ang tayo nilang dalawa. Makikita ni Drake na tumatawa si Alliyah sa sinabi ni Dexter. Hindi iyong pilit na ngiti na binibigay nito sa mansion kapag nasa dining sila kasama si Christine. Totoong tawa, yung may konting iling at hawak sa kape. Hindi niya maintindihan kung bakit naiinis siyang makita iyon. Nag-ring ang phone niya sa dashboard. Christine ang tumatawag. Hindi niya agad sinagot. Pinanood muna niya sina Alliyah at Dexter na naglalakad papunta sa kabilang entrance bago niya pinindot ang answer. "Yes?" sagot ni Drake. "Drake, nasa mansion ka na ba? May ipapadala sana akong documents for the gala," sabi ni Christine. "Later," sagot ni Drake at i
Last Updated: 2026-11-03
Chapter: Chapter 44 : Collateral DamageHindi bubog ng vase ang naiwan sa foyer kagabi. Tiwala ang unang nabasag.Santillian Boardroom sa 42nd floor ng Santillian Tower. Nasa executive meeting si Drake kasama ang pitong senior directors ng Santillian Group. Nasa harap ang Zurich proposal, may mga graphs sa screen, may mga legal notes na naka-print.Pero hindi nakikinig si Drake nang buo. Nakatitig siya sa parehong page ng report sa loob ng ilang minuto."Drake," tawag ng isang director na matagal na sa kumpanya, si Director Lim. "You've been staring at the same page for three minutes. May problema ba sa figures?"Umiling si Drake at inayos ang coat."Continue," sabi niya.Nagpatuloy ang presentation tungkol sa Zurich proposal. May issue sa revenue sharing ng tatlong kumpanya — Santillian, Samonte, at Asuncion. Kailangan ng joint approval bago ma-finalize."We need Samonte's final recommendation on the revenue split," sabi ni Director Lim. "Si Mrs. Santillian ang may hawak ng logistics cost, siya lang ang may accurate na num
Last Updated: 2026-11-02
Chapter: Chapter 43 : Truth Doesn't Need DefendingNasa foyer pa rin silang lahat. Hawak ng Head of Security ang tablet na naglo-loading ang CCTV footage. Nandoon si Drake na nakatayo sa gitna ng basag na vase, si Alliyah na may hawak pa ring listahan ng bisita, si Christine na namumutla sa tabi ng console, si Allen na nasa may pintuan, si Gwen na nasa hagdan, si Manang Gracia na nasa gilid na may hawak na walis.Walang nagsasalita sa foyer. Tanging tunog lang ng aircon at ng tablet ang maririnig.I-play ang footage.Unang angle — camera mula sa kisame sa kaliwang sulok ng foyer, kita ang buong console at ang mamahaling vase na nasa ibabaw.Sa video, makikita si Christine na dumaan sa foyer bandang alas otso beinte ng gabi. May hawak siyang phone. Huminto siya sa tapat ng vase. Tumingin sa paligid. Tapos nag-selfie muna siya gamit ang phone, likod ang vase, parang pang Instagram story.Pagkatapos ng selfie, ibinaba niya ang phone at hinawakan ang vase. Hindi aksidente ang hawak. Iniikot niya ang vase gamit ang dalawang kamay, parang t
Last Updated: 2026-11-02
Chapter: Chapter 5 : The DiaryMarahang itinulak ni Lola Criselda ang puting pinto ng kwarto. Huminto si Margaux sa mismong entrada at hindi agad pumasok. Parang may kung anong bumara sa dibdib niya habang nakatingin sa loob.Malinis ang bawat sulok ng silid. May malaking puting kama sa gitna na may apat na unan at may kulay beige na kumot. Sa kanan ay may walk-in closet na may salamin na pinto. Sa kaliwa ay may vanity table na punong-puno ng mamahaling pabango, skin care, at make-up na maayos na nakahilera. May bookshelf na maayos ang pagkakaayos ng mga libro ayon sa kulay. May mga framed photographs sa dingding na puro si Margaux lang mag-isa.At sa ibabaw ng kama, nakahiga pa rin ang paboritong stuffed bear ni Margaux na kulay brown. Parang kahapon lang siya umalis at babalik din agad."Dahil..." mahinang sabi ni Lola Criselda habang nakatingin sa loob ng kwarto. "Umaasa akong isang araw, bubuksan mo ulit ang pintong ito at papasok ka na parang walang nangyari."Napalingon si Margaux kay Lola. Hindi na napigilan
