HINDI kilala ni Rome sa hitsura ang Cayson Montemayor na iyon, subalit marami na rin siyang naririnig tungkol dito sa pamamagitan ni Dudz. Hindi niya inasahang ito ang mayamang manliligaw ni Precilla noon— ang lalaking siyang dahilan kung bakit niya isinuko ang nararamdaman para kay Precilla dahil nalaman niyang may gusto rin ito sa lalaki.
Ang mga Montemayor ay isa sa mga mayayamang pamilya sa lungsod. Ang lola ni Cayson, the matriarch, ang nagmamay-ari ng pinakamalaki at prestihiyosong kolehiyo sa lungsod, kung saan nagta-trabaho ang mga magulang at mga tiyahin niya.
Maliban pa roon, ay nagmamay-ari rin ng isang transport service business ang pamilya. At dahil si Cayson lang ang nag-iisang apo ay ito lamang ang na
“KAILANGAN mong humingi ng pasensya sa ginawa mo sa apo ni Mrs. Montemayor!” Napauklo sa kinauupuan si Rome nang muling suminghal ang Papa niya. Singhal na halos sumakop sa buong compound. Singhal na kasing lakas ng kulog. Singhal na nanunuot sa buong kalamnan niya. Kanina pa siya nito sine-sermunan at nag-uumpisa na siyang ma-bingi— literal— sa tindi ng pagsinghal nito. Si Dudz ay mabilis pa sa alas-sinco kung makapag-sumbong sa mga magulang niya! She was in her room then, staring at her test papers with a heavy heart when she heard her father shouted out her name. Halos magkanda-dulas-dulas siya sa pagbaba ng hagdan. Kapag ganoon ang tono ng ama ay nanginginig na ang mga tuhod niya. Pagdating s
NANGmakapasok sila sa opisina ay namamanghang sinuyod niya ng tingin ang magandang silid.Visitor’s area palang, mukha at amoy mayaman na! May naka-unipormeng babaeng naroon sa loob at kausap ng papa niya. Siguradong iyon ang sekretarya ni Mrs. Montemayor. Ilang sandali pa’y iginiya na sila nito sa silid kung saan naroon ang opisina ng ginang. Nang makapasok ay natigilan siya. She was expecting to meet someone who looked like a terror old lady. Sa halip, ay nakangiting may edad na babae ang tumayo sa likod ng executive table at binati sila. “Good Morning, Ma’am,” magalang na bati ng tatay niya. “Good morning, Mr. Cinco. How are you today?” &nb
SUBALIT hindi roon natapos ang koneksyon nina Rome kay Cayson Montemayor.Dalawang taon makalipas ang nangyaring iyon ay muling umuwi sa bansa ang lalaki, fully ready to take over the school directorship. Natapos nito ang masters sa America at umuwi na ng Pinas para permanente nang mamalagi roon. Ito ang namahala sa transport service business ng pamilya habang si Mrs. Althea Montemayor ay naghahanda na sa pagre-retiro nilang School Director ng MIC. “Apat na taon pa bago ang retirement ni Mrs. Montemayor pero ngayon pa lang ay pinag-aaralan na ni Cayson ang pamamalakad ng campus,” pahayag ng papa niya isang gabing naghahapunan sila. Magkausap ang mga magulang niya tungkol sa pag-uwi ni Cayson Montemayor habang sila ni Connie, na noong mga panahong iyon ay nasa ikalawang tao
Hindi alam ni Rome kung itutuloy ang pagpasok sa gate ng MIC o tatalikod at lumayas na lang sa kanila. Kanina pa parang tinataga ang dibdib niya sa sobrang kaba habang pina-practice ang mga sasabihin sa mama at papa niya tungkol sa gradong hindi naipasa at kung papaano sasabihin sa mga ito na hindi siya pasok sa sampung graduating students na tatanggap ng parangal. Tatlong araw na ang lumipas matapos niyang matanggap ang result ng make-up exam niya sa Physics— at sa kasamaang palad, ay mababa pa rin ang naging score niya. The good news was— there will be no red mark on her card. Dahil hindi na seventy-two ang magiging grade niya sa Physics, kung hindi seventy-six. Nagiging pula lang ang marka sa card kapag below seventy-five ang grado— that, at least, was the best thing. &n
Lalong nanlaki ang mga mata ni Rome kasabay ng pag-pigil sa paghinga nang kunot-noong yumuko si Cayson. She smirked in her mind. Kung iniisip mong tatanggapin ko ang pag-alalay mo sa aking makatayo ay nagkakamali ka! I’d rather stay on the floor all night! Subalit ang inakala niyang pag-alalay sa kaniya ng lalaki ay hindi nangyari. Dahil hindi ito yumuko upang alalayan siya, kung hindi damputin ang nabitiwan niyang envelope, bago muling tuwid na tumayo. Lalong nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Caligh Carson Montemayor was holding the envelope where
MAKALIPAS pa ang ilang taon at nanatili pa rin ang galit sa puso ni Rome para kay Cayson Montemayor. Ni minsan ay hindi iyon nawala. Pinilit ng dalagang kalimutan pero sa maraming pagkakataon ay bumabalik pa rin sa alaala nito ang mga nangyari sa dalawang beses na nagkita sila na siyang naging dahilan kung bakit itinuring siyang ‘espesyal’ ng pamilya. Naging mahigpit ang mga ito sa kaniya, bantay-sarado siya na tila kriminal. Sa tuwing nasa paligid siya ay alerto ang mga mata sa kaniya ng buong pamilya, watching her every move, her every step. Kapag nagsasalita siya’y nakabantay din ang mga ito— na tila may sekreto siyang ibubunyag tungkol sa gobyerno.
MARIING napalunok si Rome nang sulyapan niya isa-isa ang mga tiyahin na naka-upo sa mahabang couch paharap sa kaniya. Ang mama niya ay naka-upo sa single sofa habang ang papa niya ay nakatayo sa likuran nito. Samantalang ang Ate Connie naman niya ay naka-upo rin sa harapang single sofa na kinauupuan ng mama niya— looking so worried. Ang lahat ng mata ay nakapako sa kaniya, waiting for her to explain herself. Bakit? Dahil nahuli lang naman siya ng Papa niya na nakikipag-date kay Baron sa isang mall sa Pasay. Ang alam ng mga magulang niya ay kasama niya si Connie, subalit ang ate niya ay sa
SA kabila ng nalaman na niya ang history ng kanilang pamilya ay patuloy pa rin si Rome sa lihim na pakikipagkita kay Baron.Isang linggo lang makaraan ang komprontasyong iyon ay muli siyang nakipag-kita sa kasintahan. "Nag-uumpisa na akong mapikon sa mga magulang mo, Rome. Ang tingin nila sa mga sarili ay Diyos!" reklamo ni Baron nang magkita sila nito sa isang restaurant sa Pasay. Dinala niya ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at ginagap ang mga kamay ng kasintahan. Nakikita niya sa anyo ni Baron ang labis na pagkainis. Actually... simula pa kanina nang magkita sila'y tila sira na ang mood nito. Napikon ito dahil limang minuto siyang late. Ipinaliwanag niyang traffic