Compartir

ANG BABALA NG AKING INA

last update Fecha de publicación: 2026-11-08 10:01:00

Hindi na ako mapakali mula nang malaman kong may taong nakalapit sa hardin ng mansiyon.

Hindi rin nakatulong ang paulit-ulit na pag-iisip ko sa mga nakasulat sa itim na kuwaderno. Pakiramdam ko, bawat pahina ay may tinatagong sagot na matagal nang naghihintay na matuklasan ko.

Nang maging abala si Roman sa pakikipag-usap sa kanyang mga tauhan at makatulog si Alex sa hapon, nagkaroon ako ng pagkakataong mag-isa.

Kinuha ko ang kuwaderno mula sa aking pouch at

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • WHEN THE UNWANTED NANNY DISCOVERED THE HEIR'S SECRET    ANG BAGAY SA ILALIM NG BATO

    Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni Roman.May taong nakakaalam ng galaw ng security namin. Ibig sabihin, hindi basta kung sino ang nakapasok sa bakuran. May posibilidad na alam niya kung saan nakapuwesto ang mga guwardiya at kung kailan pinakamadaling makalapit sa mansion."May nasaktan ba?" tanong ko."Wala namang naiulat na malubhang pinsala. Pero may ilang guwardiyong natumba dahil sa lakas ng pagsabog."Napahawak ako sa dibdib."At ang lalaking nakaitim?""Wala pa rin."Tumingin ako sa bintana. Malakas pa rin ang ulan. Halos hindi na makita ang hardin dahil sa dilim at tubig na tumatama sa salamin."Roman, baka bumalik siya.""That's why I'm increasing security."Humakbang siya papunta sa pinto at kinausap ang tauhang naghihintay sa labas."Double the guards. Walang papasok o lalabas nang walang pahintulot. I-check ninyo ang buong paligid, pati ang mga sasakyang nasa garahe."Tum

  • WHEN THE UNWANTED NANNY DISCOVERED THE HEIR'S SECRET    ANG BABALA SA GITNA NG ULAN

    Hindi ako mapakali matapos marinig ang magulong mensahe ni Bubbles.Ang itim na bato. Ang lalaking nakaitim. Ang delikadong bagay.Kung hindi lang ako sanay sa mga kalokohan ng isdang iyon, baka tuluyan na akong sumakit ang ulo. Pero sa kabila ng magulong pagkakakuwento niya, alam kong may mahalagang babala kaming natanggap."Shadow, sinabi mong may naamoy kang kakaiba sa likod na hardin?"Tumango ang aso."Opo. Hindi iyon amoy ng mga taong karaniwang nagtatrabaho rito. May kakaiba siyang amoy. Parang basang tela na may halong langis."Napatingin ako kay Duchess."May nakita ka ba?""May dumaan na anino sa may bakod kanina. Hindi ko nakita ang mukha. Masyadong mabilis.""At ikaw?" tanong ko sa lalaking daga."May narinig akong kaluskos sa likod ng mga kabinet. Pero hindi ko nakita kung sino iyon."Sumingit ang asawa niya."At siyempre, hindi niya rin nakita dahil mas abala siyang magyab

  • WHEN THE UNWANTED NANNY DISCOVERED THE HEIR'S SECRET    ANG MENSAHENG NAKALIMUTAN

    Maaga pa lamang ay abala na ang aking mga bagong imbestigador.Si Shadow ay paikot-ikot sa hardin, sinisinghot ang bawat sulok na para bang may hinahabol na kriminal. Si Duchess naman ay nakapuwesto sa may bintana, tahimik na nagmamasid sa mga taong dumaraan sa labas.Ang mag-asawang daga ay nagdesisyong siyasatin ang mga sulok sa likod ng mga kabinet, samantalang si Bubbles ay nanatili sa aquarium.Wala namang bago roon."Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya."Nag-iisip.""Tungkol saan?""Kung paano ko mapapabilis ang imbestigasyon nang hindi umaalis sa aquarium."Napailing ako. "Hindi ka talaga magbabago.""Efficiency ang tawag doon, Madam Bella."Iniwan ko muna ang silid kay di ko na nakita na may aninong dumapo sa sanga sa labas ng bintana. Isang uwak iyon. Pamilyar ang itsura nito, at tila may hinahanap na tao.Lumapit ito kay Shadow."Kaibigan!" tawag nito."May kailangan ka ba?""May mahalagang balita ako.""Naku hindi ito ang panahon may misyon ako" ang sagot no ShadowKaya