Last Updated: 2026-10-26
Chapter: Chapter 4 : Welcome Home Margaux!"...Margaux?"Humakbang pa ang babae nang isang hakbang palapit kay Margaux sa gitna ng Ayala Center Cebu. Naka-red dress, may mamahaling handbag, at halatang nagulat nang makita siya. Tinitigan niya si Margaux mula ulo hanggang paa."Ikaw nga? Buhay ka?" tanong ng babae na nangingilid ang luha.Hindi agad nakasagot si Margaux. Saglit niyang tiningnan ang mukha ng babae. May pakiramdam siya na dapat kilala niya ito. Pamilyar ang mata, pamilyar ang ngiti, pero blangko ang isip niya.Ngumiti siya nang bahagya at may paghingi ng paumanhin."Pasensya na... pakiramdam ko kilala kita... pero hindi kita maalala," sabi ni Margaux.Nawala ang ngiti sa labi ng babae. Parang nasaktan."Ako si Vera, kapatid mong bunso.," sabi ni Vera.Walang nagsalita nang ilang segundo sa harap ng boutique. Tumango lang si Margaux at ngumiti ulit."Mukhang marami pa akong kailangang bawiin sa inyo," sabi ni Margaux.Lumapit si Madeline at hinawakan ang kamay ni Margaux."Mommy... si Tita Vera 'yan." magiliw nito
Last Updated: 2026-10-26
Chapter: Chapter 3 : Mommy Upgrade"Mommy! Bawal lumabas!"Napalingon si Margaux nang marinig ang sigaw ni Madeline mula sa hallway.Pagkabukas niya ng pinto ng master's bedroom, nadatnan niyang nakatayo ang limang taong gulang sa harap ng pintuan habang naka-ekis ang dalawang kamay.Sa paanan nito ay may tatlong teddy bear, dalawang unan, at isang maliit na pink na upuan.Parang gumawa ng barricade.Napakunot-noo si Margaux. "Anong ginagawa mo,baby?""Security checkpoint.""...Ha?" naguguluhan niyang tanong."Hindi ka puwedeng lumabas mommy." seryosong mukha ng bata ."Bakit naman?" ginulo nito ang buhok niya at natawa."Kasi baka mawala ka na naman." may lungkot sa maliit nitang tinig.Parang may kumirot sa dibdib ni Margaux "Madeline...""Hindi kita palalabasin mommy hangga't hindi ka pumipirma." nakausli nag nguso nito."Pipirma saan?"Inilabas ni Madeline ang isang bond paper na puno ng crayons. Malaki ang nakasulat :MOMMY CONTRACT :Rule #1 Hindi puwedeng mawala.Rule #2 Dapat yayakap bago umalis.Rule #3 Dapa
Last Updated: 2026-10-26
Chapter: Chapter 2 : The First Breakfast"Mommy... gising na. Sabi ni Daddy, eight o'clock daw ang breakfast."Nagising si Margaux dahil sa maliit na kamay na humihila sa kumot niya. Maliwanag na sa labas ng malaking bintana ng master's bedroom sa Montemayor Mansion. Kita ang buong Cebu City at ang linya ng CCLEX sa malayo.Nakaupo si Madeline Montemayor sa gilid ng kama. Naka-pink pajama pa at hawak ang maliit na teddy bear niya. Nakatingin kay Margaux na parang natatakot na mawala ulit."Mommy... akala ko aalis ka na naman," sabi ni Madeline, ang cute at maliit ang boses.Umupo si Margaux at hinaplos ang buhok ni Madeline."Hindi nuh, nangako ako sa'yo kagabi, hindi ba?" sagot ni Margaux.Ngumiti si Madeline nang bahagya."Promise?" tanong ni Madeline."Promise, hindi ako aalis," sagot ni Margaux at niyakap si Madeline.Bumukas ang pinto at pumasok si Manang Rosing na may dalang ilang damit na nakahangga."Ma'am, magandang umaga po. Alin po ang gusto ninyong isuot para sa almusal?" tanong ni Manang Rosing.Napatulala si Ma
