Chapter: ANG HINDI SINABI NI VICTORKinabukasan, isang email mula sa finance department ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng laptop.Subject: Request for Archived Marketing Expense ReportsAgad kong binuksan ang mensahe. Humihingi sila ng mga kopya ng ilang lumang marketing expense reports na naaprubahan walong buwan na ang nakalilipas.Muli, walong buwan.Ang panahong umalis si Victor.Napakunot-noo ako. Kung simpleng pagsusuri lamang ito, bakit kailangang balikan ang mga dokumentong matagal nang naaprubahan?Kinuha ko ang telepono at tinawagan ang finance department.“Good morning. Si Veronica Bennett ito mula sa marketing. Natanggap ko ang request ninyo tungkol sa mga lumang report.”“Good morning, Ma’am Veronica. May kailangan po ba kayong linawin?”“Gusto ko lang malaman kung bakit kailangang balikan ang mga iyon. May problema ba sa mga dokumento?”Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya.“May ilang detalye lang po na kailangang itugma sa archived records.”“Anong klaseng detalye?”“Pasensya na po, Ma’am. Wala
Huling Na-update: 2026-10-15
Chapter: BAKAS NG NAKARAANHindi ko kailanman naisip na ang isang ordinaryong araw sa opisina ay magbibigay sa akin ng dahilan upang balikan ang isang pangalang matagal ng hindi nababanggit.Si Victor.Ang dating finance manager ng kumpanya.Dala ang ilang dokumentong kailangan ng marketing team, dumaan ako sa financial department nang marinig ko ang dalawang empleyadong nag-uusap sa tabi ng filing cabinet.“Hindi pa rin ba kumpleto ang mga lumang report niya?” tanong ng isa.“Hindi pa. May ilang dokumentong hindi natin makita sa archive.”“Pero kailangang ma-review ang mga iyon bago matapos ang buwan.”Napahinto ako.“Pasensya na,” sabi ko habang lumalapit. “May problema ba sa mga lumang records?”Agad silang nag-ayos ng tindig nang makilala ako.“Wala naman pong malaking problema, Ma’am Veronica. May ilang dokumento lang na kailangang hanapin.”“Tungkol ba kay Victor ang mga iyon?”Nagkatinginan sila bago sumagot ang lalaking may hawak na folder.“Opo. May mga report po siyang hinawakan bago siya umalis sa ku
Huling Na-update: 2026-10-15
Chapter: Ang Mukha sa likod ng lihimMay mga pagkakataong nararamdaman mong may mali kahit wala ka pang hawak na sapat na ebidensiya para patunayan iyon.Sa buhay ko kasama si Darius, ilang beses ko nang naranasan ang ganoong pakiramdam. May mga tanong na hindi ko na itinatanong dahil alam kong hindi ko rin makukuha ang sagot na kailangan ko. May mga paliwanag siyang tinatanggap ko sa harap niya, kahit may bahagi sa akin na hindi talaga naniniwala.Hindi ko alam kung saan hahantong ang mga pagdududang iyon.Ang alam ko lang, hindi na ako kasingkampante noon.Sa bawat araw na lumilipas, mas nagiging maingat ako sa mga sinasabi ko at sa mga bagay na pinipili kong ipakita sa kanya. Hindi ko gustong malaman ni Darius kung ano ang mga napapansin ko. Kung may itinatago siya, ayokong bigyan siya ng dahilan para itago iyon nang mas mabuti.Kaya nananatili akong tahimik.Hindi dahil wala akong gustong itanong, kundi dahil alam kong may mga sagot na mas mabuting hintaying lumitaw kaysa p
Huling Na-update: 2026-10-14
Chapter: Ang Lihim sa likod ng pangalanWala akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa kabilang panig ng buhay namin ni Darius.Hindi ko alam kung ano ang kasalukuyang pinag-uusapan nina Sebastian at Marcus, kung anong mga dokumento ang sinusuri nila, o kung gaano na kalalim ang imbestigasyong kinasasangkutan ng pangalan ng asawa ko.Ang alam ko lang, may mga bagay na hindi na tugma sa mga sinasabi ni Darius.Dati, madali para sa akin ang maniwala sa kanya. Kapag sinasabi niyang may mahalagang pulong siya, hindi na ako nagtatanong. Kapag umuuwi siyang gabi na, tinatanggap ko ang paliwanag niyang marami siyang kailangang asikasuhin sa kumpanya. Kahit may mga pagkakataong ramdam kong may itinatago siya, pinipili kong huwag agad maghinala.Hindi dahil wala akong pakialam.Kundi dahil asawa ko siya.May mga bagay na mahirap tanggapin kapag ang taong pinagkakatiwalaan mo ang posibleng dahilan ng sakit na nararamdaman mo. Mas madaling magkunwaring walang problema kaysa harapin ang posibili
Huling Na-update: 2026-10-14
Chapter: Ang Bitag sa kontrataSa mga nagdaang araw, napansin kong mas madalas nang abala si Sebastian Alexander Veyron sa mga usaping may kinalaman sa negosyo nila ni Darius. Hindi ko alam ang lahat ng detalye ng kanilang mga transaksiyon, at hindi ko rin kailangang magkunwaring naiintindihan ko ang bawat dokumentong pinag-aaralan nila.Ngunit alam ko kung paano kumilos ang isang taong may natuklasang hindi niya gusto.Sa mga pagkakataong nakikita ko si Sebastian, tila may isang bagay siyang pilit na binubuo sa isip niya—isang palaisipang hindi niya kayang balewalain hangga't hindi niya nakikita ang buong larawan.Nang araw ding iyon, nakita ko siyang nakatayo sa may bintana ng opisina, habang ako ay nasa may xerox machine at hawak ang ilang papeles ng kumpanya,habang hawak ni Sebastian ang cellphone habang nakikinig sa kausap niya.May ilang segundong katahimikan bago siya sumagot.“May pangalan ni Darius sa likod ng kontrata.”Ibinaba niya ang cellpho
Huling Na-update: 2026-10-14
Chapter: Ang Transaksyon na walang resiboHindi ko alam kung bakit tila nagbago ang kilos ni Sebastian Alexander Veyron nang mabanggit ang tungkol sa Singapore trip.Kanina, maayos pa siyang nakikipag-usap tungkol sa business arrangements nila ni Darius. Ngunit nang may matanggap siyang tawag, biglang nagbago ang ekspresyon niya. Hindi siya iyong tipo ng lalaking madaling mataranta, kaya mas lalo akong nagtaka nang makita kong ilang sandali siyang nakatitig sa screen ng cellphone bago ito sinagot.Hindi ko naman intensiyong makialam. May sarili rin akong mga iniisip, at sapat nang problema ang kailangan kong ayusin sa sarili kong buhay.Gayunman, habang papunta ako sa elevator, hindi ko maiwasang mapansin na tila may mabigat na bagay na bumabagabag sa kaniya.“Why?” narinig kong tanong niya.Huminto ako sandali sa may pintuan ng elevator. Hindi ko sinasadyang marinig ang kasunod niyang sinabi, ngunit malinaw na malinaw ang boses niya.“Because the deal doesn't exis
Huling Na-update: 2026-10-14