  • WHEN THE UNWANTED NANNY DISCOVERED THE HEIR'S SECRET    ANG SIKRETONG IMBESTIGADOR

    Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng uwak tungkol sa lalaking lumalabas kapag dumidilim.May taong nakapasok sa paligid ng mansion nang hindi napapansin ng security. Mas nakakabahala, tila alam nito ang mga kilos namin at ang mga bagay na natuklasan namin tungkol sa nakaraan ni Mama.Kung may nagmamasid sa amin, kailangan kong malaman kung sino.Ang problema, hindi ko alam kung saan magsisimula.Nasa silid ako ni Alex habang abala siyang nag-aayos ng mga laruang kahoy sa ibabaw ng carpet. Si Roman naman ay nasa opisina at may inaasikasong tawag. Nang matiyak kong wala siya sa silid, lumapit ako sa mga hayop."May importanteng meeting tayo."Agad na umangat ang ulo ni Shadow. Si Duchess ay nakahiga sa tabi ng bintana at tila walang interes. Ang dalawang daga naman ay magkatabing nakaupo sa maliit nilang bahay. Si Bubbles ay nasa aquarium, paikot-ikot na para bang may sariling mundo."Meeting? Tungkol ba ito sa pagkain?" tanong ni Shadow."Hindi lahat ng bagay ay tungkol sa pagkain.""

  • WHEN THE UNWANTED NANNY DISCOVERED THE HEIR'S SECRET     SINO ANG NAGPLANO

    Hindi ako nakatulog nang gabing iyon.Paulit-ulit kong binabasa sa isip ang maliit na papel na itinago ko mula sa kahon ni Mama."Ang taong nagkanulo sa amin ay hindi ang lalaking inaakala mo."Hindi si Nikolai Valtieri.Kung hindi siya ang nagtaksil, sino?At bakit may mga taong handang gumawa ng lahat para manatiling nakatago ang katotohanan?Muli kong inilabas ang papel mula sa ilalim ng unan. Maingat kong sinuri ang bawat sulok nito, umaasang may iba pa akong mapapansin.Napabuntong-hininga ako."Ma, ano ba talaga ang pinasok mo noon?"Walang sumagot. Tanging mahinang pag-ihip ng hangin mula sa bukas na kurtina ang narinig ko.Mabilis kong itinago ang papel nang makarinig ako ng katok."Pasok."Pumasok si Roman kasama si Alex. May hawak na maliit na kahon ang bata, habang nakasunod naman sa kanila si Shadow."Good morning," bati ni Roman."Kung good morning talag

  • WHEN THE UNWANTED NANNY DISCOVERED THE HEIR'S SECRET     ANG SUSI NI ELENA

    Hindi ako mapakali habang nakatitig sa pahina ng itim na kuwaderno."Kapag dumating ang araw na matagpuan mo ang susi, huwag mong hayaang ang mga Valtieri ang unang makaalam kung ano ang nasa loob."Napahawak ako sa noo.Paano ko itatago kay Roman ang tungkol sa susi kung nasa kamay na niya ang mismong bagay na hinahanap ko?Hindi ko alam kung bakit ganoon ang bilin ni Mama. Hindi ko rin alam kung ano ang laman ng kahong mabubuksan nito.Pero isang bagay ang malinaw.May dahilan kung bakit ayaw niyang malaman iyon ng mga Valtieri.Maingat kong isinara ang kuwaderno at itinago sa ilalim ng mga damit ko."May problema ka na naman."Napalingon ako kay Duchess. Nakaupo siya sa may paanan ng kama habang inaayos ang balahibo."Marami," bulong ko."Kung tungkol iyan sa susi, alam kong may alam ka."Napatingin ako sa kanya."Paano mo nalaman?""Kanina ka pa nakatitig sa bag mo na

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status