Last Updated: 2026-10-26
Chapter: Chapter 1 : She's AliveMay mga sugat na kayang tahiin ng doktor.May mga butong kayang ibalik ng panahon.Pero may mga tanong na kahit ilang ulit mong balikan, wala pa ding makuhang tamang sagot.Nakatanaw ang nakaupo sa wheelchair na si Rayver Montemayor sa malawak na salaming bintana ng executive boardroom ng Montemayor Group Headquarters. Sa ibaba, tuloy ang ikot ng Cebu Business Park—may mga negosyanteng nagmamadali sa meeting, empleyadong bitbit ang kape, at mga sasakyang walang pakialam sa problemang pasan ng ibang tao.Isang taon na ang nakalipas mula nang magising siyang hindi na muling makakatayo sa sarili niyang mga paa dahil sa isang aksidente.Dalawang buwan na rin mula nang maaksidente ang asawa niya.Magkaibang insidente.Magkaibang panahon.Habang mas binubuo niya ang bawat detalye sa isip, mas lalo niyang naiisip kung sapat bang tawaging pagkakataon ang dalawang trahedyang dumaan sa iisang pamilya.Hindi pa siya naniniwalang may taong may kagagawan.Pero mas lalong hindi rin siya kumbinsido
Last Updated: 2026-10-26
Chapter: Prologue :"Harriet... tulungan mo ako... papatayin nila ako..." Nanginginig ang kamay ni Harriet Villaverde habang hawak niya ang cellphone. Basang-basa pa ng pawis ang itim niyang tactical suit galing sa labing-anim na oras na operasyon kontra gun-running syndicate. May mantsa pa ng dugo sa manggas niya. "Margaux? Ano nangyayari sayo? Nasaan ka ngayon?" Mabilis siyang lumabas ng briefing room ng safehouse nila, hindi na pinansin ang mga operatiba na nakatingin sa kanya. "May sumusunod sa akin... Harriet... hindi ko na alam gagawin ko..." Umiiyak ang boses ni Margaux sa kabilang linya, halos hindi na makahinga. Alam ni Harriet na hindi ganito ang kambal niya. Oo maarte si Margaux, pero hindi siya yung tipong nagpapanic nang walang dahilan. "Makinig ka sa akin. I-send mo sa akin ang location mo. I-share mo ngayon din," utos ni Harriet, pilit pinapakalma ang boses. Walang sagot, mabilis lang ang hinga ni Margaux na rinig na rinig niya. Tapos biglang may malakas na busina ng truck. S
Last Updated: 2026-10-26

WANTED : Perfect Mommy
Six-year-old Amerie De Silva is a child genius with a photographic memory—and according to her, she has finally found her missing mommy.
For years, billionaire CEO Luca De Silva protected his daughter's fragile heart with a beautiful lie. He told Amerie that her mother wasn't gone instead, she was a fearless military commander on secret missions around the world. Every letter, every email, every photo from "Mommy" was carefully fabricated to keep his little girl smiling.
Until one chaotic morning, in the middle of traffic, Amerie spots a young woman wearing a mascot costume. The moment the woman removes her oversized headpiece, the little girl jumps out of the car, wraps her tiny arms around the stranger, and cries, "Mommy!"
An stranger named Bella Mendoza—a bubbly, hardworking waitress juggling multiple jobs while chasing her dream of becoming a flight attendant and paying for her sick father's medical bills.
Unable to break a child's heart, Bella plays along, just for a moment.
But one moment becomes a deal.
One fake family becomes dangerously real.
