Share

ANG ANINO SA PASILYO

last update publish date: 2026-10-24 22:56:54

Hindi ako makatulog.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang bulong na narinig ko kanina.

“Nananaginip si Master Alex… bilisan mo.”

Sino ang nagsabi noon? At bakit kailangan kong magmadali?

Napabuntong-hininga ako habang nakahiga sa kama. Ilang beses kong sinubukang kumbinsihin ang sarili kong pagod lang ako. Sa dami ng nangyari nitong mga nakaraang araw, hindi na nakapagtataka kung pati isip ko ay nagloloko na.

Pero paano kung hindi?

Napabalikwas ako nang makarinig ng mahinang kaluskos sa laba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • WHEN THE UNWANTED NANNY DISCOVERED THE HEIR'S SECRET     ANG LIKOD NG PADER

    Hindi pa sumisikat ang araw nang bumalik si Roman sa silid namin.Halata sa mukha niya ang pagod. Bahagyang gusot ang manggas ng kaniyang damit at may bahid ng tensiyon sa kaniyang mga mata. Ngunit nang makita niya si Alex na mahimbing na natutulog sa tabi ko, agad na lumambot ang kaniyang ekspresyon."May bago ba?" mahina kong tanong.Umupo siya sa gilid ng kama at marahang hinaplos ang buhok ni Alex."May nakuha kaming impormasyon mula sa nahuling kontratista."Umayos ako ng upo. "At?""Hindi lang siya basta gumamit ng lumang access card. May tumulong sa kaniya para makapasok sa lumang security network.""Akala ko kaya niyang gawin iyon mag-isa.""May kakayahan siyang pasukin ang lumang sistema, pero hindi niya kayang ibalik ang mga access na binawi na. May nagbigay sa kaniya ng pansamantalang pahintulot."Napakunot-noo ako. "Ibig sabihin, may taong nasa loob pa rin ng mansiyon?""Hindi pa natin al

  • WHEN THE UNWANTED NANNY DISCOVERED THE HEIR'S SECRET     ANG TAONG NAG UTOS

    "The boy must remain unharmed."Ilang beses kong binasa sa isip ang pangungusap na iyon.Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang banggitin si Alex sa isang listahan ng mga lihim na operasyon. Kung hindi siya ang target, bakit kailangang tiyaking walang mangyayari sa kanya?"Roman, ano ang ibig sabihin nito?"Hindi agad siya sumagot. Hawak niya ang notebook habang muling sinusuri ang mga nakasulat na petsa."Hindi pa natin alam. Pero malinaw na may nagmamasid sa mga kilos natin."Tumingin siya kay Hernan."Dalhin mo ang notebook sa forensic team. Ipa-check ang papel, tinta at anumang fingerprint. Kopyahin ang lahat bago ito galawin.""Yes, sir.""At Tomas?""Sir?""Mananatili ka muna rito habang iniimbestigahan namin ang mga sinabi mo. Bibigyan ka ng proteksiyon ang security team para sa pamilya mo. Pero mula ngayon, wala kang itatago sa akin."Tumango si Tomas. Halata pa rin ang takot sa kanyang mukha."Hindi ko po alam kung sino ang taong iyon, sir. Pero may isang bagay akong naa

  • WHEN THE UNWANTED NANNY DISCOVERED THE HEIR'S SECRET    ANG PANGALAN SA RECORED

    "Sir, kailangan ninyong makita ito."Napatingin si Roman sa tablet na hawak ni Hernan.Nasa opisina kami nang gabing iyon. Katatapos lamang niyang kausapin si Corazon, at hindi pa rin nawawala ang bigat sa kanyang mukha."Ano ang nakita mo?""Sinuri ko ang lumang access records. May isang pangalan na paulit-ulit na lumalabas sa restricted wing kahit wala itong opisyal na pahintulot."Inilapag ni Hernan ang tablet sa mesa.Napatingin ako sa screen.TOMAS VILLAREAL.Napahawak ako sa dibdib ko."Asawa ni Corazon?"Tumango si Hernan."Driver natin siya. Ayon sa records, may ilang pagkakataong ginamit ang dating access card sa mga oras na naka-duty siya.""Nasaan siya ngayon?" malamig na tanong ni Roman."Sa garahe po. Katatapos lang maglinis ng sasakyan."Tumayo si Roman."Dalhin ninyo rito."Hindi nagtagal, pumasok si Tomas kasama ang dalawang guwardiya. Halatang nagtataka siya sa biglaang pagpapatawag."Sir, may problema po ba?""Umupo ka."Sumunod siya, pero hindi mapakali ang mga kama