As Bella slowly melts the frozen heart of the cold, untouchable billionaire, secrets buried beneath the De Silva empire begin to surface. The plane crash that killed Luca's wife was never an accident, and the enemies waiting in the shadows are willing to destroy anyone standing beside him—including the woman his daughter has already chosen as the perfect mommy.
She's not his wife. She's not the child's mother. But one little girl has already chosen her as her "PERFECT MOMMY"
Read
Chapter: Chapter 65 : The Old Case"It's an invitation."Nanatili ang chess knight sa palad ni Luca. Itim, may gasgas sa gilid, may nakaukit na agila na may sirang pakpak.Sa loob ng vault, amoy pa ng kemikal at may puting ilaw na nanginginig sa kisame."May gustong ipaalala sa atin ang taong 'yon, Luca," sabi ni Lolo Geronimo at idiniin ang tungkod sa bakal na sahig."Open the old case," sabi ni Luca at inilapag ang knight sa mesa. "The case about my wife's death."Sina Jerome at Lolo Geronimo nagtinginan ng makahulugan.Sa underground conference room, nakaupo na silang apat. Si Luca sa gitna, hawak pa rin ang knight. Si Lolo Geronimo sa kaliwa, hawak ang tungkod. Si Jerome nakatayo sa likod na may iPad. Si Atty. Rafael tahimik na nagbukas ng itim na folder."Three years akong naniwalang aksidente iyon, Lo," sabi ni Luca at inilapag ang knight sa gitna ng mesa. "Three years kong pinaniwalaan na walang may kasalanan.""Because that's what I wanted you to believe, Luca," sagot ni Lolo Geronimo at bahagyang inilapit ang
Last Updated: 2026-11-05
Chapter: Chaper 64 : Face The Enemy"Finally, nahuli din kita!" may babala sa tono ni Luca.Hindi agad lumingon ang Intruder. Nanatili ang dalawang kamay na nakababa sa gilid ng black case na bukas. May itim na velvet box sa loob at may folder na may pulang selyo. Sa likuran niya, tatlong metro ang layo, nakatayo si Luca.Nakatutok ang baril, nakasukbit ang coat na itim sa balikat at nakapolo na puti na may bahagyang gusot sa kwelyo galing sa pagbaba sa Basement."Hands where I can see them," sabi ni Luca.Pareho silang hindi kumikilos na parang naghihintayan kung sino ang unang magkakamali at may ilaw na puti na kumikislap sa kisame.Dahan-dahang itinaas ng Intruder ang dalawang kamay na may dumi ng langis sa daliri at may gasgas sa kuko. Pero hindi takot ang balikat. Hindi rin nagmamadali ang galaw. Parang matagal nang hinihintay ang sandaling ito.Bahagyang kumunot ang noo ni Luca. Hindi ito kilos ng ordinaryong magnanakaw na papasok sa De Silva vault na may dalang duplicate ID at toolbox na may gulong.Mas lalo siy
Last Updated: 2026-11-05
Chapter: Chapter 63 : The Intruder"May mali."Napalingon agad si Bella kay Luca."Ano'ng nangyari?"Hindi siya sumagot, hawak pa rin niya ang cellphone na sunod-sunod ang pag-vibrate sa palad. Pula ang ilaw ng screen.UNKNOWN ACCESS STILL ACTIVE.Mabilis na nawala ang lambing sa mukha ni Luca. Bumalik ang talim ng tingin, bumalik ang pagiging alerto na mabilis magbasa ng sitwasyon, isang CEO na hindi nagkakamali kapag instinct ang kumakausap sa kanya.Mabilis siyang kumilos, inilapag niya ang cellphone sa mesa, kinuha ang intercom na nasa gilid ng bakal na pinto ng penthouse na naka-lock pa rin, at nagsalita nang isang beses na parang tapos na ang diskusyon."Security Head, lock Basement Three, close every exit and service elevator, no one leaves without my clearance," utos niya."Copy, Sir Luca, sealing now," sagot ng nasa kabila.Isinara ni Luca ang intercom at isinuot ang coat na nasa sandalan ng upuan."Luca..." tawag ni Bella at hinawakan ang laylayan ng cardigan na nasa balikat. "Iwan mo ako dito?""Bella, I nee
Last Updated: 2026-11-05
Chapter: Chapter 62 : Locked Inside The Penthouse"Boss... bad news."Katatapos lang ng morning meeting ni Luca nang kumatok si Jerome sa pinto ng opisina. Sumilip lang ang kalahati ng mukha na parang batang may kasalanan at hawak ang iPad na nakabaliktad.Hindi iniangat ni Luca ang tingin mula sa dokumentong may tatak na confidential at hawak ang fountain pen na ginto ang dulo."How bad?" tanong niya habang pinirmahan ang gilid ng papel."Depende po kung kanino," sagot ni Jerome at pumasok na tuluyan habang dala ang tasa ng kape na hindi sa kanya.Isinara ni Luca ang fountain pen at sumandal sa upuan na yari sa itim na leather."Explain," sabi niya.Huminga si Jerome at inilapag ang iPad sa mesa na may tunog."...Nawala po si Little Boss," sabi niya.Tumayo agad si Luca at kinuha ang coat na nakasabit sa likod ng upuan."What?" malamig niyang sabi at binuksan ang drawer para kunin ang susi ng elevator.Bago pa siya makalabas ng opisina, bumukas ang pinto at pumasok si Amerie na may suot na pink backpack na may kumikinang na unicorn
Last Updated: 2026-11-04
Chapter: Chapter 61 : Morning After"Mommy... bakit pareho kayong late gumising ni Daddy?"Halos mabitawan ni Bella ang kumot na nakatakip sa dibdib niya.Kakasikat pa lang ng araw at dumudulas ang ginintuang liwanag sa manipis na kurtina ng master's bedroom. Magulo ang unan sa sahig, bahagyang nakabukas ang drawer ng bedside table, at amoy pa rin ng kape ang kumot na kulay cream.Nakahiga pa si Luca na nakapikit, isang braso nakadikit sa baywang ni Bella sa ilalim ng kumot, mainit ang palad na parang ayaw pakawalan kahit sa pagtulog.Nasa pintuan si Amerie, yakap ang unicorn pillow na mas malaki pa sa kanya, nakasuot ng pink pajama na may maliliit na bituin, at pinag-aaralan silang dalawa na may seryosong mukha."...Good morning?" bati nito at itinaas ang unan."Amerie!" bulalas ni Bella at hinila ang kumot hanggang leeg, inayos ang buhok na nakaharang sa mukha gamit ang nanginginig na daliri.Iminulat ni Luca ang mga mata. Isang sulyap lang sa pinto, nakuha na agad ang sitwasyon. Hindi siya nagmamadaling bumitaw kay B
Last Updated: 2026-11-04
Chapter: Chapter 60 : The Anniversary They Never Had"We never had an anniversary."Bahagyang tinaas ni Bella ang tingin habang inaayos ang maliit na bag sa may garden entrance. Hawak pa rin niya ang strap at hindi makatingin nang diretso."Sir... wala naman talaga tayong ipinagdiriwang. Hindi naman tayo dumaan sa ligawan, hindi tayo nag-first date," sabi ni Bella na medyo nahihiya at bahagyang inayos ang laylayan ng dress.Nakatayo si Luca sa ilalim ng lumang acacia tree na may nakasabit na maliliit na warm lights. Nakasuot siya ng simpleng white polo at black pants, hindi yung pang-board meeting. Nakalagay ang isang kamay sa bulsa at ang isa ay may hawak na baso."Exactly," sagot ni Luca na kalmado at lumapit nang bahagya. "That's why I'd like to create one. Gusto kong gumawa tayo ng una nating date, kahit late na."Si Amerie at Jerome ang may sabwatan ng lahat. Kaninang ala-singko ng hapon, biglang hinila ni Amerie si Bella papunta sa kwarto nito. Hawak nito ang maliit na unicorn pillow at nakangiti."Mommy, may family dinner kayo ni
Last Updated: 2026-11-03