  • WHEN THE UNWANTED NANNY DISCOVERED THE HEIR'S SECRET    ANG KATUWANG SA LOOB NG MANSION

    KABANATA 76: ANG KATUWANG NASA LOOB NG MANSION"Corazon, magsisimula ka nang magsabi ng totoo."Hindi gumalaw ang mayordoma. Nakayuko siya habang nakatitig sa lumang access card na hawak ni Hernan."Sir, wala po akong ginawang masama.""Kung ganoon, ipaliwanag mo kung bakit nasa storage room ang mga gamit ni Elena.""Wala po akong alam kung paano napunta roon ang mga iyon.""At ang access card?"Napalunok siya."Matagal na po iyan, sir.""Alam ko. Kaya nga gusto kong malaman kung bakit hindi ito naibalik sa security office."Walang naisagot si Corazon.Nasa tabi ko si Alex. Tahimik siyang nakaupo sa sofa, hawak ang maliit na laruang ibinigay sa kanya ni Roman. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa mayordoma, pagkatapos ay sa akin.Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya nakilala si Corazon, pero ayokong pilitin siyang magsalita."Corazon," maingat kong tanong, "bakit ka natakot nang makita mo si Alex?"Agad siyang napatingin sa akin."Hindi po ako natakot, ma'am.""Pero namutla ka."

  • WHEN THE UNWANTED NANNY DISCOVERED THE HEIR'S SECRET    ANG BUMASAG SA KATAHIMIKAN

    "Alex, gusto mo bang magpahinga muna?"Umiling ang bata habang mahigpit na hawak ang maliit kong daliri.Ilang araw na rin mula nang makauwi kami sa mansion. Mas maayos na ang kalagayan namin, pero hindi pa rin nawawala ang pagiging mapagmatyag ni Roman. Kahit simpleng pagpunta ko sa sala, may dalawang guwardiyang nakasunod sa amin."Roman, hindi naman ako tatakbo.""Hindi ko sinabing tatakbo ka.""Pero para akong may escort sa bawat hakbang.""Mas mabuti nang sigurado."Napailing ako. Wala na akong nagawa kundi ngumiti.Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo, kasama namin sina Alex at Shadow. Nasa maliit na portable aquarium naman si Bubbles, na maingat na itinutulak ng isang tauhan.Biglang huminto si Shadow.Itinaas niya ang ulo at ilang beses na inamoy ang hangin."Ano iyon?" tanong ko sa isip ko."Bella, may kakaibang amoy."Napatingin ako sa kanya."Anong amoy?""Amoy ng taong ayaw kong makita rito."Biglang naging seryoso si Duchess na nasa malapit na bintana."May punto si

  • WHEN THE UNWANTED NANNY DISCOVERED THE HEIR'S SECRET    ANG NAGSESELOS PERO DI UMAAMIN

    "Roman, bakit nasa ibabaw ng mesa ang mga bulaklak ko?"Hindi siya sumagot. Abala siya sa pagbabasa ng mga dokumentong dala ni Hernan."Roman?"Tumingin siya sa akin. "Ano?""Tinatanong ko kung bakit mo inilayo ang mga bulaklak ko.""Mas maganda silang tingnan diyan."Napatingin ako sa bouquet na inilagay niya sa kabilang bahagi ng silid. Halos limang hakbang ang layo mula sa kama ko."Talaga? Akala ko ba hindi ka mahilig sa bulaklak?""Hindi naman.""Kung ganoon, bakit parang may problema ka sa nagbigay?"Bumalik siya sa pagbabasa."Wala akong problema sa kanya."Napangiti ako. "Ah, ganoon ba?""Oo.""Kung magkita kami ulit, puwede ko ba siyang pasalamatan nang maayos?"Huminto ang paggalaw ng kamay niya sa papel."Nagpasalamat ka na.""Pero gusto ko pa siyang pasalamatan. Ang bait niya kasi."Dahan-dahan niyang ibinaba ang dokumento."B

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status